High Wind and Waves (Provinci...

By Lumeare

122K 4.6K 507

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 28

2.3K 114 4
By Lumeare

Kabanata 28

High Wind and Waves

Ang mga sumunod na araw ay maayos naman. I had been civil with Reeve, if that's what I call it. He's doing a great job as the receptionist that's why I am also doing my own job of teaching him some of the duties at the farm.

Kung wala namang appointment ay sinasabihan ko siyang makikisalamuha kami sa ibang workers. I had my father taught Reeve about his work, especially on the stables. Doon na nakatoka si Papa at hindi na rin naman siya umalis sa farm, simula noon. Siguro, nakuha nga talaga ni Papa ang tiwala ni Sir Julio, kaya hindi rin siya mapa-alis alis ng huli. Which was a good thing too because we had a tough time ever since I went to college. Malaki ang kakailanganing pera at hindi rin naman ako nakakuha ng scholarship dahil hindi ko maipasa-pasa ang mga exams. Luckily, when I went to VetMed, I was able to pull myself up and gather myself together. Sa tulong ni Isidore, nagsumikap akong mag-aral at matuto. I was a step closer to my dream job and I knew, I shouldn't disappoint the people who supported me.

Gladly, I was able to graduate. Hindi ko inaasahang makakakuha ako ng Cum laude. I guess, it's just a matter of learning and not giving up on my dreams.

"Nagtitipon kami ng dayami para sa lahat. Kadalasan po, katapusan ng linggo kami nagtitipon at reserba po iyon sa susunod na linggo. Simple lang naman po. Pwedeng mismong kamay ang gamitin sa pagbubuhat at paglilipat, mayroon din pong sako na lalagyan para mas madali po, Sir. Yun nga lang, sanay na po talaga kami na kamay ang ginagamit kasi madali at mabilisan," kwento ni Mang Juni na ngayon ay nagtitipon ng dayami di kalayuan sa farm.

Hindi sapat ang dayami na pino-produce ng farm kaya minsan, bumibili kami sa ibang taniman kung mayroon man sila. We also order at other farms away from Marina if the stock is in critical level. Kailangan iyon ng mga hayop kaya kailangang mayroon palagi rito sa farm.

"Can I help today, then?" tanong ni Reeve.

Tumawa si Mang Juni. "Naku, Sir! Huwag na at baka mangati kayo. Mukhang sensitibo pa naman po ang balat ninyo."

"I just want to try it. Kung kaya ko naman at hindi ako mangangati, then I'll help," alok ni Reeve.

Napakamot sa batok si Mang Juni. Nanunuod lamang ako sa kanila at ayaw ng mangialam pa. Hindi ko naman pipigilan si Reeve kung talagang gusto niyang gawin iyon. After all, he needs  to learn how the farm works so he'll be able to manage it well. Kung kinulang sa tao, kailangang siya ang magpuna ng posisyong kulang. That's how it works. Ang boss ay hindi palaging boss, kasi nagsisimula rin naman sa mababang posisyon ang mga boss. Hindi lahat ay umaangat agad.

"Doc, hindi niyo po ba pipigilan si Sir?" tanong ni Mang Juni.

Napatingin si Reeve sa akin, mukhang hinihintay rin ang desisyon ko. Napanguso lang saglit ang labi ko at agad na umiling.

"Iyan ang gusto niya Mang Juni, kaya hayaan niyo na. Hindi ko naman po kayo sisisihin kung mangati iyan mamaya," sabi ko at humalukipkip na lang.

Hindi naman masyadong mainit kaya kayang-kaya na iyon ni Reeve. Alam kong hindi siya sanay sa trabaho rito kaya may hinala rin akong mangangati siya sa dayaming didikit sa kaniya.

Pero choice niya na iyon. Binalaan na siya kaya hindi ko na rin kasalanan iyon.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Pinanuod ko ang pagtuturo ni Mang Juni kay Reeve kung paano humakot ng dayami gamit ang kamay. Pati sa pagbubuhat ay idinemonstrate iyon ni Mang Juni hanggang sa makuha ni Reeve kung paano gawin iyon.

Naupo lang ako sa naputol na malaking sanga ng kahoy na nakahiga sa lupa. I watched Reeve as he struggled on carrying the hay as he gathered a lot of them.

Nakatatlong balik si Reeve sa pagbubuhat. Tinatapunan niya ako ng tingin sa tuwing bumabalik siya at parang ipinapakita sa akin na kaya niya at nagkakamali ako.

Sa muling niyang balik ay inirapan ko siya. Tumawa lang siya na para bang may nakakatawa roon.

"See? I know how to do it. Easy," pagmamayabang niya.

