High Wind and Waves (Provinci...

By Lumeare

135K 4.7K 527

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 23

2.4K 105 25
By Lumeare

Kabanata 23

High Wind and Waves

"Okay lang iyan, Ada! You did your very best in the event. Hindi na masama ang fifth place." Tinapik ni Coach ang aking balikat nang lapitan niya ako. Nasa malapit na tent na ako at pinagpapahinga dahil tapos na ang aking event.

Nasa pang-anim ako sa Heats level ng event at nangyari iyon sa unang araw ng Palaro. Ang finals na ginanap ay kanina lang din natapos kaya sa unang araw palang, ay pwede na agad akong makapagpahinga.

Hindi na nga masama ang panlimang pwesto ngunit gusto ko talagang manalo. First time ko sa Palarong Pambansa at hindi ko akalain na ganito kalaki ang stadium. Ang tatangkad pa ng mga nakalaban ko at halata namang nakailang ulit na sa lebel na ito.

"Sa susunod ay mananalo na tayo, Ada. Okay lang iyan. First time mo pa lang naman at syempre kakabahan talaga," pampalubag-loob ni Coach at binigyan ulit ako ng maiinom na tubig.

Hindi naman masyadong mainit sa field pero pinagpapawisan ako. Pinunasan ko ang aking pawis at ininom ang tubig na ibinigay ni Coach. May iilang event pa maya-maya kaya manunuod na lamang muna ako kasama si Coach. Ang sabi niya, mas magandang mag-obserba muna. Ganoon rin ang ginawa ko kaninang umaga para mapaghandaan ang aking event. Swerte ko ng makapasok sa Final level.

Nang matapos lahat ng event ay agad kong tinawagan sina Mama. Hindi naman ako malungkot, pero hindi rin naman ako sobrang masaya. Alam kong excited ako at ginanahan, pero pagsabak ko kanina sa track at nakasama ang mga kalahok, pinangunahan din ako ng kaba.

"Hello, Ada? Kumusta ang event mo?" excited na tanong ni Mama. Hindi ko alam kung inaabangan ba niya ang tawag ko pero masaya ako na sinagot niya agad.

"Hello, Ma. Nasa panlimang pwesto ako sa final round. Sayang po eh, ang gagaling ng ibang kalahok."

"Okay lang iyan, anak. Nag-enjoy ka ba? Baka naman tinarayan mo ang mga kalahok kaya ka tinalo?"

Humalakhak ako. "Si Mama talaga! Ang babait nga nila kaya mabait din ako pero talagang magaling sila, Ma."

Nagtagal pa ang kwento ko kay Mama dahil hinintay pa namin si Papa. Inulit ko nang anunsyo ko sa kanila at medyo nagtagal din ang usapan.

Nang makabalik na kami sa lodging, nagbihis ako ng damit at nagpahinga. Inaya ako nina Coach na kumain na para makapagpahinga rin nang maaga.

"Hey. How was it?" tanong ni Reeve sa kabilang linya nang tumawag na ako sa kaniya.

"Fifth place ako eh," mababa ang tonong sabi ko.

"That's great! Congratulations, then. Bakit parang malungkot ka?" aniya pa. Narinig ko ang iilang galaw niya kaya baka nasa kwarto na rin siya.

"Eh fifth place. Makakaabot sana ako ng third eh," utas ko.

Tumawa siya sa kabilang linya. "Love, everything happens for a reason. Kung fifth place ka, then that means you have to do greater in the next. I'm sure you want to go back there, right?"

"Oo naman pero kung papalarin lang din. Baka may mas magaling na sa akin next year, ano!" Humalakhak ako at agad ding tumigil dahil napatingin ang kasama ko sa akin.

"Nah, you're the only Ada, alright? I'm still proud of you. Did you call Isidore?"

"Uh, hindi pa. Balak kong tawagan pagkatapos mo."

"Hmm, okay. Siya pala ang huli mong tatawagan?" aniya na parang tinutukso ako.

Napanguso ako. "Excited akong makausap ka kaya ikaw ang una kong tinawagan," unti-unti kong sinabi.

"It's okay. Call me later again pagkatapos mo sa kaniya? Or maybe tomorrow. Magpahinga ka na lang muna pagkatapos."

"Sigurado ka?"

