LOVE , LIES WITHIN YOU (FRAND...

By Amyfinity_writes09

107K 9.4K 1.1K

LOVING YOU IS A LOSING GAME More

00
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C30
C31
C32
C33
C34
C35
C36
C37
C38
C39
C40
C41
C42
C43
C44
C45
C46
C47
C48
C49
C50
C51
C52
C53
C54
C55
C56
C57
C58
C59
C60
C61
CH61
C62
C63
C64
C65
C66
C67
C68
C69
C70
C71
C72
C73
C74
C75
C76
C77
C78
C79
C80
C81
C82
C83
C84
C85 End

C1

8.2K 189 4
By Amyfinity_writes09

Frances Pov

Hi everyone! Isang mapagpalang araw I'm no other than Francese Therese Sy and most of my friends slash people call me frances. I'm half filipino and half chinese. My mom was a pure filipina and my father was a pure chinese. So enough for the brief introduction , isa nga pala ako sa mga kakandidato for the election as a president in student council ngayong taon. By the way , I just want to share that I ended up my 2 years relationship because I found out that he cheated on me.

I love him so much to the point na I can't forgive him for what he did to me , I started moving on these past few days but kabaliktaran yung nangyayari , I can't move on and this pain on my heart is giving me a hard time. I admit that mahal ko parin siya despite of the pain na binigay niya sa akin but tinitry kong iwasan siya for the sake of me na rin , ayoko na masaktan muli ng dahil sa kanya. 2 weeks palang nung magbreak kami but it feels like isang taon na ang lumipas para sa akin.

"Ut ut? Nako natulala ka na naman dyan! Siya nga pala bali balita dito sa school na tatakbo din bilang Vice President ng student council yang magaling mong ex ah? Did you know it?" Napatingin naman ako kay coleen habang nanlalaki ang mata sa gulat , what the?! Ano na naman kayang pakulo nung lalaking yun? Wala na ba siyang magawa sa buhay at ninais niya ding tumakbo sa election? Anong gagawin niya dun? Maghahanap ng babaeng magiging collection niya? Tsk! what an asshole!

"I don't really care  coco kung tumakbo man siyang Vp or President! It's his choice anyway at tsaka please lang coleen ayoko na siyang pag usapan pa nasisira yung araw ko eh. I just want to erase everything about him" napabuntong hininga na kinuha ko yung phone ko sa may bag ko at nag iscroll nalang sa  facebook ko , madaming notifications ang bumungad sa akin at isa na dun yung pag pa flood reactions sa akin ni jaydee.

Nakakailang gawa na siya ng account at lahat ng iyun pinangba block ko , I think this is the 15th times kelan niya ba ako titigilan? Hmp tama nga yung sinasabi nila na nasa huli ang pagsisisi kaya deserved niya tong lahat at hindi na ako papayag na sa kanya pa rin ang bagsak ko sa huli. Saktong pagtingin ko sa may pintuan ay bumungad yung taong pinaka ayaw ko makita araw araw.

"Hoy dong! Loko loka ka , Totoo ba ang balita na running for Vice President ka sa student council? Kung totoo bakit hindi pa for president yung tinakbuhan mo?" Napaiwas nalang ako ng tingin ng tignan niya ako nang may ngiti sa may labi. That freakin smile! Nakakainis siyang tignan. Akala  niya ba makukuha niya ako sa paganyan ganyan niya? Tsk never again.

"Okay na ako sa Vice President at tsaka ayoko naman sapawan yung Reyna ko no! Kita mong tatakbo din siya bilang President ng student council siguro it's good that I'll be her right hand nalang in case na manalo ako kasi for sure at naniniwala ako na siya ang mananalo bilang president" nagtilian naman lahat ng mga kaklase namin dahil sa sinabi niya , nakakakilig na yun? Tsk ang korni niyong lahat. Napatingin ako sa kanila at kasabay nun ay nagtama ang aming mga mata ni jaydee at kinindatan niya pa ako , ayan galawang cheater.

