After The Sunset

By FallenMademoiselle

1.1K 61 0

Elementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Author's Note

Epilogue

54 2 0
By FallenMademoiselle

Wherever I go, I am reminded of your beautiful face. Wishing that you are near because you make me feel alive. But I couldn't close the distance between us...so I kept hoping to be with you again and when that comes I will lock you in my arms forever.

---

I glanced at the window. I smiled upon seeing my Mama drawing near. She's just on time to pick me up. I was not able to listen to what my teacher was saying because I am too excited to go home and start painting. Ang boring kasi ng klase. Madalas naglalaro lang kami. Kung alam ko lang na ganito I should have asked Mama to enroll me sa Art Classes instead. Pero wala din naman akong magagawa. Kasi kahit doon ako mag-enroll, panigurado na kakailanganin ko pa ring pumasok sa Kindergarten kapag natapos ko iyon. 

Hindi ko namalayan na nagsisilabasan na ang mga kaklase ko. Kaya kaagad akong tumayo at kinuha ang bag para mapuntahan na si Mama. Nanatili si Mama na nakatayo kung saan ko siya nakita kanina. May kausap siyang babae na siguro'y ka-edad niya. May kasama siyang batang babae. She looks like an angel. I wanted to see her face even more kaya lumapit pa ako. Ngunit huli na ang lahat dahil nakatalikod na ito sa akin. 

Mama waved at me when she saw me. I smiled at her but I couldn't help but look at the back of the little girl hoping she would turn around. But, she didn't.

"How's your day?" tanong ni Mama sa akin habang naglalakad kaming dalawa. Siya na ang may hawak ng bag ko.

"It's boring Mama. You should have enrolled me in Art Classes instead" I didn't want to lie to her. 

"Jack, we talked about this already. You can take the art classes during summer" I sighed in defeat. At a young age, I was captivated by pieces of art. Madalas kasi akong isama nina Lolo at Lola noong nandito pa sila sa Pilipinas kapag may mga art exhibit silang pinupuntahan. Isa siguro iyon sa mga rason kung bakit nahulog ang loob ko sa pagpipinta. Nakikita ko din kasi sila kung paano gumawa ng mga obra maestra na nabebenta nila. Ang iilan naman ay mga collection. It was a natural talent...I guess?

I continued going to school although it's boring. Halos kaladkarin pa ako ni Mama para lang pumasok ako. Pero nang makita ko siya ulit, parang hindi na kakailanganin pang gawin iyon ni Mama. Kusa na akong papasok dahil may dahilan na ako.

"Hello! Ako nga pala si Maeve Gabriella G. Valderrama. Four years old. Ang palayaw ko ay Maggy" nagising ako dahil sa narinig na boses ng isang batang babae. Nakayuko pa rin ako. Istorbo naman. Nang marinig na umingay ang upuan malapit sa akin ay saka lang ako umalis sa pagkakayuko. Napatingin ako sa gilid at laking gulat ko ng makita ang isang pamilyar na mukha. Ito iyong babae kahapon! I wanted to stare at her face ngunit bigla siyang napatingin sa gawi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Kinuha ko nalang ang coloring materials at coloring book na nasa bag ko. Ano bang nangyayari sayo Jack?

Kinabukasan, hindi na kinailangan pa ni Mama na kulitin ako para pumasok. Nagulat siya dahil doon. Hindi naman din siya nagtanong. Natuwa pa nga siya. Pagdating ko ay nandoon na siya. Kinabahan kaagad ako dahil sa presensiya niya. Naupo ako sa upuan na malapit sa kanya nang biglang may magbigay sa akin ng candies. Hindi naman ako kumakain noon dahil binabawalan ako ni Mama. 

"Do you want some?" tanong ko kay Maeve Gabriella. Hindi siya makasagot. Nakatingin lang siya sa mga candies na hawak ko kaya linapag ko nalang sa table niya. Nabigla ako ng bigla siyang tumayo at ibalik iyon sa akin.

"Magagalit ang Mama ko kapag kumain ako ng candies. Ayoko ring pumunta sa dentist baka bunutin niya ang ngipin ko...Ako nga pala si Maeve Gabriella G. Valderrama. Four years old" sabi niya sa akin habang nakangiti. 

"Jack Evander Gonzalez de Silva. I am five years old" sagot ko naman sa kanya.

"Ang haba naman ng pangalan mo...." 

"Ikaw din naman mahaba ang pangalan mo" 

"P-pwede ba kitang makalaro?" bakit naman gugustuhin niyang makalaro ang isang lalaki? Hindi ba dapat mga babae ang mga magiging kalaro niya? Hindi naman ako mahilig sa barbie at lutu-lutuan. 

"Okay lang..." maging ako ay nabigla sa sagot ko. Ano bang pumasok sa isip ko at pumayag ako? On that day, we had an activity. Siya ang ka-partner ko. She looks clueless. Masyado pa siyang bata para magaral. Dapat sa kanya ay naglalaro pa sa bahay. Kaya ako nalang ang gumawa noon dahil magaling naman ako sa pagkukulay. Tinuruan ko nalang siya. She's a fast learner! I wrote our names on the top of the paper when I noticed that she was also looking at it.

Jack Evander G. de Silva

Maeve Gabriella G. Valderrama

"Anong gusto mong itawag ko sayo?" tanong ko sa kanya. Her name is too long. I can't call her Maeve Gabriella all the time.

"Maggy...Ikaw ba? Anong gusto mong itawag ko sayo?" 

"Kung ano ang gusto mo..." sagot ko naman. Linabas ko na ang mga crayons para makita kong maigi ang mga kulay.

"C-cede..." sagot niya.

"Cede, then" ngumiti ako sa kanya. I wanted to ask her why she wanted to call me that. Habang tinatapos ko ang activity namin ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung bakit Cede. But I also feel happy because she's the very first person who gave me a nickname. 

My days at school became better because of her. She was like my sunshine. Naging isa siya sa mga dahilan kung bakit gusto kong pumapasok araw-araw. Her presence alone makes me feel alive. I don't know why. I pleased her with all her requests. I joined her when she wanted to play. We ate together and I treated her whenever she wanted something. Being with her is really fun. 

We were about to ride the seesaw when she had her tuhod and siko scratched. I was worried when I saw it bleeding. Kaagad ko siyang pinuntahan para tignan ang sugat niya. Si Kuya Jace naman ay nanghiram ng first aid kit. 

"K-kuya..." halos maiyak siya habang idinadampi ni Kuya Jace ang bulak na may alcohol sa kanyang balat.

"Mabilis lang 'to Maggy. Kapag hindi natin nalinis ang sugat mo ay baka ma-impeksiyon. Sa una lang masakit. Tumingin ka sa ibang direksiyon para hindi mo makita.." sumunod siya sa sinabi ni Kuya Jace. Nakatingin siya sa ibang direksiyon to distract herself from feeling the pain. 

"Ssshhh...." pinupunasan ko ang mga luha niya. I feel sorry for her. Hindi na dapat kami nag-attempt na mag-seesaw. Hindi sana siya nasugatan. 

"Oh...bakit nakabusangot 'yang kapatid mo Jace?" tanong ni Mama kay Kuya Jace. Kanina pa kasi ako nakatunganga. Hindi mawala sa isip ko na nasugatan si Maggy.

"Nasugatan yung kalaro niya Ma"

"Lalaki?"

"Babae Ma" linapitan ako ni Mama.

"Mama it was my fault" sabi ko sa kanya.

"It's not your fault anak...Huwag mong sisihin ang sarili mo"

"Kung pinauna ko sana siyang bumaba baka hindi siya nasugatan" Mama just hugged me. I feel guilty for what happened. "Mama when I grow up, I want to heal the wounds of people who have one. Para na rin ako na ang gagamot kay Maggy kapag mayroon siyang sugat"

"I thought you want to be a famous painter like Vincent van Gogh?"

"Nagbago na ang gusto ko Mama" because of that, I became more cautious. Ayokong masugatan ulit si Maggy kaya doble ang pag-iingat namin. 

I taught Maggy how to paint. She was hesitant at first. But she did really great. I couldn't be more proud after she accompanied me while painting a sunset. There's a little difference with the two sides. Inayos ko nalang pagkaalis niya. I didn't want to disappoint her. She poured all her heart with that.

During her birthday, Mama wanted to surprise her. Kaya naman sa amin sila dumiretso sa araw na iyon. I got her some stuffs which she can use to draw or paint. She has a talent and I want her to develop it. Hindi na ako mabibigla kapag isang araw bigla siyang nakilala dahil sa mga gawa niya. 

I remember that she wanted to watch the sunset. Kaya naman I watched it with her. 

"Happy Birthday Maggy! Make a wish" wika ko sa kanya. Pa-simple kong kinuha ang paper bag habang seryoso siyang nakatitig sa sunset.

"Ano ito?" pagbaling niyang muli sa akin ay nagulat siya nang iabot ko sa kanya ang paper bag.

"My gift for you. Buksan mo na" ngumiti ako sa kanya. Her eyes twinkled as she opened it.

"Hala! Ang dami!" 

"You deserve to have them..." hindi nawawala ang ngiti niya. Nabigla ako ng bigla siyang lumapir para bigyan ako ng isang yakap. 

 "Thank you Cede! Thank you talaga!" Wala na akong ibang nagawa kung hindi yakapin siya pabalik. The smile on her face is really priceless. 

"Promise...I'll watch more sunsets with you, Maggy" I said out of nowhere. Hindi ako nagsisisi na dinala ko siya dito. I also promise to make you happy because I don't want you to lose the smile you have on your face. 

I will watch more sunsets with you because I know how much you adore it. I will watch more sunsets with you and create new memories that will last a lifetime. 

I never thought that our kindergarten graduation will be the last time I will see her. I expected her to be with me in the same school as elementary students. But, I was wrong. 

"Mama, dito rin po ba mag-aaral si Maggy?" tanong ko kay Mama nang dalhin niya ako sa elementary school na malapit sa amin. 