"Yeah. I'm sure."

"S-sige. Uh, good night, Reeve." Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang panginginig nito. Kahit naman malayo si Reeve parang kinakabahan ako. Baka kasi may masabi akong hindi pa dapat sabihin.

"Good night, love. I'll talk to you tomorrow."

Ibinaba niya na ang tawag. Hindi ko alam na pinipigilan ko na pala ang aking hininga habang sinasambit niya iyon. Hindi ko pa rin nakakalimutan na umamin siyang mahal niya ako at sariwa pa iyon sa aking utak. Paano ko ba naman makakalimutan? Buong biyahe yata, paulit-ulit na naririnig ko iyon sa utak ko. Kahit sa panaginip parang nag-re-replay.

"Congratulations, Ada! Fifth place is not that bad. You did a great job. I'm sure the school's already proud of you," ani Isidore sa kabilang linya. "So don't be sad anymore. May next time pa naman."

"Hindi naman ako malungkot, Sid."

"Pero you're not happy either kasi di ka nanalo, right?"

"Uh, medyo pero makaka-get over din naman ako. Ako pa ba?" Tumawa ako. "Ikaw? Anong ginawa mo riyan?"

"Fia and I went to the farm. She gave me a surprise visit at the house and I let her roam around."

"Nagustuhan niya ba ang farm?" tanong ko.

"Not as much as you do, Ada, that's why I miss hanging out with you lately. Kindly ditch Kuya when you get here, okay? Para tayo naman ang mamasyal!"

Tumawa ako at napatango-tango. "Sige, sige. Gawin natin iyan. Excited na tuloy akong umuwi riyan."

"Mabel and I miss you, Ada. Come home safely."

Excited na nga talaga akong umuwi. Kahit nga hindi pa tapos ang awarding ceremony ay parang gusto ko ng tumayo at umalis. Pagkatapos ng limang araw ay makakauwi na rin ako sa wakas. Medyo pagod ako kasi ipinasyal din ako ni Coach sa venue at nilibot namin ang lahat para makapanuod ng iba't ibang events. May iilang litrato ako na kasama ang delegates ng aming rehiyon. Mayroon din na mula sa ibang delegates na nakilala ko lang din sa event.

Excited akong bumaba sa bus na sinasakyan namin ni Coach. Tumigil na ito sa oval ng aming school. Ang sabi ko kay Reeve noong isang araw ay hintayin ako sa oval. Kahapon ay hindi na kami nakapag-usap dahil magkikita rin naman kami ngayon. Gusto kong may maikwento pa naman sa kaniya kaya hindi na lang din ako tumawag. Nag-text na lang ako ngayon na parating na kami at hintayin niya na lang ako sa oval.

"Ada, mauna ka na. Aayusin ko lang itong iilang bagahe ko at maraming ipinadala ang mga teachers." Tumawa si Coach habang binababa ang isang bag na dala.

Tumango naman ako. "Sige po, Coach. Salamat po sa inyo!"

"Sige, magkita tayo sa enrolment."

Umalis na ako sa bus dala ang iilang gamit ko. Inilibot ko ang tingin sa oval para hanapin si Reeve pero ni anino niya ay wala akong nakita roon.

Kumunot ang noo ko at naglakad-lakad pa para hanapin siya. Hindi ko ininda na mabigat ang dala kong bag. May iilan akong pasalubong kina Mama dahil pinapabili nila, ang iba ay para sa mga kaibigan ko at syempre, kay Reeve.

Bagsak ang balikat ko dahil hindi ko siya mahanap roon. Dumiretso ako palabas ng oval dahil hindi ko naman siya mahagip doon.

Nilabas ko ang aking cellphone para tawagan si Reeve pero wala namang sumasagot. Sinubukan kong tawagan si Isidore ngunit wala rin. Kumakabog ang dibdib ko sa walang kadahilanan. Ayaw kong isipin na baka may nangyari sa kanila habang papunta rito.

Halos malaglag ko ang aking isang dala nang makita sina Mama roon. Nakaupo sila sa bench na malapit lang din sa entrance ng oval. Kasama niya ang kapatid kong si Amira.

"Ma?" tawag ko. Ibinaba ko ang cellphone nasa tainga ko pa. Kunot-noo akong lumapit sa kanila.

