Under the clouds (Guevarra Se...

By binibiningadik

40.2K 2K 776

Someone who will not turn his back to you. Date started: July 16, 2021 More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 2

1.1K 59 18
By binibiningadik

I was fixing my hair using my fingers when a pair of black shoes stopped in front of me. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin, I know who he is. Not that I know every details of his being. It's just that, everytime he's not looking, everytime I have chances, I was silently staring at him and watching his every moves.

Alam ko ang disenyo ng sapatos niya, alam ko ang ayos ng buhok niya. Alam ko kung saan siya may taling. Alam ko rin na may butas ang kaliwang tenga niya dahil sa piercing na tinanggal na niya ngayon.

"Alam ko na sasabihin mo. Paniguradong manunumbat ka dahil hindi ako nakinig sa'yo noon. Oo na, tama ka na. Hindi ko naman alam na may girlfriend na iyon." masyadong mabait sa paningin ko si Vincent kaya hindi ko inakala na isa rin pala siyang isa't kalahating gago. Naihilamos ko ang palad sa mukha. "Ang bilis ko talaga maloko." tumawa ako sa sarili.

I waited for him to speak. Paniguradong susumbatan niya ako, pakialamero siya eh. Hindi lilipas ang isang araw na hindi niya ako pinapakialaman.

Silence enveloped the atmosphere. Lumipas ang ilang minuto na nakatayo lamang siya sa harap ko. Hindi rin ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Nagulat na lang ako nang umupo siya sa harap ko. He's not totally sitting on the floor though. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa mga tuhod.

Weird.

But the moment our eyes met, I felt my heart ached because of how it beats.

"B-bakit ganiyan ka makatingin?" I stuttered. Kaya nga iniiwasan kong magkasama kaming dalawa, I don't like how my heart reacts everytime he's around. Nagsimula lang naman ito noong araw na naglaban kami sa bilyar. He defeated me. Kasunod noon, pakiramdam ko natalo na rin niya ang lahat sa akin.

"You deserve more. Huwag kang iiyak para sa mga lalaking kagaya niya." he told me seriously.

Mabilis akong umiwas ng tingin.

"I'm not crying." pagkakaila ko.

Nagulat ako nang maramdaman ang daliri niya sa pisngi ko. "So what's this?" aniya habang nakatingin sa hinlalaki niyang nabasa dahil sa luha.

Mabilis kong tinabig ang kamay niya palayo.

"Hindi ko lang kasi mapigilan. A-akala ko seryoso siya sa akin, iyon pala kagaya rin siya ng iba."

"You just have to choose wise. Maraming lalaki riyan. Pero marami ring gago. Huwag kang bibigay kaagad at magpapaloko. Know your worth, Madelaine. Hindi ka second choice lang, at... hindi ka dapat ginagawang kabit." he sounds hesitant kung babanggitin ba niya ang huling salita.

Even though I know he's right, meron pa ring parte sa akin ang tumututol. How can I choose wise kung hindi ko makikilala at masusubukan? At the end of the day, even if they continued on hurting me, at least I've learned my lessons. Ibig sabihin, hindi siya karapat-dapat sa akin kaya hindi na ulit ako sa kaniya titingin.

I heaved a deep sigh and fix myself.

"Sige, salamat sa advice. Mauuna na ako." mabilis kong paalam saka tumayo. I was shocked when he immediately grabbed my hand that made me halt from walking. "B-bakit?" kinakabahang tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumayo at pinantayan ako. There's still a serious expression plastered on his face.

"Gamutin natin iyang mga galos mo." aniya sa akin.

Taranta ko namang binawi ang kamay ko sa kaniya.

"H-huwag na, mabilis naman ito gagaling. Kahit hindi na gamutin ayos lang." I laughed awkwardly because he remained staring.

"Mas mabilis iyang gagaling kung gagamutin kaagad." mariing aniya.

Tumaas naman ang kilay ko at pinagmukhang matapang ang sarili, not letting him notice that I'm starting to feel something through his acts.

