High Wind and Waves (Provinci...

By Lumeare

122K 4.6K 507

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 18

2K 92 10
By Lumeare

Kabanata 18

High Wind and Waves

Simula ng malaman kong may gusto si Isidore kay Fia ay hindi na ako nag-abala pang umamin sa kaniya. Para sa ano pa ba? Para masaktan ako? Sapat na 'yong medyo nasaktan ako kasi hindi ako 'yong tipong magugustuhan ni Isidore. Ako lang ang klase ng babae na magiging kaibigan niya at wala akong pag-asang maging kahit ano pa sa buhay niya.

"Break na kayo ng pogi?" tanong sa akin ng isang sophomore nang minsan pa akong dumaan sa harapan nila. Talagang hinawakan pa ako sa balikat.

"Hoy, Lana, iba ang boyfriend niyan. 'Yong kuya."

Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa sinabi ng isa pa niyang kasama.

"Wala po akong boyfriend. Chismis kayo ha." Umirap ako at naglakad na ulit.

Buti sana kung totoo, eh hindi naman! Walang inamin si Isidore sa akin kaya bakit naman magiging kami? Aasa pa ba ako? Doon na nga siya kay Fia eh. Lagi silang magkasama tuwing break time kasi nag-aaral silang dalawa. Kaming dalawa na lang ni Mabel ang magkasama tapos lilipat lang naman si Sid sa amin kapag lunch break na.

Naging ganoon na pagkatapos bigyan ni Sid si Fia ng regalo noong Valentine's day.  Halos lahat ng kaklase namin ay talagang tinutukso si Isidore na umamin na kay Fia.

So ibig sabihin noon ay ako lang ang hindi nakakahalata na si Fia ang gusto niya? Eh kaming dalawa ang magkaibigan at halos wala akong clue na ganoon ang pagtingin niya! Pero hindi naman nanliligaw si Isidore, sadyang umamin lang siya na may gusto rito. Hindi ako naging interesado sa sinabi ni Fia, at kung mayroon man siyang sinabi, siguradong aamin siya na may gusto rin kay Sid.

"Ada, nakita ko iyon!" Halakhak ni Mabel na nasa labas ng classroom namin. May hawak siyang stick ng banana cue na baka binili niya sa naglilibot sa campus.

"Hinarangan ba naman ako!" reklamo ko. "Mga chismosa."

"Hayaan mo na. Ganda mo eh."

"Walang connect, Mabel. Parang siraulo 'to." Umiling-iling ako.

Pumasok na ako sa loob ng classroom at naupo na sa aking upuan. Nasulyapan ko si Isidore na naroon na naman sa tabi ni Fia at nakikipagkuwentuhan.

Ano na naman ba ang pinag-uusapan nilang dalawa? Bukod sa palagi naman silang nagkikita, ano pa ba ang pag-uusapan? Kami nga ni Isidore na magkaibigan ay hindi naman palaging nag-iimikan kapag magkasama pero sila, kada kita ko na lang bumubuka ang bibig tapos may pagtatawanan.

Nangalumbaba ako, napapanguso sa naiisip. Dapat ay tumigil na ako. Dapat siguro respetuhin ko na lang kung ano ang gusto ni Isidore kasi kaibigan ko naman siya at ang kaibigan ay sinusuportahan ang gusto ng kaibigan. Kahit ayaw ko, siguro kailangan ko na lang ding tanggapin na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin.

At saka...may gusto naman ako kay Reeve, diba? Bakit hindi na lang ako kay Reeve? May gusto naman siya sa akin at nanliligaw pa. Kung doon ako sa kaniya, hindi naman siguro ako dehado?

Ay, hindi, hindi, Ada. Mag-isip ka nga. Nasa ibang school si Reeve. Kapag naman umamin ako na may gusto ay baka pagtawanan ako o baka umamin din na pinaglalaruan ako. Hindi ko talaga alam kung totoo ba 'tong ipinapakita ni Reeve sa akin. Ilang buwan na rin naman simula ng manligaw siya at puro naman siya kalokohan. Hindi ako nilulubayan at wala ring palya sa pagbisita sa akin kapag may oras siya.

Pero kaya ko ba talagang paniwalaan na gusto niya ako? Simula ng magkakilala kami ay talagang kaaway na ang tingin ko sa kaniya at ngayon, sa iilang ginawa niya lang ay nagkakagusto na ako.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Reeve nang sunduin niya ako sa bahay.

"My friends invited me to play with them at a subdivision near our school. Ipapakilala kita."

"Ha? Huwag na. Ayaw ko." Agad akong tumigil sa paglalakad habang hinihila ang kamay ko mula sa kaniya. Nasa labas na kami ng bahay at ang kanilang sasakyan ay nakaparada na sa harap.