"Hindi ko alam, anak. Nag-migrate na yata sila sa California" nalungkot ako dahil doon. Ibig sabihin, malayo na si Maggy sa amin? Paano na kami manonood ng mga sunset ng magkasama? 

"Kung ganon, kailan daw po sila babalik? Nakausap niyo po ba si Tita Marielle?" tanong ko ulit kay Mama. She just gave me a small smile.

"Hindi ko ma-contact eh anak. Pero susubukan ko" sabi ni Mama. Hindi ko alam kung paano ko nakayang mag-aral habang naghihintay kay Maggy. I didn't want to study alone. I wanted to be with her. Gusto ko siyang alagaan at bantayan. I want to protect her at all costs. I want to be there for her baka mamaya ay masugatan na naman siya. 

There were days when Mama had to force me to get up just to go to school. I feel unmotivated dahil wala naman akong ilo-look forward to pagpasok ko. Pero paano kung nasanay lang ako sa presensya niya? 

But then one day, I thought of Maggy. Paano kung bigla siyang bumalik at malaman niya na nagkakaganito ako? Ano nalang ang iisipin niya? Baka mamaya ay magalit siya sa akin. Kaya nagpursigi ako sa pag-aaral. Hindi iyon matutuwa kung pangit ang makukuha kong marka sa school. Kailangan kong magsikap.

Kaya ng malaman na may training under sa Medical Society, hindi ko talaga ginustong sumali. Wala akong interes. Ginamit pa ng mga teachers ang mga kaibigan kong sina Hanes at Ian para lamang mapapayag ako.

"Tungkol saan ba kasi ang training na iyon?" iritable kong tanong sa kanila. Kakalabas lang namin ng school at kanina pa nila ako kinukulit.

"Training daw with doctors and nurses" sagot ni Ian.

"Hindi ba gusto mong maging nurse?" tanong naman ni Hanes.

"Ano namang mapapala ko doon?"

"Chika babes!" lokong sabi ni Ian. Napailing nalang ako. Sinabi ko iyon kay Mama. She encouraged me to try it. Kaya wala akong naging choice kung hindi ang pumayag. Wala naman din sigurong mawawala kung susubukan ko.

Sa unang araw ay orientation ang ganap. Si Hanes ay halos kilala ang mga taga-ibang schools dahil madalas siyang ipadala ng school sa iba't ibang mga patimpalak. Si Ian naman ay kinakaibigan ang mga kakilala ni Hanes. Gusto lang makahanap ng babae. Ang bata-bata pa namin pero babae na ang iniisip.

"I nominate Maeve Gabriella Valderrama for Vice President" ang kawalan ko ng interes sa pagsali sa training na ito ay biglang nagbago nang marinig ang pangalan niya. Tama ba ang narinig ko? Napatingin ako sa babae na paakyat ngayon sa stage. Kumalabog ang puso ko ng mapagtanto na si Maggy nga iyon! Nandito si Maggy!

"Ang ganda nung Maeve, Jack. Tignan mo" sabi ni Ian sa akin habang tinuturo si Maggy. Yes, she is really beautiful. Mas gumanda at tumangkad siya. Hanggang balikat na ang kanyang straight na buhok. She is still skinny but her face became more defined. Her features are soft but her brown eyes are alluring. Huling beses na nakita ko siya ay ilang taon na rin ang nakakaraan.

"Type mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo"

"Hindi ka magugustuhan non" ayaw niya sa playboy. Ang tipo sigurado niya yung mga katulad ko na matino. I smirked at my thought. Paano ko naman nasabi na kagaya ko ang tipo niya? Nang malaman ko na magkakaroon ng groupings, kaagad kong inalam kung anong group si Maggy. 

"Hanes palit naman tayo ng upuan oh.." sabi ko sa kanya. Naga-assign lang kasi ng number ang doctor na siyang nagsasalita kasalukuyan. 

"Bakit?"

"Nilalamig ako eh" nakatutok kasi ako sa aircon. Kaagad naman itong pumayag. Kaya nang sabihin na Group 1 ako ay napangiti ako. Victory!

"Ang swerte mo naman Jack! Ka-group mo si Maeve!" sabi ni Ian. Ngumisi ako dahil doon. Magaling ako eh. 

Lumapit ako sa lugar kung saan naka-pwesto ang mga ka-grupo ko. Gusto ko sanang malapit kay Maggy kaso okupado na ang mga iyon. Kaya umupo nalang ako sa bakanteng upuan. Nang magtama ang aming mga mata ay parang hindi ako makahinga. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Mama, umuwi na ba sila Tita Marielle?" tanong ko kay Mama pagkatapos kong makita si Maggy sa training. 

"Huh? Wala pang tao sa kanila anak. Bakit?"

"Kasama ko po kasi sa training si Maggy kaya akala ko umuwi na sila" kung hindi pa sila umuwi, bakit si Maggy lang ang nandito?

Naging mas excited ako sa mga sumunod na training. Na-kwento ko rin kay Mama na magkasama kami ni Maggy doon. Kaagad naman siyang natuwa. Tinanong niya rin ako kung nagkausap na ba kami. Ang sabi ko hindi pa dahil medyo nahihiya pa ako. 

Sa tuwing malayo ang tingin niya ay saka ko lang siya napagmamasdan. Hindi ko alam kung bakit pero gandang-ganda talaga ako sa kanya. Hindi ko nga lang siya magawang kausapin dahil kinakabahan ako. Natatakot din ako na baka mamaya mailang siya sa akin kapag bigla ko nalang kinausap. 

Laking gulat ko nang isang beses ay makita ko siya sa simbahan. Saktong nagse-serve ako sa araw na iyon. Sana pala ay hindi nalang para kasama ko sana sila Mama na nakaupo. Pero ayos lang din dahil natitignan ko siya kahit papaano. 

Lord, sana po makausap ko na ulit si Maggy. Pakitanggal naman po ang kabang nararamdaman ko sa tuwing magkaharap na kami.

Nang matapos ang misa ay gusto ko nalang puntahan sina Mama. Baka sakaling makausap nila ang mga kasama ni Maggy. Ang Lolo at Lola niya siguro iyon. Ngunit huli na ang lahat dahil pagpunta ko kila Mama ay nakasakay na sasakyan sila Maggy. 

"Maggy...Sorry nga pala kanina" iyon ang unang beses na kinausap ko siya. Nagtalo kami kanina dahil sa activity. Parang blessing in disguise pa iyon na pinagtalunan pa namin ang sagot doon.

"Okay lang 'yun. Mabuti nga at pinagpilitan mo ang sagot mo. Kung hindi, hindi sana tayo perfect" sagot naman niya sa akin.

"Ang tagal na kitang hindi nakikita..." 

"Kila Lola na kasi ako nakatira. Umalis din kasi si Mama..."

"Pasensya na kung hindi kita pinapansin sa mga unang araw ng training. Hindi ko kasi alam kung paano. Akala ko din kasi hindi mo na ako naaalala. Mauna na ako. Kapag may oras ka pwede ka namang bumisita sa amin. Welcome na welcome ka pa rin sa bahay. Hayaan mo akong bumawi sa mga taong hindi tayo nagkita. See you next training. Ingat ka!" Ngumiti ako sa kanya. Thank you Lord! Iyon ang naging hudyat para maging malapit kami ulit sa isa't isa. Tuwing training, palagi na kaming magkatabi o di kaya'y magkalapit. Inaasar ko siya palagi. Ang cute niya kasi. 

Kapag masaya ka, mabilis lang ang paglipas ng panahon. Nang mag-hospital tour na kami ay nalungkot ako dahil malapit ng matapos ang training. Kaya susulitin ko na ang mga panahon na magkasama kaming dalawa. 

I watched her from a distance while she was taking the blood pressure of the nurse. I smiled. She looks passionate about it. If one day she'll decide to take the path that involves saving lives, I'm sure she'll be great.

"aan ka kanina?" tanong ko sa kanya. Kunwari ay kanina ko pa siya hinahanap kahit na alam ko kung nasaan siya. 

"Kausap ko yung nurse na nagturo kung paano kumuha ng bp. Madali lang pala! Mukha lang mahirap. Eh ikaw?" 

"Wala nandito lang ako. Kanina pa kita hinahanap akala ko kung saan-saan ka nagpunta" pagkatapos idemonstrate ang cpr ay lunch break na. Kasama namin sina Ian at Hanes. Muntik pa akong mabuko dahil sa kanilang dalawa. Nakakahiya naman kay Maggy. Baka magbago ang tingin niya.

After ng lunch break ay nagkaroon ng poster making. Kaming dalawa ni Maggy ang gumuhit. Ang masaklap pa, ako pa ang nag-explain. Hindi naman ako makahindi. Si Maggy 'yun eh. 

"Pumupunta ka pa ba sa bukid?" tanong niya sa akin. Pauwi na kami at nakadungaw siya sa bintana.

"Hindi na masyado...bakit?"

"Punta tayo minsan.." 

"Sige kapag pwede ka" napangiti ako dahil sa sinabi niya. Did you miss watching the sunset with me? 

Kasabay ng exam namin sa school ang final exam sa training. Hindi ko alam kung paano ko nakayang kabisaduhin ang lahat ng mga iyon. Nakahinga lang ako ng maluwag nang matapos iyon. 

Dumating ang araw ng graduation namin bilang Young Health Workers. Malungkot ako dahil magkakalayo na naman kami ni Maggy. Pero masaya din ako dahil nakasama ko siya kahit papaano. 

"The 2nd spot to the National Quiz Bee is awarded to.......Maeve Gabriella Valderrama!" Napasigaw ako dahil doon. Tumayo ako habang pumapalakpak. I am so proud of her. She's crying because of joy. She made it! Sinamahan niya si Hanes. Nag-iiyakan ang dalawa. Nakangiti pa rin ako dahil sa kanilang dalawa. 

Sana po Lord, makasama ko pa si Maggy.

"The most outstanding Young Health Worker of this batch is none other than.....Jack Evander de Silva!" nakangiti ako habang paakyat sa stage. Ang lakas ko naman po sa inyo Lord! The doctors on the stage congratulated me. Napatingin ako sa gawi nila Mama at Kuya na pumapalakpak. Ngumiti ako sa kanila. 

