LOVE , LIES WITHIN YOU (FRAND...

Amyfinity_writes09 द्वारा

107K 9.4K 1.1K

LOVING YOU IS A LOSING GAME अधिक

00
C1
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C30
C31
C32
C33
C34
C35
C36
C37
C38
C39
C40
C41
C42
C43
C44
C45
C46
C47
C48
C49
C50
C51
C52
C53
C54
C55
C56
C57
C58
C59
C60
C61
CH61
C62
C63
C64
C65
C66
C67
C68
C69
C70
C71
C72
C73
C74
C75
C76
C77
C78
C79
C80
C81
C82
C83
C84
C85 End

C2

2.2K 131 4
Amyfinity_writes09 द्वारा

Jaydee's Pov

"Dong? Hindi kasi ako mapakali eh. Anong plano mo? Maglalaro ka ba mamaya o aattend ka ng debate para sa student council election? Nais ko lang malaman gayung para mas mapaghandaan namin yung magiging kapalitan mo sa posisyon." Tanong sa akin ni Kuya abbiel , napatingin naman si Gabb sa akin at Lara na nag aantay din ng kasagutan ko. Nasa basketball court kasi kami ngayon , nag soshooting lang para maging consistent mamaya at hindi mag struggle sa mga tira.

"Hmm sorry to say this but I will attend the debate later. Ayun lang din kasi ang alam kong way para mapalapit akong muli kay frances , ever since naging kami ay puro basketball na lamang ang inatupag ko kaya kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makabawi at mabawi yung reyna ko? I'll grab that opportunity Kuya abbiel" ang laki ng sinayang ko dahil lang sa basketball na to , di ko na siya nabigyan ng oras at pinaramdam ko sa kanya na hindi siya importante sa akin.

"Uhm eh paano yan? Alam na ba yan ni coach? Ikaw yung captain dito dong, baka masibak ka pa dahil importante yung laban mamaya! Nasa semi finals na tayo oh at game 4 na mamaya at nasa 2-1 lead pa yung kalaban natin , isang panalo nalang ang kailangan nila at sila na ang mananalo ng series na to , malaking kawalan ka sa team kapag hindi ka naglaro mamaya" sabi ni lara sa akin napabuntong hininga naman ako dahil doon , for sure hindi papayag si coach na hindi ako makalaro mamaya. Alam ko naman na kailangan ako ng team mamaya pero personal life ko na yung pinag uusapan dito which is alam ko na mas matimbang para sa akin bilang tao.

"It will be a tough game jaydee kung wala ka don mamaya sa laban , you know naman na semi finals na to at delikado ang lagay natin since lamang ang kalaban sa series. But I respect your decision naman" dagdag naman ni ate abby , alam ko na gusto niya akong supportahan but since importante din yung laban mamaya ay parang nagkaroon tuloy ako ng doubt kung itutuloy ko pa ba ang balak ko.

"Kaya nga jaydee pag isipan mong mabuti tsaka alam mo ba na umuusbong ang balita na yung team captain din ng kalaban natin ay nanliligaw kay queen?!" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Gabbo sa akin, si jay yung team captain ng FEU pero malabo yun gayung kaibigan ko yun magmula elementary at hindi naman ako gagaguhin nun.

"Huh? Si Jay ba? Imposible kaibigan ko yun eh at tsaka may girlfriend yun gabbo at baliw na baliw siya dun" napailing iling na sabi ko kay gabb impossible naman kasi na manligaw siya kay frances kahit na nagbreak man sila nung girlfriend niya. Hindi ganung tao si Jay kahit na medyo loko loko yun.

"Baliw iba na yung captain nila at hindi na si Jay kundi si Kielle , natatandaan ko ayan yung nakaaway mo din dati eh nung kayo pa ni Madie kasi panay aligid sa ex girlfriend mo. Mukhang magiging dejavu ah sapagkat yung ex mo naman na ulit yung target niya. Mukhang idol ka ata ng mokong na yun " what the heck? Pangarap ata nitong kielle na to na manulot eh , nung nagbreak nga kami ni madie ay naging sila tapos ngayon na nagbreak kami ni frances siya naman yung target niya.

Napayuko naman ako nang biglaang bumukas yung pintuan at iniluwa nito si Kuya Brei na kasama sila Dean , Ali na varsity player din ng basketball. Di nga kami nagpapansinan dahil sa nangyari noon sa amin ni frances akala nila nagcheat ako kay frances ngunit di ko sila masisisi dahil naaktuhan nila na may kasama akong babae sa may condo ko.

Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na nga matandaan yung nangyari nung gabing iyon ang alam ko lang may biglang sumuntok sa akin habang ako ay natutulog na siyang dahilan upang magising ako.

"Hoy dong! Malapit na mag 12pm oh at magsisimula na yung debate sa student council! Magpaalam kana kay coach at pumunta kana sa coliseum dahil nandodoon na daw sila amanda at hinihintay ka na dumating" sabi pa sa akin ni Kuya abbie at kitang kita naman nang dalawang mata ko ang biglaang pagngisi ni Kuya brei nang marinig niya yung sinabi ni Kuya abbiel sa akin.

"U-uhm C-coach? I don't know kung nabalitaan niyo na yung balita but running for Vice President of the student council po kasi ako and may debate po kasi kami ngayon doon na dahilan upang hindi---" napatigil naman ako sa pagsasalita nang biglaang hawakan ni coach yung balikat ko saka tinignan ako nang diretso.

"Jaydee if yung sasabihin mo sa akin ay hindi ka makakapaglaro dahil aattend ka doon sa pisteng debate na sinasabi mo ay wag mo nang balakin pa! Mas importante yung laro ngayon dahil semifinals na at 2-1 na yung series at in favor pa sa kalaban natin. Ano uunahin mo pa ba yun? Council lang yun jaydee , wala yung ambag sa future career mo" napapikit naman ako nang mabilis upang makapag isip saglit , this game is important but importante din yung opportunity na makuha kong muli si frances sa pamamagitan ng pagkapanalo ko sa election. Yeah I know I'm sure na siya yung mananalo sa president kasi lahat ng mga kasama ko ay siya ang iboboto tapos yung mga kakilala naming lahat ay sinabihan namin na iboto si queen. Bali yung president namin sa green partylist ay tumutulong din sa akin upang mapalapit muli kay Frances.

"Coach I'm sorry pero hindi talaga ako pwedeng maglaro ngayon kasi importante din sa akin yung election at kapag hindi ako umattend doon ay madidisqualified ako as running for Vp which is ayokong mangyari" malungkot na sabi ko mabilis naman na nag iba yung reaksyon ni coach na para bang nagpipigil nalang ng inis at galit sa akin.

"So okay lang sayo na hindi maglaro kasi mas importante yung sa student council huh? Tama ba ako! Garcia , you're the team captain ng basketball team na ito! You're an ace here na malaki ang maitutulong sa team para manalo , para saan pa na sobrang tagal ng iyong ginugol sa training this past few years at ngayong nasa semi finals na ay sasayangin mo? Kampyeonato ang nakasalalay dito Jaydee! Hibang ka na ba?" Mahabang turan niya sa akin , alam kong saksi siya kung gaano kahirap ang pinagdaanan namin. Ngunit hindi ko din naman pwedeng isa alang alang ang pagkakataon na meron ako ngayon. Sa mga susunod na araw din ay hindi na ako pwedeng bumawi pa kay Francese gayung pansamantalang babalik ako ng US para makadalo sa libing ni Mommy at nais ko sanang kasama ko si Queen sa araw na iyun.

"Sorry coach but as much as I wanted to play ngunit buo na ang desisyon ko. Coach please let me do what I think is the best for me , kahit ngayon lang coach." maikling saad ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo at napakamot na lamang sa may bandang sentido niya na tila bay nastress sa naririnig niya sa akin.

"Then if that's the case jaydee , I'm sorry too because you'll be giving up your captain position at tatanggalin kita as a starting five pag natalo tayo sa series at sisiguraduhin kong ibabangko kita sa paparating na MBL League!" Malakas na sabi niya sa akin , napaisip naman ako dahil doon at naramdaman ko na may nakahawak sa balikat ko. Mabigat ngunit a greater risk has a great reward also at kung ano man ang mawala sa akin ngayon dahil sa pinili ko ay handa akong harapin iyun.

"Team let's warm up!" Sigaw niya pa sa mga co member namin , binigyan lang naman ako nila Kuya abbie nang malungkot na ekspresyon. Napabuntong hininga naman ako habang pinagmamasdan sila na kasalukuyang nakabihis na at nalungkot  ako nung makitang nginisihan akong muli nila Kuya brei , dean pati si ali.

Kung kaya'y napaisip ako saglit, Will I gave up my basketball career? Na pinaghirapan kong mapabilang sa starting 5 at maging captain ng team na to , kaya ko bang mawala yun lahat sa akin? Argh bahala na I'll better chose to be with frances again kahit walang kasiguraduhan.

