Moonlight Throne (Gazellian S...

By VentreCanard

3.2M 272K 102K

Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world... More

Moonlight Throne
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 41

38.5K 4.1K 1.9K
By VentreCanard

Chapter 41: Kumpleto

Tila higit na sumikip ang dibdib ko sa hagulhol ng pinunong anghel. Mga luhang ilan daang taon niyang kinimkim. Sino nga ba ang maaari niyang paglabasan ng kanyang sakit at sama ng loob na umukit sa kanyang dibdib ilang daang taon na ang lumipas?

Dahil kung ako man ang nasa kanyang posisyon, marahil ay aasa rin ako. Iba ang lakas ng kapangyarihan ng pag-ibig na nagagawa nitong higitan ang napakaraming taon.

Sina Kalla, Iris at Claret ay pinili na lamang ilihis ang mga mata sa ibang direksyon upang hindi tuluyang masaksihan ang paghihinagpis ng anghel. Dahil bukod sa akin, sina Kalla at Claret ang higit na nakaalam ng matinding epekto ng pagmamahal sa isang Gazellian.

Hindi sila mahirap mahalin...

Sana'y ganoon din sila kadaling kalimutan para sa mga babaeng hindi pinalad.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang ang mga mata'y nanatiling nakatuon sa anghel na sapo na ng mga palad sa sariling mukha, nais ko siyang lapitan at yakapin, ngunit nasisiguro kong hindi niya iyon magugustuhan.

Saglit kong sinulyapan si Harper. Ang mga mata niya'y hindi man lang natinag at nanatiling diretso ang titig niya sa lumuluhang anghel, ngunit kahit pilit man patatagin ni Harper ang ganoong ekspresyon at anyo, nakikita ko pa rin ang paghihirap niya. Nasisiguro kong katulad ko'y pinipigilan niya ang kanyang sariling yakapin ang anghel.

Samantalang ang mga anghel na nakapalibot sa amin ay piniling tumahimik at nanatili sa kanilang mga posisyon. Bakas din ang pag-aalinlangan, kalituhan at pag-aalala sa kanilang mga mata, ngunit tila nalalaman din nila kung ano ang higit nilang dapat gawin sa mga oras na iyon—ang hayaan ang kanilang pinunong lumuha.

Nasasaktan ako para sa kanya. Lalo na sa kaalamang ang kanyang suliranin sa pag-ibig ay kailanman ay hindi ko magagawang tulungan.

Sa paanong paraan nagawang paibigin ni Haring Thaddeus ang napakaraming babaeng ito at manatiling tapat sa kanya sa nakalipas na napakaraming panahon?

Ilang minuto sigurong natahimik ang lahat at hindi man lang gumawa ng kilos, ngunit tanging si Harper lang ang siyang naglakas ng loob muling kausapin ang pinunong anghel.

Tatlong beses siyang marahang humakbang at nang masiguro niyang nasa tamang distansya siya ay bahagya siyang yumuko sa pinunong anghel habang nakalahad ang kanyang palad.

Tinanggal na ng pinunong anghel ang kanyang mga palad sa kanyang mukha at taas noo niyang sinalubong ang mga mata ni Harper sa kabila ng bakas ng mga luha sa kanyang pisngi.

"Tanggalin mo iyang kamay mo. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Tipid na ngumiti si Harper habang nanatili pa rin nakayuko at nakalahad ang kamay. "I am not helping you. Give me the relics."

"Harper..." rinig kong usal ni Claret.

Umawang ang bibig ng pinunong anghel at napahugot siya ng paghinga na parang hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ni Harper.

"Y-You insolent princess—" pinutol siya agad ni Harper. "I am. Now, give me the relics."

Magsasalita pa sana ang pinunong anghel nang sandaling ibuka niyang muli ang kanyang mga labi, ngunit nang mariin silang magtitigan ni Harper ay napabuntonghininga na lamang siya.

