High Wind and Waves (Provinci...

By Lumeare

122K 4.6K 507

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 10

2.3K 100 14
By Lumeare

Kabanata 10

High Wind and Waves

"Good luck, Ada! Galingan mo!" Tinanggap ko ang high-five ng isang kaklase nang dumaan ako sa kanila. Iilan lang silang nasa field at manunuod ng athletics event.

Hindi na rin naman ako magtataka. May iilang event kasi na sumabay sa event namin kaya marami ang pagpipilian. Nanghihinayang nga rin ako dahil hindi ko mapapanuod ang laro ni Isidore dahil kasabay rin ng akin.

Lumapit ako sa aming coach at nanghingi ng tubig. Agad naman akong binigyan ng nasa plastic cup at puno pa. Inisang lagok ko iyon bago ako lumapit kay Mabel na kabilang na sa manunuod.

"Good luck sa'yo! Di ka ba kinakabahan?" usisa niya.

"Hindi. Sanay na'ko sa ganito. Kapag natalo, eh di natalo," balewala kong tugon at inayos ang supporter sa aking tuhod.

Dahil hindi naman ito Division event ay kaniya-kaniya rin kami ng suot basta umaayon lang sa kulay ng aming team. Para sa first year, nakasuot ako ng kulay green na sleeveless na jersey at shorts. Buti at may nahanap pa ako sa bahay na kasya sa akin kaya hindi na ako nag-abala pang bumili.

"Nga pala, nakita ko ang kapatid ni Isidore kanina sa school."

"Oh?" Nagtaas ako ng kilay. Tumayo ako nang maayos. "Baka manunuod si Reeve ng laro ni Isidore."

"Gwapo niya ano? Kaso sosyalin eh," ungot niya.

"Kaya nga. Kitang nasa probinsya pero nag-e-English," katwiran ko.

Tumawa si Mabel. "Hindi 'yon. Ang ibig kong sabihin, kapag nakatingin ka kasi talaga sa kaniya parang ang hirap lapitan. Compare mo naman kay Isidore, na parang ikaw pa nga ang uurong kapag lumapit siya kasi sobrang linis."

"Ganoon talaga si Reeve. Mayabang 'yon eh."

Gano'n talaga kapag may kapatid. Mayroong mabait, mayroong masama. Mayroong mapagkumbaba, may mayabang. Perfect example na roon sina Isidore at Reeve na sobrang magkaiba sa isa't isa.

Nagpaalam ako kay Mabel na babalik muna kay Coach dahil may papapirmahan sa akin. Ibinigay ko ang aking ID na dala para makumpirma na ako nga ang kalahok bago ako sumalang sa gitna ng track kasama ang ibang kalahok.

Nagsimula kaming mag-warm up doon. Kahit tirik na tirik na ang araw ay wala na akong pakialam. Maitim naman na ang balat ko kaya wala akong problema. Kung mas iitim man, babalik din naman iyon sa dati pagkatapos ng ilang araw.

Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok pati na ang sintas ng sapatos. Mahirap na baka ito pa ang maging dahilan kung bakit hindi ako makakatakbo nang maayos.

Nag-stretching muna ako kasabay ng iba. Parang pareho lang naman kami ng routine kaya nakisabay na rin ako. Namangha pa nga ako kasi 'yong ibang kasabayan ko ay talagang matatangkad. Kung tangkad lang din ang labanan, siguradong talo na ako.

Hinawakan ko ang aking leeg at ini-stretch nang kaunti ang aking ulo. Sa muli kong pagbaling sa kabilang direksyon ay namataan ko si Reeve na nakatayo sa gilid ng track at nakatingin sa amin.

Kumunot ang noo ko.

Bakit siya nandito? Ang alam ko ay kanina pa nagsisimula ang laro nina Isidore, kaya nga hindi rin ako makakapanuod ng unang quarter eh.

Nahuli ni Reeve ang tingin ko nang iangat niya ang tingin sa akin. Kaunti siyang kumaway at ngumisi. Mas lalong lumalim ang kunot sa aking noo at hindi siya pinansin.

Patapos na ako sa pag-s-stretching nang mapansin kong halos lahat ng kalahok ay nakalingon sa kaniya. Hindi ko alam kung tapos na bang magstretching ang mga ito.

Alam ko namang gwapo si Reeve pero hindi ko alam na maaagaw niya ang atensyon ng lahat. Kung tutuusin, hindi pa nga iyan Senior High pero ang tangkad ay parang kapantay lang nila.