"Baliw nasa Green partylist ka diba? Edi dapat sa President mo ikaw boto para manalo para maisagawa niyo ng maayos yung pinaplano niyo para sa campaign. Lakas din ng amats mo ah" sagot naman ni amanda pero napangiti nalang si jaydee sa kanya sabay tumingin muli sa akin , napaiwas nalang akong muli sa kanya saka kunwaring binabasa ang comments na nasa facebook ko.

"Alam na nun ng president namin na si queen ang sinusuportahan ko sa campaign" ito na naman ang tilian ng mga para kati kating mga kaklase ko , bilis nila makalimot ah baka nakalimutan nila na nagloko sa akin si jaydee kaya naghiwalay kaming dalawa. Sabagay palong palo mga cheater ngayon di porket pogi sila ay may karapatan silang manakit ng kapwa nila. Hindi kailanman magiging okay ang magcheat sa partner.

"She's not your queen anymore! you've cheated on her right jaydong? So stop saying anything about frances or iinclude man lang siya sa usapan niyo! Mahiya ka naman , or kung wala man magkaroon ka sana at nang maisip mo yang pinagsasabi mo." Sabat naman ni coleen na dahilan upang sikuhin ko siya nang sa ganun ay manahimik na at wag na makisali sa trip ni jaydee. Nanahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ni coleen at nabasag lang ang katahimikan nang dumating ang teacher namin ngayon kung kaya'y nagsibalikan na sa kanya kanyang upuan yung mga kaklase namin na kanina ay nagtutumpukan sa harap.

"Good morning class! So ngayon may gusto lang akong iaannounce about sa upcoming student coucil election that will be held the day after tomorrow! Ahm there will be a debate tomorrow against both of the parties para malaman niyo kung sino ba talaga ang karapat dapat na iboto para mapabilang sa officer ng student council this year , so that's it for todays announcement! Any question? Jaydee At Frances?" umiling naman ako ngunit si jaydee ay nagtaas ng kamay mukhang may itatanong ata itong babaerong to di pa ba obvious queen? Syempre related yan sa upcoming games niya.

"Yes jaydee ano ang iyong katanungan? Maaari kang tumayo iho para maging komportable ka" magalang na saad ng aming guro , tumayo na nga ito sa kanyang kinauupuan at napatingin muna siya sa akin tapos ako naman ay inirapan lamang siya.

"Ano pong oras nung debate na gaganapin bukas maam?" Tanong nito sa teacher namin , ibinaba na muna nito ang kanyang hawak na libro bago niya sagutin ang katanungan ni jaydee.

"Mga 12-2pm yung debate bukas Mr. Garcia at kailangang nandodoon ka dahil running for Vice President ka sa Green Partylist right? Make sure na naka formal uniform ka sa oras na yun" sa mga hindi nakakaalam he was a varsity and also a captain of their team. Kasama niya din sa team yung kuya kong graduating na this year.

"Ma'am may schedule game po kasi ako that time eh 12-2pm din po yung oras ng laban namin bukas , hindi naman po pwedeng hindi ako sumali sa laro dahil ako yung team captain at yung ace player" seryosong turan nito , ever since first year kami ay kabilang na siya sa varsity ng basketball hanggang sa ngayon na first year college kami.

"Pag hindi ka nakasama sa debate bukas then you will be disqualified Mr. Garcia so you better chose? Being a part of varsity or be a part of student council? It's on you" Sagot naman ng guro namin at hindi na nakasagot si jaydee dahil doon , itong si coleen naman panay tusok ng gilid ko na tila bay nang aasar pa.

"Queen? For sure di niya pipiliin yung maging parte ng student council debate bukas , tsk sayang inaantay ko pa naman siyang magmukhang tanga sa debate niyo bukas gayung wala naman siyang kaalam alam sa mga---" tinakpan ko nalang yung bibig niya kasi medyo lumalakas na yung boses niya at baka marinig pa siya ng teacher namin na mukhang hindi maganda ang gising.