"Okay na nga." pairitado kong anas. "Bakit ba ng bait mo sa akin ngayon ha? Hindi ka naman ganiyan ah? Usually, sesermunan mo ako o hindi kaya ay sasamaan ng tingin." because that is what he is when it comes to me. Bakit biglang ganito? Ayokong isipin na may gusto siya sa akin. Nakakapagod talaga maging assuming.

"I'm a student council, trabaho kong siguraduhin na nasa maayos ang mga kapwa ko estudyante rito." aniya na siyang ikinadismaya ko.

Kaya nga pala siya naroon kanina sa canteen dahil balak niyang awatin ang pag-aaway at hindi iyon dahil sa nag-aalala siya sa akin.

Nagkibit-balikat ako at sumunod sa kaniya sa clinic. May isang nurse na naka-duty roon. Akala ko aalis na si Jacques at hinatid lang ako sa clinic, but then he stayed and take over the job.

"A-ako na lang niyan, umalis ka na baka may klase ka pa." naiilang kong anas habang marahan niyang dinadampian ng bulak na may betadine ang mga galos ko. "Ako na lang kasi."

"Masakit ba?" hindi niya pinansin ang sinabi ko. Mas lalo akong nailang. Hindi talaga ako sanay na ganito siya kabait at malumanay sa akin.

"H-hindi na nga." pairitadong anas ko. Pinagpatuloy niya ang ginagawa kahit puro reklamo ako. Natapos na niyang lagyan ang nasa dalawang braso ko. Hindi kalaunan ay nag-angat siya ng tingin sa akin hanggang sa bumaba iyon sa leeg ko.

I gulped several times because of fear.

"Nakikipag-away ka hindi ka naman pala marunong." aniya sa nang-iinis na paraan. His serious eyes remained staring on my neck.

"Hindi mo ba ako irereport sa disciplinary office?"

Napalunok ako nang dumampi ang mainit niyang balat sa akin. He's seriously treating the scratches on my neck. Hindi ko alam na meron din pala roon, ang alam ko lang ay mahapdi.

Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang atensyon sa leeg ko. He's slowing doing his work. Mabagal at dahan-dahan. Kita ko rin ang pagpasada ng tingin niya sa collarbone ko hanggang sa may itaas ng aking dibdib.

Mabilis akong napatayo nang hindi ko na makayanan.

"O-okay na, papasok na ako." saad ko saka dali-daling lumabas ng clinic ng hindi siya nililingon. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makabalik ako sa department namin. Late na ako, pero imbes na pumasok ay nanatili ako sa labas ng classroom at nakasandal sa pader habang sapo ang dibdib ko.

"Lokong Guevarra 'yon ah, masyadong pa-fall. Mabuti na lang talaga at hindi ko na siya crush." crush na crush na lang.

Kaya nang nga sumunod na araw, ginawa ko ang lahat para iwasan si Jacques. Kapag hindi naman kayang iwasan, pinipilit ko na lang na huwag siyang pansinin at tingnan. Hindi naman nakakahalata ang mga kaibigan namin lalo na at alam nila na hindi pa rin namin magawang magkasundo ni Jacques.

Affected pa rin talaga ako noong dinala niya ako sa clinic. I found his moves too special kahit alam kong walang meaning. Ganito kasi talaga ako, konting pakita lang ng kabutihan at pag-aalala, nahuhulog na kaagad.

Kaya nga iniiwasan ko na. Besides, he told us that he already have a girlfriend. Hindi ko alam kung totoo dahil hindi ko naman kilala at hindi pa niya ipinapakilala sa amin. It's just that... habang maaga pa, kailangan ko ng pigilan itong damdamin na namumuo para sa kaniya. As what I've said, he's off limits. Meron parte sa utak ko na nagsasabing patulan ko na lahat, huwag lang siya.

"Madelaine, may naghahanap sa'yo sa labas." pag-agaw sa atensyon ko ni Samara, isa sa mga kaklase ko.

Kaagad akong bumaling sa may pintuan at saka tumayo.

I was expecting Twelve, pero iba ang nadatnan ko. Kaagad akong dinapuan ng kaba nang makita siyang tumingin sa akin.

