High Wind and Waves (Provinci...

נכתב על ידי Lumeare

123K 4.6K 507

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... עוד

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 15

2.2K 102 4
נכתב על ידי Lumeare

Kabanata 15

High Wind and Waves

Tinitigan ko ang natuyong bulaklak ng rosas na nasa kwarto ko lang. Balak ko sanang itapon para mawala na ang kalat sa kwarto pero may naisip akong ideya para naman hindi masayang iyon. Mukhang mahal pa naman ang pagkakabili ni Reeve na alam kong galing lang din sa pera ni Sir Julio kinuha.

Kahit anong taboy ko kay Reeve ay hindi siya tumigil sa pangungulit sa akin. Mas lalo lang siyang nagpursige sa panliligaw sa akin nang nagpaalam siya kay Sir Julio na manliligaw nga. Ginawa pa 'yong pagpapaalam niya nang minsang bumisita ako roon.

"Hinding-hindi na talaga kita sasagutin!" Inis kong sabi kay Reeve nang makawala na ako room sa mansyon nila at naglakad na papuntang farm.

"So may balak kang sagutin ako?" hirit niya.

"Syempre, wala akong balak!" Parang toro na sa inis ang mukha ko. Siguradong hindi na mapipinta ng kahit sino.

Kahit naman ilang beses pa siyang magpaalam ay hindi ko siya sasagutin. Malinaw pa sa tubig na ang gusto ko nga ay si Isidore. Wala akong balak na magkagusto sa katulad niyang laging sinisira ang araw ko.

"So sino ang balak mong sagutin? Si Sid? Where is he now, then? He's not here and to tell you what, Little Ada, my brother likes me for you."

"Syempre kasi nilason mo na ang utak ni Isidore. Malamang sa malamang hinipnotize mo siya kaya di na niya ako gusto ngayon."

Sunod-sunod ang akyat ko sa pataas na farm. Sunod-sunuran din ang yabag ni Reeve sa akin.

"'Na niya', Ada? My brother never liked you. Not in a million years." Natatawa siya.

"Pwes, hihintayin kong matapos ang million years na iyan."

Napabuntong-hininga ako at sinikop sa mga palad ang natuyong petals ng bulaklak. Balak kong idikit na lang sa mga libro dito sa bahay para maiwan ang bango o di kaya iipunin ko muna hanggang sa dumami para may magamit ako sa scrapbook.

Napatawa ako.

Iipunin para dumami? So inaasahan ko talagang magbibigay pa sa susunod na araw si Reeve at tatanggapin ko?

Ni minsan ay hindi pa talaga ako naliligawan kahit na noong elementary pa lang. May mga kaklase akong lalaki na pabirong nagbibigay ng bulaklak tuwing Valentine's day at hindi naman iyon panliligaw. Ipinamimigay ko nga lang iyon.

Kung tutuusin, pwede ko rin namang ipamigay itong bigay ni Reeve kasi hindi ko naman siya gusto. Kung bakit ko pa ito inipon sa kwarto ko ay hindi ko alam. Siguro ay bored lang din ako at talagang idinisplay ko pa talaga.

"Ada, nandito na si Reeve." Katok ni Mama sa aking kwarto. "Huwag mong paghintayin."

"Wala po akong lakad ngayon, Ma. Paalisin mo," balewala kong sabi.

"Adamaris Segovia, hindi kita pinalaking bastos! Lumabas ka riyan at harapin si Reeve dito." Lumakas ang katok ni Mama sa aking kwarto.

Napa-ismid ako at iniwanan ang mga petals na nagkalat sa maliit na cabinet ko. Dumiretso ako sa pintuan at agad na binuksan iyon.

Inakala kong si Mama ang unang bubungad sa akin, ngunit ang nakangising mukha ni Reeve ang naging kilabot ko ngayong araw.

Napatalon ako sa gulat at nabitawan ang pinto. Lumawak ang bukas nito kaya malayang inilakbay ni Reeve ang kaniyang mata sa aking kwarto.

Tumaas ang sulok ng labi niya nang matuon ang kaniyang pansin sa aking likuran. Kumunot ang noo ko. Mayabang siyang sumandal sa haligi ng pinto nang patagilid habang ang tingin ay nagmamalaki.

"So...you're keeping the flowers I gave you, huh."