The ceremony ended with the singing of the hymn. We took a lot of pictures after that.

"Congratulations, Maggy!" bati ko sa kanya matapos kaming picturan ni Mama.

"Congratulations, Cede! We did it!" sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. 

"I couldn't have done it without you..." bulong ko sa kanya. It was her who pushed me to do my best in this training. Hindi naman talaga ako interesado noong una. Pero nang dahil sa kanya, nagpursigi ako. She was one of the reasons why I achieved this. Kung wala siya, hindi ko magagawa ito.

Maggy and I graduated as Valedictorians in our respective schools. We also earned some awards. We wanted to celebrate our graduation together pero tumanggi ang Lolo at Lola niya. They wanted to have their own celebration. Naintindihan naman iyon ni Mama. Nangako nalang sila na bibisita sila sa bahay kapag may oras sila.

Bakasyon na pero abala kami sa pagre-review sa National Quiz Bee. Nakakatamad pero kailangan naming mag-aral. Nakakapagod pero kakayanin. Isang beses, nakita ko si Maggy sa Conference Room. Umiiyak siya. 

Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya pinunasan ko ang mga luha niya. She must be tired because of nonstop studying. Isama mo pa ang pressure galing sa mga doctor. 

"Tahan na Maggy...you are doing great" I tried to cheer her up. 

"Eh kasi naman Cede! Nagre-review naman ako pero bakit nahihirapan pa rin ako" umiyak siya dahil doon. Hush Maggy. Don't cry. You can do it. You have us. Hindi ka nag-iisa sa labang ito. Kasama mo kami ni Hanes.

Dumating ang araw ng Quiz Bee. Kabado kaming lahat. Naging maganda ang takbo ng Easy at Average Round. Sa Difficult Round lang talaga kami nahirapan.

"Maggy! Anong isasagot natin!?" hindi ko sinasadyang yugyugin siya. 

"Pumili ka na Gabriella! 20 seconds nalang!" sabi pa ni Hanes. Hinablot niya ang white board at marker. Nagsimula ng magsulat gayong hindi siya sigurado. Nang matapos ang quiz bee ay iyak pa rin siya ng iyak. 

"Gabriella, tahan na..." sabi ni Hanes. 

"Stop crying...You did very well" sabi ko naman. Napansin ng mga doctor na kasama namin na umiiyak siya. Ipinaliwanag ko nalang na na-pressure siya habang sinasagot ang last item. 

During the weekend, pumunta si Maggy sa amin. I heard her plans for high school at nalungkot ako dahil hindi ko na naman siya makakasama sa iisang school. Should I ask Mama to transfer me kahit hindi pa nagsisimula ang klase? Kaso nakakahiya dahil nakapagbayad na si Mama. Hindi naman niya mare-refund ang buong binayad niya doon. Sa second year nalang siguro para makasama ko si Maggy. Pero ayoko din naman na ikulong siya sa akin. Gusto ko siyang mag-explore at maging independent. Kung palagi niya akong kasama baka mag-rely nalang siya palagi sa akin.

"Kung papipiliin ka, mas gugustuhin mo bang nandito?" bigla niya akong tinanong. Nasa bukid kaming dalawa at kasalukuyang kumakain.

"It's peaceful here...pwede rin. Ikaw ba?" 

"I'd rather be here" she smiled at me. I love the way she smiles like she doesn't have any problem at all. I refrained myself from asking questions about her parents because I think she does not want to talk about them. I'm just silently observing her most of the time. Although she always paints a smile on her face, I can feel her longing for them. 

"This is for you...Maggy. Congratulations on your graduation and for our success in the national competition" I got her a bracelet that has a sun in it. I didn't tell Mama that it was for Maggy noong bumili kami. Baka asarin pa ako noon. 

"Ang ganda!" wika niya habang isinusuot ko ito sa kanya. "Thank you!" she hugged me very tight which made my heart beat so fast.  Do I really like her that much? I watched the sunset from my vision and smiled. Sunsets are really for us, Maggy. I'll look forward for more sunsets with you.

Pagkauwi sa bahay, nagmadali akong i-sketch si Maggy. Inaalala ko ang mukha niya habang pinapanood ang sunset kanina. After a few attempts, I failed. Hindi niya kamukha. Kaya imbes na detailed, ang ginawa ko na lamang ay ang nakatalikod siya habang pinapanood ang sunset. It took me two weeks before finishing it. Kaagad ko iyong dinala sa bahay nina Lola dahil doon nakatabi ang mga paintings namin. 

"Kuya.." tawag ko kay Kuya Jace. Nasa kwarto ko siya ngayon dahil nagpapatulong ako sa project ko.

"Paano kung magkalayo na kayo ng kaibigan mo pero gusto mo pa rin siyang ma-contact?" 

"Si Maggy ba 'yan? Edi tignan mo kung may Facebook Account siya tapos i-add friend mo" ganoon nga ang ginawa ko. Ngunit kahit ilang araw na simula nang makita ko ang profile niya ay hindi ko magawang i-add siya. Laking gulat ko ng isang beses ay siya na mismo ang nag-add sa akin. Kaagad ko naman siyang inaccept!

Ilang araw simula ng i-accept niya ang friend request ko ay hindi ko pa din siya magawang i-chat. Ano namang sasabihin ko sa kanya? Baka mamaya makaabala ako. Kaya ng mag-send ng chain message si Ian sa akin ay finorward ko kay Maggy! 


Maeve Valderrama:

Hi musta na?


Hindi ko siya magawang replayan! Na-seen ko pa tuloy. Ilang oras bago ako naka-reply sa kanya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Kaya nag-send nalang ako ng "yo" na sticker. Pero hindi naman niya ako rineplayan. Iyon ang huling interaction naming dalawa.

Sinubaybayan ko siya sa pamamagitan ng kanyang Facebook Account. Iyon ang nagsilbing daan para malaman ko kung kamusta na siya. Hindi nga lang siya masyadong nagpo-post ng pictures. Pero may iilan naman na naka-tag siya. 

She graduated as the Salutatorian at mayroon siyang mga awards. I am proud of her. Pero laking gulat ko nang makita sa pictures ang mga magulang niya. Nakauwi na pala sila?

"Ma nakauwi na pala ang mga magulang ni Maggy?" tanong ko kay Mama habang kumakain kami. 

"Talaga? Saan mo nakita?"

"May mga pictures kasi sila sa graduation ni Maggy" kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya. 

"Mukhang may magkikita na ulit" pang-aasar pa ni Kuya Jace. Kung alam mo lang Kuya. Ang tagal ko na siyang gustong makita at makasama. Hindi nga lang napagbibigyan ng tadhana. 

I graduated as the Valedictorian in high school. May iilang awards din ako. Pero nakakalungkot dahil kaming tatlo lang nina Mama. Mas masaya sana kung nandito si Daddy at Ate Ria. Miss na miss ko na sila. Napatingin ako sa mga ka-batch ko. May mga boyfriend at girlfriend na halos sila. Naiinggit ako. Kung linigawan ko ba si Maggy ganito din ba kami ngayon? Pero hindi ko din naman masabi na gusto ko siya. Kahit na hindi kami nagkikita. Siya pa rin. Wala akong magustuhan na iba. 

Ano kayang pakiramdam na kasama ko siya sa mga milestones sa buhay ko? Panigurado isa ako sa mga taong pinakamasaya sa mundo. Dahil ang taong gusto ko, kasama ko sa pagtupad ng mga pangarap ko. Pero kahit na nasa malayo ako pakiramdam ko kasama ko pa rin siya. Dahil nakikita ko naman na nage-excel siya sa pag-aaral. That is more than enough for me. 

Nasa veranda ako ng bahay ng Lolo't Lola. May naglilinis kasi kaya kinailangan pumunta dito. Nasa baba naman si Mama at Kuya Jace kaya hindi na nila masyadong kailangan ang presensya. Nakatitig lang ako sa bukid kung saan madalas kaming pumunta ni Maggy noon. Magagawa ko pa kayang pumunta ulit kasama siya? Magagawa ko pa kayang panoorin ang paglubog ng araw na magkasama kaming dalawa? 

Napatingin ako sa may kubo at nakitang may dalawang babae na nakatayo doon habang pinapanood ang paglubog ng araw. Laking gulat ko ng makita na si Maggy iyon. Gusto ko siyang puntahan at sabihin na nandito ako, kasama kitang nanonood muli gayong nasa malayo ako. Pero ano namang sasabihin ko kapag nagkaharap na kaming dalawa? 

Someday, I'll come back here with Maggy and make her the happiest woman alive. Kung hindi man ako, sana mapunta siya sa taong karapat-dapat para sa kanya. Pero bakit parang nagde-deklara na ako ng pagkatalo gayong hindi pa naman nag-uumpisa ang laban? Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya na gusto ko siya. Paanong talo na ako kaagad?

"Jack, nakapag-enroll ka na ba?" tanong ni Daddy sa akin. Kasalukuyan kaming naka-video call dahil may mga itatanong siya kay Kuya Jace. Malapit na kasi siyang pumuntang New York. Pero naghuhugas pa siya ng plato kaya ako na muna ang kumausap kay Daddy.

"Bukas pa po Dad"

"Nursing ba ang kukunin mo?" tanong niya sa akin. Simula pagkabata ay alam na niya na hindi ko na gustong maging isang sikat na pintor bagkus ay gusto kong maging Nurse.

"Yes Dad" he smiled at me after hearing my answer.

"You'll be great in that field anak" 

Kinabukasan ay pumunta kami ni Mama sa university na papasukan ko. Inenroll na niya ako kaagad. Paalis na sana kami ng bigla naming makita si Maggy at Tita Marielle. I looked at her. Her soft features became more defined and her hair is now longer. 

"Sige po Mama. Nursing nalang po..." napangiti si Tita Marielle sa sinabi ni Maggy. Kaya sinamahan namin sila para mai-enroll na din si Maggy. It's a relief that after how many years, I will be able to be with her again. Kaklase ko pa siya so I am sure that we'll be spending most of our time here in university together. Pero hindi ko maiwasang hindi isipin na hindi naman talaga niya gusto ang Nursing. But I will do my very best for her to feel that she can do great. 