"M-may kailangan ka ba?" kinakabahang tanong ko. He stared at me seriously for a while. Parang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko.

"Hindi raw makakasabay sa'yo si Twelve sa lunch. May test pa sila." aniya sa seryosong tono.

Kaagad akong tumango. Simula kasi noong may sumugod sa akin sa canteen, hindi na nila ako hinahayaang mag-isa kumain o kung saan man. Hangga't pwede, sinasamahan nila ako palagi.

"Okay, sa iba na lang ako sasabay mamaya." tugon ko na lang. Bakit ba kasi siya pa ang napunta rito?

"Kanino?" kuryosong tanong niya. Napatingin naman ako sa mga kaklase kong may kaniya-kaniyang ginagawa. Wala akong ka-close na babae rito. Iilan lang ang nakakausap ko sa kanila. Mga lalaki talaga ang nakakakwentuhan at nakakatawanan ko rito. "Kina Brian na lang siguro, matino naman kasama ang mga iyon."

"Lalaki?" kaagad na tanong niya. Muli akong napabaling sa kaniya. His forehead was creased.

"Oo, saka sabihin mo kina Twelve kahit hindi na nila ako puntahan. Wala naman na sigurong susugod sa akin bigla sa canteen." tumawa ako. Simula kasi noon ay hindi pa ulit ako tumatanggap ng manliligaw. Magdadalawang linggo na rin.

Nakita ko ang iritadong mukha ng kausap. Pinasadahan niya ng dila ang labi na parang may kung anong umiinis sa kaniya.

"Sa akin ka na lang sumabay mamaya. Sabay naman ang breaktime nating dalawa." aniya na siyang ikinagulat ko.

Tumikhim ako kaagad na umiwas ng tingin.

"Hindi na, baka kasi may kasabay kang iba. Kina Brian na lang ako sasabay mamaya-

"Wala akong ibang kasabay." mariing putol niya sa akin.

Napalunok ako.

"S-sige." pagpayag ko. Nakita ko ang pagkawala ng kunot sa noo niya. Tumango siya sa akin saka nagpaalam. Kabado naman akong bumalik sa classroom at umupo sa pwesto.

"Nililigawan ka ni Jacques?" tanong ni Samara. Nakaupo siya sa unahan ko.

Kaagad akong umiling.

"Hindi ah? Tropa 'yon." katwiran ko at umiwas ng tingin.

"Bakit inaakit ka ng lunch?"

"Huh? Hindi naman sa inaakit, saka magkakaibigan naman kami. Walang masama na magkasabay kami sa lunch." pairitadong anas ko. Napakamatanong naman nitong si Samara.

Tumango siya sa akin na parang hindi pa kuntento sa nalaman.

"Puro lalaki mga kaibigan mo 'no?" muling aniya. Tumaas ang kilay ko.

Heto na naman tayo sa ganitong issue. Palagi na lang nila kinukwestyon kung bakit puro lalaki ang mga kaibigan ko. Bakit masama na bang kaibiganin ang mga lalaki? Isa pa, kumpara sa mga kababaihan ngayon, mas masarap namang kasama sina Twelve kaysa sa kanila.

Hindi kasi ako marunong makiuso. Halos lahat ng mga kaklase kong babae ay puro pulbo at lipstick ang hawak. Kung anu-anong brand ng bag at damit ang pinag-uusapan. Puro chismisan at kung anu-ano pang kaartehan. Sila-sila rin mismo ang nagsisiraan. I found it too much to handle. Hindi ko kayang makasama ang mga ganoong tao kaya sa mga lalaki ako nakahanap ng mga kaibigan.

They're fun to be with. Chill lang kami palagi kapag magkakasama. Walang kaartehan. Walang plastikan. Though, ako palagi ang prone ng pambubully nila, okay lang iyon sa akin dahil maaasahan naman sila.

"Ano namang mali kung puro lalaki ang kaibigan ko?" prangkang tanong ko sa kaniya. Ngumiwi siya sa akin. Kalaunan ay ngumiti rin na parang pinapagaan ang usapan.

