Moonlight Throne (Gazellian S...

By VentreCanard

3.2M 272K 102K

Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world... More

Moonlight Throne
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 48

40K 4.5K 2.7K
By VentreCanard

You can listen to the song above to feel the chapter. Thank you!

Chapter 48: Sigaw

Nagsisimula nang lumubog ang araw.

Kusang nag-angat ang aking mga mata sa kalangitan kung saan unti-unti nang yumayakap ang kadiliman.

Noo'y naroon lang ako sa itaas, nakatanaw at nagmamasid. Sumasaksi ng pag-iibigang nagmula sa aking mga kamay at naniwalang ang responsibilidad na iyon ay aking panghahawakan hanggang sa kahuli-hulihan ng aking hininga, ngunit hindi akalaing darating ako sa puntong ito—na ako'y mangunguna sa isang napakalaking digmaan.

Sinong mag-aakala na ang maliit na diyosang nakayuko, lumuluha sa kalungkutan at walang katapusang pagkabigo, habang ang mga kamay na sugatan ay nakatago sa kanyang likuran at tahimik na pinakikinggan ang harapang pang-iinsulto sa kanya'y ngayo'y may hawak nang hindi pangkaraniwang responsibilidad?

Tila ang memoryang iyon ng nakaraan ay nakakulong sa isang napakalinaw na salamin na ngayo'y unti-unti nang nabibitak at nagkakaroon ng malalaking lamat, hanggang sa iyo'y tuluyan nang nabasag.

Mula sa pag-ukit ng isang likhang sining mula sa maliit na patalim at mahiwagang kahoy, sa mga likhang kailanman ay hindi binigyang pansin ng lahat—ang maliit na diyosang hinahamak ng lahat, ang mga sugat na nagdurugo sa kanyang mga kamay at ang kirot na nais niyang ikubli habang nakatago iyon sa kanyang likuran, ang mga anino ng nagtaasang diyosa na nakatalikod sa kanya at pinagtatawanan siya... lahat iyon ay unti-unti nang napapalitan ng magagandang alaala.

Ang mga insulto, panghahamak, at mga mata ng pagkabigo'y na nagdala sa akin ng matinding lamig sa kabila ng mundong inakala ko tanging init at pagtanggap ang parating hatid ay napalitan ng mundong kay tagal na palang naghihintay sa akin. Ang mga insulto'y napalitan ng papuri, ang mga panghahamak ay napalitan ng walang katapusang respeto at higit sa lahat ang mga mata ng pagkabigo'y napalitan ng mga matang punung-puno ng pag-asa, paghanga at walang katapusang tiwala.

Sino ako upang hindi itaya ang aking buhay sa mundong kumupkop sa akin at ipinadama sa akin ang totoong init ng tahanan, pamilya, at pagmamahal?

Sino ako para isawalang bahala ang walang katapusang sakripisyo ng mga naunang nilalang na sinubukang ilaban ang mundong ito?

"Dastan..."

Saglit lumingon sa akin ang minamahal kong hari, tipid kaming tumango sa isa't isa bago ko piniling lumipad papalayo sa tabi niya. Hinayaan kong magpatuloy ang usad ng kanyang batalyon at pinabagal ko ang aking paglipad hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili sa gitna ng pormasyong tatsulok.

Nasisiguro kong may bahid na ng kapangyarihan ng mga diyosa ang aming mga kalaban, isa lang ang ibig sabihin niyon, hindi nila magagawang tuluyang matalo ang mga kalaban kung wala rin silang bahid ng kapangyarihan ng isang diyosa.

Kailangan nila ng kapangyarihan ko.

Hinayaan ko munang manatili sa pag-usad ang aming batalyon, ngunit pinanatili ko ang aking sarili sa gitna ng tatsulok habang mataas na lumulutang sa kanilang lahat. Kapwa nakabuka ang aking mga braso, nakatuwid ang isa kong paa habang ang isa'y bahagyang nakaangat sa likuran. Ang aking buong katawa'y nagsisimula na rin magliwanag, kasabay ng espadang hawak ni Dastan na siyang nagmistulang gabay sa aming lahat.

Ang apat na bandilang sagisag ng Nemetio Spiran na kapwa hawak ng mga itinakdang prinsipe'y higit pa nilang itinaas. Ang mga anino nitong yumawagaway tila yinayakap ang kabuuan ng aming batalyon—isinisigaw ang aming iisang mithiin.

Malalakas na yabag ng mga kabayo, ingay ng iba't ibang uri ng armas, at putok ng mga kanyon ang siyang unti-unting lumalakas—isang senyales na malapit na kaming makarating puso ng digmaan.

