Moonlight Throne (Gazellian S...

By VentreCanard

3.2M 272K 102K

Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world... More

Moonlight Throne
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 46

38K 3.9K 2.1K
By VentreCanard

Chapter 46: Kasagutan

Nabuhay akong kinilalang ang mga diyosa na ang siyang masasabi kong pinakamataas at maganda sa aking mga mata. At ang Deeseyadah na dati'y maituturi kong isang paraiso. Ngunit sa paglipas ng mga panahon at nang sandaling higit akong namulat sa katotohanan, marami na akong mundong nasaksihan, mga lugar na hindi ko inaasahang mararating ng aking mga paa, at mga tahanang aakalaing kong hindi na aabot o kaya'y lalampas sa aking paghanga.

Ngunit sinong mag-aakala na sa likuran ng madilim na kweba'y may tila isang mundong ipinagkait nang napakatagal na panahon at piniling sadyang ikubli sa napakaraming mga mata ng mundong ito.

Kung kilala ang Deeseyadah sa mala-ginto at kristal nitong kapaligiran, ang Parsua Sartorias sa nagagandahan nitong mga puno, at ang Parsua Deltora sa dami ng kanilang naglalakihang anyong tubig, at maging sa iba't ibang mundong siyang aming pinagdaanan upang makalap lang ang susi, tila ang lahat ng iyon ay pinagsama-sama sa likuran ng kwebang ito.

Kilala ang Parsua Deltora sa mga talon, karagatan, ilog, lawa, at maging mga sapa. Ilang beses na rin akong nakarinig ng iba't ibang alamat na konektado sa kanilang dagat o kaya'y lawa. Ngunit kailanman ay hindi ako nakarinig ng deskripsyon tungkol sa isang napakataas na talon na siyang sumalubong sa aming mga mata ngayon.

Napakataas niyon na sa sandaling mag-angat kami ng tingin ay halos masilaw kami sa liwanag ng kalangitan. Maging ang malalaking ibon na nagliliparan sa itaas ay hindi magawang matanaw ng tuluyan dahil sa liwanag na siyang sumasalubong sa amin.

Tila ang daang tinahak namin papasok ng kweba'y nagmistulan lamang lagusan patungo sa ibang mundo. Ang napakataas na talon ay dumadaan sa mga naglalakihang bato na niyayakap na ng mga bermuda, tila ang mga iyon ay nagkaroon pa ng iba't ibang palapag kung saan ay may mga nagtitindigang kakaibang uri ng mga puno.

Sa puso ng talon ay isang napakagandang babaeng tila ilan daang taon nang nakahimlay at nakalutang habang ang iba't ibang parte ng katawan ay may yakap ng halamang ugat. At ang mga kamay na nakadaop ay may nag-iisang hawak na pulang lotus.

Ang siyang binabagsakan ng tubig ng talon ay gumawa ng mistulang ilog dahilan kung bakit sa aming pagtakbo patungo roon ay nabasa ang aming mga paa na ngayo'y bahagya nang nakatubog sa tubig.

Bagaman maraming kulay ang makikita sa mga oras na iyon, kapansin-pansin ang iisang kulay ng mga paru-parong nagliliparan sa paligid—kulay puti.  

Ngunit bukod sa babaeng nakalutang sa gitna ng mataas na talon, mula sa madamong palapag na bato kung saan umaagos ang tubig ay may matikas na nakatindig na uri ng hayop na masasabi kong hindi pangkariniwan.

"A deer?" tanong ni Blair.

"It's not a normal deer. Look at its horn," sagot ni Hua sa kanya.

Kailanman ay hindi pa rin ako nakasaksi ng ganitong uri ng usa, kahit sa mga usang matatagpuan sa Deeseyadah ay kakaiba ang presensiyang ibinibigay nito.

"Even the eyes..." usal muli ni Blair.

Pula ang mga mata ng usa.

Hindi lang sa babaeng nakalutang sa gitna ng talon at sa usa na siyang tila nagbabantay sa kanya ang siyang umaagaw ng aming atensyon, kundi ang mga nilalang na ngayo'y mariin din nakatitig sa amin at pinakikiramdaman ang siyang susunod naming kilos.