"Sayang eh." Nagkibit-balikat ako. "Itatapon ko na nga ngayon kasi natutuyo na."

Ginawaran ko siya nang matalim na tingin. "Ano na naman ang ginagawa mo rito?"

"I'm visiting you," aniya.

"Bwisiting siguro?" Umismid ako. "Umuwi ka na. Pangit mo sa umaga."

"You're the beauty in my morning, though. Come on. Come out of your room and we'll stroll around."

"No, thanks. Napasyalan ko na ang barangay namin nang ilang beses."

"Ako hindi, kaya samahan mo na ako," aniya at hinawakan ang balikat ko. Namilog ang mga mata ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. Kinunot ko ang noo at pabalya siyang itinulak.

"Hoy! Ikaw ha!" Dinuro ko siya. "Trespassing ka na nga, nangmamanyak ka pa!"

"Ada! 'Yang bibig mo!" singhal ni Mama mula sa kusina. Pati ba naman sinabi ko ay rinig na rinig.

Mahinang tumawa si Reeve. Tuso na naman ang tingin. "I wasn't trespassing, Little Ada. You opened the door for me which means I am welcome. And nangmamanyak? What a weird thing to say."

"Umalis ka na nga. Hindi kita sasamahan ngayon at maglilinis ako ng aking kwarto."

"Mamaya ka na maglinis, Ada at samahan mo si Reeve sa pamamasyal," sumingit ulit si Mama at sumilip pa talaga galing kusina. Matalim na ang tingin nito sa akin at kapag hindi pa ako sumunod ay baka makurot sa singit.

"Ma naman!" reklamo ko. "Maglilinis nga ako!"

"Ako na lang ang maglilinis diyan at samahan mo si Reeve. Mag-date kayong dalawa. Pinaalam na ni Reeve sa akin na nanliligaw raw siya sa'yo."

"Naniwala ka naman po?" napangiwi ako.

"Aba, Ada! Swerte mo na nanligaw si Reeve sa'yo, anak! Akala ko nga ay wala ng manliligaw sa'yo at ang sama ng ugali mo."

Humalakhak si Reeve sa sinabi ni Mama. Agad ko namang nahampas ang kaniyang balikat dahil sa irita. Ang sakit pa sa tainga ng halakhak niya na parang sayang-saya sa narinig.

Wala akong nagawa dahil ang sabi ni Mama ang masusunod. Nagbihis ako ng panibagong damit at naghilamos para naman hindi nakakahiya kay Reeve. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at naisipan niyang mamasyal sa barangay namin. Wala namang magandang tingnan dito.

Sabay kaming naglakad sa labas ng bahay. Hindi ko nakita ang sasakyan nilang nakaparada sa labas kaya baka nagpahatid lang siya at magpapasundo na lang din mamaya kapag uuwi na.

"Ano bang gusto mong makita rito? Parang tanga ka naman. Doon nga sa inyo maganda ang view eh," pagrereklamo ko at sinipa ang maliit na batong nadaanan.

"Just want to see you today. Palagi na lang si Isidore ang nakikita mo. Ako naman ngayon," tugon niya, tonong nagtatampo.

"Inggitero ka rin eh no?" tumawa ako. "Sabagay, ugali mo naman talaga iyon." Napa-irap ako sa ere. Tinawanan niya lang ang sinabi ko at parang hindi insulto ang dating noon sa kaniya.

"Do you want taho?" tanong niya bigla. Napatingin naman ako sa unahan at nakita ngang may nakatambay na maglalako sa waiting shed malapit sa plaza.

"Okay. Libre mo? Wala akong dalang pera."

"Of course." Umangat ang sulok ng labi niya.

Hindi ko inaasahan na hahawakan niya ang palapulsuhan ko at hihilahin patungo roon. Bumili siya ng dalawang taho na nasa malaking baso at hindi niya talaga binitawan ang kamay ko. Nang magbayad siya ay doon lang bumitaw.

Sumilip ako sa laman ng mamahalin niyang wallet. Kita kong may iilang papel doon. Nagbukas siya ng isang bulsa kung saan nandoon ang coins at nakita ko ang maliit na litrato nilang pamilya.

"Cute ko noong baby pa 'no?" aniya at nahuli akong nakikiusisa sa wallet niya.