Hindi ko alam na si Mama ang magsusundo sa akin. May surpresa bang nag-aabang sa akin sa bahay kaya hindi ako masundo-sundo ni Reeve?

Talaga naman! Pinakaba pa talaga ako!

"Kayo lang po?" pagtatanong ko pa. Ibinigay ko kay Amira ang isang dala dahil nabibigatan na ako.

"O-oo anak. Mabigat ba 'yang bag mo? Ako na ang magdadala," alok ni Mama. Nakangiti akong umiling.

"Ako na, Ma. Mag-t-tricycle tayo pauwi? Si Papa po?"

"A-ah, nasa bahay na anak. Naghihintay roon."

"Kayo naman po! May surpresa po ba sa bahay? Bakit kayo po ang nagsundo?"

Tipid ang ngiti ni Mama. Ngayon ko lang napansin na medyo malungkot ang mga mata niya. Nawala ang ngiti ko sa labi at agad na binundol ulit ng kaba.

"Ma..." mahinang sambit ko. "M-may problema po ba? Bakit parang ang lungkot n-ninyo?"

Napatingin sa akin si Mama. Hindi nga ako nagkamali at parang may problema nga. Sa bahay ba? O baka sa ibang bagay? Bakit wala sina Reeve ngayon? Bakit siya ang sumundo sa akin?

"U-umuwi na muna tayo, Ada. T-tara na."

"May problema po ba? Nag-away po kayo ni Papa?" Agad siyang umiling. Kung hindi sa bahay, edi saan? Sa Camporazzo? Anong nangyari?

Hindi ako matigil kakaisip kung ano nga ba ang nangyari. Hindi ko matawagan si Reeve, pati na rin si Isidore. Sinubukan kong mag-text pero walang nag-rereply. Hindi ko alam kung para saan ang panginginig ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kabang nararamdaman ko.

May nangyari ba kay Reeve? Naaksidente ba sila?

Sumasakit ang ulo ko kakaisip habang binabaybay namin ang daan pauwi. Nabuhayan ako ng loob nang makita ang pamilyar na sasakyan ng Camporazzo sa harap ng aming bahay.

Bumaba kami nina Mama ng tricycle. Nauna sila sa loob at sinabi sa akin ni Mama na naghihintay si Isidore sa akin, kanina pa.

Bakit si Sid lang? Nasaan si Reeve?

Bumukas ang pinto ng sasakyan. Bumungad sa akin ang pagod na mukha ni Isidore sa akin. Sinubukan kong ngumiti pero nawawala agad. Kinakabahan ako. Sobra-sobra ang dagundong sa aking dibdib na halos mabingi ako.

"S-sid..." nauutal kong sambit sa pangalan niya. Hindi na siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin.

Naging mapaghanap ang mga mata ko. Hinahanap ko ang nag-iisang taong inaasahan kong maghihintay sa aking pag-uwi. Wala si Reeve doon. Ni anino niya, wala. Ni ang tuso niyang tingin ay hindi ko mahanap.

"H-hey, Ada." Malungkot na ngumiti si Isidore. Bumaba siya ng sasakyan at agad akong binundol ng yakap.

Suminghap ako dahil pakiramdam ko, ang bigat ng yakap niya sa akin. Sobrang higpit na para bang ayaw niya akong bitawan.

"S-sid, ano bang n-nangyari? N-nasaan si Reeve?" Gumanti ako ng yakap sa kaniya kahit hindi alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

"K-kuya's gone, Ada. He left our home, Ada. He left me. He left us." Humihikbi si Isidore sa balikat ko.

Hindi agad pumasok sa isip ko ang kaniyang mga sinabi. Kumunot ang noo ko. Agad akong lumayo kay Isidore para matingnan siya sa mata. May luha roon at hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak.

"N-nasaan si Reeve?" tanong ko.

"He left, Ada! Kuya left!" aniya at pinunasan ang luha sa mata. "He just left like we're nothing, Ada," bulong niya sa ere at halos hindi ko na marinig.

"A-ano?"

Sa muling pagdaloy ng hangin sa pagitan namin ni Isidore ay siyang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. Maliwanag na sa akin ang kaniyang sinabi at hindi ko matanggap agad iyon.