We were in Starbucks when our parents had to go somewhere. Gusto kong magpasalamat sa kanila dahil mabibigyan kami ng pagkakataon na makapagusap ni Maggy. Medyo hesitant pa siya na maiwan kasama ako pero wala naman siyang choice. I ordered food and drinks for us. 

"How are you?" I asked her. She looked stunned upon my question. It was the only time when I had the courage to speak because the silence is killing me. 

"Ayos lang naman. Ang tagal din nating hindi nagkita no?" 

"Well...I often see you. I just don't have the courage to say hi" I wanted to be honest with her. I don't want to lie. Kapag sa kanya talaga, tumitiklop ako. Lahat ng confidence ko sa katawan biglang naglalaho. 

"Bakit naman? We shared wonderful memories when we were younger.  I mean...we're childhood friends so" I know, Maggy. 

"Nahihiya lang talaga ako sayo. I don't know how to approach you...But to be honest, I missed you Maggy. I miss everything we do together..." I smiled at her. She blushed when I told her that. Oh Baby, you don't need to feel shy when you are with me. 

"Grabe naman. Ang special ko naman pala sayo" 

"You really are special to me..." You are very precious, believe me. You are my childhood sweetheart. I like you...and I want to take good care of you. We shared a lot of moments together. We grew up together while away from each other. You are one of the reasons why I am very motivated to pursue my dreams. It's all because of you Baby. 

Papalubog na ang araw nang makita kong kinukuhanan niya ito gamit ang kanyang cellphone. I couldn't help but smile because of her. Look who's back in my life again. I'll pursue her this time. I won't ever allow her to leave again. 

Let's renew our friendship and relationship together, Maggy. I promise to make you happy because you deserve it. 

Simula noon, madalas na kaming lumalabas. Tuwing Sunday ay nagsisimba kami. Madalas nga lang na nagse-serve ako. Kapag may mga lakad siya ay sinasamahan ko siya. Ganon din ang ginagawa niya kapag may lakad ako. 


Maeve Valderrama:

Thank you Cede! Hindi ka na dapat gumastos pa. Sobra-sobra na ang ginastos mo sa akin ngayong araw. Sana sa susunod hayaan mong ako naman ang gumastos para sayo. By the way, I love the dress you picked for me. I'll wear it the next time we go out. Thank you again for today :)


I smiled upon reading her message. Binilhan ko siya ng dress kanina. Iyong isa sa mga sinukat niya. I know how much she wanted to buy one. Pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil iniisip niya kaagad ang presyo. Kaya ako nalang ang bumili para sa kanya. I want to spoil her too. 


Ako:

You're welcome. Hindi mo naman kailangan gumastos para sa akin. You owe me nothing. Thank you din.


"That's you.." turo ko sa painting ng babae na nanonood ng sunset. After how many years, nakita na niya! Nandito kami sa bahay nina Lola. Mama invited her here.

"Kailan mo pinaint 'to?" tanong niya habang pinagmamasdan ang gawa ko.

"Noong pumunta tayo sa bukid after ng national quiz bee...Do you feel uncomfortable? Magpapaalam sana ako noon na ipipinta kita" I wanted to ask her permission pero hindi na kami nagkita pagkatapos non. 

"No! I'm just surprised...I mean...Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko ngayon"

"I'm really sorry...the next time I'll paint I will ask for your permission first"

"Huh? May next time pa?" 

"I'll never get tired of painting a masterpiece as long as it's you" she blushed. Baby you are so  adorable. I can paint you forever and never get tired of doing it.

Mabilis lang na natapos ang bakasyon namin. Our first week in the university was more of exploring and meeting new people. Maggy is not really fond of socializing kaya ako lang talaga ang madalas na kausap at kasama niya. It's still the adjustment period. 

"Bakit ka nga pala nag-nursing? I mean you really like Fine Arts. Mayroon namang ibang courses na related sa arts" I asked her one time. I know how much she loves art. I influenced her to discover her talent. 

"Kasi ang sabi mas mabilis na makakapag-abroad kapag Nursing graduate ka. I don't really intend to stay here. Gusto kong sundan sila Lola sa California"

"Why? Don't you like it here?"

"Hindi naman sa ganon. Ayaw ko lang talagang kasama si Mama at Papa. Mas gusto ko ng kasama sila Lola dahil sila naman ang nakasama ko nang maiwan ako ditong mag-isa"

"What do you mean?"

"Huh? Hindi mo ba alam? Akala ko pa naman may communication si Mama at Tita Elisha noon?"

"Pagkatapos ng kinder graduation natin ay wala na akong balita sayo maging si Mama. Nalaman nalang namin noon na umalis na kayo sa dati niyong bahay at pinapalinis nalang iyon. Akala nga ni Mama ay pumunta ka ng California kasama ang mga magulang mo" 

"After our graduation in kinder, Mama left me. I lived with my grandparents ever since. Pagkatapos noon ay ni minsan hindi nila ako sinubukan pang tawagan. I tried communicating with them but wala eh. I just accepted na maybe they really did forget about me. They are living their lives like teenagers. Leaving their responsibilities behind. Passing it to their parents" she smiled at me trying to hide her pain. If only I knew it early, sinubukan ko sanang makausap ka noon kahit papaano. Kung alam ko lang...

"I'm sorry..." sabi ko sa kanya. If only I knew, hindi niya sana dinalang mag-isa. I would have made her happy to forget her problems. "Maggy...Hindi kita iiwan gaya ng ginawa nila sayo..." from now on, I will be with her no matter what. I will always be with her. I will accompany her kahit saan siya pumunta. I'll laugh and cry with her. She does not deserve to bear all the pain alone. I am here now Maggy. You can rely on me.

Sabay kaming pumapasok ni Maggy araw-araw. Hatid-sundo ko siya sa bahay nila. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay dahil kahit weekends, magkasama kami. Nagsisimba o di kaya naman ay gumagawa ng assignments, nagre-review para sa quizzes at exam, pumupunta sa mall, naglilibang at kung ano-ano pa. Kaya ng malaman na nasa President's List kaming dalawa ay tuwang-tuwa kami. Hindi naman makakaya ng isa, kung wala ang isa. 

Nang dumating si Lolo at Lola ay hindi na ako nagdalawang isip na ipakilala si Maggy. Alam kong hindi pa ako nanliligaw pero sigurado na ako sa kanya. I want her to meet my family. I want her to be comfortable with them. 

"Huwag mong sabihin na wala kang nararamdaman sa kanya. Ang tagal niyo ng magkakilala. Imposible namang wala pa hanggang ngayon kahit paghanga lang!" sabi ni Lola. Please Lola, kalma ka lang. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na gusto ko siya. Nato-torpe ang apo mo. Huwag naman pong ganito. She's right. I like Maggy. Matagal na.

Patapos na ang semester at napansin ko na parang may nagbago sa kanya. Mas matamlay siya kaysa sa dati. May problema ba siya? 

"Maggy...tulala ka na naman. May problema ba?" napapansin ko na palaging tulala siya. Parang hindi na halos natutulog. Sobrang tamlay pa niya. 

"Kulang lang ako sa tulog" sagot niya. Ramdam ko na may problema siya. Hindi niya lang gustong sabihin. Okay lang naman pero sana hayaan niya akong damayan siya sa paraang kaya ko.

Christmas break ng imbitahan ni Mama sila Tita Marielle at Tito Gabriel sa bahay. Nalungkot nga lang ako dahil hindi sumama si Maggy. May ibang pinagkakaabalahan daw. Inintindi ko nalang na baka kailangan niya din muna ng break para sa sarili niya. 

Pagpasok ng bagong semester ay hindi na kami masyadong nagkakasama ni Maggy. Kahit sabay kami sa pagpasok at pag-uwi ay parang may kulang pa rin. O baka ako lang ang problema dahil naghahangad pa ako ng mas higit pa? Hindi ko siya nakakasabay tuwing lunch paminsan-minsan. Nalulungkot ako dahil doon. Siya lang ang gusto kong kasama palagi pero ayoko naman din siyang makulong sa akin. There's a world that's big enough for her to explore. I didn't mean to be cold towards her. I just hate it when I see her with other men. It makes my blood boil. Lalo na kapag masaya siya sa iba. I want to just hide and shelter her so others won't admire her. But I can't. I'm just her friend. What else can I do?

I have seen other men drool over her. Madaming nagkakagusto sa kanya sa iba't ibang department. Hindi ko alam kung alam ba ni Maggy iyon o sinasadya niya lang na hindi pansinin. Hindi naman din kasi nagtatangkang lumapit ang iba dahil ako palagi ang kasama ni Maggy noon. Ngayon nga lang hindi.

Buong summer ay hindi ako nagtangkang kausapin siya. Hindi dahil sa hindi ko gusto. Kung hindi dahil gusto ko lang obserbahan ang sarili ko. Pakiramdam ko nababaliw na ako sa kanya. Gusto ko siyang nakikita at nakakasama palagi. Gusto kong sa akin lang siya nakatingin. Gusto kong masaya siya palagi at ayokong nasasaktan siya. 

"Pumunta tayong Baguio anak. Isama natin si Maggy" pagyaya sa akin ni Mama.

"Tayo nalang Ma"

"Huh? Bakit? Ayaw mo bang makasama si Maggy?"

"Hindi naman sa ganon Ma"

"May problema ba kayo?"

"Ako yung may problema Ma"

"Kasi torpe ka? Anak walang mangyayari kung hindi mo sasabihin ang nararamdaman mo sa kanya" 

Nagkita lang kami ulit ni Maggy noong malapit na ang pasukan. Sabay kaming nag-enroll. Nakakapanlumo lang na hindi ko na siya kaklase. Sana pala ay kaagad ko siyang yinayang mag-enroll baka sakaling magkaklase pa sana kaming dalawa. Pang-umaga ang schedule ko habang ang kanya naman ay umaabot ng gabi. Kaya kinailangan na niyang maghanap ng matutuluyan malapit sa university. 