"These creatures... hindi sila naninirahan sa Nemetio Spiran. This place is just the connection, the portal to their real world," kompirmasyong sabi ni Hua.

"Why do we have a connection with them? And even consider this cave hiding something that would hold a great power—" hindi na pinatapos ni Hua si Blair.

"Alliance. Alliance to another world. A great world is power, Blair. Kung hindi ako nagkakamali'y sila'y nagmula sa natatanging mundo o masasabi kong iisang mundo na may koneksyon sa iba pang mundo. This world can name hundred kinds of other worlds. Dahil kung hindi kweba'y, bubuo sila ng ibang uri ng lagusan na konektado sa kanila," paliwanag ni Hua.

Pamilyar na ako sa iba't ibang mundo ng mga nilalang na nakilala ko sa mundo ng Nemetio Spiran, ngunit ang mga nilalang na nasa harapan ko'y hindi ko akalaing totoo.

Sa Nemetio Spiran ay kilala na ang mga diyosa o ang mga bampira bilang siyang malalakas. Ngunit ano ang mata ito? Bakit kailanman ay hindi ako nakarinig ng tungkol sa kanila?

"Ano sila?"

"They are the Atteros. Most of them can cast spells with touch of elements, or in this world or even in human world they can call as wizards, but powerful Atteros can transform themselves as different creatures, mostly mystical animals. Kung iisipin, tanging malalakas na hari lang ang may kakayahang magbago ng anyo sa Nemetio Spiran, like King Thaddeus, Dastan...but in their world it's just common," muling paliwanag ni Hua.

Lahat kami'y napalingon kay Hua. Nanlalaki ang mga mata ni Claret, nakakunot ang noo ni Blair habang walang emosyon si Nikos.

"Y-You..." nag-aalangang sambit ni Blair.

Tipid na yumuko sa amin si Hua.

Nang nasa Deeseyadah pa lang ako'y isa nang katanungan ang pinagmulan ni Hua. Siguro nga'y nasagot ang katanungan tungkol sa haring kailanman ay titingalain niya, ngunit isa pa rin katanungan ang kanyang pinagmulan.

"I am an Attero. I came from their world, Fevia Attero."

Lahat kami'y natahimik sa mga salitang binitawan ni Hua. Iyon ba ang dahilan kung bakit tila napakamakapangyarihan niya?

Paanong ang makapangyarihang nilalang na katulad niya'y naging tagasunod ni Haring Clamberge o kaya'y maging ako?

Piniling hindi pansinin ni Hua ang pagkagulat namin at pinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag sa amin.

"But there are rumors that there are few bloodlines in Nemetio Spiran who can shapeshift without a blood of a king..."

Kusang umangat ang isa kong kamay at itinuro ang matikas na  usang nakatindig pa rin sa mataas na bato, at hanggang ngayon ay madiing nakatitig sa amin.

"Siya'y hindi isang Attero. Nagmula siya sa mundong ito," nasisigurong sabi ko.

Kung ikukumpara ang presensiya ni Hua at maging ng mga nilalang na nasa harapan namin sa ang usang nasa itaas, nararamdaman ko ang malaki nilang pagkakaiba, ngunit tila may pamilyar akong nararamdaman sa kanya.

Habang gumagala ang mga mata ko sa nakahilerang nilalang sa paligid ng ilog na kapwa nakatitig sa amin, pilit kong inaalala ang pamilyar na presensiyang nararamdaman ko.

Ang mga nilalang na nasa harap namin ay kapwa mga lalaki, mahahaba ang kanilang may taling buhok, may bandana sila sa kanilang ulo at may nakasipit na tatlong puting balahibo mula sa hindi pangkaraniwang ibon, wala silang pantaas na kasuotan, sa halip ay telang puti lamang sa pang-ibaba nilang katawan at kapwa rin may bahid ang kanilang mga pisngi ng tila puting pintura. May mga kwintas din sila na may nakasabit na maliit na relikya na hugis ng isang trumpeta, dalawa lang ang kulay na makikita sa kanilang kwintas, berde at asul.