Bago ko tuluyang ibahagi sa kanila ang aking kapangyarihan at ang aking basbas, muling napaangat ang aking mga mata sa nagdidilim na kalangitan. Tila nagkaroon na rin ng batalyon ng mga iba't ibang klase ng ibon ang siyang nagmamadali at nagliliparan papalayo sa lugar kung saan kami patungo.

Napakaraming ibon na saglit inagaw ang ingay na dala ng aming batalyon. Hindi lang ako, kundi pati na rin ang karamihan sa kanila'y napatingala sa pagkamangha. Hindi pangkaraniwan ang dami ng mga ibon na may iba't ibang uri ang siyang lilipad nang sabay-sabay, isa lamang ang ibig sabihin niyon—higit na kaming malapit sa reyalidad.

Hindi ko na muli hinayaan pang maagaw ang aking atensyon, agad ko nang pinangningas ng ginto ang aking mga mata, hinayaang mabagal na umikot ang aking buong katawan habang ang aking buong katawan ay kusang gumawa ng maliliit na sinag na unti-unting yumayakap sa napakalaking tatsulok.

Ang sinag na nagmumula sa aking katawan at ang liwanag na nagmumula sa espada ni Dastan ay nagsisimula nang mag-isa, tila nagkaroon ng isang liwanag na gawa sa gintong buhawi sa gitna ng tatsulok. At sa puso ng gintong buhawi'y may higit na nagliliwanag—ang aking mga matang punung-puno ng emosyon.

Natigil ako sa pag-ikot ngunit ang buhawing liwanag ay nanatiling gumagawa ng hangin sa aking paligid na nagsisimula nang magpakawala ng maliliit na liwanag na unti-unti nang tumatama sa bawat likuran ng aming mga mandirigma.

"Para sa Nemetio Spiran..." panalangin ko habang mabagal na pinagdadaop ang aking mga kamay sa tapat ng aking dibdib, kasabay nang marahang pagpikit ng aking mga mata.

Mabilis nang naglakbay ang aking kapangyarihan sa aming batalyon na nagawa ko nang basbasan ang halos kalahati ng aming tatsulok. Patuloy ako sa aking panalangin at sa pagtawag sa iilang mga diyosang may iisang mithiing katulad ko.

Diyosa Eda. Diyosa Neena. Diyosa Talisha. Diyosa ng Asul na Apoy.

At nang sandaling nagmulat ako ng aking mga mata at handa ko nang tapusin ang pagbabasbas para sa natitirang mandirigma, hindi ko inaasahan ang siyang sasalubong sa akin.

Bago ko pa igalaw ang aking dalawang mga kamay at proteksyunan ang sarili ko mula sa isang atakeng may basbas ng higit sa sampung diyosa, gahibla na lamang ang distansya ng napakalaking palaso patungo sa puso ko na tiyak na kikitil sa akin.

"M-Mahal na reyna!"

Hindi ko na nagawa pang kumurap at napatulala na lang ako sa bilis ng sitwasyon, at halos hindi ko na nagawang humugot ng paghinga sa biglaang atakeng iyon.

Higit sa sampung diyosa... tiyak ang aking kamatayan. Nais na talaga nila akong tapusin.

Ngunit nagising lamang ako mula sa panibagong pagkabigla dahil sa pamilyar na ingay na hindi ko inaasahang nilalang na agad ipakikita ni Dastan sa lahat.

Ang malaking palaso na akala ko'y aagaw na sa aking buhay na hanggang ngayon ay gahibla na lamang ang distansya sa akin ay natigil sa ere, mula sa matutulis na kuko ng nagliliwanag na ibon. Marahas na nahati sa gitna ang palaso sa aking harapan.

At isang nakabibinging sirena mula sa matinis na boses ng napakalaking gintong ibon ang siyang yumanig sa lahat.

Kusang bumaba ang aking mga mata kay Dastan. Ang kanyang mga mata'y matalim na nagnininngas habang nakatitig sa unahan, tila ang kanyang mahabang nakataling buhok na nililipad ng hangin ay katulad na ng sa akin na nagkukulay ginto na rin dahil sa repleksyon ng espadang kanyang hawak.

"Mga lapastangan!"

Ang sigaw ni Dastan ay tila hudyat ng panibagong matinis na sirena ng gintong ibong nasa himpapawid.  

Tatlong uri ng liwanag ang nagyaman sa aming batalyon, mula sa akin, kay Dastan, at sa gintong ibon na kanyang simbolo. Ang liwanag na nagmumula sa amin ang siyang tuluyang naghayag ng kasalukuyan naming kinalalagyan.

Nakarating na kami sa puso ng digmaan.

Ang una naming batalyon ay pinamumunuan nina Haring Tobias at ng mga magkakapatid na Viardellon, at maging ng mga Thundilior.

