High Wind and Waves (Provinci...

Oleh Lumeare

123K 4.6K 507

The Wattys 2022 Winner! Category: Romance Campo Razzo has always been a refuge for animals and for Adamaris S... Lebih Banyak

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 4

2.8K 106 19
Oleh Lumeare

Kabanata 4

High Wind and Waves

Gaya ng nakagisnan ko ay araw-araw na ako roon sa farm. Minsan lang napaparoon si Isidore kasi nga may pasok siya. Nalaman kong mas una pala ako sa kaniya ng isang taon sa eskwela kaya kung babalik ako sa pagpasok ay magkakasabay na kaming dalawa sa year level.

Mabilis lang lumipas ang panahon. Palagi pa rin akong inis sa Kuya niya sa tuwing nakikita ko ito. Kadalasan kapag naaabutan ako nitong mag-isa sa farm at hindi kasama si Isidore ay marami akong natatanggap na pangungulit sa kaniya.

Ang tanda niya pero pumapatol siya sa bata! Hindi man lang naisip na masamang inaaway 'yung nakababata sa kaniya! Talagang itinatak ko na sa isip ko na masama talaga ang ugali ni Reeve.

"Little Ada, kailan ka kaya tatangkad?" tanong niya habang tinutulungan ko si Kuya Elmer sa pagtitipon ng dayami sa loob ng barn. Nagkalat kasi iyon at dahil wala naman na akong ginagawa ay tumulong ako kahit hindi naman kailangan.

"Sa susunod pa. Bakit mo ba ako iniinsulto palagi ha?" inis kong ganti.

"Nothing. I like making fun of you."

"Pwes hindi ako natutuwa sa'yo, Kuya." Sinimangutan ko ito at hindi na pinansin.

Buti na lang at dumating si Isidore dala ang isang basket ng meryenda. Isa siguro sa mga bagay na gusto ko rito sa farm ay dahil may libreng meryenda ako kada hapon, nandito man o wala si Isidore. Sa bahay kasi kapag may binibili lang sina Mama, doon lang kamy swerteng makakakain ng meryenda.

Nagtitipid pa naman sina Mama ngayon dahil kahit na may trabaho silang pareho ni Papa, hindi rin naman daw malalaman kung kailan naman kami mawawalan. Maganda na raw na nakasisiguro silang may ipon para sa aming pamilya.

Ganoon lang iyon hanggang sa isang buwan na lang ay pasukan na. Ang sabi sa akin ni Papa ay bibigyan daw ako ng sweldo ni sir Julio dahil tumutulong ako sa farm. Hindi gaanong kalaki pero sapat na raw para pambili ko ng school supplies para sa pasukan.

"Saan ka pala papasok, Ada?" tanong sa akin ni Isidore nang sabihin kong excited na ako sa nalalapit na pasukan.

"Syempre hindi sa school ninyo! Ang mahal kasi roon pero nasa malapit lang naman ang public na elementary school. Magkikita pa rin naman tayo nun diba?"

"Nope, we're not allowed to go outside during breaks. We just stay inside our classroom and eat our baons."

Napanguso ako. "Ganoon ba? Eh di, tuwing Sabado at Linggo na lang pala tayo magkikita? Sana maaga 'yong uwian namin kada may pasok para naman makadiretso pa rin ako dito."

"The weekend's fine with me naman, Ada. Make sure to finish your assignments so you won't bother making them on a weekend!"

Tumango-tango ako sa planong iyon. Ang talino naman ni Isidore at naisip niya pa iyon. Kaya siguro ako nilapit ni Lord kay Isidore para naman mahawaan ako ng katalinuhan niya. Marami kasi akong natututunan sa kaniya. Isa pa, baka talagang hindi ako inilapit ni Lord kay Reeve kasi masama na ang ugali, siguradong wala pa akong matututunan doon.

Salamat po talaga!

"Ada, mamili ka na diyan at kailangan pa nating mamalengke." Mahinang hinawakan ni Mama ang aking balikat at iniharap ako roon sa mga hanay ng notebook na puro disenyo ng mukha ng artista ang nakalagay.

Napakamot ako sa aking pisngi. "Ma, ayaw ko niyan. Baka pagtawanan ako ng mga kaklase ko kapag ganyan 'yong design ng notebook ko!"