Bakit naman aalis si Reeve? Sinabi niyang hihintayin niya ako. Sinabi niyang nandoon lang siya pagkatapos ng limang araw. Nangako siyang nandoon lang kaya bakit? Bakit siya umalis?

"Kuya just left this morning, Ada. Sumama siya kina Uncle kanina. W-wala ba siyang sinabi sa iyo?" tanong ni Sid.

Umiling-iling ako. Pilit na pinapawi ang luhang nagmantsa na sa aking pisngi. Ngumiti ako kapagkuwan. Baka temporaryo lamang iyon. Alam ko namang magsasabi sa akin si Reeve kasi alam niyang makikinig ako.

"Babalik din naman ang Kuya mo, Sid. Kilala ko iyon. Hindi niya naman tayo matitiis."

"I-I don't think he's going to come back, Ada." Iniwas ni Isidore ang tingin sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Alam kong may hindi pa siya sinasabi sa akin, maliban sa pag-alis ni Reeve.

"B-bakit naman?"

"I was angry, Ada. I didn't mean to say it to him," nagsisisi niyang sabi. Hindi pa rin siya makatingin sa akin.

"Na ano, Sid? Anong sinabi mo kay Reeve?"

"I'm sorry, Ada...I'm sorry!" Niyakap ulit ako ni Isidore. Ibinaon niya ang ulo sa aking balikat at pilit na inuulit ang katagang iyon.

"I'm sorry, Ada. I'm just angry...and jealous. You were always with Kuya. He got your attention. I-I know I was your friend but I just can't take it anymore. Lalo na noong sinabi niyang tutuloy siya sa Manila," bulong ni Isidore. Ramdam ko ang pagsisisi niya sa klase ng kaniyang pananalita pero litong-lito pa rin ako.

"A-ano bang pinagsasasabi mo, Sid?" Halos hindi ako makagalaw sa pagkakayakap niya sa akin.

"I told Kuya that I like you, Ada." Kumabog ang aking dibdib sa pag-amin niyang iyon. "I swear, Ada, I was just angry when I told him...na kaya ka lang naman nagpaligaw sa kaniya ay dahil sa akin. I told him that I used you to make him stay...I swear, Ada! I was just angry kaya ko nasabi iyon. I'm sorry!"

Nanlumo ako sa sinabi ni Isidore. Parang sinipsip ng lupa ang aking lakas nang marinig ko ang mga katagang sinabi niya.

Kahit nanginginig ang aking kamay ay sinubukan kong ilayo si Isidore sa akin. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya. Napupuno ng luha ang ilalim ng aking mga mata pero alam ko, ramdam ko na naglalagablab ang aking galit.

Hindi ko alam kung kaya ko bang ibunton iyon sa kaniya. Kaibigan ko si Isidore...kaya paanong magagawa niya ito sa akin?

"I'm sorry, Ada! I'm really sorry. I like you alright, but I let Kuya go by saying those words to him because I was angry...I'm sorry." Umiiyak si Isidore sa aking harapan. Pilit niya akong hinahawakan pero unti-unti akong humahakbang paatras.

Umiling-iling ako. Hinawi ko ang luha sa aking mga mata. Nalilito ako sa kaniyang mga sinasabi. Bumibigat ang dibdib ko sa bawat katagang lumalabas sa bibig niya.

"I thought you like me, Ada. Mabel told me so and I just...don't know what to do. I thought you were just helping me kaya...hinayaan kita. H-hindi ako umamin sa'yo. I tried liking Fia so that you'll succeed with liking my brother. I--I-I..."

"Totoong gusto ko si Reeve, Sid," sambit ko. "Totoo ang nararamdaman ko sa kaniya. Ikaw ang gusto ko noong una pero hindi ko masabi iyon sa iyo. Binibigyan mo ako ng rason para hindi sabihin sa'yo ang nararamdaman ko. At nang umamin sa akin si Reeve na gusto niya ako...hindi ko inakala iyon. Akala ko kahit nandyan si Reeve, magpapatuloy ako sa pagkakagusto sa'yo...pero nahulog ako."

Malungkot akong ngumiti. Hinawi ko ulit ang luhang dumaloy sa aking kabilang mata. Huminga ako nang malalim. Ayaw kong tingnan si Isidore. Ang sakit para sa akin na...kaibigan ko siya at nagawa niya ito.