From the moment there, I actually saw the Reeve I used to know before. Mayabang, tunog nagmamataas, at parang walang pinoproblema sa buhay. Staring at this Reeve right now, I am sure that a part of him as the Reeve before is still there.

"Ang yabang mo," sambit ko. Sinundan ng mata ko ang pagbubuhat ng kaniyang braso. His muscles in the upper limbs flexed. Hindi siya naka-long sleeves kaya kitang-kita ko ang batak niyang braso.

"Because you were suspicious of me. I just have to prove you wrong, Ada," aniya at inilagay pa sa balikat ang nakuhang dayami.

Umirap ako ulit. Tingnan natin kung kailan ka tatagal diyan. He was not wearing long sleeves, that's why I'm sure he's probably itching now. Kita ko iyon base sa pamumula ng kaniyang maputing balat. It was no doubt that he was just enduring the itch. Maya-maya lang ay mangangati rin siya.

Laglag ang panga ko nang makaya ngang mabuhat ni Reeve ang dayaming naroon. If I had counted, from the moment they started, I would assume that he had the most carried hay stack. Kahit si Mang Juni ay hindi makapaniwalang nailipat nila ang lahat ng iyon doon.

Pawis na pawis silang dalawa. Reeve was sweating all over. Ang mukha at braso ay namumula. I could make out the scratches on his skin due to the nail marks.

"Tigas ng ulo ni Sir, Doc. Sinabi ko pong nangangati na siya ay ayaw tumigil," naiiling na sabi sa akin ni Mang Juni habang pareho naming tinatanaw si Reeve.

Suminghap ako nang hubarin niya ang damit na suot. Namilog ang mata ko nang makitang namumula na ang kaniyang likod. Walang kamot roon pero namumula nga. Hindi ko alam kung papabayaan ko pa ba siya gayong mukhang malala na ang pamumula.

Agad akong lumayo kay Mang Juni at lumapit kay Reeve. Mula sa damit na bitbit ay lumundag ang tingin niya sa akin. His forehead knotted but I did not care as I was busy eyeing his skin.

"Ada, it's fine," aniya agad nang lumapit ako.

"Fine?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "It's not fine, Reeve. Malala na ang pamumula. You need to at least put some ointment in those." Itinuro ko ang pantal pantal sa kaniyang balat.

"It was worth the risk. I was able to help," aniya pa.

Hindi ko tinanggap iyon. I don't care if risked his skin for this. Kahit ano pa sigurong gawin niya, kahit ilang beses pa siyang matuto, kinukumbinse ko na lang ang sarili ko na hindi niya rin iyon magagamit. Sooner or later, if his suspension will be lifted, he won't have a second thought of leaving this place. Ganoon naman siya.

"Tigilan mo ako riyan," I said in a monotone. "You should probably have some warm bath to ease the itch. Maglagay ka na lang din ng ointment."

Hindi ko na siya tiningnan pa at naglakad na ako. I heard the shuffle of the grass indicating that he was following me.

"Do I still have a work at the clinic?" habol niyang tanong.

"Wala na. Mukhang malala iyang pagpapantal pantal mo kaya huwag ka na munang bumalik sa hapon."

Hindi ko na siya nilingon pa. However, I could still hear his footsteps following me behind. Akala ko ay hihiwalay na siya sa akin nang nasa intersection na kami.

"Diba ang sabi ko sa'yo ay maligo ka?" Lumingon ako sa kaniya.

Kumunot ang noo ko dahil paradang-parada ang kaniyang hubad na pang-itaas. Napalingon ako sa palagid. Karamihan sa farm workers ay mga lalaki pero may iilang babae rin. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang siyang maglalakad ng ganiyan dito.

"Can you put on some clothes?" I motioned his shirt, trying to look away at his toned body.

"Why?" His forehead creased. "Am I distracting you?" Itinuro niya ang kabuuan.

Sandaling nabahiran ako ng inis sa kataasan ng tingin niya sa sarili. "Do I look like I am distracted? Gusto kong magsuot ka ng damit dahil baka manibago ang iilan sa pagbabalandra mo ng katawan."

"Nangangati ako kapag suot ko ang damit," katwiran niya.

"Aba, kasalanan ko ba? Binalaan ka na kanina pero hindi ka naman nakinig."

"I am not blaming you, Ada," marahang aniya at mahinang tumawa. Tumaas ang lebel ng inis ko sa kaniya.

Nakuha pa talagang tumawa eh seryoso ako rito.

"I just want to tell you that it's really itchy when I wear one. Hayaan mo kapag pauwi na ako ay isusuot ko lang. I'll just run as fast as I could so I won't itch all over."

"So ano pa bang ginagawa mo rito?" tanong ko. Tinalikuran ko na siya at sunod-sunod na ang hakbang ko patungo sa clinic.