"Eh ano naman? Design lang iyan anak. Nakita ko 'yong notebook mo noon, hindi naman maganda ang sulat mo at hindi mo nga naubos." Katwiran ni Mama at kinurot ang aking balikat. Mahina lang naman. Hindi naman ako napa-aray doon.

"Kahit na, Ma. Grade 5 na po ako sa pasukan at malaki na ako. Dapat maganda naman 'yong notebook ko!"giit ko pa.

Talagang ayaw ko ang disenyo ng mga notebook na nandoon. Hindi naman ganoon ang notebook ko dati kasi plain lang naman iyon at puro kulay. Wala namang reklamo roon si Mama.

"Sige, mamili ka roon sa mga mura. Siguraduhin mo lang Ada ha..." paalala nito sa akin. Pumalakpak ako at excited ng lumipat sa ibang hanay. Natipuhan ko agad ang mga bulaklaking disenyo. May picture pa ng mga hayop kaya agad akong kumuha ng sapat para sa akin at mga kapatid ko.

Iniisip ko tuloy kung nakapamili na rin ba sina Isidore? Sigurado akong sa mall iyon bumibili ng mga gamit nila kasi marami naman silang pera. Siguradong mamahalin ang mga gamit nila at hindi agad-agad na masisira.

Bumili rin kami ng plastic cover para sa mga notebook namin. Mahal na 'yong may mga cover na at mas magagandang disenyo. Hindi na ako nagbalak pa na kumuha roon at siguradong kurot ang makukuha ko kay Mama.

Namalengke kami pagkatapos. Ako ang tagadala ni Mama sa mga notebook na pinamili at siya naman sa mga gulay na binili namin sa karatig palengke. Nag-abang kami ng masasakyan malapit sa sakayan.

May humintomg itim na sasakyan sa harapan namin kaya nahirapan si Mama na makapag-para ng masasakyan. Nagsalpukan ang aking mga kilay nang unti-unting bumaba ang bintana ng kotseng nakaharap.

"Lourdes, sakay na kayo." Ang mukha ni Sir Julio ang bumungad sa amin. Ang bintana sa likod ay dahan-dahan ring bumukas at bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Reeve.

"Hello, Little Ada," bati nito. Hindi ako nag-atubiling umirap na siyang nakita ni Mama. Agad ako nitong sinuway dahil sa masamang pagtrato.

"Ay, Sir! Kayo po pala! Magandang tanghali po. Mag-aabang na lang po kami rito ng masasakyan at nakakahiya sa inyo." Ang sabi ni Mama.

Bumaba naman si Sir Julio sa sasakyan at umiling. "Sige na, sumakay na kayo at mainit na. Mahihirapan kayong sumakay dito dahil marami ang namamalengke."

Tumingin sa akin si Sir Julio at bumagsak ang tingin sa aking hawak. "I see that you bought some school supplies. Mukhang mabigat iyan sa anak mo, Lourdes, kaya sumakay na kayo."

"Naku, Sir! Nakakahiya naman po aa inyo!"

"I insist. Sumakay na kayo."

Nag-utos si Sir Julio sa kanilang driver na kunin ang aming pinamili. Inilagay iyon sa pinaka-likod ng sasakyan. Narinig ko namang sinabi ni Sir Julio na umisod si Reeve para makaupo kami.

Pinauna ako ni Mama sa pagpasok kaya nakatabi ako kay Reeve. Sinubukan kong huwag dumikit kasi malaki naman ang espasyo. Payat lang din naman si Mama kaya hindi mahirap na gawin iyon. Isa pa, pakiramdam ko ay mabaho akong palengke at baka kapag nadikit ako kay Reeve ay maamoy niya iyon.

Pero ang bango ng kanilang sasakyan kaya medyo nawala ang pagkabahala ko. Iniwasan ko na lang din na mapatingin kay Reeve na ngayon ay abala sa kaniyang cellphone.

Mukhang mamahalin iyon at hindi katulad ng cellphone ni Mama na di-pindot. Ang kaniya ay screen na buo at wala ng kailangang pindutin. Hindi naman ako sumilip. Sadyang nakita ko lang nang minsang mapatingin ako sa bintana.

"Do you want to watch something?" aniya sa akin nang mapadako na naman ang tingin ko sa kaniyang hawak.

Inangat ko ang tingin sa kaniya. "Ano?"