"Kasi hindi ba ang sama naman tingnan kapag nag-iisa kang babae tapos puro lalaki ang mga kaibigan mo. You know..." Nagkibit-balikat siya. "Para kasing ang sama lang talaga tingnan."

Bumuntong-hininga ako at tamad na inayos ang gamit na nakakalat sa table ko.

"Wala akong pakialam kung masamang tingnan para sa inyo. Hindi naman ako humahanap ng kaibigan para lang matuwa kayo. Isa pa, mas masaya silang kasama, walang problema at walang kaartehan. Kung naiinggit kayo, itry niyo."

Pasimple akong umirap at hindi na siya pinansin. This is why I don't like being friends with other girls. Masyado talaga silang maaarte at kung anu-anong iisipin tungkol sa'yo. Kunware kaibigan kapag magkakaharap pero nagsisiraan naman kapag hindi.

An hour after, natapos ang mga subject namin pang-umaga. I was hesitating to go out. I still don't like the idea of having lunch with Jacques. Masyado siyang delikado. Kaya naman hindi na lang ako lumabas kahit nagugutom na ako. Hindi ko siya sinipot. I know this is wrong, dapat hindi ganito ang pagtrato ko sa kaniya.

Pero mas mabuti na rin ito, at least ligtas ako. Baka kapag pinakitaan na naman niya ako ng mga malisyosong kabutihan niya, baka tuluyan na nga akong magkagusto at mahulog sa kaniya.

"Bakit hindi ka lumabas?"

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mabilis na napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita at nakita na nakatayo na siya sa harap ko. He's practically glaring at me. Napalunok ako.

"A-ano kasi, medyo late kami pinalabas kaya baka malate ako sa susunod na klase kapag lumabas pa ako para mag-lunch." kinakabahang katwiran ko.

"It won't take you too much time if you eat. Ano ba naman iyong kumain ka muna bago pumasok? Ala-una pa naman ang sunod na klase mo. Mag-aalas dose pa lang." mariing aniya. Inilibot pa niya ang tingin sa kabuuan ng classroom. Ang ibang naiwan doon ay ang mga kaklase kong nerd at walang ibang kausap bukod sa sarili niya. "And... most of your classmates are eating outside. Masyado ka bang tutok sa pag-aaral na hindi mo kayang maglaan ng oras para kumain?" he smirked at me sarcastically.

Sunod-sunod naman akong napapikit.

Why does he have that kind of tone? Bakit pakiramdam ko nag-aalala siya sa akin? Bakit niya sinasabing kumain ako? Para saan? Magkaibigan lang naman kami 'di ba?

"O-oo nga, may breaktime pa naman mamaya, doon ko sana balak kumain." pagsisinungaling ko.

"Malilipasan ka ng gutom kapag mamaya ka pa kakain." nabigla na lang ako nang iharap niya sa akin ang isang upuan saka doon umupo. "Mabuti na lang at bumili na ako ng mga pagkain bago ako nagpunta rito." dagdag pa niya.

Ngayon ko lang tuluyang nakita ang mga styrofoam na dala niya. Binuksan niya iyon sa harapan ko at inayos samantalang ako ay nanatili lamang na nakatulala sa kaniya.

Don't.

Please don't.

"Let's eat." aniya saka bumaling sa akin.

"B-bakit mo ba ginagawa ito? Hindi ba't ayaw mo sa akin? Hindi tayo magkasundo, bakit ngayon bigla ka na lang nagiging mabait-

"Sino namang nagsabi na hindi kita gusto?" he cut me off.

Natigilan ako sa huling linya na sinabi niya. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pasimple ko ring kinukurot ang balat para pigilan ang kilig.

No.

Please stop being kind.

"G-gusto mo ako?" utal na tanong ko sa kaniya. Muli niyang inangat ang tingin sa akin. Muling dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ko. Pinapapawisan ako ng matindi kahit malamig naman ang panahon.

And then... I saw him smiled a little.

"Of course I like you. We're friends right?"

Continue Reading

You'll Also Like

122K 5.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
147K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
3.6M 97.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...