"Mas cute si Isidore," hirit ko. Totoo namang cute si Sid noong maliit pa.

Inilingan niya lang iyon saka ibinigay sa maglalako ang pera. Tinanggap ko ang taho at agad na nilantakan iyon. Si Reeve ay naghintay pa ng sukli bago makuha ang kaniya.

"Someone's playing basketball," aniya sabay tanaw sa loob ng plaza.

May mga naglalaro nga roong mga bata.  Hindi ako madalas na pumupunta rito kaya hindi ko naman alam kung sino-sino ba ang mga naglalaro. At saka malaki na ako para mag-gala-gala pa rito sa barangay.

"Come on. Doon tayo sa loob," aya ni Reeve. Wala naman akong choice kung hindi ang sumunod sa kaniya kasi nga kasama niya ako.

Maliit lang ang plaza pero may mga upuan sa paligid. Covered naman iyon kaya hindi mainit nang umupo kami ni Reeve sa isang sementadong upuan.

"Masarap?" patukoy niya sa taho na kinakain ko.

"Oo. Salamat sa libre," sabi ko. Aba kahit naman hindi ko gusto ang lalaking ito ay marunong naman akong magpasalamat. Ang laki pa nga ng binili niya eh.

"You're welcome, Little Ada." Tumayo siya at itinabi sa akin ang kaniyang taho.

"Secure that for me. Maglalaro ako."

"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Hoy ang tanda mo na para patulan 'yang mga bata!" suway ko.

"Pasikat ka eh!" habol ko nang hindi niya ako pinansin at diretso siya roon sa mga naglalaro.

Pinanuod ko siyang nang-istorbo sa mga naglalaro roon. Yumuko siya kasi ang tangkad niya kumpara sa kanila. Sa tantya ko ay baka 7-10 years old lang ang mga bata roon at nag-aaral pang maglaro. Pero in fairness sa kanila, ang taas ng ring pero gusto nilang dito maglaro. Eh di syempre, hindi talaga ma-sho-shoot ang bola kasi ang liit nila. Baka agawan lang ang ginagawa nila kasi hindi maka-shoot.

Ini-enjoy ko lang ang taho na libre niya habang nanunuod ako. Hindi ko lang mapigilan ang manuod kasi hindi naman nakikipaglaro si Reeve sa mga bata roon. Parang tinuturuan niya sila kung paano maglaro.

Inilayo ko sa aking bibig ang baba ng plastic na baso. Nasa kalahati na ang laman pero parang busog na agad ako. Si Reeve ay nakikitawa sa mga bata habang dini-dribble niya ang bola sabay shoot.

Napa-irap ako. Pasikat ito eh.

Rinig ko ang palakpakan ng mga bata. Pinanuod ko sila nang ibigay ni Reeve ang bola sa isa sa kanila. Sinubukan ng batang maliit na mag-dribble at mag-shoot pero kinabos. Pero maayos naman iyon. Kung siguro mas tatangkad pa ay baka pumasok nga.

Nagsa-sample si Reeve pagkatapos ay ibinibigay sa mga bata ang bola. Para siyang teacher na tinuturuan ang mga bata roon, nakikitawa at nakikipag-high five pa. Parang nakalimutan niyang kasama niya ako.

Parang narinig niya ang daing ko at napatingin siya sa akin. Napaayos ako ng upo at napaiwas ng tingin nang kumindat siya sa direksyon ko. Nang ibaling ko ulit ang tingin ay nahuli niya ako. Tumawa siya at agad na tumigil dahil hinila ng bata ang laylayan ng kaniyang t-shirt.

Kinagat ko ang aking labi. Kung hindi ko lang kilala si Reeve, baka sabihin ko pang anak niya ang mga bata roon. Parang ang gaan niya kasing tingnan habang kasama ang mga bata, lalo pa at tinuturuan niya. Tapos kapag ngumingiti siya nang ganiyan, iyon walang halong ngisi o biro, mukha siyang mabait. Wala rin naman akong kamalay-malay na magaling pala siya sa mga bata. First time ko nga'ng masilayan ito.

"This one's for my girlfriend!" sigaw niya at inihagis ang bola sa basket. Bumundol ang bola sa board at umikot-ikot pa sa paligid ng basket.