Nilingon ako ni Reeve. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong pilit kong hinihila.

"Why not?"

"Kasi nga, ayaw ko. Puro kayo mayayaman doon. Hindi ako bagay roon," katwiran ko na totoo naman. Kapag sinabi ni Reeve na kaibigan niya, awtomatiko kong masasabi na puro mayayaman silang lahat. Iniisip ko na tuloy na magiging kakaiba ang tingin nila sa akin dahil mahirap ako.

"Ada, my friends aren't judgemental," aniya.

Tinitigan ko lang siya. Ngayon ko lang masyadong pinansin ang ayos niya ngayon. Naka-headband na pula ang kaniyang buhok kaya medyo nakataas. Nakikita tuloy ang makinis niyang noo at maliit na hugis ng mukha. Ang kilay niyang medyo may kakapalan ay parang sinuklay para maging perpekto ang hugis.

Simple lang naman ang suot ni Reeve. Naka-t-shirt at shorts na hanggang tuhod, pinaresan niya lang ng mamahalin niyang sapatos.

"Sinasabi mo lang iyan kasi kaibigan mo sila."

"I swear, trust me. Ipapakilala lang kita. Nandoon sila sa bahay noong birthday ko."

Birthday niya? Natatandaan ko pa ang iilan, syempre pati na ang Maliya'ng iyon na masama ang tingin sa akin. 'Yong mga lalaki mukhang okay naman pero hindi ko pa rin gustong magpakampante.

"Ano naman ang ipapakilala mo sa akin? Girlfriend? Hindi mo nga ako girlfriend," sinimangutan ko siya.

Ang magaling na Reeve ay tinawanan lang ako. "No. I'll introduce you as my friend."

"Hindi rin naman tayo magkaibigan."

Napalabi siya nang kaunti. Ang mata ay may matalim na tingin sa akin. "What do you want to call us then?"

"Enemies," agad kong sagot. Inilingan niya iyon at marahan niya akong hinila. Nagpadala ako roon pero hindi naman sobrang lumapit sa kaniya.

"I won't accept that, Ada. Either I call you my girlfriend or you'll call me your boyfriend. Choose."

"Wala nga. Ewan ko sa'yo. Sige. Sabihin mo na lang kaibigan mo ako."

Ngumisi siya. "Okay, friend."

Iyon nga. Sumama ako sa kaniya sa main ng Arroyo papunta sa kanilang school. Balak ko pa sanang magpaiwan sa sasakyan nila pero ano pa bang silbi na sumama ako kung hindi naman pala ako bababa.

Hindi naman nagulat ang mga kaibigan niya nang makita akong nasa tabi niya. Hindi ko pinayagan si Reeve na hawakan ang aking kamay dahil ayaw kong kung anu-ano ang iisipin nila.

Hindi na rin naman ako nagulat na nandoon ang Maliya at may iba pang babaeng kasama. Ang sexy ng suot nila at mukhang bago. Samantalang naka-palda ako at naka-tuck in na t-shirt lang. Hindi naman kasi ako palaayos at siguradong wala rin naman masyadong babagay sa akin kasi maliit ako. Hanggang balikat lang nga ako ni Reeve at hindi na ako sigurado pa kung tatangkad pa ba ako.

"Dito lang ako uupo," sabi ko kay Reeve matapos niya akong ipakilala sa mga kaibigan niya. Okay naman sila. Mukhang mabait kumpara sa mga babae.

"May mga babae roon. The girls are nice too, Ada," pangungumbinse ni Reeve pero umiling talaga ako.

Ayaw ko roon. Sa tingin pa lang ng Maliya'ng iyon ay ayaw ko na agad. Alam ko na agad na gusto niya si Reeve kaya alam kong hindi talaga ako welcome doon.

"Maglaro ka na. Dito lang ako."

"You sure?" Tinitigan ako ni Reeve sa mukha. Hindi ko agad tinagalan iyon. Inirapan ko siya para hindi niya mapansin na naiilang ako sa kaniyang tingin.

Bumuntong-hininga siya. "Okay. Feel free to talk to the girls if you want to."

Tumango lang ako.

Nang umalis siya ay siya lang ang sinusundan ko ng tingin. Parehong matatangkad sila ng mga kaibigan niya. May mga hitsura rin. Kapag siguro si Mabel ang tinanong ko, siguradong kilala niya ang mga ito. Marami talaga sa school namin ang nakakakilala sa iilan sa mga estudyante ng private school. Iilang metro lang naman ang layo nila sa amin kaya minsan 'yong iba, dumadaan pa talaga roon para sumilip.