"Alam mo ut ut? Manahimik ka nalang okay? Nagsisimula na si ma'am mag discuss oh mag focus kana at wag mo na siyang alalahanin pa. Kasi nagmumukhang ikaw yung ex kesa sa akin sa sobrang bitter mo" wika ko saka inirapan siya , parang siya pa kasi yung mas apektado kesa sa akin eh. Matagal na siyang di boto kay jaydee para sa akin kasi nga babaero nga daw si jaydee which is totoo naman pala. I thought kapag naging kami ay magbabago siya ngunit nagkamali ako.

"Sus ang sabihin mo ut ut sadyang ayaw mo lang na makarinig na sinasabihan ko nang masama yang walang hiya mong ex. Eh totoo naman kasi na...." napasapo nalang ako ng noo ko nang lumingon yung teacher namin na kanina ay nagsusulat sa whiteboard at ngayon ay nakapameywang at nakatingin lang nang diretso kay coleen na namumula na sa kaba.

"Ms. Coleen Shan Trinidad? If you mind can you tell us kung ano ang pinagsasabi mo dyan kay francese? Mukhang mas importante pa ata yang chismis mo sa kanya kesa makinig sa klase ko eh?" Iritang sabi nito kay coleen pinatayo niya naman si coleen upang iexplain yung side niya kung bakit ba siya nagsasalita habang nagdidiscuss yung teacher namin which is highly prohibited pag nagsimula na yung klase.

"Ah sorry po ma'am di naman po ganun kaimportante , di na po mauulit , pasensya na po sa abala. Tuloy niyo na po yung discussion" nakayukong sabi ni coleen tapos pinaupo naman na siya agad ng teacher namin , buti nalang at wala tong topak si maam kasi minsan pag may nangyayaring ganto ay bibigyan niya ng parusa like tumayo ng magdamag sa klase.

O di kaya ay lalagyan ng tape yung bibig habang nakatayo sa labas ng room na may nakapatong na libro sa mga kamay which is nakakangalay. Nagpatuloy na lamang kami sa pakikinig sa klase niya ganuong baka mag pa surprise quiz na naman siya sa amin , siya pa naman yung klase ng teacher na biglang lilitas at biglang mawawala para siyang char.

Alam niyo yun? Yung tipong magpapaquiz siya sa oras na hindi handa yung mga estudyante niya at ang ending half of the students sa section namin ay nakakakuha ng mababang marka , buti na lamang at nag aadvance study na ako lagi para ready na ako pag iniwan sa ere djoke.

Para mamaintain ko yung grades ko sa itaas and nagpapagoodvibes din ako sa mga taong nasa paligid ko nang sa ganun ay makuha ko ang simpatya nila na iboto ako sa darating na election. Marami akong inihanda na magandang gagawin sa aming paaralan once na nanalo ako , I am really responsible sa mga bagay bagay lalo na sa iiwan na responsibilidad ni Kuya Abbiel na current student council president. Siya din ang kuya ni coleen and ang palayaw niya ay Abbie.

Well I know naman na hindi biro ang tatahakin ko but I'm really looking forward sa mga magaganap , I just hope na manalo kami laban sa kabilang partylist nang sa ganun ay maisagawa namin ng aming team yung mga ginawa naming plataporma na ikakaunlad at ikakasaya din ng mga kapwa namin estudyante.


Jaydee's Pov

Kasalukuyang magkasama kami nila Amanda, Laney at Gabb ngayon sa kantina. Recess time at kailangan naming kumain sapagkat pare pareho kaming hindi nakakain sa kani kaniyang tahanan namin. Nakatingin lamang ako nang diretso sa kinauupuan nila Frances at Coleen ngayon doon sa kabilang dulo ng inuupuan namin , masaya silang nag uusap ngayon kasama ang mga ka partylist ni Frances. Mukhang nagmimeeting pa din sila hanggang ngayon.

Nakakamangha lang sapagkat nagagawa niya na ngayon yung mga bagay na gusto niya talagang gawin na nalilimitahan dati , hindi naman sa pinagbabawalan ko siya sa mga bagay na iyun kundi siya na mismo ang umiiwas sa mga bagay na maaaring maging dahilan ng aming pag aaway.