"My wallet and phone is at the clinic. I just have to get them since hindi rin naman ako babalik sa hapon."

"Okay."

Nawalan ako ng salita sa kaniya. Nang pumasok kami ay agad ko siyang pinapasok dahil baka may makakita pa roon sa kaniya. Hindi pa siya nahiya at talagang sa harapan ko pa isinuot ang t-shirt niyang iyon.

He them grabbed his things. Iwinagayway niya pa sa akin ang matambok niyang wallet na hindi ko alam kung pera ba ang laman o papeles.

"Bye, Ada. See you tomorrow," ngisi niya.

Namilog ang mata ko ngunit hindi na pinaunlakan iyon. I just watched him leave with him, wearing his shirt.

Buti na lang at ng maghapon ay wala namang natanggap na tawag ang clinic. I was able to process some of the specimens in the lab and observed them. The in-house laboratory only offers basic test gaya ng urinalysis, fecalysis at CBC. Kapag kailangan na ng iilang equipment, minsan ipinapadala iyon sa diagnostic lab doon sa Pueblo dahil malaki ang facilities nila.

I was tired from yesterday's work and I only had few hours of sleep. Kaya nang sumunod na araw ay mukha akong pagod nang pumasok sa clinic.

I noticed that Reeve was already in his usual place at nagsusulat ng kung ano sa kaniyang notebook na naroon.

"Morning," nauna akong bumati at pagod.

"Good morning, Ada," his usual greeting came out as enthusiastic as ever.

"Schedule?"

"Weekly check-up sa farm." Tumango ako at bumuntong-hininga.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ni Amira at nag-movie marathon kami kahapon? Hindi ko naman natiis dahil ang sabi niya, malapit na raw ang kaniyang exam kaya hindi na niya magagawa iyon. Naiiling na lang din ako sa batang iyon.

"Are you okay?" rinig kong tanong ni Reeve habang papasok na ako ng aking opisina.

"Ikaw? How was your skin?" tanong ko pabalik dahil natatandaan ko pang pantal pantal ang kaniyang balat kahapon.

"I'm fine. Mom gave me an anti-allergy yesterday and some ointment. Are you okay?" ulit niya sa naunang tanong. Iniwasan ko ang nambabasa niyang tingin. He looked too caring that I almost wanted to believe it.

"Yes. Matutulog muna ako. Please wake me up when it's time for the check up."

Diretso akong nakatulog sa opisina kahit na mahirap ang posisyon. Sanay naman akong makatulog doon ng iilang oras lang tapos babalik na agad sa trabaho.

Hindi ko namalayang napatagal ang tulog ko. I was awakened because of the shuffling movements in the office. Nag-unat unat ako. Sa aking pagsilip ay nakita kong si Doc Malvar iyon at mukhang kararating lang.

"Good morning, Doc," bati ko at humikab pa.

"Afternoon na, Ada. Ang sarap ng tulog mo kaya hindi ka na ginising ni Sir Reeve," natatawang anito.

Nawala ang antok ko dahil doon. Namilog ang aking mata dahil pumasok sa isip ko na may weekly check up ang mga hayop sa farm.

"Ada," pigil sa akin ni Doc Malvar noong tatayo na sana ako.

"I'm done with the check up. Mukhang pagod ka kaya pwedeng matulog ka na muna."

"P-pero..."

"It's fine, hija. Nagawa na namin ni Ron at Sir Reeve ang lahat kaya huwag ka ng mag-alala."

Napahinga ako nang malalim. I leaned my back on the backrest of my seat. Napatingin ako sa crystal na bahagi ng pinto ngunit hindi ko naman maaninang si Reeve doon. Kapag nakatayo siya ay makikita siya pero kapag naka-upo, malabo na iyon.

"That's your lunch, hija. Bigay ni Sir Reeve para raw hindi ka na mag-abalang lumabas pa."

Itinuro ni Doc Malvar ang naka-styro na pagkain doon. Kumunot ang noo ko at kinuha iyon.

Indeed, there's food in there. Nagpasalamat ako na walang karne. I've been a vegan ever since I started working here.

"He asked if you're into meat or what. Baka napansin niyang hindi ka kumakain ng karne," dagdag pa ni Doc.

"Ah, thank you po," wala sa sariling sabi ko dahil nakatitig pa rin ako sa pagkain.

Continue Reading

You'll Also Like

283K 10.2K 40
Phaedra Divinagracia always lived her life in a selfless way. Nang maghiwalay ang nga magulang niya, she let them marry other people for the sake of...
1M 32.2K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
366K 11K 45
For Zepporah Bevacque, family is important. Her family should be her top priority. Ginawa niya ang lahat para tanggapin siya, lalong-lalo na ng kaniy...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...