Gumawa siya ng senyas sa kamay niya dahilan kung bakit may mga anghel na lumapit sa kanya para alalayan siyang tumayo. Tila ang panunuyang iyon ni Harper ang nagpabalik sa kanyang kaninang presensiya. Taas noo niyang inilahad ang isa niyang kamay na agad nagliwanag, hindi na rin kami naghintay nang matagal nang ipakita na ng pinunong anghel ang maliit na kahon na sa sandaling buksan ay nagbibigay ng magandang musika.

"Just like my music box..." usal ni Kalla.

Dalawang kamay na ni Harper ang nakalahad habang nagniningning ang kanyang mga mata sa matinding galak, tila agad niyang nakalimutan ang naging engkwentro nila ng pinunong anghel.

"You are just like your father. Good at playing emotions," ani ng pinunong anghel habang ibinibigay na niya ang relikya.

Umiling si Harper ngunit nanatili pa rin nakangiti ang kanyang mga labi. "He never intended to play with anyone's emotion. It's his nature. Masyadong matatamis ang mga salitang nahahabi sa dila ni ama at napagkakamalian iyon ng maraming may ibang intensyon. It's in our blood. It is your fault, Head Angel, creatures easily fall for us..." inosenteng paliwanag ni Harper.

Kung si Caleb o ang ibang Gazellian ang magpapahayag niyon, siguradong iba ang magiging dating sa kahit sinong makakarining nito. Ngunit nang sandaling si Harper ang nagsabi niyon, wala man lang akong mahimigan ng pagmamalaki o pagyayabang.

"A truth that is hard to accept," dagdag ni Kalla.

Nang sandaling tuluyan nang mapasakamay ni Harper ang relikya ay masigla siyang lumingon sa amin na may mas malawak ng ngiti.

"We can open the cave..." mahinang usal niya.

Nang marinig ko iyon, tila hinaplos ang puso ko. Sa wakas... nasa hangganan na kami ng paglalakbay na ito. Sa wakas ay malalaman na namin ang itinatago ng makasaysayang kweba na iyon.

Si Harper ay hindi na nag-aksaya ng oras at agad siyang humarap sa akin upang ibigay ang huling relikya—music box.

Lumampas ang tingin ko sa balikat ni Harper, ngunit ang pinunong anghel ay tumalikod na.

"Ihatid n'yo na sila sa labas ng ating mundo," utos niya.

"S-Saglit! Nais kong malaman ang iyong pangalan," habol ko. Natigilan ang pinunong anghel, ngunit nanatili pa rin siyang nakatalikod.

Bagaman malayo ang aming distansya, ramdam ko na tila nagbagong muli ang kanyang presensiya.

"Ngunit kung hindi mo nais ay hindi na kita pipilitin—" pinutol ni Harper ang siyang sunod kong sasabihin.

"Her name is Harper."

Sina Claret, Kalla at Iris ay kapwa nanlaki ang mga mata habang ako'y natulala sa pahayag ni Harper. Marahas napalingon ang pinunong anghel na tila muling nakarinig ng hindi inaasahan mula sa prinsesa.

"Am I right? Your name is Harper."

"How did you—"

Nagkibit balikat si Harper. "Wild guess?"

Naningkit lang ang mga mata ng pinunong anghel. "Alright. Matagal ko nang itinanong kay ama kung saan niya kinuha ang pangalan ko. He told me that he gave me his friend's name..."

Walang nagsalita sa amin at hinayaan namin magpatuloy si Harper sa kanyang kwento.

"My father once wished was to have a child with a good singing voice. Dahil naiinggit siya kay Haring Raheem. Halos lahat ng mga Le'Vamuievos ay magagaling umawit, samantalang ang mga kapatid kong prinsipe, makikisig lang. I can still remember how Lily laughed when father narrated this story. We even promised not to tell it to our brothers..." naiiling na sabi ni Harper.

"To make the story short. My father told me that my name came from a good friend with a very wonderful voice, at umaasang siya na mabibiyayaan din ako ng ganoon kagandang boses. And you heard it... you heard my first cries, my father's whispers and silly wish...I may be a newborn that day, but I am a vampire with a strong blood of a Gazellian. You were there... it was you, who blessed me with this voice..."

"W-Wow..." humahangang usal ni Claret.