Napasenyas na lamang ako kila Kuya abbie , gabrielle at lara na aalis na ako saka binigyan lang naman nila ako nang  matamis na ngiti kaya tumakbo na ako papuntang coliseum at maya maya pa ay nakarating na ako roon sa bilis ko ba namang tumakbo at masasabi kong ako na lamang pala ang natatanging kulang rito.

"Buti naman nakarating ka jaydee kanina ka pa namin hinihintay , sure kana ba dito? May laban kayo ngayon ah? Huwag mo naman sanang pagsisihan ang araw na ito gayung mukhang malaking gulo ang pinasok mo." Napabuntong hininga nalang ako dahil doon , for sure magagalit si coach sa akin ng sobra lalo na si dad kapag nalaman niya ang ginawa ko. But handa akong harapin ang mga consequences ng action ko ngayong araw.

"Yeah I'm sure na kyla! Anyway saan yung upuan natin ngayon? We'll need to be ready dahil for sure hindi magpapatalo yung partylist ng reyna ko hihi" napadako naman ang tingin ko kay frances na ngayon ay nakaupo na sa may kabilang side at may binabasa siya sa may papel , handang handa na siya sa platoporma na sasabihin at plano niya.

"Yeah kaya maghanda ka na kasi for sure ikaw ang tatargetin nilang lahat dahil basketball player ka at kikuwestyunin nila yan. Hindi sila ganun ka kumbinsido sa ipinaglalaban mo gayung athlete ka at hindi pang court lang ang posisyon na tinatahak mo." itong debate na to hindi ako mag eexpect na tungkol talaga to sa campaign for sure its between me and Frances talaga dahil most of them sa partylist ay galit sa akin dahil sa nangyari.

"I'm ready for that Pres and please don't worry! Uhm baka Jaydee Nathaniel Garcia po ito!" Nakangiting sabi ko pero deep inside sobrang kinakabahan na talaga ako sa mangyayari mamaya.

Meanwhile

"Talagang pinanindigan ni Garcia na nais niyang maging parte ng Student Council , Okay! You'll regret it garcia! Brei? You're the new captain now! Dean ikaw yung papalit kay jaydee sa starting five from now on! Okay boys? Let's win this game okay? With or without jaydee kaya nating maipanalo itong laro! Naniniwala ako sa kakayanan niyong lahat!" sigaw ng coach nila at naghiyawan naman ang lahat ng mga tao sa may basketball court. Nakaready nadin yung mga kalaban sa kabila , puro matatangkad silang lahat at parang nararamdaman nila na matatalo sila ngayon na wala si jaydee na isa sa mga ace player nila.

"Lagot ka dong! Si brei pa talaga yung napili ni coach na maging captain ngayon natin for sure pahihirapan niya si jaydee sa bawat practice natin" sabi pa ni gabb , napabuntong hininga nalang silang tatlo ni lara dahil doon at tsaka minabuti nila na mag focus na lamang sa gaganaping laban.

"Let's focus nalang sa game at sana manalo tayo! Pangarap natin na makapagchampion kaya ito na yung opportunity para magawa yun kailangan natin na manalo para magkaroon pa ng game 5" medyo malungkot na sabi ni abbie , tumango nalang yung dalawa sa kanya at nagpunta na sila sa may gitna dahil magsisimula na yung laro.

"RTU! Fight! Fight! Fight!' sigaw ng team nila upang ganahan sila sa pagsimula ng laban. Kabadong kabado sila sa unang pagtapon ng bola sa itaas sapagkat walang kahirap hirap na nakuha ng kalaban nila iyun , kaya dali dali din silang naka iscore.









Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Oh, Brother! Lihi Porat द्वारा

फैनफिक्शन

9.1K 168 20
Someone new is coming to town. Someone very special to LazyTown's lazy villiain. Rated T for language and self-harm.
336 58 7
𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐓𝐢𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐤𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐡𝐞𝐫 𝐝𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐞𝐥𝐥𝐬 𝐲𝐨𝐮 𝐬𝐭𝐮𝐟𝐟 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐡𝐞𝐫 𝐋𝐢𝐟𝐞 <333
The Ruby in the Storm Milla द्वारा

ऐतिहासिक साहित्य

41K 3.1K 48
***The Girl Underground, Book 3*** "You know me better than anyone else," Lucy told her mother. "So you know what I am willing to do to end this. I a...
15.2K 83 8
THIS STORY IS FOR EVERYONE, EVERYONE CAN READ THIS. SLOW UPDATE INTERSEX GXG I'LL HOPE YOU ENJOY THE STORY BY:Vrlj_Hkr PLEASE ENJOY