Game Over (EndMira: Ice -- bo...

By alyloony

28.9M 742K 198K

Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad... More

Intro
chapter 1 (01/05/15)
Chapter 2 (01/08/15)
Chapter 3
Chapter 4 (2/2/15)
Chapter 5 (2/9/15)
Chapter 6 (2/17/15)
Chapter 7 (2/24/14)
Chapter 9 (3/19/15)
Chapter 10 (3/28/15)
Chapter 11 (4/6/15)
Chapter 12 (4/15/15)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 [6/16/15]
Chapter 17 (6/20/15)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Last Chapter)

Chapter 8 (03/13/15)

710K 16.7K 2.4K
By alyloony

Chapter 8

[Timi’s POV]

 

“Pang-apat na baso na natin ‘to, pero hindi mo pa rin kinukwento ang gusto mong ikwento,” sabi ni Rika habang naglalagay ng Jhonnie Walker scotch whiskey sa baso. Medyo namumula na ang mukha niya.

            Kanina pa nag-alisan ang mga boys matapos nilang magkalat dito sa condo namin ni Rika. Tambak ng hugasin ang sink namin at nagkalat ang pinagkainan nila ng lasagna at cake. Nag volunteer naman si Geo at Kite na magligpit pero pinalayas na namin sila dahil gusto na naming mapag-solo ni Rika.

            I smiled at her, “mas ma-s-shocked si Kite pag nakita ka niya na marunong ka na ring uminom ng alcoholic beverage. Medyo madali ka nga lang malasing.”

            Napailing si Rika, “hay naku Timi, don’t change the subject, ano na ang ikukwento mo? Dali na habang sober pa ako at may kakayahan pa akong makapag-advice ng matino.”

            Nag sip ako sa iniinom kong whiskey, bumuntong hininga ng malalim, tintitigan si Rika, at napahagulgol na lang ako ng iyak.

            “Hayop na lalaking yun! Ang hirap kalimutan! Nakakabwiset!” pahikbi-hikbi kong sabi kay Rika habang tuloy-tuloy na talaga ang pag-agos ng luha sa mata ko.

            “Alam mo yung feeling na, ginawa mo na ang lahat. Lumayo ako sa kanya, sinubukan kong pumasok sa ibang relationship, ginawa ko ang lahat makalimutan ko lang siya. Pilit ko na siyang inaalis sa isip ko then there comes a point na akala ko wala na talaga. Hindi na ako naapektuhan. Hindi ko na siya mahal. Then boom, nakita ko lang siya nasayang lahat ng pinaghirapan ko over the years. Nasayang ang effort ko na kalimutan siya. Isang ngiti pa lang niya, nagwawala na naman ang bobo kong puso.Ang bobo bobo bobo ng puso ko. Nakaka bwiset! Alam yun ha, Rika? Alam mo yun?”

            Tinignan ko si Rika na nakatulalang nakatingin sa akin. Nagulat ata sa bigla kong pag ngawa. Ibinaba niya ang baso na hawak niya, bumuntong hininga, at bigla na lang din siyang umiyak.

            What the hell?

            Lasing na ba ‘to?

            “Uy, na feel mo ba ang na feel ko kaya ka umiiyak?”

            “Actually,” mas napahagulgol ng iyak si Rika. “Nakaka relate akoooo! Ganyan! Ganyang-ganyan din ang nararamdaman ko, Timi! Ganyang ganyan! Na tumbok mo!”

            Napatakip ako ng bibig.

            “Oh my gosh, don’t tell me---? Wait. Hindi ka pa ba over kay Kite?”

            Rika looked at me with her tear-stained face, “akala ko over na, hindi pa pala.”

            “Oh my gosh. Ano bang ginawa sa atin ng mag pinsan na ‘yan?”

            “Eh ewan. Mga bwiset sila. Nakakainis sila.”

            Itinaas ko ang baso ko, “para sa mag pinsan na heartbreaker.”

            Itinaas din ni Rika ang baso niya at nag toast kami.

            “Cheers!” sabay naming sabi sabay inom ng whiskey.

            “Pero Timi, nung nagkita kayo ni Ice, anong sinabi mo sa kanya?”

            “Nag panggap akong hindi ko siya kilala,” medyo napatawa ako. Effective ng acting ko nun. Kaso alam kong nakikita ni Ice ang totoo.

            Nakakabwiset.

            “Ikaw,” tinuro ko si Rika. “Ikaw naman nung nakita mo si Kite kanina, nag panggap ka nang over sa kanya.”

            Nag-kibit balikat si Rika, “eh ayun lang naman ang tanging magagawa natin ‘di ba? Ang magpanggap. Ang mag pretend na okay lang tayo, naka moved on na tayo sa kanila, wala na tayong paki, masaya na tayo. But the truth is grabeng tsunami ang pinadaan nila sa feelings natin!”

            “Rika, ang lalim ng hugot nun ah? Pero shet ka, ang sakit!”

            Itinaas ni Rika ang baso niya, “para sa dalawang babaeng mapagpanggap.”

            At nag toast ulit kaming dalawa.

            “Cheers!”

            Ibinaba ni Rika ang baso niya at sumalampak sa sahig.

            “Sana si Geo na lang ang magustuhan ko. Sana siya na lang. Ang gentleman niya, ang bait niya, gwapo pa, maalalahanin, maalaga, at mahal na mahal ako. Ba’t kasi hindi na lang siya ‘no?” I saw another teardrop escaped from her eyes.

“Pag si Geo ang minahal mo, ang swerte mo.”

            Nginitian ako ni Rika, “feeling ko magiging swerte ka rin kay Kite. Mahal na mahal ka kasi niya eh. Mula noon pa.”