"They are the gatekeepers and the messengers. The trumpet signifies the message or even the way of welcoming. The color of their necklace signifies the element they possessed," dagdag ni Hua.

"Why the hell are you here?" biglang tanong ni Nikos kay Hua.

Nagkibit balikat lang si Hua. "That's my story to tell."

"Then... who are they? Why are they trapped here?" tanong ni Claret na naguguluhan na.

"Nagmula sila sa Nemetio Spiran, minsan ko nang—" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko dahil naputol na iyon ng boses na nagmula sa aking likuran.

"Yes. Because that deer is my father. King Raheem Le'Vamueivos, sacrificed his body to live with my mother while guarding the last piece of flower that will make this world united again. This cave..." tumigil sa paglalakad si Rosh sa gitna namin at kusang gumala ang kanyang mga mata. Marahan iniluhod ang isa niyang paa, habang nakatuon ang isang braso niya roon at ang isang kamay ay banayad na sumalok ng tubig mula sa ilog.

Pinagpatuloy niya ang pagsasalita. "The water that is flowing here is connected to the Sea of Eronia, the most mysterious sea in Parsua Deltora—a portal to this cave."

Sina Zen, Seth at Caleb na kasunod lamang ni Rosh ay piniling manahimik, ngunit bakas na sa kanila ang pagkagulat sa mga salitang nagmumula sa Prinsipe ng Deltora.

"Why would I risk my life trying to help every one of you, Gazellians and your life threatening journey to rebuild the forgotten world? Why would I risk my life to bring back the old Nemetio Spiran? Because it wasn't just King Thaddeus' who fought the same dream..." unti-unti nang humarap sa amin si Rosh.

Nagkaroon na ako ng hinala na may nilalang siyang importante sa kanya na maaaring nakulong sa kwebang ito, pero ang kaalamang ito'y ang kanyang mga magulang...

Kailan ba ako nagkaroon ng impormasyon tungkol sa nagdaang hari't reyna ng Parsua Deltora?

"My parents...had the same dream. They fought for this world. At katulad n'yo... mga Gazellian, ipinagpapatuloy ko."

"The late King and Queen of Parsua Deltora," usal ni Seth.

Hindi na naghintay pa ang lahat ng nilalang na nagmula sa Nemetio Spiran ng mga oras na iyon, sa pangunguna ni Rosh, buong paggalang siyang lumuhod sa mga magulang niya na ngayo'y pag-aari na ng kweba, at agad iyong sinundan ni Zen, Caleb hanggang lahat kami na naroon ay kapwa yumuko at nagbigay respeto sa dalawang royalidad na sumubok at lumaban katulad ni Haring Thaddeus.

Nakagat ko ang mga labi ko.

Hindi lang ang mga Gazellian ang siyang may malaking parte ng kasaysayan ng Nemetio Spiran, kundi pati na rin ang dugong nanalaytay sa prinsipeng ngayo'y nasa harapan ko.

Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang nagsalita ang isa sa mga tagabantay ng kweba na tila hinayaan muna kaming kilalanin ang siyang nasa harapan namin.

"Tulad ng sinabi ko noon ang pananatili rito, bagaman nagbuksan ang kweba gamit ang mga relikya ay may limitasyon pa rin."

"Ermm, excuse me?"

Lahat kami'y nasa tagabantay ang atensyon ngunit nang magsalita si Caleb habang bahagyang nakaangat ang isang kamay ang bumasag sa tensyon namumuo sa lahat.

"I am bothered. That idiot..." itinuro niya si Rosh. "He can open the cave. No sweat. Bigyan n'yo po sana ako ng magandang paliwanag bago ko gatungan ang kapatid ko at ibulong na gawin siyang matigas na yelo. All of us almost died while completing the relics!"

Umikot ang mga mata ni Rosh.

"The relics can welcome multiple guests. Sarili ko lang ang kaya kong ipasok sa kweba... maybe because of my parents," kibit balikat na sabi ni Rosh.

Saglit kaming nagkatitigan ni Nikos, habang sina Claret at Blair ay nanatiling tahimik tungkol sa narinig mula sa mga salitang binitiwan ni Nikos bago kami tuluyang nakapasok sa kweba.