Ang alam ko kasi ay buong araw lang na nandoon sa campus nila ang mga estudyante. Bawal lumabas hangga't wala pang sundo ang mga bata. Sa high school naman, bawal lumabas kapag lunch break pero kapag uwian na, pwede silang lumabas na walang sundo. Kaya rin siguro lumaki si Reeve na ayaw talagang makisalamuha sa mga katulad ko kasi nasanay siyang ganoon ang mga kasama.

Kung si Isidore naman, alam ko talagang mabait. Hindi nagdalawang-isip na kaibiganin ako kahit na mahirap ako. Ang pinagkaiba lang nila ni Reeve ay agad akong tinanggap ni Isidore.

"Go Reeve!" Naghalakhakan ang mga babae roon nang mag-cheer kay Reeve nang nasa kaniya na ang bola.

Nag-che-cheer din naman sila sa iba pero mas lumalakas kapag na kay Reeve na. Nakatingin lang ako. Nakikinig. Panigurado, pinapakita sa akin na sila lang ang pwede at ako, hindi.

Ang pait naman pala ng ganito. Kaya rin siguro nagdadalawang isip ako kung gugustuhin ko pa ba ng tuluyan si Reeve o hindi. Kasi sigurado ako, may magkakagusto na mas bagay sa kaniya. Kaya rin ang hirap paniwalaan na gusto niya ako.

Gusto kong pumalakpak pero parang napako ang mga kamay ko sa ibabaw ng kandungan. Ngumingiti ako kapag nakaka-shoot si Reeve pero hindi ko ipinapakita iyon sa kaniya sa tuwing nagagawi ang tingin niya sa akin. Ayaw kong magpakita ng kahit ano sa kaniya. Kahit gusto ko si Reeve, pakiramdam ko, gusto ko na lang siyang tumigil. Kasi sa totoo lang, hindi naman kami bagay.

Ang taas-taas niya. Hindi ko maabot.

Nang matapos sila sa kanilang laro, ganoon pa rin ako, nag-iisip. Bakit ko ba naman ito sineseryoso? Ang dali lang naman sabihin kay Reeve na tumigil na dahil hindi ko naman siya gusto. Ang daling sabihin na tumigil na siya dahil kay Isidore lang ako magkakagusto.

Nakangiti si Reeve sa akin nang lumapit siya. Basang-basa ng pawis ang mukha at sigurado, pati ang likod niya rin. Nakatingala ako sa kaniya nang abutin niya ang tubig at face towel na baon sa gilid ko. Kahit na pawis na pawis, amoy ko ang kaniyang pabango. Hindi masakit sa ilong.

"We're going to eat at our usual diner then uwi na tayo." Ngumiti siya. Mukhang ang saya niya kasi kasama niya ang mga kaibigan. Parang...ayaw kong mawala iyon pero kasi alam ko namang hindi magandang kasama niya ako.

"Hindi ba pwedeng mauna na ako?" tanong ko.

"You're not hungry? Kakain lang naman tayo. If you want, we could have a separate table from my friends." Naninimbang ang tingin niya sa akin. Kinagat ko ang aking labi at nagbaba ng tingin.

Siguradong hindi na naman titigil si Reeve kaya tumango na lang ako.

"Little Ada, if you don't want to go, then we can go home," pahabol niya nang tumayo na ako.

Napalunok ako. Gustong-gusto ko ngang umuwi kaya lang...gusto ko rin naman siyang makasama.

"Hindi. Okay lang. Kakain lang naman diba?" Nilingon ko siya. "Tara na. Gutom na ako. Sigurado ang mga kaibigan mo rin."

Nilakad lang namin iyon kasi malapit lang naman daw. Pinasunod niya lang ang sasakyan nila. Nasa hulihan kami habang nasa harap ang mga kaibigan niya at nagtutumpukan.

"Is it hot?" tanong ni Reeve at tumabi pa sa akin para matakpan ang araw.  Dikit na dikit siya sa akin na halos maging payong ko na ang kaniyang anino.

"Hindi naman. Thank you."

Tahimik lang naman kaming dalawa. Ang mga kaibigan niya ay nagtatawanan at kuwentuhan. Paminsan-minsan ay nakikitawa rin si Reeve.

Nang dumating kami sa diner na sinasabi niya ay walang masyadong tao. Malaki ang lugar. Mukhang normal lang naman na kainan pero nang tiningnan ko ang pagkain doon sa menu ay halos manlumo ako.

Naalala kong basta na lang ako pinagpaalam ni Reeve kay Mama kaya hindi ako nakapagdala ng wallet. Ni singko ay wala akong dala. Nakakahiya naman kapag nalaman nila na si Reeve pa ang magbabayad para sa akin.