"I was asking you if you want to watch something. Panay ang tingin mo sa phone ko."

"Wala ah!" Sinimangutan ko siya. "Aksidente ko lang natingnan."

"Ada, huwag kang masungit kay Sir Reeve." Marahang suway sa akin ni Mama. Umayos naman ako kaagad.

Si Reeve ay mahinang tumawa at ipinakita sa akin ang screen ng kaniyang cellphone. May kinuha siya sa gilid at ipinalsak iyon sa ilalim na bahagi ng phone. Ibinigay niya ang isang piraso sa akin na nakakabit habang ang isa naman ay nasa kaniyang tainga.

Earphones pala iyon!

"Come on, get it. You'll get bored." Hindi ko kinuha iyon kaya siya na lang ang nagpasok sa tainga ko. Bahagya akong napatalon sa aking kinauupuan.

Umangat ang gilid ng labi niya nang bumaba ang kamay. Kuryuso akong napasilip doon sa kaniyang cellphone habang nagtititingin siya roon. Pinindot niya 'yong parang music video ng isang kanta.

Binasa ko ang title ng nasa video. Galing sa isang banda, Panic! at the Disco ang pangalan at ang kanta ay 'I Write Sins not Tragedies'?. Ang haba naman ng title ng kanta pero mukhang maganda naman 'yong video kasi nasa kasalan.

Kumunot ang noo ko kasi parang katatawanan naman iyon. Mas natuon lang yata ang atensyon ko sa video kaysa sa kanta kasi hindi ko naman masyadong naintindihan. Isa pa, English 'yong kanta at medyo nabibilisan ako sa singer.

Kumukunot ang noo ko minsan napapatawa sa mga tao sa video. Sinilip ko si Reeve at medyo gumagalaw 'yong ulo niya habang kumakanta 'yong singer.

Siguro paborito niya ito. Parang halata naman na mahilig siya sa mga banda. Kasi kung si Isidore ito...talagang hindi ko paniniwalaan.

Isang kanta lang yata ang napakinggan ko dahil agad na ring tumigil sa tapat ng bahay namin ang sasakyan nina Sir Julio. Ako na mismo ang nag-alis ng earphones at ipinatong iyon sa hita ni Reeve. Hindi naman iyon mawawala kasi nakakabit lang naman sa kaniyang cellphone.

Bumaba na ako at sinulyapan siya bago ko isarado ang pinto. Nakatingin siya sa akin, may kaunting ngisi sa labi.

"Salamat po Sir sa pagpapasakay!" ang sabi ko dahil si Mama ay inaayos na ang aming dala na nasa lupa na.

Humalakhak si Sir Julio. "You're welcome, hija! Kailan ka ulit bibisita sa farm? Itinatanong sa akin ni Isidore kung pwede bang pumunta ka sa mansyon."

"Talaga po?" Namilog ang mata ko. "Pwede po ako roon?"

"Oo naman. Kaibigan ka ng anak ko. You can come anytime you want."

"Sige po! Sasama po ako kay Papa bukas!"

"Oh, sige. Aasahan ko ang pagpunta mo."

"Ingat po kayo!" Kumaway-kaway pa ako. Si Sir Julio ay iniwanan ako ng ngiti bago pa mawala sa aking paningin ang kanilang sasakyan.

Tinulungan ko na lang din si Mama na bitbitin ang mga pinamili namin sa loob ng bahay.

Kinabukasan ay excited akong sumama kay Papa. Ang sabi sa akin ni Mama ay huwag akong pasaway doon sa mansyon kung sakali mang makakapunta nga ako.

"Malaki na ako, Ma. Hindi naman po ako mangungulit doon."

"Kahit na, Ada. Aba'y baka makabasag ka ng gamit doon at hindi natin mabayaran. Kaltas iyon sa sweldo ng ama mo kung sakali."

Si Mama talaga...masyadong nerbyosa. Wala ba siyang tiwala sa akin? Hindi nga siya nakakarinig kay Papa na nagpapasaway ako roon sa farm. Talagang ayaw kong makagawa ng gulo roon kasi nga iniisip ko rin na baka mabawasan 'yong pagtitiwala ni Sir Julio kay Papa kapag nangyari iyon.