Napaayos ako ng tayo nang may mag-briefing na sa amin. Hindi ko na pinansin ang iilang bulungan tungkol sa gwapong nasa kabilang banda ng field at nakinig na lamang ako.

"Good luck, sprinters!" ang sabi sa amin nang matapos kaming bigyan ng briefing.

Inilagay ko na sa posisyon ang aking mga paa at kamay. Sinigurado kong balanse ako sa lupa para kapag nagsimula na akong humakbang ay hindi ako matutumba

"Go, Adamaris Segovia! Patumbahin mo silang lahat!" sigaw ni Mabel ang nangingibabaw sa lahat ng ingay na naririnig ko sa field. Nilingon ko ito at pinigilan ang matawa dahil nga sobrang ingay niya.

Sumenyas ako at ibinalik na ang pansin sa unahan. Nasa pa-unang lane ako at sa totoo lang, ngayon ko naramdaman ang kaba gayong magsisimula na.

Ipinokus ko ang atensyon sa tunog ng pagputok ng baril. Huminga ako nang malalim.

Sa field lang dapat ang tingin, Ada. Sa field lang.

Pinaalala ko ang sarili ko.

Nang tumunog ang baril ay agad akong pinuno ng nagbabagang enerhiya sa katawan. Sa unang hakbang ay hindi ko na maramdaman ang mundong naghihiyawan. Lahat iyon ay nawala na sa pandinig ko habang tinatakbo ko ang track.

Hindi ko binigyang-pansin ang ibang kalahok at mas nag-focus sa aking layo. Ang sabi ni Coach sa akin noon ay hindi naman daw big deal kung mananalo kami o hindi. Basta ang importante ay na-enjoy namin.

Pwes, ako hindi. Gusto kong manalo, kahit dito man lang. Hindi ako magaling sa classroom at mahina ang utak ko roon, pero sa pagiging atleta, siguradong may pag-asa pa ako. Kaya hindi ko naman palalagpasin ang pagkakataong ito para manalo. Hindi naman kasi porke't grade 7 kami at bago lang sa pagiging high school ay mamaliitin na kami ng lahat. Gusto kong patunayan na mali sila.

"Go Adamaris!" Nang marinig ko ang boses ni Mabel ay hudyat iyon na nasa finish line na ako.

Huminga ako nang malalim at nilingon ang direksyon na pinanggalingan. Lima ang nakikita kong tumatakbo pa at sunod-sunod silang lumagpas sa akin. Hinahabol ko ang aking hininga habang pilit pinapasok sa aking isipan na pasok nga ako sa mga nanalo.

"Congrats!" May humawak sa aking balikat. Inangat ko ang aking tinginnat bumungad sa akin ang nakalaban kong nasa Senior High na.

"Thank you. Congrats din!" bati ko pabalik dahil alam kong siya ang pinakauna sa linya.

Lumapit si Coach sa akin at binigyan ako ng towel na pamunas. Hindi niya muna ako pinainom ng tubig dahil kakatakbo lang at kailangan ko munang ipahinga ang aking katawan nang ilang minuto.

"Congratulations! You did well, Ada," papuri ni Coach.

"Salamat po." Ngumiti ako.

Nilingon ko sina Mabel na kanina pa tinatawag ang aking pangalan. Natatawang nag-jogging ako papunta sa kanila. Inulan agad ako ng kanilang pagbati sa akin.

"Ang galing! Parang kabayo ah!" si Mabel na loka-loka.

"Gaga ka!" ganti ko.

"Pero in fairness, ang bilis mo! Parang lumilipad."

Inilingan ko na lang ang sinabi niya. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko kung paano tumakbo. Hindi ko nga rin alam kung gaano ba ako kabilis tumakbo, basta ang alam ko lang ay kaya ko.

"Little Ada!" Napakagat ako sa aking labi sa inis at napapikit nang marinig ang boses na iyon.

Buti na lang at pabalik na ako kina Coach. Dahan-dahan kong nilingon si Reeve na ngayon ay papalapit na sa akin.

"Congratulations!" aniyang nakangisi.

"Salamat. Bakit ka nunuod sa event ko?" diretsahan kong tanong.

"Well, I've seen how basketball works. Sawa na ako kaya dito ako nanuod. I just remembered that you were in this event." Sinabayan niya ako sa paglalakad. Kumunot ang aking noo.

"Bakit ka sumasabay sa akin?"