"M-mahal ko si Reeve, Sid. Parang ang hirap...paniwalaan...pero mahal ko siya. Pero mukhang imposible na niyang marinig pa iyon dahil umalis na siya..."

Humikbi ako at hindi na napigilan iyon. Sinubukan akong hawakan ni Isidore pero pinigilan ko siya. Paulit-ulit siyang nagso-sorry pero hindi noon mababago ang lahat.

Umalis na si Reeve at hindi niya ako hinintay. At hindi ako sigurado kung babalik ba siya...kasi nararamdaman kong galit siya sa akin. Nakinig siya sa maling akala. Sana hinintay niya akong sabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin.

"T-then...maybe Ada...you could give me a chance. Ako naman...kasi wala na si Kuya. Tayo na lang dalawa," ani Isidore habang pilit na hinahabol ako.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo...Sid?" Hindi makapaniwalang tumitig ako.

"Kaaalis lang ni Reeve kaya bakit mo nasasabi iyan?" Dismayado ako sa kaniya. Hindi ko akalain na maririnig iyon sa kaniya.

"He won't come back, Ada. Kaya maiiwan tayong dalawa rito. You only have me, Ada. Ako. Si Isidore. I'll be here."

Umiling ako. Hindi ko alam kung paano pa siya kakausapin. Masakit na iniwan ako ni Reeve pero mas lalong masakit pakinggan na parang wala na iyon kay Isidore. Kapatid niya ang umalis pero heto siya at ang isip ay tungkol sa akin.

"Umuwi ka na, Sid," nanghihina kong sambit. "Pag-isipan mo muna iyang sinasabi mo. Si Reeve ang umalis—kapatid mo na gusto mong manatili rito. Kaya huwag mo sanang isipin na dahil gusto kita noon ay maaaring mabalik agad iyon nang dahil wala na rito si Reeve."

Malungkot akong ngumiti. "Ayaw ko munang makausap ka. Kaya please lang...umuwi ka na muna," pakiusap ko.

Hindi ko kinausap nang ilang araw si Isidore. Kahit na bumabalik siya sa bahay para subukan, hindi ako lumalabas. Sinasabi ko kay Mama na paalisin na siya dahil wala akong panahon para sa kaniya.

Sinubukan kong tawagan si Reeve pero hindi niya sinasagot ang aking tawag. Tambak ang mensahe ko sa kaniya.

Ako:
Reeve, kailan ka ba babalik?

Ako:
Reeve, may usapan tayo diba? Okay lang naman sa akin na hindi mo ako hinintay sa pag-uwi ko.

Ako:
Reeve, hanggang kailan ka ba diyan? Miss na miss na kita.

Ako:
Reeve, kapag bumalik ka, may sasabihin akong importante sa'yo.

Ako:
Reeve, magpapasukan na. Hindi ka ba magpapakita sa akin?

Ako:
Reeve, miss na miss na kita. Kailan ka ba uuwi? Dito ang tahanan mo diba? Maghihintay naman ako.

Ilang beses akong nag-iwan ng mensahe sa kaniya pero lahat ng iyon...wala ni isang reply. Kada tipa ko...kada pindot ng send...bumibigat ang dibdib ko. Kasi alam kong kinabukasan, ay wala din naman akong matatanggap.

Ilang buwan ding ganoon hanggang sa sumuko na ako at kinumbinse ang sarili na...wala na talaga. Hindi na siya babalik. Kakalimutan niya na ako at hindi ko masasabi sa kaniya na mahal ko siya.

Nakamit na niya ang gusto niya at ako, naghihintay pa rin. Nakatanaw sa kalangitan sa kaniyang pagbabalik.

Ako:
Mahal kita, Reeve...

Mga katagang gusto kong iparating sa kaniya pero bigo ako akong iparating iyon. Agad kong pinindot ang X para mabura lahat ng tinipa kong salita.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 100 33
Kirsche Artemis Sanchez was taught to value her family above all. And she brought this learning with her till she grew of age. Anything she does, she...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
301K 10K 44
Insecure, selfish, and coward. If Verbena Regencia will be asked how does she describe herself, those three words will be her answer. Alam niya sa s...
182K 2.9K 47
[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either gets cheated on, beaten up, or treated wron...