High Wind and Waves (Provinci...

By Lumeare

122K 4.6K 507

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 38

2.2K 84 6
By Lumeare

Kabanata 38

High Wind and Waves

"Ada!" tinawag ako ni Reeve ngunit hindi na ako lumingon pa. I was able to go out of the farm because I used the shortcut.

Walang masyadong dumadaan doon. Since the Camporazzo farm is at the end of Arroyo, it's not everyday that a vehicle or automobile will pass.

Sunod sunod na gumawa ng butil ng luha ang mga mata ko. I can't stop crying while I walk and run. Rinig ko ang pagtakbo ni Reeve at sinusundan ako. I paid no attention because I was busy looking for a way out.

"Ada, please..." pagmamakaawa niya.

Suminghap ako at nagpatuloy sa pagtakbo. I don't even know what to say. Hindi ko nga kayang lumingon sa kaniya nang dahil sa nalaman.

Reeve is a liar! Iyon lang ang nasa isip ko. Naalala ko ang sinabi niya noon na wala ni isang babae siyang naging karelasyon doon sa Maynila. Walang relasyon pero may naka-halikan siya at nakagawa pa nga ng bata?

Who am I even freaking kidding? Posible nga namang walang karelasyon pero may  naka-usap at naka-fling. Reeve is in no doubt an attractive man and any woman could fall for him.

Bakit nga ba ako naniwala sa kaniya? Tama nga siguro si Isidore. Dapat nga na mas maging matigas pa ako. Dapat nga ay hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon pang sakupin ang buhay ko.

Reeve was a danger. Ilang beses ko ng itinatak iyon sa isip ko pero bakit pinairal ko na naman ang puso ko?

"Ada, hindi mo ba ako papakinggan? Why are you running away from me?" he called out in frustration.

Malapit na ako sa mga kabahayan ngunit naririnig ko pa rin siya. Nang mapagod ako ay dahan-dahan akong naglakad. My knees hurt as if enflamed. I looked like a total wreck. Wala mang salaming nakaharap sa akin, siguradong bakas na bakas ang luha sa pisngi ko. My hair looked messy because I run against the wind. Ang alikabok na dala ng hangin ay dumidikit sa aking balat.

"Ada..." Suminghap ako nang maabot ni Reeve. Naiwaksi ko ang kamay niya at dire-diretso lang sa paglalakad. I was heaving. I was frustrated to get out of this place. Ayaw kong maramdaman siya sa kahit ilang distansya pa iyon.

As long as he's here, I'm never gonna be okay.

"So...that's it? You won't even listen to me?" pasigaw niyang dagdag.

Kinagat ko ang aking labi at napalunok. I inhaled a deep breath before facing him. Kinuyom ko ang palad at nangunyapit sa kakarampot na tela ng aking suot na damit. Nang makita ko ang mukha niya, bumibigat na naman ang dibdib ko. Sa muling pagsinghap ay tumulo ang luha ko.

"Reeve, I've given you a chance. Ilang araw na ba ang lumipas simula ng dumating ka rito? How many months has it been? Ilang araw ba tayong magkasama palagi? Ilang oras? You could have all the time in the world to tell me...pero bakit hindi mo ginawa? At ngayon na nandito na, saka ka magpapaliwanag?"

I wiped the tears off my cheek. Suminghot ako. Naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. I thought I was stronger now. I thought I'll never cry once I've been hurt. Pero bakit ba ganito ako? Noon, sa pag-iwan ni Reeve, umiyak ako kasi hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko at ngayon...kung kailan akala ko ay maayos na ang lahat, saka magkakaroon ng problema.

I don't think it's a problem in our relationship anymore. It's not mine to deal with. It's his. Siya ang gumawa ng problema at ako...damay lang ako sa sakit. Sobrang naniwala ako na kaya niyang magbago. I thought that somehow, he'd planted in his mind that there no place for lies in here. Kailangan mong maging tapat para maibalik ang respetong karapat-dapat.

I felt betrayed. I felt like everything has been wiped out completely of the wind.

