My Safe Place [COMPLETED]

By ChinnieMin

2.5K 73 10

Si Akinaziah Mae Oinoma ay naisipan na sa Pilipinas na mamuhay, for her sa Pilipinas nya nakikita ang maganda... More

My Safe Place
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Last Chapter
Epilogue

Chapter 32

32 1 0
By ChinnieMin

"Do you know mafia?" Tanong ko at dahan syang tumango.

"He's part of it. Sumali si Lorenzo sa whitemask organization na mismong kalaban ko, hindi manlang nya pinag isipan ang magiging desisyon nya. It means handa syang mamatay para sa pera." Sabi ko kaya napatakip sya sa kanyang bibig.

Tinignan ko sya ng seryoso. "At alam mo ang mga ginagawa ng magkalaban?" Tanong ko ulit at hindi na sya makasagot.

"Nag papatayan. Inshort inunahan ko lang sya, kung hindi ko sya pinatay ako ang papatayin nya."

Sa sobrang pang hihina nya ay kusa na syang bumagsak sa sahig.

Endure the pain, Mae. Trust me. It's worth it in the end.

"Dapat nga ay mag pasalamat ka pa sa akin dahil iniligtas kita. Kung sakaling nandon ka sa pang yayaring yon siguradong madadamay ka." Saad ko kaya napatingala sya sa akin.

Lalo syang umiyak. "Pero lahat ng perang nakuha nya inilagay nya lahat sa bangko ko." Wika nya na nagpatigil sa akin.

"Gusto nyang mag kapera dahil gusto nyang mag karoon kami ng sariling pamilya ng hindi nag hihirap. So tell me, Ziahna? paano pa iyon matutupad kung wala na sya?" Tanong nya na nag pakirot ng puso ko.

Bakit nakikita ko ang sarili ko sa kanya?

Bahagya akong natigilan at biglang may pumasok na alaala sa akin.

"Bubuo tayo ng pamilya, Ziahna. Ang bata na nasa tyan mo ay ituturing kong tunay na anak, we will get married kapag nasa legal age kana."

He promised to me na bubuo kami ng pamilya. Ngunit sa bandang huli namatay din sya.

Tumingin ako kay Mae. "I understand you. Hindi kaman maniniwala ngunit nakikita ko ang sarili ko sa iyo, Ang sabi nila itinakwil karin ng pamilya mo noon. Ganun din ang nangyare sa akin kaya naiintindihan kita. Kagaya mo ay namatayan din ako ng mahalaga sa buhay ko, And I'm so sorry dahil naranasan mo rin ang ganung pakiramdam." Mahinang paghingi ko ng tawad.

At kung buhay man si Lorenzo ngayon alam kong hindi parin sila mag kakatuluyan ni Mae. Balang araw darating ang panahon na mabubulag sa pera si Lorenzo at makakalimutan nya ang pag mamahal nya kay Mae.

Inis syang tumingin sa akin. "Ang dali dali sayong mang hingi ng tawad." Sabi nya kaya umiling ako.

Umiling ako. "Hindi madali sa akin, ngayon lang ako humingi ng tawad. Humihingi ako ng paumanhin dahil alam kong may kasalanan ako."

Huminga sya ng malalim at nag baba ng tingin. "I lost everything. Ang pamilya ko ay kinamumuhian ako dahil sa ginawa ng magulang ko na ninakaw nila ang lahat ng yaman ng lolo at lola ko. Nang namatay sila ay ako ang nag bayad sa ginawa nila. Tanging ang isang pinsan ko lang ang kakampi ko ngunit itinataboy ko din ito."

Parang ako. Pilit kong tinataboy si Akirill at ang mga taong tunay na nag mamahal sa akin na wala namang ibang ginawa kondi ang protektahan at alagaan ako.

"Nakilala ko si Kayla at ang isa naming kaibigan, trio kami kaya sobrang saya ko dahil may kaibigan na ako finally. Hindi rin katagalan nag kagulo dahil sa pag amin sa akin ni Lorenzo na gusto nya ako. Ang time na iyon ay naging mag MU din si Lorenzo at Kayla."

"Gusto ko rin si Lorenzo nun kaya't sinagot ko sya ang akala ko ay balewala lang yun kay Kayla dahil nga meron na syang Memard. Pero isang araw nakita ko kung papaano saksakin ni Kayla yung bestfriend namin ng kutsilyo sa isang park kung saan pinag lalaruan naming tatlo."

"Takot na takot ako nun. Hindi ko alam kung sino ang pag sasabihan ng aking nararamdaman, hanggang sa makita ni Lorenzo ang pag babago ko kaya kinausap nya ako. Ang sabi nya tutulungan nya akong makaganti sa Kayla na iyon. Kulang pa yung ginawa ko kumpara sa paulit ulit nyang pagsaksak sa kaibigan ko." Umiiyak na wika nya

Inilagay ko ang mga kamay ko sa likod at tumalikod na. "Huwag mo ng idamay ang kapatid ko sa galit mo. Walang kinalaman si Naziah sa away na namamagitan sa inyo ni Kayla." Sabi ko at naglakad na.