Nang magsimula na ang pasukan ay hindi ako sanay dahil hindi ko kasama si Maggy. Kaya sa tuwing lunch ay pinupuntahan ko siya sa apartment niya para sabay kaming kumain. Tuwing Biyernes naman ay hinihintay ko siyang matapos sa kanyang klase para hindi na siya mag-commute pauwi. Delikado pa naman lalo na't babae siya. Ayos lang din naman kay Mama.

Dumating ang araw ng Capping,Pinning at Candle Lighting Ceremony, walang kasamang magulang si Mama. Gusto kong magalit kay Tita Marielle at Tito Gabriel. Bakit ni isa sa kanila ay hindi man lang dumalo? Hindi ko maiwasang hindi maawa kay Maggy. Kahit anong pilit niyang ngumiti ay mababakas pa rin sa kanyang mga mata ang lungkot. Yinakap ko siya. Wala akong pakialam kahit na maraming nakatingin sa amin. Gusto ko lang maramdaman na nandito ako para sa kanya kahit anong mangyari. Huwag ka ng malungkot Maggy. 

Naging busy kaming dalawa sa pag-aaral. May mga araw na hindi kami nagkikitang dalawa dahil napakaraming kailangang tapusin. Alam ko naman na naiintindihan niya iyon. Mabilis lang na lumipas ang panahon at birthday ko na. Inimbitahan sila ni Mama na saluhan kami. 

"Happy Birthday, Cede" may iniabot siyang maliit na paper bag sa akin. 

"Maggy..." she got us matching bracelets!

"Let me..." isinuot niya sa akin ang isa. Ganon din ang ginawa ko sa kanya. 

"Thank you..." I hugged her for a while. You really know how to make me happy, Baby. Kahit na sa maliliit na bagay lang. You should have not spent a single penny for me. Ako dapat ang gumagawa noon. 

"Kapag nakita nila yung mga bracelet baka akalain nila na mag-jowa tayo!" angal niya. How I wish Maggy. Ang tagal ko ng pangarap na maging girlfriend ka.

"Ayos lang basta ikaw" who wouldn't want to be her boyfriend? She's beautiful, kind, sweet, caring, smart. Hindi sapat ang maraming adjectives para sa kanya. Baka maubos pa nga ang mga ito.

When I learned that her mother compares me to her, nainis ako. How can she do that? We have our own unique abilities to excel in a particular field. Instead of putting pressure to her, dapat ay masaya nga siya na nage-excel kaming dalawa sa academics!

"Simula kinder tayo hanggang sa competition maging ngayong college palagi niyang sinasabi na talo ako sayo. Wala naman sa akin 'yon e Cede. Naiinis lang ako kay Mama dahil kinukumpara niya ako sayo. Dapat nga ay natutuwa nalang siya sa akin dahil nage-excel ako kahit papaano"

"Maggy..." I hugged her again. My poor and innocent Maggy is finally opening up to me. Go on, Baby. I will listen. 

"Okay lang talaga ako Cede. Ayaw ko lang talaga sa mindset ni Mama. I don't see you as a competitor dahil masaya ako sa tuwing may achievements ka" she smiled weakly. I wanted to make her feel better. But then, revealing my true feelings will only complicate things. Paano kung magbago ang tingin niya sa akin? Paano kung mailang siya? Can you risk your friendship over your feelings?

"You defeated me long ago, Maggy...You defeated me after that sunset" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. "Matagal na akong talo sayo, Maggy. Elementary pa lang tayo gusto na kita. Gustong-gusto kita. Kaya kahit alam kong talo ako, sumugal pa rin ako. Kahit na alam kong hindi mo ko magugustuhan pabalik, nandito pa rin ako. Akala ko mawawala rin pero mas lalo lang lumalim. Habang tumatagal mas nahuhulog ako lalo sayo. Hindi na kita gusto kasi Maggy, mahal na kita" she's crying after hearing my confession. Maggy, please don't cry. 

"Cede..paano mo nasabing talo ka nasa kalahati ka pa lang ng laro ng pag-ibig?"

"Kasi alam kong hindi magiging higit sa kaibigan ang pagtingin mo sa akin" she cried even more. I know for sure that from the very beginning, she will not see me more than a friend. All my actions might just be friendly or brotherly for her.

"Pero, paano ka nakasisiguro na hanggang kaibigan lang ang pagtingin ko sayo?"

"Dahil ganon mo ako nakikita.." Pinunasan ko ang kanyang mga luha. I couldn't bear to see her cry again. I'm sorry...Hindi ko na dapat sinabi. Dapat ay tinago ko nalang. 

"Cede...gusto din kita. Gustong-gusto. Ang tagal kong tinago dahil natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan nating dalawa. Pero, gusto kita Cede. Hindi dahil ikaw ang palagi kong kasama. Hindi dahil ikaw ang kasama kong lumaki. Basta gusto kita at hindi ko mahanap ang rason kung bakit" parang may humaplos sa puso ko dahil sa narinig. Gusto rin niya ako! Pero, totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Lord, kung panaginip lang po ito ayoko ng magising. Gusto ko nalang na parating ganito. Ang sarap sa pakiramdam. Pinatakan ko siya ng halik sa kanyang noo. Iyak pa rin siya ng iyak at pilit ko siyang pinatatahan. I smiled upon seeing the sunset again. Ang dami na niyang nasaksihan na tagpo sa buhay naming dalawa ni Maggy. 

After what happened, nothing has changed. It's still the same. Third year na kami ni Maggy nang maging magkaklase ulit kaming dalawa. This time, kinailangan ko na ring mag-rent ng apartment. Iyong katabi ng sa kanya. Halos sa apartment nga ni Maggy ako tumira. Palagi kaming magkasama kapag magre-review, kumakain, bumabalik lang ako sa rinerentahan kong apartment kapag naliligo at nagbibihis. Sayang naman ang pera ni Mama. Hindi ko naman halos tinitirhan ang apartment na kinuha niya para sa akin. Tuwing Friday ay umuuwi kami. Kaagad din kaming bumabalik sa hindi malamang dahilan. Parang ayaw manatili ni Maggy sa bahay nila. Hindi ko nga lang siya matanong kung bakit.

Akala ko okay lang ang lahat. Akala ko lang pala. Fourth year na kami at last semester na namin ni Maggy. Magkaiba kami ng ospital na pinapasukan para sa OJT. Ayos lang naman sa akin iyon. Hindi naman habang buhay magkasama palagi kaming dalawa. 

Isang beses ay kinailangan kong lumiban sa klase namin.  May iilang minor subjects pa rin kasi kaming kailangan i-take. Wala naman daw gagawin. Sinamahan ko si Mama dahil may appointment siya sa DFA. Magre-renew na kasi siya ng passport. Ang appointment ko ay malapit na rin. Mabuti nalang at wala ng pasok non.

"Mama...may problema ba?" tanong ko sa kanya. Kapag umuuwi kasi ako sa bahay ay madalas ko siyang nakikitang tulala at hindi mapakali. Hindi naman siya ganito dati.

"Jack..." her eyes started to produce tears. "Your father was diagnosed with kidney failure and he needs a kidney transplant. Isang taon na silang naghahanap ng kidney donor pero hindi ka-match ng Daddy mo. Hindi rin suitable na donor ang Ate Ria at Kuya Jace mo. Ang mga batang iyon! Bakit ngayon lang nila sinabi?" parang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung sana'y may kakilala lang kami mas mapapabilis sana ang pagproseso ng VISA Application naming dalawa ni Mama. Hanggang ngayon ay wala pa ding balita sa pag-petisyon sa aming dalawa. Noong isang taon pa iyon pero wala pa din kaming naririnig galing sa embassy. Kailangan kami ni Daddy...Kailangan naming umalis dito at puntahan siya. 

Naging mabilis lang ang takbo ng panahon. Maggy and I graduated with latin honors. May iilan ding special awards.

"We did it Maggy..." nasa kubo kaming dalawa habang hinihintay ang paglubog ng araw. Nakasandal ang ulo niya sa aking balikat. 

"Yes...we did it Cede. Next in line, passing the board exam"

"We will pass the boards together. I am sure of that"

"Hala! I barely survived the course. So it's very impossible that I'll pass it in one take!" for someone who didn't like her course, she did very well. 

"Of course you will pass it. Kasama mo ako eh. We will review together. I will be with you throughout this journey. Kung iiyak ka, iiyak din ako. Kung masaya ka, masaya din ako. Kung papasa ka, papasa din ako" I said. If there's one thing that's missing it's her self-confidence. Hindi siya kailanman naging confident sa sarili niya at sa mga kaya niyang gawin.

"I love you, Maggy. I will never leave you..." I said after giving her soft kisses in her lips. I never thought that her lips would taste like heaven. I'm really going insane. 

Forgive me Lord, I broke my promise to you. Pero nakikita niyo naman po kami diyan hindi ba? Mapapatawad niyo naman po ako hindi po ba? 

We had our review for the board exam in Manila. We lived in the same apartment that has two rooms. Tuwing weekend ay umuuwi ako sa amin para i-check si Mama. I should be focusing on the exam but I want to check on her. I don't want her to feel so lonely. Laking pagtataka kung bakit ni minsan ay hindi tinangkang umuwi ni Maggy. May problema ba sila sa bahay? Kaya laking gulat ko nang isang umaga ay nagpapaalam siya sa akin na uuwi siya sa probinsya. I didn't want her to go alone kaya umuwi kaming dalawa ng sabay.

We were supposed to go back to Manila on a Sunday afternoon. Kaya laking gulat ko ng makita si Maggy na nasa bahay. Kaya kinailangan na naming bumalik din kaagad sa Manila. I can see her puffy eyes. Bakit kaya siya umiyak? May nasabi na naman ba ang Mama niya sa kanya?

We had our mock exam a week before the actual board exam. Maggy failed it. Kaya wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-review. Alam ko sa sarili ko na nadidiscourage na siya dahil doon. Kung ano-ano na rin siguro ang iniisip niya dahil doon. Hindi niya man sabihin ay alam ko na ganoon ang nararamdaman niya.