Nang makita nila ang pagdating namin nina Dastan, nagliwanag ang kanilang mga mukha na tila nagsisimula nang mawalan ng pag-asa. Agad umikot ang aking mga mata. Kumuyom ang aking mga kamay nang makita ang mga nakahandusay na mga kawal mula sa iba't ibang lahi.

"Ipinapangako ko... ito na huli... ipinapangako ko..."

Katulad ni Dastan ay ibinigay ko na ang aking buong atensyon sa unahan. Hindi ko na dapat hayaan pang maulit ang atakeng iyon. Hindi ako maaaring maging pabigat kay Dastan sa labanang ito.

"We are outnumbered, Your Majesty," rinig kong sabi ni Lily.

Mas tumanaw ako sa panig ng mga kalaban, walang tigil ang pagdating ng kanilang mga batalyon mula sa iba't ibang direksyon. Lalong dumiin ang pagkakakuyom ng aking mga kamay dahil alam kong kami na ang huling batalyon ng Parsua.

Si Caleb at ang mga Atteros na lang ang maaari naming hintayin.

"Ngunit ganito rin kami noon, Lily, may ulo pa naman kayo ngayon ni Adam," ani ni Rosh na tila wala sa digmaan.

"They are just numbers," dagdag ni Zen.

"Worthless numbers," diin ni Seth.

Habang papalapit na ang aming batalyon upang tuluyan nang sumama sa aming naunang batalyon, pansin ko ang bahagyang pag-angat nina Rosh, Blair, Seth, at Zen sa pagkakaupo kanilang mga kabayo habang hawak sa isang kamay ang bandilang kanilang mga hawak.

"You dare attacked our queen first!" malakas na sigaw ni Zen.

Tumigil na sa paghalo ang liwanag ng espada ni Dastan sa akin at marahas niya iyong ibinaba at itinutok sa unahan upang higit na utusan ang lahat na bilisan ang pagpapatakbo.

Apat na malilit na liwanag ang kumawala sa espada ni Dastan, buong akala ko'y isang atake lamang iyon upang ipahiwatig ang unang atake ng hari, ngunit agad kinilala ni Dastan ang apat sa mga diyosang umatake sa akin.

Hinayaan ni Dastan na mauna sa kanya ang apat na itinakdang prinsipe.

Ang liwanag mula sa kanyang espada ang nagmistulang gabay o ang kanyang utos sa apat na itinakdang prinsipe, dahil sina Rosh, Seth, Blair, at Zen ay sabay-sabay nang tumalon mula sa kanilang tumatakbong mga kabayo at gamit ang yakap ng kanilang mga kapangyarihan na may basbas ko at ang liwanag na sinusundan nila mula sa espada ni Dastan, pinakawalan nila nang ubod ng lakas ang kanilang mga hawak na bandila.

Tumagos sa katawan ng apat na diyosang nagkukubli mula sa iba't ibang direksyon, dumanak ang napakaraming gintong dugo...

At muli sa nakalipas ng daang taon, nasaksihan ng lahat ang muling pagtindig sa lupa ng bandila ng dating Nemetio Spiran—apat na bandila ang yumagayway sa ilalim ng buwan.

Apat na anino ang isa-isang tumindig at humawak sa bakal na poste ng mga bandila.

Isa-isang bumaba sa ere ang itinakdang prinsipe ng propesiya, ang kanilang mga paa'y walang habas na tinapakan ang mga katawan ng mga diyosang walang puso habang ang kanilang mga ulo'y nakaangat at walang pag-aalinlangan.

Lumakas ang matinding ihip ng hangin.

Hindi na namalayan ang takas na luha sa sulok ng aking mga mata. At nang sandaling muli kong sulyapan ang aking hari, ang mga mata niyang bumubuga ng apoy kanina'y napalitan niya ng ngisi ng panunuya.

"That is for attacking our queen first!" sigaw naman ni Seth.

Sina Zen, Blair, Rosh, at Seth ay wala man lang alinlangan at matitikas na nakatindig sa gitna ng digmaan habang hindi inaalis ang mga kamay sa kanilang mga bandila.

"Dadaan muna kayo sa bangkay naming apat!" mas marahas na sigaw ni Rosh.

Hindi na nawala ang sarkastikong titig ni Dastan sa kabilang batalyon. Buong akala ko'y inilabas na ni Dastan ang una niyang atake sa pamamagitan ng kanyang gintong ibon, ngunit ibinigay niya pa rin ito sa apat na itinakdang prinsipe.

"They are stealing the spotlight, Evan!" sigaw ni Finn.

"I know."