"Reeve," tawag ko sa kaniya. Gaya ng sabi niya ay hiwalay kaming uupo mula sa mga kaibigan niya. Kasya naman ang mga kaibigan niya roon sa kabilang table.

Inangat ni Reeve ang kilay sa akin. "Hmm?"

"Wala akong dalang wallet. Paano ako magbabayad sa pagkain?" bulong ko.

"What?" Tumawa siya. "It's on me, Little Ada. Don't worry."

Tumango ako pero tinubuan din ng hiya. Di bale na, babayaran ko na lang si Reeve kapag nakauwi na kami. Pipili na lang din ako ng mura para maliit lang ang babayaran niya.

Alam kong walanghiya naman ako pero pagdating sa ganito, parang talagang kailangan ko ng hiya. Ilang beses na akong nililibre ni Reeve sa tuwing lalabas kami. Sa tuwing ganoon naman, sinasabi kong kaya kong bayaran. Ngayon naman ay parang napipit ko ang dila dahil sa hiya. Ayaw ko ring magbangayan pa kami dahil kasama namin ang mga kaibigan niya.

Nagtatawanan ang mga kaibigan niya sa kabila habang kumakain kami. Parang hindi sila nauubusan ng pag-uusapan kahit magkaklase naman sila. Nakikisali si Reeve minsan at sinasali naman siya. Parang ako na itong nahihiya dahil lang malayo siya sa kanila.

"I'm really sorry, Maliya. Di bale na, I'll replace your top na lang if the stain won't come off."

"It's fine, Gel. I can buy a new one."

"I bet that girl can't pay you if ever siya 'yong nakatapon ng drink sa damit mo."

Natigil ako sa pagbubukas ng pinto ng CR. Nanatili lang ang paghawak ko roon at nakinig na lang muna. Alam kong ako naman 'yong pinag-uusapan nila.

Tumawa si Maliya. "You think so?"

"Yep! She's wearing a shirt, it was so plain. Baka if she tries to replace your top, bigyan ka ng mumurahin."

"Bakit ba kasi dinala-dala ni Reeve, right? She doesn't even want to sit with us. Arte. Hindi naman sila bagay ni Reeve. She should just stay at home. Baka lumobo lang ang utak kasi akala niya type talaga siya ni Reeve." Si Maliya ulit iyon at bakas na ang irita sa tono.

Binuksan ko ang pinto ng CR nang hindi nagdadalawang-isip. Hindi naman ako pinalaking duwag sa mga ganitong klaseng tao. Hindi naman nila ako kilala kaya bakit hahayaan kong magsabi sila ng kung ano-ano sa akin?

"Hindi ka rin naman bagay kay Reeve," sabi ko nang makalabas. Sinarado ko ang pinto ng CR at nilingon silang nasa lababo.

Lumapit ako sa kanila at naghugas ng kamay. Taas ang kilay ko nang tingnan sila.

"Bakit mo naman nasabi? Girl, look at you. Sa tingin mo ba talagang magugustuhan ka ni Reeve? You're even younger than us. Do you really know Reeve?"

"Bakit? Hawak mo ba ang utak niya para sabihing hindi talaga ako ang tipo niya? Gusto mo siguro si Reeve, ano? Hindi na ako magtataka kung bakit ginaganyan mo ako kasi ako 'yong nililigawan niya."

"I won't stoop to that level, little Missy." Ngumisi si Maliya. "Ilang taon ko ng kaibigan si Reeve kaya kilala ko siya. You're not his type. Maybe he's just bored. He'll stop eventually. Kaya huwag ka ring pakampante."

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman gusto si Reeve at bahala ka ng maghabol sa kaniya. Tingnan natin kung titigil siya para sa'yo." Ngumiti ako. Hindi porke't matangkad ito sa akin at mas matanda ay hindi na agad ako papatol.

Akala niya naman siguro papaapi ako sa mayaman! Pwe!

"Stupid girl," aniya nang dumaan ako sa gilid nila. Ang isa niyang kasama ay masama rin ang tingin sa akin.

"Gaya ng sabi ko, maghabol ka kay Reeve. Sasabihan ko siyang tumigil sa panliligaw sa akin at tingnan natin kung titingin ba siya sa'yo at manliligaw rin." Mapanukso akong tumawa. "At hindi ako stupid."

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 95 33
Kirsche Artemis Sanchez was taught to value her family above all. And she brought this learning with her till she grew of age. Anything she does, she...
70.4K 2.6K 43
During a marine patrol, marine biologist Cleora Celdran stumbled across a wounded dolphin together with her friends. Determined to save its life, Cle...
143K 3.8K 35
ISLA SERIES #1 Esme, an island girl who wants nothing but to be successful. Her life was as peaceful as she wanted it to be. Not until Echo, her bes...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...