Kahit anong sabihin kona wala na akong pakialam kay Naziah ay hindi ko sya matiis. At yun ang kinaiinisan ko sa sarili ko. Hindi naman ako ganito dati.

O sadyang bumabalik lang kung anong tunay na ugali ang meron ako?

At yun yung mag mahal kahit maubos ako.

Matapos ang mahabang oras ay finally uwian na. Nauna akong lumabas sa kanila at sinundan ako ni Memard.

"Are you mad?" Tanong nya. Hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad.

"You're mad." Sabi nya.

Inis akong tumingin sa kanya. "Hindi ako galit, okay?" Sabi ko at naglakad ulit.

"Why are you mad?" Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.

Tumawa sya sa nakita. "Wag ka ng magselos. Ikaw lang ang mahal ko." Seryosong sabi nya na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"Hindi ako nag seselos."

"Eh bakit hindi mo ako kinakausap?" Hindi ko sinagot ang tanong nya.

Huminga ako ng malalim. Huminto ako sa paglalakad at hinarap sya.

"Kung maiinlove ka sa akin siguradohin mo munang hindi ka na inlove sa isa. Kase kawawa ako kapag nagkataong inlove kapa sa kanya tas ako hulog na hulog na." Seryosong wika ko.

"Damn! I love you." Ngumisi ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Dalawa kaming pumonta sa bahay nila Tita para kuhanin na sana si Jandrik. Nagulat ako nung nandon si Ligaya, sya lang mag isa at hindi kasama si Dad. Karga karga nya si Jandrik habang nakangiting pinapanood ang pagtulog nito.

Ganyan rin kaya sya habang kinakarga nung sanggol pa ako?

"Ang tagal namang dumating ni Ziahna." Rinig kong sabi nya kaya kumunot ang noo ko.

Ako ba ang hinahanap nya at hindi si Naziah?

"Where's Jandrik?" Nagkunyari ako na kararating kolang kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Sino yang kasama mo? boyfriend mo?" Sarkastikong tanong ni Ligaya.

"Asawa ko." Sagot ko na nag pasinghap sa kanya.

Kita kong napatigil sa pagkain si Jhermi at salubong na tumingin sa akin.

"Gusto mo talagang bastos ang sinasagot mo sa akin." Binaba nya si Jandrik at nakahalukipkip at walang emosyon na nakatingin sa akin.

Ngumisi ako saka ginaya sya sa paghahalukipkip. "Dahil bastos din ang binabatong tanong mo sa akin." Sinagi ako ng marahan ni Kayle na para bang pinapatigil ako.

"Then you should invite your husband to my house." Sabi nya. "You should introduce him to your brother."

"Nah, Akirill knows him. Pero sige kung talagang makulit ka pag bibigyan kita." Ngisi ko at kinuha si Jandrik sa crib. Tumingin ako kay Memard at Ligaya.

"Akyat lang ako taas para magpalit." Tumango sya.






MEMARD POINT OF VIEW

Nakaupo ako sa sofa habang nakatingin naman sa akin ang Tita ni Ziahna at ang Mommy ni Ziahna. Si Jhermi naman ay tuloy lang sa pagkain ngunit alam kong nakikiramdam din sya.

"Iho, sigurado ka naba sa anak ko?" Nagulat ako sa itinanong ng Mommy ni Ziahna.

"Sa dami ng mga pinag daanan nya sa mga kamay ng mga lalaki, hindi na madali sa kanya ang mag tiwala." Dagdag nya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang kilos nya ngayon, ibang-iba sa kwinento sa akin ni Ziahna ngunit ano 'man ang rason ang mahalaga sa akin ramdam ko na mahal nya si Ziahna. Kahit hindi makita iyon ng taong mahal ko.

Ngumiti ako. "That's why I respect your daughter's decision Mrs. Oinoma. Gustong gusto ko sya ngunit ayokong madaliin sya. I can wait until she said yes to me." Magalang na sagot ko.

Alam ko na rin ang mga pinag daanan ni Ziahna. Sinabi sa akin ni Ryuiichi, ngunit ang iba nyang ex ay hindi nya na makita kung nasaan man.

Ngumiti si Tita Cassa at ang Mommy ni Ziahna.

"Liar." Rinig kong bulong ni Jhermi at matalim na tumingin sa akin.

"Seriously, hindi kita gusto para kay Ziahna. Bad influencer ka sa kanya matigas na nga ang ulo nya pakiramdam ko papatigasin mo pa. At ang pag kakaalam ko hindi ka pa over kay Kayla hindi, ba? bakit biglang si Ziahna agad mahal mo?" Nakataas na kilay na tanong nya.

Seriously ang sarap sapakin nito. Kung hindi lang sya pinsan ni Ziahna ay matagal ko ng pinatulan ito.

Ano bang alam nya sa pag mamahal? nag mahal na ba ito?

Umirap si Mrs. Oinoma. "Shut up, Jhermi. Bakit hindi ka nalang mag girlfriend ng hindi ka bitter dyan." Inis na sambit nito.