Mostly selos sapagkat syempre sa ganda ba naman niya hindi ako magtataka kung maraming magkakagusto sa kanya , mapalalaki man o babae ay hihimlay sa kagandahan ni Frances. Ang kinaibahan lamang sa ngayon ng kaganapan ay nagloko ako sa kanya and that's my biggest mistake , wala na dapat akong maging rason sapat na na dahilan yung nasaktan ko siya at naging rason kung bakit kami naghiwalay na dalawa.

"Tama na kakatitig dong? Masama na yung tingin ni coco sayo , baka sumuka ka na dyan ng dugo maya maya kapag ipinagpatuloy mo yan" pang aasar naman ni gabb sa akin , hindi ko namalayan na nakataas na ang kilay ni coleen habang nakadiretsong nakatingin sa akin habang si frances ay hindi man lang ako binibigyan ng kahit isang tingin.

"So tutuloy ka ba talaga jaydee sa pagsali dyan sa Student Council? Nako hindi biro ang magiging daan mo dyan? Ganuong si Kuya abbie ay malaki ang iginugol na oras sa office nila kesa sa basketball team natin" wika naman nang kakadating lang na si Lance Ryan in short for Lara which is ikinapagtaka namin gayung pambabae ang pangalan at pinalayaw sa kanya ng mom niya. 

Inexpect din kasi na babae siya nung pinagbubuntis ngunit nagulat sila tito na lalaki pala ang magiging anak nila kaya ayan ang kinalabasan ng pangalan niya. Kasama niya din pala si Kuya abbie na may dala dalang C2 at chunkie na cookies sa isang kamay niya.

"Uhm tama , hindi biro iyun dong! Malaking responsibilidad lalo na kung president ka , na tinakbuhan ni frances pero alam ko naman na makakaya niyang punan yung iiwang posisyon ko since fully motivated naman siya sa pag aaral at pag lead sa mga kapwa niya estudyante" turan nito saka tinapik ang balikat ko , napabuntong hininga na lamang ako dahil doon. Hindi naman talaga madali ang tinahak ko ngunit nais kong subukan.

"I think kaya ko naman ate abby and beside alam niyo naman na ata ang reason kung bakit ko gustong sumali sa election diba? I promised na gagawin ko ang best ko sa paraang kaya ko." aniya ko sa kanila at tumango naman sila bilang pag sang ayon. Lahat naman napag aaralan at isa pa hindi ko susukuan si Francese hanggang kaya ko ay gagawa ako nang paraan para mapalapit muli sa kanya.

"Basta we got your back Garcia! Since ikaw ang isa sa ace sa basketball team natin. I know for sure na magaling kana sa pagawa ng desisyon sa buhay except lang dun sa nagawa mo sa nakaraan. I know na you regret it naman and that's really matter" wika ni Lara saka tumayo na upang mag order na din ng pagkain nila kuya abbiel , yeah I regretted it. 

Araw araw akong hinahabol ng kasalanan ko and nagdudusa ako sa kasalanan na akala ko nung una nag eenjoy ako ngunit malaki na pala ang magiging kapalit nung unting kasiyahan na yun sapagkat nawala yung taong pangmatagalang nag stay sa buhay ko na hindi ko aakalaing mawawala sa isang iglap dahil sa katarantaduhan ko ngunit kailangan kong tibayan ang loob ko lalo na at isa din iyun sa ipinangako ko kay Mom at ngayong wala na siya sa kaparehong araw na napasabit ako ay nais ko pa ding makuha ulit si Francese. No matter how long it takes , gagawin ko ang lahat.



DOP : August 1, 2021

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 80 14
When Felix gets sick and only wants the best leader Bang Chan
599 50 6
Rishaan Raisinghania, a renewed young business man and a billionaire tend to dwell deep into his sorrows exactly like his self sympathetic nature. Hi...
Ruqaya (wlw) By A.A.A

Historical Fiction

10.5K 689 27
A Nigerian queer romance novel. For the love of culture and fiction🥀❤️
528K 11.3K 38
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.