"Reeve, bakit ka ba ganito? Bakit ba kung kailan maayos na ang lahat saka may mangyayari? Hindi ba ako pwedeng sumaya nang walang inaalala? Bakit ba ang hirap ng pagmamahal na 'to? Bakit ba ang hirap na manatili ka sa buhay ko? Bakit ba kailangang maging ganito? Do I deserve this? Sa tingin mo ba, kailangan kong maramdaman ito mula sa'yo? Don't you think you're being unfair to me all this time?"

I was staring at him. Lumalabo na siya sa paningin ko dahil sa panibagong luha na namumuo. He took a step forward and I stepped back immediately. Ayaw kong mahawakan niya. I don't want to melt in his arms while he couldn't give me an answer.

"Ada, it's not true," aniya at halos abutin na ang kamay ko. Iniwas ko iyon mula sa kaniya. May dumaang sakit sa kaniyang mga mata at nagbaba siya ng tingin.

He swallowed hard. Sa pagkagat ng dilim, halos hindi ko na maaninag ang kaniyang mukha.

"Ano bang hindi totoo? Hindi pa ba sapat ang nakita ko para sabihing totoo iyon? Ano pa bang dapat kong malaman?" galit kong sambit. "All this time that you were pursuing me, there's a woman miles away who's waiting for you to come back."

"She's not my girlfriend, Ada." Umiling siya.

"Hindi mo girlfriend pero asawa ng iba. Reeve..." Mangha kong sinambit ang pangalan niya. "You got someone else's wife pregnant! And seeing her reaction upon seeing you, alam ko ng matagal na kayong magkakilala. It looks like you were lovers to me."

"I am not into any kind of relationship with her, Ada. Hindi ba't sinabi ko na sa'yo? I never liked or loved anyone else but you. You're always on my mind, kaya paano ako makikipagrelasyon sa iba?" He was all red from the frustrations. Even when I don't want to set him on details, I just couldn't help it.

Ang kaniyang mga mata ay puno ng pagsisisi. He was breathing heavily. Kahit ilang talampakan pa ang layo niya, ramdam ko ang init na nanggagaling sa kaniya.

He licked his lower lip and stared at me. "It's not mine..the baby."

Umiling lang ako. Sarado na ang isip sa kaniyang mga paliwanag. Isidore was right. Sana ay hindi na lang ako nakinig kay Reeve. Sana ay hindi na lang ako umasa. Sana ay hindi na lang ako naging mabuti. I should've stayed on my high ground. Sana nagpatuloy ako sa pagiging mapagmataas para hindi na niya maabot.

"How could you even deny the baby in front of me? Nagpa-DNA ka ba? Did you get some test to prove it?"

"No. But I know that it's not mine. I am sure of it, Ada."

Umiling ako. "It's not a proof. Kahit naman itanggi mo, kung wala kang maayos at matibay na ebidensya ay wala rin." I sighed. "I just...can't listen to you right now. I can't even look at you. Ayaw ko ng maniwala pa sa kahit ano mong salita o pangako."

We stared at each other. Pumintig ang aking dibdib ngunit hindi ko iyon pinansin. Love right now has no place in this kind of situation. Kailangan ko ng katapatan and surely, Reeve didn't give me that.

"Uuwi na ako," sambit ko pagkailang segundo ang lumipas. His eyes displayed disagreement and disbelief at my decision.

Sinubukan niyang humakbang ngunit nakatalikod na ako. Saktong may dumaang tricycle doon. Hindi ako nagdalawang isip na pumara at sumakay.

"Huwag mo na muna akong kausapin. You have a visitor to attend to. Aalis na ako," matigas at may pait kong sambit.

He couldn't react faster than the vehicle. Bago ko pa marinig ang pagpigil niya ay umandar na ulit ang tricycle.

Napasandal ako sa upuan at napahinga nang malalim. Natulala na lamang ako habang nakatingin sa binabaybay na daan. When I was nearing home, I fixed myself. Ayaw kong makita ako ng mga magulang ko na gulong-gulo at parang wala sa sarili.

"Nakauwi ka na pala. Kumusta ang date niyo ni Reeve?" bungad ni Mama at kilig na kilig sa tanong. I ignored her question and I entered my room.