            Napaiwas ako bigla ng tingin kay Rika, “Rika, sorry ah?”

            Napaayos naman siya ng upo.

            “Hmm? For what?”

            “Y-yung kay Kite….” I trailed off.

            Nakatingin lang sa akin si Rika habang ako naman, hindi ko siya magawang tignan.

            Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

            Sorry kasi dumating pa ako. Sorry kasi naging istorbo ako sa nararamdaman ni Kite.

            Oo, nalaman ko, nung una ang gusto talaga niya ay si Rika. Na pumasok siya dati sa Prince Academy dahil kay Rika. Na matagal na pala niyang kilala si Rika kahit hindi siya kilala nito.

            Eh kaso umeksena ako. Dumating ako.

            Then he fell in love with me.

            Nagbago ang nararamdaman niya ng dahil sa akin.

            Kung alam ko lang….

            “Ba’t ka humihingi ng tawad sa isang kasalanang hindi mo nagawa?”

            Napa-angat ang tingin ko kay Rika.

            “Timi, hindi mo naman kontrolado ang nararamdaman ni Kite eh. Wala kang kasalanan.”

            Napangiti ako habang pumapatak na ang luha sa mata ko.

            “Thank you ah, Rika?”

            Ngumiti si Rika at bigla na lang din siya napatawa.

            “Grabe, lasing na tayo. Iyak tawa tayo eh.”

            “Ikaw lang!” pag dedefend ko sa sarili ko.

            “Lasing ka na rin! Bigla kang drumama eh.”

            Tinungga ko ang bote ng whiskey. Wala nang baso baso.

            “Minsan sarap magpakalasing!” sabi ko sabay salampak din sa sahig.

            “Timi, pagsisisihan natin ang paginom natin ngayon bukas pagkagising natin.”

            “Hayaan mo na, bukas pa naman eh.”

            Pareho kaming napatawa ni Rika at nakatulog kaming dalawa habang nakasalampak sa sahig na parang mga baliw.

            ~*~

The next morning, naka-ilan mura ako pagkagising ko. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Parang binibiyak.

            “Hindi na ako iinom!” sabi ni Rika habang nag b-breakfast kami.

            Ininom ko ang kape na tinimpla ko, “ang sakit na ng puso ko, pati ba naman ulo ko nakiki-join?”

            “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa atin, sana coke na lang ang ininom natin kagabi.”

            Sabay kaming napa-buntong hininga dalawa.

            Tinitigan ko yung pandesal at kape na nasa harap ko at bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi.

            Napaniginipan ko si Erin.

            Oo, sa dinami-rami ng panaginip ko, ba’t ang babae pang yun.

            Pero nakaka bother.

            Sa panaginip ko kasi, tumatakbo si Erin papalapit sa akin. Umiiyak siya. Nanghihingi ng tulong. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko habang ako naman, tinititigan ko lang siya. Hindi ako kumikibo. Tas bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Tapos sabi niya, kinuha ko na ang lahat sa kanya. Lahat sila inagaw ko na. Maraming taong nakapalibot sa akin, maraming taong nagmamahal sa akin. Samantalang siya, oonti na lang, kinuha ko pa.

            Ang weird ng panaginip ko. Alam kong panaginip lang yun pero ewan, parang naapektuhan ako.

            Ba’t parang totoong-totoo?

~*~

 

Mga bandang 1pm ako nag punta sa restaurant ko. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang mag stay magdamag sa condo at humilata. Ang sakit-sakit kasi ng ulo ko. Bwiset na hang-over ito oh ang tagal mawala.

            “Hi.”

            Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na yun at napalingon ako sa likuran ko. At ayun, nakita ko ang lalaking dahilan ba’t nagpaka-lasing ako kagabi.

            “What are you doing here?”

            “That is a very warm greeting to your customer, Ms. Stephanie,” nakangiting sabi ni Ice.

            Ba’t siya ngiti nang ngiti lately! Nangaakit ganun? Pa-fall na naman, ganun?

            Bwiset siya!!!

            Effective.

            May inilabas na maliit na notebook mula sa bag si Ice at binuklat ito. Iniabot niya sa akin ito at nakita kong planner pala ‘to. At sa ilalim ng date ngayon, nakasulat na may another food tasting kaming gagawin para sa pina-add niyang pagkaing sa menu.

            I muttered a curse.

            Ngayon nga pala yun. Bwiset! I totally forgot.

            “Nakalimutan mo?”

            Tumayo ako ng maayos, “of course not. Gusto ko lang na bagong gawa ang hors d’eouvre bago mo tikman.”

            “Really?” he asked me while looking so amused.

            Nakakabadtrip.

            “Yes. Really. Wait, I’ll go to my kitchen at mag p-prepare na ako.”

            Humanda kang mag-laway sa ihahanda ko, Monasterio!

            Ibinalik ko sa kanya ang planner niya at patalikod na sana ako nang mapatingin ako sa entrance at nakita ko ang pumasok. Parang bigla akong na-bato sa kinatatayuan ko.

            “Ice, sabi ni mama nag punt aka raw dito kaya naman—“ napahinto rin siya ng makita niya ako.

            “E-Erin…” halos pabulong na sabi ni Ice.

            Fuck.

To be continued...

****

Waaaaaah nakabalik na akooooo! Salamat sa pag aantay! Pasensya na po medyo natagalan. Wahaha nag bakasyon lang si author. Susubukan kong tuloy-tuloy ang update hangga't wala pang masyadong ginagawa. Pero salamat sa pagtyatyaga <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
42.8M 903K 54
After being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the...
79.1M 1.5M 60
"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase...
30.8K 289 6
The reason why I'm writing.