"Because I don't know anyone here?" Binigyan niya ako ng kakaibang tingin.

"Eh di sana nagdala ka ng kaibigan papunta rito. May iilan akong nakita kanina na mula sa school niyo." Binuksan ko ang mineral water na dala-dala ko.

Ilang lagok lang ang ginawa ko at napangahalatian ko agad iyon. Bumuga ako nang hangin pagkatapos uminom.

"My friends were watching the female events. They heard you've got pretty schoolmates."

"Weh? Babaero." Hindi ko maiwasan ang pagkomento. Natawa naman si Reeve sa sinabi ko.

Nang marating namin si Coach ay sinabihan niya akong pwede ng makaalis at kunin na lang daw ang aking ID mamaya. Hindi na nila ako kinuhang reserba para sa ibang event kaya buti naman. Gusto ko pang manuod ng laro nina Isidore.

"Where are you going next?" Napalundag ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Reeve sa aking tabi. Agad ko siyang ginawaran nang masamang tingin.

"Pwede ba, 'wag kang nanggugulat?!"

"What? I was with you few seconds ago. What's so shocking about it?"

"Ewan ko sa'yong Englisherong probinsyano ka." Inirapan ko ito at nagsimula na akong maglakad.

"Saan ka nga pupunta?" aniya at hinabol ang hakbang ko.

"Manunuod ng game ni Isidore. Masaya ka na?"

"I figured. Hindi ka na magbibihis?"

"Ang dami mong tanong." Naiinis na sabi ko sa kaniya at kinamot ang aking pisngi.

"You'll stink if you won't change your clothes. Baka magreklamo ang katabi natin mamaya."

Napatigil ako sa paglalakad at napanguso. May punto naman si Reeve pero hindi ko sinabi sa kaniya na tama naman siya. Dumiretso ako sa malapit na CR sa gym at nagpalit nga ako ng damit gaya ng sabi niya.

Inamoy ko naman ang jersey ko at wala namang amoy. Maarte lang si Reeve kaya niya nasabi iyon.

Simpleng t-shirt at shorts na maong lang ang isinuot ko. Naghilamos din ako at inayos ulit ang pagkakatali ng aking buhok. Nag-check ako sa aking bag kung may pabango ba akong dala para naman magamit ko. Wala akong nakita kaya 'yong pulbong kulay pink na lang ang inilagay ko sa aking leeg para naman medyo mabango.

Nang lumabas ako sa CR ay hindi ko na ikinagulat na nandoon pa rin si Reeve. Nakasandal siya sa pader at nakatungo. Nang marinig niya ang pagsara ko ng pinto ay agad na bumaling ang tingin niya sa akin.

Pinasadahan niya ako ng tingin. Bahagyang napanguso pero agad ring umangat ang gilid ng labi. Umayos siya ng tayo at hinarap na ako.

"Huwag mong sabihin na tatabi ka rin sa akin doon sa gym?" masungit kong tanong.

"Well, yeah. You don't have any choice but to accompany me."

"Neknek mo. Tatabi ako sa mga kaibigan ko at may reserve na upuan na ako roon."

"Eh di sasama ako. Problema ba 'yon, Little Ada?"

"Ewan ko sa'yo! Sabi mo naman kanina ayaw mo ng manuod ng basketball at nakakasawa na."

Nagsimula akong maglakad patungo sa gym. Sinabayan niya naman ako at natatawa pa. Hindi ko alam kung saan ang nakakatawa sa sinabi ko. Siraulo pala 'to eh.

"Nagbago na ang isip ko," aniya at hinuli ang braso ko. Lumundag ang tingin ko sa kaniyang kamay na nakahawak sa aking balat. Hindi ko alam pero naramdaman kong parang kinuryente ako sa hawak niyang iyon.

Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi naman mahigpit pero hindi niya naman ako mabitaw-bitawan.

"Bitawan mo nga ako," iritado kong sabi.

"Nah." Mahina siyang tumawa. Mas hinila niya ang kamay ko at nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Hoy!" suway ko. Hindi ako pinakinggan ni Reeve.

"You're walking as if you own the street. Ang bagal," reklamo niya.

"Aba! Baka hindi mo ako napanuod kanina!"

"I saw you. You're running. It's different. Naglalakad tayo ngayon at ang bagal mo."

"Syempre, pagod ako!" katwiran ko. Hindi ko naman alam na mabagal ako. Basta't sadyang malaki lang ang hakbang niya kaya nasabi niya iyon.