Ang mga bata ay parang nag-aabang sa sinehan habang nakatingala. Kahit ako...kahit ayokong tingnan ay inabangan ko kung papasok ba o hindi.

Sa galing ni Reeve sa larangang ito, sigurado, syempre, pasok iyon. Ako lang naman itong nagdadasal na sana hindi pumasok kasi hindi niya naman ako girlfriend.

Nagpalakpakan ang mga bata nang sa wakas ay pumasok nga sa basket ang bola. Tumalbog iyon nang isang beses bago kinuha ni Reeve at nag-lay up siya. Pasok ulit ang bola bago niya sinalo.

Lumingon siya sa akin at kumindat. "Pati ang bola ay umaayon sa akin."

"Kapal!" gumanti ako nang pasigaw.

Tinukso-tukso kami ng mga bata. Hindi ko na pinansin dahil mga bata pa naman sila. Syempre, uto-uto ang mga 'yan.

Napagod yata sila sa paglalaro at tumigil na. Ibinigay lang ni Reeve ang bola sa kanila bago siya patakbong pumunta sa akin.

Ang tangkad ng kaniyang anino ay tinakpan ang sikat ng araw na tumatama sa akin. Yumuko siya para kunin ang taho na nasa tabi ko kaya lumayo ako nang kaunti. Patagilid ko siyang tiningnan dahil nagtagal ang pagkakayuko niya.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Tinitingin-tingin mo riyan?"

"Nothing," iling niya sabay tayo nang maayos sa harapan ko.

Inilang lagok niya ang taho na lumamig na dahil sa paglalaro niya. Naubos ko na ang akin kanina pa habang nanunuod sa kanila. Hindi ko nga namalayan.

"Do you wanna learn how to play basketball, too?" aniyang bigla.

"Bakit?"

"Because I'll teach you?"

"Huwag na," iling ko.

"Come on, it's just dribble and some shooting. It's easy. Your height can pass," dinugtungan niya iyon ng tawa. "Kidding aside, I want you to learn how to play it. Mayroon sa PE niyo ng gano'n, diba?"

Napanguso ako. Mukhang mapilit. Kilala ko na si Reeve kaya alam kong hindi siya titigil hangga't hindi ako pumapayag.

"Sige. Dribble at shooting lang talaga?" Tumayo na ako at nagpagpag ng shorts.

"Yeah. It's easy." Kumindat siya at nilahad ang kamay sa akin. Tinitigan ko iyon.

"Aanhin ko 'yan?" mataray kong tanong.

"Kiss mo."

"Kadiri, di ka nga naghugas ng kamay eh," angal ko.

Tumaas ang kaniyang kilay at nandoon na naman ang tusong tingin. "So kapag naghugas ako ng kamay, iki-kiss mo talaga?"

"Syempre, hindi!"

Halakhak lang ang natanggap ko mula sa kaniya bago niya hinawakan ang kamay ko. Sandaling nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang kagaspangan ng palad niya. Baka dahil lang sa hangin! Medyo malamig!

Hinila niya ako patungo sa mga bata at ipinakilala bilang girlfriend niya.

"Huwag kayong maniwala sa pangit na'to." Ang sabi ko at kinurot ang braso ni Reeve. "Kalokohan mo, ha?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi niya pinansin iyon at nag-dribble na lang ng bola.

Gaya ng sabi niya ay tuturuan niya ako sa dribble at pag-shoot. Hindi ko alam na matututo ako kaagad. Hindi ko alam na agad-agad akong masisiyahan sa paglalaro.

Nang dahil lang kay Reeve.

המשך קריאה

You'll Also Like

94.5K 3.1K 43
Determined to lift her family out of poverty, Syrean Romano decided to work for the Balsameda Hotel-a place her mother forbids her to go. Iyon lang a...
366K 11K 45
For Zepporah Bevacque, family is important. Her family should be her top priority. Ginawa niya ang lahat para tanggapin siya, lalong-lalo na ng kaniy...
447K 14.1K 44
Isla Contejo Series #1 (1/5) In politics, it's always a dog-eat-dog situation. Fleurysa Salvatorre has always been pushing that thought away. She bel...
583K 20.1K 43
Can you dance in the burning sand until the fire embrace you totally? Can you still hear the good melody of your heartbeat despite the consequence th...