A day before the board exam, I had to go and see Mama. Tumawag siya sa akin na humahagulgol. Hindi ko maintindihan kung bakit. Ang sabi niya sa akin ay ipapaliwanag nalang niya pagdating ko. 

"Ma..." kaagad akong yinakap ni Mama ng makita niya ako. 

"Jack..." 

"Naayos ko na ang lahat anak. Makakapunta na tayo sa New York. Makikita na natin ang Daddy mo." mas lalong humigpit ang yakap ko kay Mama. We'll finally see Daddy...

"Kailan tayo aalis Ma?"

"I'll see if I can book a flight on Sunday evening. Maaga namang matatapos ang exam mo hindi ba? You can still treat Maggy before you leave. You can bring her to the airport too para maihatid ka niya"

"Okay Ma.." pumunta muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. I'll help Mama in cleaning the house lalo na't baka magtagal kami sa New York. Natigil ako sa paglilinis ng makitang tumatawag si Ate Ria.

"Jack..." umiiyak si Ate Ria sa kabilang linya.

"Ate? Why are you crying?"

"Jack....you need to be here in two days. Kailangan na ni Daddy ng kidney kung hindi b-baka.."

"Ate! Ano ka ba huwag ka namang magsalita ng ganyan. Let's just hope and pray na maging suitable match kami ni Dad. Let's just keep praying..."

"Can you give the phone to Mama?" ibinigay ko kay Mama ang cellphone. Mas naging distracted ako. 

"Anak..." umiiyak na naman si Mama. Tapos na silang magkausap ni Ate Ria. I gave her another hug. "We need to leave soon. I'll look for the earliest possible flights after the board exam. Is that okay with you?"

"Of course Ma. We need to be there for Dad. We can't lose him.." she nodded. Ako nalang ang nagpatuloy sa paglilinis habang naghanap na ng flights na available si Mama. Sakto naman na tapos na ako ng makahanap siya. Tinignan ko ang earliest flight at ngayong gabi iyon. Ang mga kasunod naman ay sa Friday pa. Bakit walang masyadong flight pa New York ngayon?

"Jack.."

"Let's leave tonight Ma"

"Huh? Ano bang sinasabi mo anak?"

"Umalis na tayo mamaya Ma..."

"Jack you can take the board exam first before we leave"

"Ma please...Daddy needs us. Pwede ko naman i-take yung board exam sa susunod. Kailangan tayo ni Daddy. Uunahin ko pa ba 'yon?"

"Pero Jack.."

"I already booked the flight Ma. Ihanda mo na ang mga gamit mo" pumunta na ako sa kwarto ko para magimpake. Wala akong ibang maisip kung hindi si Daddy at ang kalagayan niya. Nang matapos ako ay naligo na ako at nagbihis ng damit pang-alis. Ganoon din ang ginawa ni Mama. I double checked everything kung naka-lock na at kung nakapatay na rin ang general switch. We'll be gone for a while kaya ganon. Hinatid kami nina Lolo at Lola sa airport. The flight to New York took 18 hours. 

When we arrived, si Kuya Jace ang sumundo sa amin. Didiretso dapat kami sa bahay namin dito sa New York but Mama insisted to see Daddy. Kaya imbes na magpahinga ay I had to ask them to allow me to have the tests if I am a suitable match. 

"Daddy...I missed you" sabi ko kay Dad ng makita ko siya.

"How are you anak? Bakit nandito na kayo? Hindi ba may board exam kang it-take?"

"The board exam can wait Daddy.."

"Kamusta kayo ni Maggy? Kayo na ba?"

"Dad!" tinawanan lang niya ako. We talked about things which lightened up his mood. After an hour, inuwi muna kami ni Kuya Jace sa bahay para makapagpahinga. When we found out that I am a suitable donor, hindi na ako nagdalawang isip pa na tumanggi. They scheduled the surgery immediately.

I didn't know how to contact Maggy. She deactivated her social media accounts. Hindi ko alam kung paano siya makakausap. I didn't bid a proper goodbye to her. I'm such a fool. Even after the surgery, wala akong ibang naisip kung hindi si Maggy. When I woke up after the surgery, I was happy to know about the news.

"Topnotcher si Maggy sa board exam! 7th place!" balita sa akin ni Kuya Jace. I smiled upon hearing the news. Kahit na masakit pa ang nararamdaman, parang napawi ang lahat dahil sa balita nilang iyon. You made it Maggy. I am proud of you. 

During my stay, I had to review for the board exam. My grandparents arranged my application for the upcoming board exam hindi ko na pwedeng ma-miss pa iyon. Days before the board exam, I needed to go back to the Philippines. Wala pa rin akong balita kay Maggy. Deactivated pa din ang social media accounts niya. Nakahinga lang ako ng maluwag pagkatapos kong i-take ang board exam. Bumalik muli ako sa New York pagkatapos doon nalang ako naghintay ng resulta. Laking pasasalamat ko nalang din na napasa ko ito. Nakulangan nga lang ng 1 point kung hindi topnotcher sana ako. 

I had to go back to the Philippines again for the oath taking. Ang kasama ko ay ang grandparents ko. Nanghihinayang kasi si Mama sa pamasahe. Ang sabi ko sa kanya ay ayos lang din. Ipandagdag nalang nila sa panggastos doon. As much as I wanted to stay, hindi ko naman din alam kung saan pupuntahan si Maggy. Kaya nagdesisyon ako na bumalik nalang sa New York.

Nag-apply ako doon pero hindi bilang Nurse. I need to study again and earn another license just to be allowed to practice as a Nurse. Kaya ganoon ang ginawa ko. I studied and worked multiple jobs to finance my studies. My siblings offered to help me but I refused. I am old enough to earn money on my own. Atsaka they have families to feed. Ayokong umasa sa kanila.

After a year, I decided to go back to the Philippines. Baka sakaling makita ko na ulit si Maggy. Daddy's doing great already. Parang hindi man nga siya nagkaroon ng kidney failure. They were enjoying New York together. I couldn't ask for more.

It was Sunday and I attended the mass. From a distance, I saw Maggy sitting at the particular spot where she used to sit before. Parang narinig ni Lord ang panalangin ko. Kaya hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon. I felt so lost when I didn't see her after the mass. 

"Father...maaari ko po bang gamitin ang microphone? Nawawala po kasi ang kasama ko. Hindi ko po siya makita" pagpapaalam ko kay Father.

"Sige Jack" pagpayag naman ni Father.

"Thank you po Father" Kaagad kong kinuha ang microphone at paulit-ulit na tinawag si Maggy. Pero ni anino niya ay hindi nagpakita. Maybe...it's still not the right time for us to talk. 

Magpapaalam na sana ako sa mga kasamahan ko nang biglang makita ang isang pamilyar na pigura. Sumibol muli ang pag-asa sa akin ng mapagtanto na siya nga iyon. Kaagad ko siyang yinaya at laking pasasalamat ko na pumayag naman siya.

"I promised to be with you. I promised that I will never leave you. I promised to pass the board exam with you but I failed. I failed to keep all my promises. I failed on that part. I failed you Maggy" I am finally telling her what happened before. 

"Y-you should have told me...You should have shared the burden with me. Why did you suffer alone?" tanong niya sa akin. Kumalas na siya sa pagkakayakap.

"You have problems of your own too Maggy. You were trying to win over your own silent battles. Ayoko ng dumagdag pa" 

"B-bakit hindi mo sinubukang kausapin ako?"

"Kasi hindi ko kaya..."

"Hindi mo kaya? Ganon ba kahirap na sabihan ako? You know how much I suffered before because my parents left. They left me here. They didn't try to reach me not even once. They had their reasons but it took them years before explaining what happened. You told me you will never leave but you did. You also had your reasons...pero naghintay ka lang din ng ilang taon bago ka nagpaliwanag. I suffered too...hindi lang ikaw Cede" 

"Ayaw ko lang na masaktan ka.." 

"Pero sinaktan mo pa rin ako! I was worried when you didn't come home. Hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip sayo. I almost didn't take the board exam because I was reminded of what you said. I hoped to see you in the apartment but there were no traces of you when you left without saying goodbye. I was crying while taking the board exam. I was drowning in sadness. Naiisip kita. Naiisip ko si Mama at Papa. Naiisip ko si Lola at Lolo. Mama was jailed. Papa had to marry another woman to save Mama. My grandparents died from a plane crash. Kailangan kita sa mga panahong iyon Cede. Pero umalis ka. Umalis ka nang walang pasabi. Dumagdag ka pa sa mga iisipin ko. Dumagdag ka pa sa mga taong mananakit ng damdamin ko. Ikaw....ikaw nalang ang pahinga ko sa magulong mundo pero naglaho ka rin. Iniwan mo ako. Ang sakit-sakit. Araw-araw iniisip ko kung bakit mo ginawa iyon. Hindi ako makausad. Naalala ko ang nakaraan. I was so lost. I couldn't find the will to live...Now that you are back. Perhaps...I will be able to live again. To heal the remaining wounds and start a new" Pain is evident in her eyes. Hindi ko na kaya...nasasaktan siya. Cede ang gago mo kasi! Pati siya sinaktan mo. Ang sabi mo hindi mo siya sasaktan pero ginawa mo pa rin! I wiped the tears from her face. Hindi na siya makatingin sa akin. She's crying and very fragile at the moment. 

"My apologies are years late but still....I am sorry Maggy" 

"We were inseparable to the point that we became to dependent from one another. We grew up together. Shared a fair share of our first's. Experienced joy and pain. What went wrong? Hindi tayo naging handa sa posibilidad na baka isang araw biglang umalis ang isa. We were not ready to face life alone. Kaya siguro hindi ako makausad. Kasi naging bilanggo ako nang kahapon" 

"Let me make up for the years we lost. I'll be better, Maggy. Just give me a chance" my heart broke evenmore when she gestures a no. Of course she can't be with you after what you have done. 

After that, I never saw her again. I tried reaching her but I couldn't. She needs space Cede. Kailangan niyang buuin muli ang sarili niya. She needs to heal. Kaya bumalik na ako sa New York at inabala ang sarili sa maraming bagay. 