"What happened to them? Bakit sila narito? Iba ang nalalaman ng Parsua tungkol sa kanila..." pinutol ni Rosh si Zen.

"Why? Is it just Gazellian who can manipulate the truth?" tanong ni Rosh.

"Tell more," matigas na sabi ni Zen.

"We're running out of time," sagot sa kanya ni Rosh.

"What happened to the King and Queen? Bakit sila umabot sa ganito?" tanong ni Seth.

Bumuntong hininga si Rosh. "Let's all accept that the safest place here in Nemetio Spiran is inside this cave, dahil walang kahit sino ang basta na lang makakapasok dito. The safest place means the safest place to hide. My mother was chosen. She's a protector of a sacred item—the red lotus. Huling sangkap upang mabuo muli ang Nemetio Spiran."

Tumalikod na muli sa amin si Rosh at hinarap niya ang isa sa mga Attero.

"If you're wondering why King Thaddeus brought me here inside, it's because of my parents. He told me all their sacrifices and asked for my help for his children. Katulad ng pagtulong sa kanya ng mga magulang ko hanggang ngayon."

Gusto kong umiling at sabihin sa kanya ang katotohanan kung bakit nagagawa niyang makapasok dito ng walang kahirap-hirap, kaalamang piniling itago ni Haring Thaddeus sa kanya.

"Maybe every one of you thought that I am one of the King's pawn or even Queen Talisha, but those secret letters that hold me gave me ideas on how to conquer this alliance with these creatures."

"Letters?" nagtatakang tanong ni Caleb.

Nasisiguro ko na ako lang ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon.

Nagkibit balikat si Rosh.

"Our mother knows something about these creatures?" tanong ni Zen.

"Of course, she has her own Attero serving her for years," tipid na sagot ni Rosh.

Sabay napasinghap sina Caleb at Zen. "L-Lumps!"

Hindi na muli nagpaliwanag pa si Rosh at buong atensyon niya'y sa lalaking nasa harapan namin.

"We are asking for your alliance. We are about to face the biggest war in Nemetio Spiran. Allow me to introduce our world's queen," humakbang ng ilang beses paatras si Rosh at inilahad niya ang kanyang braos patungo sa akin upang ibigay sa akin ang atensyon ng tila pinuno ng mga tagabantay.

Pinasalikop ko ang aking dalawang kamay at yumuko ako sa harapan ng lalaki.

"Sana'y ipahiram n'yo sa amin ang inyong lakas. Nangangako akong habangbuhay ko itong ipagpapasalamat."

"Hindi ganoon kadali ang lahat, binibini. Dapat ay may isa sa inyong humamon sa amin ng isang duwelo at patunayang karapat-dapat ipahiram ang aming kapangyarihan. Ikaw ba ang—"

Hindi lang si Rosh, lahat ng kalalakihan ay humakbang pauna upang sabihin na sila ang lalaban para sa akin.

"Ako sapagkat sa akin inihabilin ni Dastan si Leticia," matigas na sabi ni Zen.

"Nararapat lang na ako dahil ilang beses nang ibinuwis ni Leticia ang kanyang buhay para sa akin," sabi naman ni Nikos.

"Ako na lang. Powerful naman ako," bahagyang nakaangat ang kamay ni Caleb.

"And the consequences when you fail... are you aware of it? You will become like my father. Allow me to face this duel, Leticia... choose me."

Lahat sila ngayon ay nakatitig sa akin at hinihintay kung sino ang siyang pipiliin ko. Malaki ang tiwala ko sa kanilang lahat at hindi ako mapapagod manalangin na sila'y magtatagumpay, ngunit hindi ba't pagpili rin ito kung sino ang isasakripisyo?

"S-Sino...?" bulong ko sa aking isipan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 61.7K 22
Over Series, Book #1 || Breakups are one of the things that Lei dreads, may it be a romantic relationship or friendship. So when her first boyfriend...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
998K 76.4K 53
Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never be entangled with them or that's what sh...
9K 104 6
ⓒ2017 GIRLINLOVE (Jade Maragrette S. Pitogo) Illustrations by Alysse Asilo Book design and Layouts by Krystle B. Malinis