"T-That's why her voice was easily heard...recognized..." dagdag ni Kalla.

Nang sandaling gumawa ako ng panalangin, wala akong kasiguraduhan kung maririnig iyon ng mga anghel. Ngunit nasagot na ang malaking katanungan sa isipan ko. Dahil higit na nagkaroon ng pagkakataong makarating ang aking panalangin, hindi dahil iyon ang kapangyarihan ni Harper, kundi ang mismong boses niya ay may koneksyon sa anghel na may hawak ng relikyang kailangan namin.

"It's ironic for a vampire to have a blessing from an angel, right? But I am happy and honored to meet you. I am grateful for this voice. Thank you..." kung kanina'y nanghahamak si Harper at tila isang kalabit na lang ay dadanak na ang dugo sa paligid, muling bumalik ang malambot na prinsesa na siyang kilala ng lahat.

Buong sinseridad siyang yumuko sa harap ng pinunong anghel.

Ilang beses na napalunok ang pinunong anghel, ngunit sa halip na sagutin pa si Harper ay pinili niyang muling tumalikod at maglakad na muli.

Lalapitan na sana namin si Harper upang tulungang tumayo ng tuwid nang muli siyang nagsalita.

"He may not love you that way you wanted it, but I know... he cherished you as a good friend. Dahil hindi niya hihilingin na matulad ako sa 'yo o ang kakayahang mayroon ka na taglayin ko. Maraming salamat sa pakikipaglaban at sapalaran kasama si ama at ng iba pang mga babaeng humawak ng relikya, ipinapangako namin na kami ang tatapos nito. Magandang katapusang hinihiling ng lahat..."

Wala nang salita pa ang narinig mula sa pinunong anghel, tipid lamang siyang tumango sa mga sinabi ni Harper at hindi na lumingon sa amin pabalik.

***

Naging tahimik ang siyang paglalakbay namin sa himpapawid. Bagaman wala kaming pag-uusap, nasisiguro kong kapwa magaan na ang pakiramdam ng lahat. Nagkaroon man kami ng hindi magandang engkwentro sa mga unang bahagi ng pag-uusap, naging maayos naman bago kami tuluyang lumisan.

Wala sa sarili akong sumulyap kay Harper. Hindi ko akalain na higit ko siyang makikilala sa paglalakbay na ito.

Bakit nga ba ako magugulat?

Isa nga pala siyang Gazellian.

"Leticia?"

Ilang beses akong napakurap nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ilang beses akong umiling, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Maaari ba akong magbigay ng katanungan?"

"Para sa akin?"

Ngumiti siya, "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ito mabigat."

Tumango ako. "Ano ang nais mong malaman?"

"Ano ang naramdaman mo nang madiskubre mong ika'y magiging reyna?"

Hindi ko na kailangan pang mag-isip sa katanungang iyon, dahil isa lang ang bagay na ginawa ko. "Tumakbo ako."

Malakas siyang tumawa. "I can still remember that! My poor brother."

"Paumanhin..."

Kumumpas siya sa hangin. "Don't be. Nakaraan na iyon, ngunit hindi ko na iyon paalala pa kay Lily. Tumakbo ka dahil natakot ka, hindi ba?"

"Hindi lang takot, Harper. Maraming emosyon... gulat, pagtataka, kalituhan..."

Habang nagpapaliwanag ako, unti-unti nang pumapasok sa isipan ko ang maaaring dahilan kung bakit siya nagtatanong nito.

Ang kapatid ni Claret ay kasalukuyang hari sa isa sa mga emperyo ng nagkawatak-watak na Nemetio Spiran, at sila ni Harper ang itinakda sa isa't isa.

"Kung si Lily siguro ang magiging reyna'y hindi siya mag-iisip ng—"

Hinawakan ko na ang isang kamay ni Harper. "Magiging magaling na reyna ka rin pagdating ng panahon, Harper. Maaaring katulad ng iyong ina...sa akin o higit pa. Siguro'y ngayon ay natatakot ka pa, nangangamba at tinimbang ang iyong sarili, ngunit natural lamang iyan. Dahil darating ang panahon, ikaw na mismo ang yayakap sa trono...sa posisyon at sa napakaraming nilalang na titingala at yuyuko sa 'yo, hindi bilang nakakataas, kundi bilang reyna na karespe-respeto."