Ngunit bago pa man maunang patakbuhin nina Finn at Evan ang kanilang mga kabayo, nauna na sina Casper at Harper, marahas itinaas ng kambal ang kanilang kanang kamay at kapwa sila sumigaw nang napakalakas.

"FIRE!"

Malakas na sigawan ang sumunod mula sa mga kawal na tuluyan nang sumugod at sinuong ang puso ng digmaan. Sunud-sunod ang putukan ng mga kanyon, ang banggaan ng mga kalasag, sagupaan ng mga espada, lipad ng mga pana at palaso, at maging ang iba't ibang klase ng mga kapangyarihan mula sa iba't ibang nilalang.

Si Dastan ay nanatili na sa kanyang posisyon at hinayaang mauna ang lahat sa kanya, ganoon din ako na nanatiling lumulutang sa likuran niya. At iisa ang pinupunto ng aming mga mata.

Si Tatiana at ang mataaas na diyosa, at ang dalawang haring kanilang matagumpay na minanipula—Haring Ahren at Haring Claudeous.

Katulad namin ay nanatili sila sa likuran at alam kong may higit pa silang itinatagong paraan upang kitilin kami ni Dastan at patuloy na linlangin ang mundong ito.

Kung maaari lang namin iligtas ang dalawang haring iyon...

Sabay tumakbo ang kabayo nina Haring Ahren at Haring Claudeous patungo sa direksyon ni Dastan, hindi na sila hinintay pa ni Dastan dahil agad niyang din pinatakbo ang sa kanya upang salubungin ang dalawang hari.

Agad iyong napansin ni Zen kaya agad siyang sumigaw nang napakalakas. 

"GIVE OUR KING A WAY!"

Tila dagat na unti-unting nahawi ang napakalaking batalyong nagsasagupaan dahil gumawa ng posisyon ang pinakamakakapangyarihang bampira ng Parsua.

Sa pangunguna nina Zen, Rosh, Blair, at Seth malinaw kong nasasaksihan ang matikas na pangangabayo ni Dastan sa gitna ng digmaan, dala ang kanyang nagliliwanag na espada, nagniningas na mga mata, nililipad na mahabang buhok, nakalabas na pangil at ibong siya'y sinusundan.

Hindi lang ang dalawang hari ang ngayon ay sumusugod, dahil sa himpapawid ay gumagawa na ng grupo si Tatiana at ang napakaraming diyosang kanyang nabilog kasama ng mga nakatataas na diyosang dati'y hinahangaan ko.

Kung kanina'y boses ni Zen ang nangibabaw sa lahat, ngayo'y panibagong Gazellian ang nagbaba ng utos.

Malakas na sumigaw si Lily na maging ang mga diyosa'y naagaw ang atensyon.

"LET'S GIVE OUR QUEEN A POWERFUL BACK-UP!"

Sa ilalim ko'y humilera ang lahat ng pinakamalalakas na babaeng nilalang ng Emperyo ng Parsua.

Si Lily at Harper na nakasunod ang lahat ng babaeng lobo. Si Claret at ang lahat ng mga makakapangyarihang babaylan, si Naha na nakasakay rin sa isang puting lobo habang nasa balikat niya si Kalla. Si Marah Le'Vamueivos, at ang mga babaeng Thundilior.

Malakas na halakhak ang siyang sumalubong sa amin mula kay Tatiana.

"Sa tingin mo ba'y magagawa kaming matalo ng mga inutil—"

"Hindi pa kami kumpleto, inutil na diyosa," mabilis na sagot ng pamilyar na boses.

Nang sandaling sundan ko ang pinanggalingan niyon, tila kinurot ang aking puso. Ang demonyong babaeng tagapangalaga ng relikya ay humilera sa tabi nina Lily.

"Nagsisimula pa lang kami," sa tabi ni Harper ay biglang nagpakita ang anghel na tagapangalaga ng relikya.

Muling nabalot ang kalangitan ng pinaghalong kulay ng mga pakpak—ang mga anghel at demonyo ng Nemetio Spiran.

Ngayo'y halakhak ni Lily ang nangibabaw na may halo ng panunuya sa mga diyosa.

"EVERYONE! HEAR THE QUEEN'S FIRST ORDER!" sigaw ng panganay na prinsesa ng mga Gazellian.

Huminga ako ng malalim at isinigaw ang aking kauna-unahang utos sa gitna ng digmaan.

"UBUSIN SILANG LAHAT!"

Continue Reading

You'll Also Like

9K 104 6
ⓒ2017 GIRLINLOVE (Jade Maragrette S. Pitogo) Illustrations by Alysse Asilo Book design and Layouts by Krystle B. Malinis
28.5K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
495 81 13
To all people who's suffering in a failed relationship, to those who want to exert revenge, and to those who's having a hard time forgiving the one y...
4.9M 341K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...