Sumampa ako sa kama at parang batang umiyak doon.  Rinig ko ang katok ni Mama sa aking pinto ngunit hindi ko na iyon pinansin. I was busy dealing with my sadness to care about my mother. Alam kong tungkol pa rin naman kay Reeve ang itatanong niya kaya huwag na lang. If this day had ended nicely, siguro ay naidala ki pa papasok ng bahay si Reeve.

Mapakla akong napatawa nang mapatihaya sa kama. First day of being in a relationship and this happened. Akala ko ay wala ng hihigit pa sa araw na iniwan ako ni Reeve sa ere.

Pinagsisihan ko na hindi ako nagtanong tungkol sa kaniya. Whenever we're together, he always asks about me. At kapag nagtatanong ako ng tungkol sa kaniya, it was always about his friends and the places he'd been to. Sana nagtanong ako kung bakit siya na-suspend. Sana nagtanong ako kung bakit naging matagal siya rito at hindi inaasikaso ang kaniyang lisensya.

"Blacklisted, huh?" I whispered to the wind.

To think that Reeve could do that to his boss...I couldn't even imagine it. Kasi kahit na masama ang pagkakakilala ko kay Reeve noon, hindi ko naisip na gagawa siya ng bagay na makakasakit sa kapwa niya, lalong-lalo na at pangloloko iyon.

That's why he couldn't go back to work kasi wala naman talaga siyang babalikan doon. The only choice for him is to become a beggar or look for another job. Ngunit umuwi siya rito and he was accepted again. Binigyan ng isang pagkakataon para patunayan ang sarili at nagtagumpay.

Now, he was back again at his downfall. Kahit gaano pa kataas ang lipad ni Reeve sa himpapawid, darating ang panahon na lalagapak siya sa lupa. I never realized what he said to me before...about being reckless. Ito nga siguro ang sinasabi niya.

Nakatulugan ko ang pag-iisip. When I woke up the next day, I don't even know what to do. Masakit ang ulo ko at namamanhid ang aking mga paa. I was too exhausted to even lift a finger.

"Ada, hindi ka ba papasok sa clinic ngayon? Tanghali na!" katok iyon ni Mama.

I sighed. Kung minamalas nga naman ako. I have work to do and that means seeing Reeve at the early part of the day.

Nagpapasalamat ako na hindi niya ako sinundan sa bahay at tinigilan na. But I was able to retrieve the messages on my phone, from him, and Isidore.

Halos ayaw kong basahin ang galing sa kaniya. Si Isidore ay nangungumusta sa akin ngunit hindi rin ako tumugon.

I've had enough of these Camporazzo brothers. They are not healthy for me.

"Ada, dumaan dito si Reeve kagabi. Mukhang pagod," si Mama iyon nang lumabas na ako ng kwarto suot ang damit pang-trabaho.

"Kagabi?" Nagsalubong ang aking kilay.

"Oo, kagabi. Sinabi kong tulog ka na kaya hindi rin nagtagal. May problema ba kayong dalawa? Bakit mukhang pagod iyon at hindi mapakali?" My mother sounded like one of those reporters.

Umiling na lang ako. Hindi ko na sinagot si Mama at nagtuloy-tuloy ako palabas ng bahay. I drove my car in hast towards the clinic because I am late for work.

Halos hindi ko nga matingnan ang lugar kung saan iyon nangyari kahapon at diretso lang ako sa pagpasok sa clinic.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang bakante ang pwesto ni Reeve. Si Doc Malvar ay nasa loob na ng opisina at nang marinig ang pagbukas sa reception ay napatingin sa akin.

"Late ka ngayon, Ada. Bihira itong mangyari," anito nang makapasok ako.

"Na-late lang po ng gising," tugon ko ngunit ang tingin ay nasa labas, sa mismong pwesto ni Reeve.

"Hindi pumasok ngayon si Sir Reeve. Mukhang may pinuntahan." Si Doc Malvar nang mapansin ang tingin ko.

"Ah, ganoon po ba." I smiled. "Wala ho bang sinabi sa inyo?"

"Wala naman. Hindi ba nagpaalam sa'yo?"