Nasa bukana pa lang kami ng farm ay kita ko na si Isidore at ang Kuya niyang si Reeve na nakasampa sa kabayo. Himala ngang nandito si Reeve dahil kadalasan naman ay si Isidore lang ang pumupunta.

"Ada!" Kumaway sa akin si Isidore nang makita ako. "Ikaw ang sunod sa akin dito kapag natapos ako."

"Hala! Totoo ba 'yan?" Pumalakpak ako. Sobrang excited kasi nga makakasakay ulit ng kabayo.

Si Papa ay nagpaalam na ulit sa akin dahil kailangan pa niyang magtrabaho. Halos lahat ng trabahante sa farm ay pamilyar na sa akin. Kadalasan nga ay tinatawag nila akong 'Anak ni Manny' kasi nga hindi pa nila alam ang pangalan ko.

"Ada, mamamasyal kami ni Kuya roon sa malayo. Sasama ka ba? But you'll just walk." Bahagya akong nilapitan ni Isidore na nasa ibabaw pa rin ng kabayo.

"Okay lang! Susunod na lang ako!"

"Or you can ride with Kuya!" Suhestiyon niya na ikinalaki naman ng mga mata ko.

"Ha?" Dumapo ang tingin ko kay Reeve na nagtaas din ng kilay. "Huwag na, Isidore! Maglalakad na lang ako."

"Are you scared, Little Ada?" sigaw ni Reeve at bakas ang ngisi sa tanong.

"Hindi!" gumanti ako.

"Then, hop on," hamon niya.

"Ayaw ko nga." Humalukipkip ako. "Baka ihulog mo pa ako! Maglalakad na lang ako!"

Ibinaling ko ang tingin kay Isidore. Nakangiti siya sa akin.

"Ada, we'll go to the small creek just at the end of the farm. Maiiwan ka dito at baka matagalan kami ni Kuya roon. Pwede kang sumama na lang sa amin."

"Okay lang talaga, Isidore. Pwede ko naman kayong hintayin na lang."

Maya-maya ay lumapit ang kabayo ni Reeve sa amin na kasing tangkad lang din ng gamit ni Isidore. Eksperto siya kung magmaniubra ng kabayo.

"Come on. Hop on here. Hindi kita ihuhulog." Seryoso ang pagkakasabi ni Reeve. "As long as you don't do anything," dugtong niya.

"Wala naman akong ginagawa sa'yo!"

Umikot ang mga mata niya. "Whatever." Humarap siya kay Kuya Elmer. "Kuya, help Little Ada hop on to my horse. Isasama namin siya ni Isidore doon sa creek."

Hindi na ako nakaangal nang hinila ni Kuya Elmer ang tali ng kabayo ni Reeve. Nahihiya man, lumapit na ako roon dahil ayaw ko ring paghintayin pa si Kuya Elmer.

Effortless ako nitong binuhat at isinampa sa kabayo ni Reeve. Nasa unahan ako ni Reeve at siya naman ang nasa likuran ko. Pagkasalampak ko sa kabayo ay agad 'yong gumalaw. Buti na lang at naagapan ni Reeve iyon at nakahawak rin ako agad sa kaniyang hita na nasa gilid ko.

"Ang sakit ha," bulong ni Reeve sa akin nang dumiin ang pagkakahawak ko sa hita niya.

"Sorry naman! Bigla kasi siyang gumalaw!" umangal ako.

"Just relax. Haplusin mo siya para kumalma. She might think you're afraid of her."

Hindi naman ako takot. Sadyang hinahaluan lang ako ng hiya at siyempre, nanibago ako na may kasama sa iisang kabayo.

Sinabihan ako ni Reeve na doon humawak sa kapitan ng kabayo. Nakakahiya naman kung nakahawak ako roon sa hita niya habang pinapalakad niya ito.

"You know how to behave, huh?" bulong niya.

"Dito ka lang pala mananahimik eh," dugtong niya pa rin. Ramdam kong napapangisi siya dahil sa katahimikan ko.

Talagang bigla na lang akong tinubuan ng hiya. Bukod sa nahawakan ko ang hita ni Reeve ay bumubundol naman sa likuran ko ang kaniyang dibdib. Parang nag-iinit ang pisngi ko.

"Ada! We're near the creek!" Nakuha ng atensyon ko si Isidore na sayang-saya sa sariling kabayo. Mabagal lang ang lakad ng kaniya at mukhang hinihintay lang din kami.