When I finished studying, I took the exam and had my license to practice as a Nurse. Iyon ang pinagkaabalahan ko. Aside from that, I took some part time jobs to avoid myself from overthinking. Linunod ko ang sarili ko sa pagiging busy para hindi na ako magkaroon pa ng panahon na maisip kung paano ko siya nasaktan.

Three years later, umuwi ng bansa si Mama at Daddy. Namatay ang Papa ni Maggy. Gusto ko sanang umuwi baka sakaling magkita kami ulit pero hindi pa ako nakakapag-renew ng passport. 

"Kakalibing lang ni Gabriel kanina anak" pagbabalita sa akin ni Mama.

"Si Maggy, Ma?"

"Three years na daw siya sa California anak. Hindi na pinauwi ni Marielle" nang malaman na nasa California si Maggy ay may kung ano sa akin na gusto ko siyang sundan doon. Pero paano? Tatalikuran ko ba ang buhay ko dito para sa kanya? Kaka-accept lang ng application mo sa Graduate School!

Gulong-gulo tuloy ako sa gabing iyon. Gusto ko tuloy lumipat sa California baka sakaling magtagpo kami. Pero saan ba siya doon? Napakalaki ng California! Doon nalang kaya ako mag-masteral? Pero sayang naman ang binayad ko! Kaya tinapos ko muna ang Masters Degree ko bago napagdesisyunan na lumipat sa California. Magbabaka-sakali na magtagpo ulit kaming dalawa.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong sa akin ni Kuya Jace. 

"Oo Kuya. Hindi na rin naman ako bata. Kaya ko na ang sarili ko" pagdating ko sa California ay dumiretso ako sa hotel. Doon muna ako pansamantalang titira habang wala pa akong nahahanap. Isa pa, hindi pa naman sigurado kung saan ako magta-trabaho. 

Kinabukasan ay dumiretso ako sa ospital na inapplayan ko para sa interview. Laking pasasalamat ko nalang talaga na natanggap ako! Thank you Lord! 

Pagkatapos ko sa ospital ay naglibot-libot ako. Saka na ako mamimili kapag may sahod na. Titipirin ko muna ang perang hawak ko sa ngayon. My day ended with me watching the sunset. I asked someone to take a photo of me. Mabuti nalang at nauto ko. I posted the photo on Facebook with a caption.

"All I ever wanted was to dream another sunset with you." — Mayday Parade

Seeing the sunset reminds me of Maggy and my love for her. Hindi yata natatapos ang araw ko nang hindi pinapanood ito. It reminds me that there's always hope regardless of what happened to you on a particular day. Ito ang pahinga ko.

If ever I will see you again, I will not let go of you anymore.

"It's nice to see you again" sabi ko kay Maggy. She's here! Dito siya nagta-trabaho! Makakasama ko siya palagi!

"You know each other?" gulat na tanong ni Nerizza.

"Yes Nerizza" sagot niya. Lumapit siya sa akin at yinakap niya ako. I frozed from where I was standing. Is this even real? If is it, I want the time to stop just so I can shelter her in my arms for a while. I missed you Maggy. I missed you so much Baby. 

"Can I ask you out? Let's catch up" I asked her when I saw her leaving after her shift. 

"Sure!"

"Can I get your number too? So I can message you.." I gave her my phone. Kinuha naman niya iyon at sinave ang number niya. "Thank you. Drive safely!" She nodded. I watched her leave before going inside. I can't help but smile.

It was Sunday when she asked me out. Kahit na may duty ako sa gabi ay hindi na ako tumanggi. It's Maggy! Sino ba naman ako para tanggihan siya? Ang tagal din naming hindi nagkita kaya bakit pa ako tatanggi sa kanya? Pumunta kami sa Universal Studios Hollywood. 

"Saan ka nakatira?" she asked me.

"Actually I am currently living in a hotel right now"

"What? Saang hotel? Don't tell me-"

"Hindi pa ako nakakakita ng pwedeng upahan nearby"

"Bakit ka ba kasi dito sa California? Ang ganda na ng buhay mo noon sa New York. Atsaka kasama mo naman yung family mo doon"

"Well you are here eh..." 

"How did you know?" alam ko lang na nasa California siya. Hindi ko naman alam kung saan siya particularly. I guess it's fate? destiny? I don't know. But one thing's for sure. I am happy and grateful that we met again and I am with her right now.

"One more! Give us a sweet pose" sabi ng foreigner na kukuha ng picture namin. Napatingin sa akin si Maggy. Inakbayan ko siya.

"1...2...3" my lips landed on her cheek. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. She's so damn cute! "Here you go. You too look great together. See you around!" nagpasalamat ako sa kanya bago sila umalis. Napatingin naman ako kay Maggy na kasalukuyang tinitignan ang picture naming dalawa. I felt my cheeks heated because of that. 

Sinamahan ko siyang mamili. I wanted to pay for everything pero hawak hawak niya ang credit card niya na siyang pinambabayad niya. Maybe next time? I'll just pay for our food and treat her to somewhere nice. 

"Cede!" napatigil ako sa paglalakad. I looked at her. Tumatakbo siya palapit sa akin. 

"Maggy?"

"Do you want to live with me again?" tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot dahil sa pagkabigla. Sigurado ba siya? Baka mamaya...Sasagot na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. Kaya napilitan akong pumasok na dahil malapit na ang oras ng duty. Buong duty ko ay iyon lamang ang nasa isip ko. 

Sa mga sumunod na araw ay palagi kong kasabay mag-breakfast si Maggy. Hindi kami parehas ng oras ng duty kaya I really need to compromise just to see her. I'm still thinking about her offer though. 

Pag-uwi ko sa bahay ay hindi ako mapakali. Should I move with her? But then I need to seek permission from my parents first. Kailangan ko din munang magpaalam kay Tita Marielle. Ayoko namang basta-basta nalang ako titira sa iisang bubong kasama si Maggy. 

"Ma..I finally saw Maggy again" balita ko kay Mama. Kasalukuyan kaming magkausap through video call.

"Really? I'm happy for you anak!" masayang sabi ni Mama.

"Sana naman matapos na yung katorpehan mo" sabi naman ni Daddy sa akin na siyang naging dahilan ng pagtawa namin ni Mama.

"Okay lang ba kung titira kami sa iisang bubong Ma, Dad?" halos mabuga ni Daddy ang kape na iniinom niya dahil sa sinabi ko.

"Of course it's fine with me anak! Nasa tamang edad na kayo para magdesisyon para sa sarili niyo" si Dad iyon.

"Ayos lang din sa akin. Ang payo ko lang pakasalan mo muna bago-"

"Ma!" tinawanan lang nila akong dalawa. Wala pa sa isip ko ang mga bagay na ganoon. Ang gusto ko lang talaga ay makasama si Maggy at masiguro na ligtas siya sa tinitirhan niya. Hindi naman kami magsasama sa iisang kwarto. Sa oras ding iyon ay sinubukan kong tawagan si Tita Marielle. Mabuti nalang at sinagot niya ang tawag ko.

"Hello Jack! Kamusta ka? Mabuti at napatawag ka? Nakwento ng Mama mo na nasa California ka din daw?" bungad sa akin ni Tita Marielle. To be honest, I am scared at kinakabahan din.

"Hello po. Maayos naman po ako Tita. Kayo po?"

"Mabuti naman..bakit ka nga pala napatawag?"

"Tita nabalitaan ko po kasi na walang kasama si Maggy sa tinitirhan niya. Magpapaalam po sana ako sa inyo na baka kung pwede po ay payagan niyo akong tumira kasama siya. Wala naman po kayong dapat ipagalala. Para lang po masiguro na ligtas siya" natahimik siya ilang saglit bago nakasagot.

"Kung ako ang tatanungin ay ayos lang sa akin. Alam ko na alam mo ang mga limitasyon mo kaya wala akong dapat na ipagalala"

"Tita atsaka po magpapaalam din po sana ako sa inyo"

"Para saan Jack?"

"Liligawan ko po sana si Maggy" bigla siyang natawa sa kabilang linya dahil sa sinabi ko. Ayaw ba ni Tita Marielle?

"Napalaki ka nga ng maayos ni Elisha. Wala akong karapatan na tumanggi Jack. Maraming salamat at ipinaalam mo muna sa akin ang balak mo. I really appreciate that. Take care of my daughter, Jack. Make her happy.." I smiled upon hearing her approval. Makakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas! Kaya sa araw ng day off ko ay napagdesisyunan ko ng lumipat. Hindi alam ni Maggy na tinatanggap ko na ang offer niya. Kaya laking gulat niya ng makita niya ako sa labas ng tinitirhan niya.

"Hi!" bati ko sa kanya.

"Hello?" napatingin siya sa akin pagkatapos ay sa mga maleta na dala ko.

"I thought about your offer and decided that I'm moving here with you. Uh..don't worry. I'll move out soon when I find a place to stay if you are not comfortable with living with me again." You're a terrible liar Cede. As if naman maghahanap ka pa ng ibang matutuluyan?

"Okay" sagot naman niya sa akin. I helped her with cleaning the house. I even cooked lunch for us. During dinner I ordered because I was too lazy to even cook again. While eating we talked about the terms and conditions about my stay here. We agreed to split the bills in half.

"Did you take the board exam?" she asked.

"I did. I had to wait another six months. I self-reviewed because I was in New York with my family. I only came back days before the board exam. Luckily I passed it. Then I had to go back to New York and had another short break to the Philippines for the oath taking ceremony before staying in New York for good. It was costly but worth it" 

"I'm proud of you.." 

"No Maggy, I'm more proud of you. You aced the board exam although you had so many problems during that day. You didn't let the problems bring you down. You succeeded in fighting the battles prepared for you" her eyes watered after hearing that. Kumuha ako ng tissue at ibinigay iyon sa kanya.