"Ayokong madaliin ang pag ibig, Ligaya. Baka matulad ako sayo. Nauna pero natutunan lang mahalin." Nakangising wika nito dahilan para kumunot ang noo ni Mrs Oinoma.

"Jhermi!!" Sigaw ni Tita Cassa sa kanyang anak ngunit nag kibit balikat lang si Jhermi habang natatawa.

"Sabihin nyo nalang kase ang totoo. Nag papakahirap pa kayo." Yon lang ang huling narinig kong sinabi nya.







NAZIAH POINT OF VIEW

"Maayos naman ang likod mo." Sabi ni Kuya matapos icheck ang likod ko.

Ang sakit kase talaga ng pag kakatulak sa akin ni Mae. Bwesit na iyon.

Umayos ng tayo si Kuya at hinarap ako. "Sa susunod na may masakit sayo ay sabihin mo sa akin agad." Tumango nalang ako.

Ang sabi ko lang sa kanya ay masakit ang likod ko at hindi ko sinabi ang dahilan. Baka kase pomonta sya sa school at makaharap nya si Mae na ubod ng taray.

Mahilig pa naman sa mataray itong si Kuya. Ayokong maging sister si Mae pag nagkataon, no! no way.

"Hindi ba kayo sabay umuwi ni Ziahna?" Tanong nya.

Umiling ako. "Kasabay nya yung presidente namin na si Memard."

"Ah, that guy." Napatingin kami sa pinto ng pumasok sina Mommy kasama si Ate at Memard.

Agad akong tumakbo at nilaro si Jandrik. "Hi, Jandrik." Masayang bati ko at ngumiti ito ng bahagya.

"Call your boyfriend, Naziah. Sabihin mo dito sya mag dinner." Pagkasabi nun ni Mom ay nanlaki ang mata ko.

"Manang, magluto kayo ng masarap na ulam. May bisita tayo." Rinig kong utos nya bago umakyat pataas.

Excited kong inilabas ang cellphone lo at dinial ang number ni Vincent.

["Hmm?"] Napangiti agad ako.

"Anong ginagawa mo?"

["I'm here at my mom's house. Why? Is their a problem?"]

"Niyayayaka ni Mommy na dito mag dinner sa akin." Tumahimik sandali sa kabilang linya.

["Okay. Wait for me, baby."] Napangiti ako sa kilig.

"Love you." Sabi ko.

["I love you too."]

"I'm home." Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Dad kasama si Akilex na kagagaling lang sa school. Agad na kumunot ang noo nito ng makita ang katabi ni Ate sa sofa.

Sa ikinikilos nilang dalawa para na talaga silang mag asawa. May pinag uusapan sila na sila lang ang nakakarinig. Parang may sariling mundo, ganun.

"Who's that baby, huh?" Nakataas na kilay na tanong ni Akilex.

Nakangiting tumingin si Ate sa kanya. "He's Jandrik. My son."

Son? si Memard lang naman ang nag adopt dyan, ah? wag nyang sabihin balak nyang mag pakasal kay Memard.

"Son?" Si Kuya Akirill na inulit ang sinabi dahil tila mali ang pag kakarinig.

Tumayo si Ate. "Akyat lang kami sa kwarto." Sabi nya at inaya si Memard. Lahat kami nakatunganga lang sa kanila hanggang makaakyat sa taas.

Papaakyatin nya sa kwarto si Memard? wala pa ni isang nakakapasok doon.

"Napaka espesyal ng lalaking iyon para kay Ziahna para paakyatin ito sa kwarto nya." Komento ni Dad habang nakatingin parin sa hagdan.

"I'm selos." Napatingin kami kay Ailex ng sabihin nya iyon habang nakanguso.

"Who?" Tanong ni Mom.

"The baby Jandrik." Natawa kami sa isinagot nya.

30 minutes ang makalipas at dumating din si Vincent niyakap nya agad ako ng makita.

"Good evening, Maam." Bati nya.

"Nandito si Memard." Bulong ko kaya napatingin sya sa akin. "Really?" Tumango ako.

"Nasa kwarto sila ni Ate." Ngumisi sya ng sabihin ko iyon kaya napakunot ang noo ko.

"Yung utak mo." Paalala ko kaya natawa sya.

Sobrang lawak ng utak ng lalaking ito, ang sabi ni Christ si Vincent daw ang pinaka matalino sa kanila kaya lang tamad.

Ang lawak lawak ng utak kaya kung ano anong napasok sa isip.

Umupo kaming lahat at saktong pag baba nila Ate. Bitbit ni Ate si Jandrik habang may ngiti sa labi.

Continue Reading

You'll Also Like

301K 10.7K 80
Ito ay kwento ng isang dalaga na naninirahan sa isang probinsya ,sya ay mahilig sa away at mandalas masangkot sa gulo kaya naman ,napagdesesyunan ng...
10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
162K 650 37
WARNING! THIS STORY IS ONLY SUITABLE FOR 18+ Narito ang mainit na kwentong hindi inaasahan nang magkapatid. Nadala ng matinding libog ang dalawa kaya...