Umiling ako. Napaupo ako at napabuntong hininga.

He's still my boyfriend, right? Hindi naman kami naghiwalay at wala namang nagsabi na may makikipag-break sa amin. Dapat bang ginawa ko iyon kahapon? First few hours of being in a relationship then that happened. I really should have just given it more time.

Bakit nga ba kasi atat ako sa pag-ibig? I didn't feel left out seeming that my friends are all single too.

Kaya bakit?

Then, I found my answer. It was Reeve. Nagmadali ako dahil takot akong baka iwan niya at wala akong panghawakan. Because of Reeve, I was too afraid to be left out by people. Ang mga kaibigan ko, unti-unting lumalayo sa akin dahil sa pagbabago sa kanilang buhay. Mabel working on Pueblo and Isidore working in Costa...I realized I was afraid to be alone in this kind of battle.

Kaya rin siguro nang magkaliwanagan kami ni Reeve, unti-unti kong binuksan ang damdamin para sa kaniya. I was afraid that he'll leave again without a proper goodbye to me or even an assurance.

Hindi mawala sa isip ko si Reeve habang nagbabasa ako ng libro. Naninibago ako na walang iistorbo sa akin dahil may tatawag sa telepono at para sa akin iyon. Naninibago ako kasi walang bumati sa akin nang pumasok ako sa clinic at magsasabi ng schedule ngayong araw.

Parang mababaliw ako kakaisip kung saan siya pumunta at bakit wala siya rito ngayon.

Kasama niya ba ang Samantha'ng iyon? Is she still here though? Hindi ko alam kung natanggap ba siya roon sa mansyon kung ipinaliwanag din ni Isidore ang nangyayari.

Hindi ko nakayanan ang iniisip at kinuha ko ang aking cellphone. I decided to check on Reeve's messages from last night. Kahapon nga ang lahat ng iyon at nakompirma kong wala siya ni isang ipinadala sa akin ngayong araw.

Reeve:
I'm outside your house, Ada.

Reeve:
Please? Can we talk? I promise to tell you everything. Basta't makinig ka lang sa akin.

Reeve:
Are you crying right now? I'm sorry. Please? Nandito ako sa labas.

Reeve:
Your mother said you're sleeping. You must be tired from all of this. Good night. Aalis na muna ako. I might send Samantha home tomorrow. This is not her place and it shouldn't be her place, anyway.

Reeve:
Mahal kita, Ada. I hope you'll listen to me, maybe not tomorrow. Maybe the next day and I'm willing to wait for your time. Huwag mo sana akong iwasan, please.

Huwag iwasan...pero nasaan siya ngayon? Kung gusto niyang magpaliwanag sa akin, nasaan na siya? Bakit wala siya rito?

Kinagat ko ang aking labi. Nabibitin sa ere ang aking mga daliri habang sinusubukan kong magtipa ng mensahe para sa kaniya.

Ako:
Nasaan ka?

Agad kong binura iyon at nag-isip ng tamang sasabihin. I can't help but feel frustrated. Simpleng text lang, Ada. Magtatanong ka lang kung nasaan siya.

Sa muli kong pagbuntong hininga ay napindot ko ang mensaheng aking ginawa. Ganoon pa rin. Nagtatanong kung nasaan siya.

I can't help but feel more frustrated.

Continue Reading

You'll Also Like

283K 10.2K 40
Phaedra Divinagracia always lived her life in a selfless way. Nang maghiwalay ang nga magulang niya, she let them marry other people for the sake of...
446K 14.1K 44
Isla Contejo Series #1 (1/5) In politics, it's always a dog-eat-dog situation. Fleurysa Salvatorre has always been pushing that thought away. She bel...
EXIT By Miss Anicah

Mystery / Thriller

11.1K 237 22
Kilala mo na nga ba talaga ang mga kaibigan mo? Paano kung may tinatago silang sikreto? At ang sikretong iyon ay ang lihim na galit nila sa iyo? Mas...
10K 345 39
SPSeries # 1 : That Rainy Night in Cubao (Jericho's Story) 1 of 5. Scared to be left behind, Glory Ginn, from PUP College of Communication, never got...