"Hey...don't cry. I'm really proud of you Maggy. But I also feel sorry for leaving you behind which hurt you even more. I won't tell you any promises anymore. I'll just do it and prove it" 

"I have forgiven you long ago, Cede. I didn't want to plant hatred in my heart because I will only be stuck in the past. Kung ganoon nga ang ginawa ko, hindi ko magagawang magpatuloy pa" She's an angel. I never thought that it would be that easy for her to forgive me. I was one of the reasons why she felt pain. But instead of getting mad, she just chose to forgive. 

"Alam ba ng girlfriend mo na kasama mo ako sa iisang bubong? Baka kasi biglang may sumabunot sa akin habang papunta sa ospital" she asked out of curiosity. Tapos na kaming kumain at kasalukuyan kaming nasa kitchen. 

"Maggy..."

"Okay lang naman sa akin kung may girlfriend ka. Pwede mo naman siyang dalhin dito. Ang sa akin lang, sana sabihin mo sa kanya. Huwag mong itago. Kasi kung itatago mo, baka mag-away lang kayong dalawa"

"Maggy I don't have a girlfriend"

"Huh? Huwag mo ng i-deny Cede! Ikaw naman. Nahiya ka pa. Nag i love you too ka pa nga sa kanya kanina. Well..uh I didn't mean to hear you saying those...uh" I don't want to assume but her tone screams jealousy! 

"Hmm...why are you so curious if I have a girlfriend or not?" unti-unti ko siyang linapitan na naging dahilan para mapaurong siya. 

"Kasi ayoko kasi na ano..baka maging third party pa ako..or baka isipin na nagche-cheat ka sa kanya kaya..." Muntik na siyang mawalan ng balanse. Mabuti nalang at nahawakan ko na siya sa bewang. 

"Maggy, I don't have a girlfriend. Pero kung papayag ka, then may girlfriend na ako" akmang hahalikan ko na sana siya ng bigla niya akong itulak at tumakbo papasok sa kwarto niya. You scared her Cede! 

The following days, we had an awkward atmosphere. Hindi pa nakakatulong na hindi kami parehas ng schedule dahil hindi  kami halos magkita sa bahay. Iniiwasan niya rin ako dahil sa nangyari. Paano ko ba siya susuyuin kung ayaw niya akong makita? Bago ako umalis ng bahay, sinisigurado kong nakapagluto na ako. Puro fast food lang ang kinakain kasi ni Maggy. Hindi naman iyon healthy.

"I'm sorry Maggy.." bulong ko habang yakap siya. Sinadya kong magpa-late sa trabaho dahil hinintay ko muna siyang makauwi. 

"Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang masama ah?" sabi pa niya sa akin. 

"I'm really sorry Maggy. Bati na tayo please? Ayokong iniiwasan mo ako" paglalambing ko sa kanya. 

"Nabigla lang ako sa sinabi mo. Hindi lang ako makapaniwala..."

"Can I court you Maggy? I want you to be my girlfriend" I asked her. 

"Bakit naman manliligaw ka pa? Nakabagal mo Cede! Twenty six na tayo pero gusto mong ligawan muna ako? Yung mga ka-batch natin halos nagaasawa na tapos ikaw-" pinatahimik ko siya sa pamamagitan ng isang halik. 

"I love you girlfriend" namula siya dahil doon. 

Habang pinapagalitan ako ng head nurse ay lumilipad ang isip ko. Nakangiti ako ng nakakaloko na siyang mas kinainisan ng head nurse. I don't really care. Kahit ilang oras pa niya akong sermunan ay hindi niya masisira ang mood ko. Girlfriend ko na si Maggy! Gusto ko nalang umuwi at makasama siya. We need to make up for the years we lost. 

Isang taon na kaming dalawa ni Maggy nang mapapayag ko siyang umuwi ng Pilipinas. Tita Marielle was really excited because after eight years, she'll see Maggy again. Masaya din sina Mama at Daddy dahil doon. 

The first thing we did was visit Tito Gabriel's grave. Maggy was not able to go home and see him for the last time dahil pinigilan siyang umuwi ni Tita Marielle. I am sure that she misses her father although it does not show. Nagtirik kami ng mga kandila at nagdala ng bulaklak.

"I miss you Papa..." mahinang bulong ni Maggy habang hinahaplos niya ang lapida ng kanyang ama. She has been silently mourning for her father but today's different. After how many years of keeping everything inside, she finally opened herself. Nasa tabi lang niya ako habang kinakausap niya ang kanyang ama. 

Tito Gabriel, it has been years since the last time I went here. I hope you are doing fine in the arms of our Loving Father. I am here before you to ask for your blessing. I am going to marry your daughter, Tito. I love her so much. I couldn't imagine a single day without her. I will make her happy. I promise to take good care of her.

Dumaan din kami sa puntod ng Lolo at Lola niya na katabi lang ng kay Tito Gabriel. Mas naging emotional si Maggy. I was hugging her from behind while whispering words that will make her feel better. I know how much she loves them. 

Lolo, Lola I will marry your granddaughter. I promise to fulfill all the promises you made to her. 

Pagkatapos namin sa sementeryo ay hinatid ko na si Maggy sa bahay nila. Dumiretso siya sa kwarto niya na siyang naging dahilan para magalala si Tita Marielle. 

"Pagkagaling po sa airport ay dumiretso na kami sa sementeryo gaya ng gusto niya" sabi ko kay Tita Marielle. Nasa labas na kami ngayon ng bahay dahil naibaba ko na lahat ng maleta ni Maggy.

"Thank you Jack...hindi mo iniwan si Maggy"

"Ang totoo nga po niyan, nagawa ko siyang iwanan noon"

"We all have our own reasons as to why we chose to leave our loved ones. Sigurado ako na may rason kung bakit mo nagawa iyon. Ganoon din naman kami ni Gabriel noon. We wanted what's best for her and for our family but it only ended up as a mess. Nasugatan namin siya gayong hindi namin ginusto"

"We make choices which can make or break a person. We always live with the idea of acquiring the benefits of a doubt po" 

"My only regret was she had to fight sorrow and longing at a young age. Pero nagpapasalamat din ako na nangyari iyon dahil natuto siyang tumayo sa sarili niya paa. She's brave enough to face the pain brought by life's challenges" I smiled upon hearing Tita Marielle's words. 

"Tita magpapaalam po sana ako sa inyo..." sabi ko sa kanya sabay kuha ng isang maliit na kahon sa aking bulsa at ipinakita iyon sa kanya. Kaagad naman siyang naluha dahil doon. Yinakap ako ni Tita Marielle na siyang ikinagulat ko.

"Sino ba naman ako para humindi? You have proven yourself enough that you are worthy for my daughter. Thank you Jack. You have taught her a lot of things. She has grown because of you. Of course, I am giving you my blessing" sabi niya sa akin. Kumalas na siya pagkatapos sa akin at ngumiti. "Good luck Jack. Sana um-oo kaagad" 

Kabado ako habang naghihintay sa kubo. Nandito ako ngayon kung saan kami madalas ni Maggy noon para manood ng sunset. Ngayon lang ata ako kinabahan ng sobra! I checked my wrist watch only to find out that it's already 5:30. Ang sabi nila ay 5:45 lulubog ang araw ngayon! 

Nakahinga lang ako ng maluwag ng masilayan si Maggy na naglalakad na papunta sa kubo. I smiled upon seeing her walking towards me. Hindi niya ako magawang tignan ng diretso dahil nakatingin siya sa dinadaanan niya. 

She greeted me with a warm embrace. I kissed her forehead which made her smile. 

"Bakit ang tagal mo?" tanong ko sa kanya habang yakap-yakap pa rin siya.

"Nahirapan akong mamili ng isusuot eh. Sorry na" I chuckled upon hearing her reason which made me kiss her forehead again. 

"Kahit ano namang isuot mo bagay sayo. Maganda ka pa rin"

"Bolero!" mas natawa ako dahil doon. I showered her forehead with kisses.

Biglang nanalaytay ang kaba sa dibdib ko. I have never been so nervous for my entire life! Halos hindi ako makatulog kagabi dahil iniisip ko ang mangyayari sa araw na ito. Hindi rin ako mapakali na naging dahilan para magdasal ako ng paulit-ulit. Bago nga ako pumunta dito ay dumaan pa ako sa simbahan. Kumalas ako sa pagkakayakap. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. I kissed her hands alternately. 

Lord, please make me the happiest man alive.

"When I met you, I knew that my life is going to change forever in an instant. You were the very first girl who approached and asked me if I could be your playmate in kindergarten. You were a great groupmate in the training and on the national quiz bee when we were still in elementary. The best study buddy, friend and companion in college. We basically grew up together although most of the time, we were apart" she chuckled upon hearing those words. "I grew up with you living with the idea of sticking with you most of the time not knowing that there is an endless possibility that we might fall apart. And we did a plenty of times but look how far we've come" I paused for a while. "I made a lot of promises to you but I have broken some of them. I was a jerk for letting you feel the pain of being left behind without any explanations at all although I told you that I will never leave. I'm sorry for that, Maggy...But there's this one promise that I want to keep on fulfilling and I want to keep doing because I know how much you love it" 

When I saw the sun ready to settle, I smiled. I kneeled down in front of her and picked up the red box inside my pocket. I slowly opened it. A circle cut diamond ring greeted her. She was stunned to see it. She looked at me with the tears that are now ready to flow from her eyes. 

"Maeve Gabriella Valderrama, are you willing to spend the rest of your life watching the sunset with me?" I asked her. She wiped the tears that flowed from her eyes. Before nodding her head. Nagsimula na din akong maiyak dahil doon. Tumayo na ako sa pagkakaluhod at isinuot sa kanyang daliri ang singsing. 

Thank you Lord for the answered prayer.

"I love you..." wika ko.

"I love you more, Jack Evander De Silva" she answered. I wiped the tears from her eyes before planting a soft kiss on her lips. 

When our lips parted, we watched the sun as it starts to go back to its home. Colors of red, orange and yellow are painted in the sky. Slowly, the last rays started to fade giving way to the darkness that is ready to conquer. 

Like the sunset, my life will never be complete without her presence. She is my calm and peace, my hope amidst a day of chaos.

After The Sunset, our lives were renewed with the promise of forever.










Continue Reading

You'll Also Like

2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
2.9M 182K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...