Itinuro niya ang mukhang entrance ng gubat. Matagal na akong naglalagi sa farm pero hindi pa ako nakakapasyal doon. Hindi rin naman kasi madalas mangabayo sina Isidore dahil paminsan-minsan daw ay nagbabago ang modo ng kabayo at kailangan pang i-training.

Namangha ako sa ganda ng maliit na ilog na nandoon. May bundok malapit sa Arroyo pero hindi ko akalaing may ilog pala sa kalagitnaan ng gubat. Ngayon ko lang din nalaman na mayroon sa farm nang ganoon.

Itinali muna ni Kuya Elmer ang mga kabayo bago niya kami inalalayan sa pagbaba. Nauna si Reeve sa amin. Sumunod ako na maingat ding ibinaba ni Kuya Elmer. Panghuli si Isidore na agad lumapit sa tubig.

Agad din akong lumapit dahil ayaw ko namang maiwan na lang doon kasama si Reeve. Tinanaw ko ang malinis at malinaw na tubig. May malilit na bato at iilang malilit na isda.

"This used to be so small and shallow but it had been flooding due to heavy rains kaya lumalapad. The campers usually go here to catch some small fishes. Minsan inuuwi nila kapag nabubuhay," sabi ni Isidore.

"Pwede 'yon?" mangha kong tanong.

"Yup!" Humagikgik si Isidore. "But those small fishes will die because they're not in their natural habitat and they're small...so they won't really last long."

Kawawa naman kung ganoon. Parang gusto ko ring hulihin 'yong malilit na isda kaso lang ay naawa ako at narinig ko pa ang kwento ni Isidore.

Sa gilid ng mata ko ay lumapit sa amin si Reeve. Yumuko siya at inalis ang pagkakasintas ng sapatos. Hinubad niya iyon at itinabi. Kahit ang mahabang pantalon ay kaniyang itinupi bago siya sumuuong doon sa tubig.

"Kuya! Baka malalim diyan!" suway ni Isidore.

"Hindi 'yan!" Nasa tubig na si Reeve at umatras pa. Tumigil siya at kinapa ng paa kung may ikakalalim pa ba ang tubig.

"It's not deep, Sid. Pwedeng diyan ka lang. Just put your feet on the water."

Pinanuod ko sila. Ayaw kong tumapak sa tubig at baka agad akong lumubog dahil malalim pala ang naapakan ko. Nandoon na nga si Isidore at sinunuod si Reeve.

Napadako ang tingin sa akin ni Reeve. Ngumisi siya kaya napaatras na agad ako. Gaya ng inaasahan ay pinaulanan niya ako ng tubig na galing sa munting sapang iyon.

Napatili ako dahil ramdam kong basa na ako sa patuloy niyang pagpapaulan sa akin.

"Come on, you scaredy Little Ada!" Ngumisi siya sa akin nang mapatingin ako.

Basang-basa na ang damit ko kaya wala na akong choice kundi ang tumapak na rin sa tubig. Malamig ang pagsipsip nito sa balat ko. Nanginig ako nang kaunti bago nakalma dahil sa lamig ng tubig.

Si Isidore ay narinig kong tumawa. Napalingon ako kay Reeve na mukhang nag-aabang sa akin. Gaya ng ginawa niya ay pinaulanan ko rin siya ng tubig pero hindi pa ako nakakatapos ay natapilok naman ako sa bato at bumagsak sa tubig.

Parang sinampal ako sa lakas ng pagdapo sa akin ng tubig. Napa-aray ako pero mas nangibabaw ang halakhak ni Reeve sa aking kinahinatnan.

"Reeve!" galit kong hiyaw sa pangalan niya.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

463K 12.3K 32
Fearless, bold, vicious and hostile. Ganoon kung ilarawan ng iba ang mapangahas na si Aleera Miguelle Valerious. Sa dating nitong kakaiba at nakakaki...
5.9K 300 29
Dino Villegas, kilala ang pangalan na ito sa larangan ng Dance Sport. Mapa-latin dance, rumba, jive, tango, waltz at kahit ano pa ay kayang-kaya niya...
288K 9.8K 44
Insecure, selfish, and coward. If Verbena Regencia will be asked how does she describe herself, those three words will be her answer. Alam niya sa s...