Nagningning ang kanyang mga mata sa sinabi ko. At nang sandaling bigla siyang yumakap sa akin, kusa na lang humaplos ang likuran ko sa likod niya.

"Ika'y Gazellian lagi mong tatandaan, Harper."

Hindi na rin nagtagal ay natatanawan na namin ang grupong siyang iniwan namin. Kanina'y iniwan namin sila na handa nang sumalubong sa mga nilalang na hahadlang sa amin, ngunit tila hindi ko makitaan ng bakas ng paghihirap ang mga ito.

Lalo na si Caleb na kumakaway at pagtalon pa sa amin mula sa ibaba na tila ilang taon kaming nawala.

Kalalapag pa lamang ng malaking ibon ay agad na silang sumalubong sa amin. Si Zen na hindi pa nakakaapak sa lupa si Claret ay agad nang yumakap.

Si Caleb na pumisil sa ilong ni Harper. "You okay, little sis?"

"Na-miss kita ng saglit, Caleb." Yumakap sa kanyan si Harper.

Si Lucas naman ay sumalubong kay Iris. Tanging si Kalla lamang ang nanatiling tahimik sa likuran at nakangiting pinagmamasdan ang lahat. Ngunit kapwa rin naman lumapit sa kanya sina Zen at Caleb para malaman kung hindi nagalusan ang minamahal ng kanilang kapatid.

Si Hua ay nanatili sa tabi ko habang sina Rosh at Nikos naman ang sumalubong sa akin.

"Hindi ka ba nila pinahirapan?" tanong ni Nikos.

Umiling ako. "Si Harper ang siyang gumawa ng lahat nang sandaling makarating kami sa kanilang mundo."

"Really?" tipid na sumulyap si Rosh kay Harper bago muling itinuon sa akin ang mga mata. "So..." nag-angat siya ng kilay sa akin.

Tumango ako at gumala ang aking mga mata sa paligid. Hindi ko alam kung tama ba na gawin iyon, pero nais kong kuhanin ang atensyon nilang lahat.

Tumikhim ako.

Lahat sila'y awtomatikong lumingon sa akin na tila nagulat sa ginawa ko.

"Is that the Queen's version of shut up and listen to me?" bulong ni Caleb kay Harper.

Nakita kong umikot ang mga mata ni Zen sa narinig kay Caleb. Hinawakan na niya ang kamay ni Claret at kapwa na sila naglakad papalapit sa akin, ganoon din ang lahat na nakuha na ang aking mensahe.

At nang sandaling silang lahat ay nasa harapan ko na, inilahad ko na ang dalawa kong kamay at kusa kong inilabas ang mga relikyang nakalap namin na kasalukuyang nababalot ng gintong liwanag.

Ang bungang nakapreserba sa eleganteng bote— na mula sa mga sirena.

Ang kwintas na luha— na mula sa demonyo.

Ang kahon ng musika—na mula sa anghel.

At ang punyal—na matagal nang pinangangalaagan ko.

Mga relikyang hindi lang susi, kundi ang presensiya't kakayahan ng mga ito'y naging tulay sa pag-ibig ng magkakapatid na Gazellian.

Mga relikyang hindi lang kapangyarihan ang taglay, ngunit iba't ibang kasaysayan ng pag-ibig.

Huminga ako nang malalim at isa-isa kong sinalubong ang kanilang mga mata.

"Ngayo'y sabay-sabay nating bigyan ng bagong kasaysayan ang mga relikyang ito... kasaysayang hindi luha guguhit, kundi walang katapusang ngiti at masayang pag-ibig."

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 240 22
❝ Na-seen ka na nga, itinuloy mo pa. ❞ • Buong buhay ni Andrei, nakontento siya sa pagtanaw sa crush niyang si Noah mula sa malayo. Mula first grade...
28.5K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...
8.4M 467K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
996K 76.3K 53
Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never be entangled with them or that's what sh...