Kasalanan ko bang maiikli ang binti ko? Kasalanan ko ba?!

"You run like an ostrich, Little Ada. It looks funny." Natatawa siya. "I can't imagine that those legs of yours would look like that of an ostrich!"

Humalakhak siya habang naglalakad. Pakiramdam ko ay namumula ako dahil nakakaagaw ng atensyon ng iba ang tawa niyang iyon. Sinubukan ko siyang suwayin ngunit napansin kong ang iba ay kakaiba ang tingin sa akin.

"Ostrich Ada doesn't suit you so I'll still call you little." Sayang-saya siya sa mga sinasabi. Sinubukan ko na lang balewalain dahil papasok na kami sa gym.

Bumungad sa amin ang maraming taong nanunuod. Hindi man puno pero marami pa rin.

Namataan ko sina Mabel na nandoon na sa itaas. Sa gilid niya ay may espasyo para sa akin.

"Hoy, iiwan na kita rito. Nandoon ang mga kaibigan ko," istorbo ko kay Reeve na abala sa paghahanap ng mauupuan.

"Sasama ako." Nilingon niya ako.

Umismid ako. "Bahala ka. Sinabi ko na kanina na isa lang ang nakareserbang upuan at para sa akin iyon."

"Doesn't matter. I'm sitting with you."

Inirapan ko lang ang maarte niyang sagot. Umakyat ako sa limang hakbang na hagdan at tinunton ang mga kaibigan. Alam kong nakasunod pa rin sa akin si Reeve dahil maliban sa rinig ko ang yabag niya, sumusunod din ang tingin ng iilang babaeng naroon sa gym.

"Uy, si Reeve Camporazzo!" rinig kong bulong-bulungan.

Basta't galing sa private school, alam ko ng sikat sa school namin. Sila kasi kadalasan ang kalaban namin sa mga division contest at hindi na nakakapagtaka na kilala ng iilan si Reeve. Hindi lang dahil sporty at gwapo, kundi matalino rin.

Kumaway si Mabel sa akin at umusog nga para makaupo na ako. Nawala ang ngiti niya nang mapansing may isa pa akong kasama.

"Bakit mo 'yan kasama?" basa ko sa tanong ni Mabel sa ere.

Nagkibit-balikat ako. Walang salita akong umupo. May katabi akong isang babae sa gilid at nang tumapat sa kaniya si Reeve ay awtomatiko lang na umisod para makaupo ito.

So basta gwapo, papaupuin na lang? Kahit hindi naman nanghihingi?

"Thank you," sambit ni Reeve doon sa babae.

Bahagyang gumalaw ang aking mga labi ngunit hindi ko na siya pinansin dahil naghiyawan na ulit ang mga tao nang maka-shoot si Isidore.

"Go Isidore!" sigaw ko nang maka-puntos na ulit ang kaibigan.

Magaling ang kalaban nina Isidore na mga grade 8 players. Matatangkad din at halata ring naglalaro talaga.

"Who do you think's going to win?" bulong sa akin ni Reeve na ikinagulat ko.

"Feeling close mo ha?" sabi ko sabay taas ng kilay sa kaniya.

"You're the only one whom I know here, Little Ada," bulong niya ulit sa aking tainga. Agad akong lumayo dahil nakiliti agad ako. Masama na ang tingin ko kay Reeve dahil sa kakulitan niya.

"Kulit mo."

Tumawa siya. "So sino nga? Do you think my brother will win?"

"Oo. Bilib naman ako kay Sid kaya mananalo sila," tugon ko at tiningnan ang scoreboard na nasa harap namin.

40-42

Iyon ang nakasulat roon, pabor sa kabilang grupo. Alam kong mahahabol pa iyon dahil dalawang puntos lang.

"Okay. If you say so."

"Bakit?" Nilingon ko siya ulit. "Hindi ka ba naniniwala na mananalo sila?"

"Hindi," diretsong aniya at ngumisi. "He won't win. Not this time."

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 300 29
Dino Villegas, kilala ang pangalan na ito sa larangan ng Dance Sport. Mapa-latin dance, rumba, jive, tango, waltz at kahit ano pa ay kayang-kaya niya...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
36.2K 1.5K 34
Typical Hearts Series #2 (2/3) Marrying someone you barely even know is probably one of the worst things that could happen in a person's life. Daezel...
10.9K 760 46
Natashya Roxanne Diaz is a spoiled high school girl gone rogue. She often finds herself in situations that trigger her anger issues and gets away wit...