Hello Doom

By foiralovos

1.5K 351 252

[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Deity
Chapter 2: Wish
Chapter 4: The Deal
Chapter 5: Wishlist
Chapter 6: Safe Haven
Chapter 7: Drained
Chapter 8: Malice
Chapter 9: Cease To Exist
Chapter 10: Home
Chapter 11: He Likes You
Chapter 12: It's Not Him, It's You
Chapter 13: A Case Of Badluck
Chapter 14: Grumpy Old Man
Chapter 15: Oscar Pilyo
Chapter 16: Stray Tears
Chapter 17: Never Leave Me Without Saying Goodbye
Chapter 18: Who Prays For Them
Chapter 19: Hesitant
Chapter 20: An Unanticipated Breakfast
Chapter 21: Double Date
Chapter 21.2: Lost Souls
Chaoter 21.3: Sparkle
Chapter 22: A Date It Is
Chapter 23: The Way He Holds Me
Chapter 24: With The Boys
Chapter 25: Roadtrip With The Boys
Chapter 26: Comeback
Chapter 27: Switzerland
Chapter 28: Console
Chapter 29: Master Camper
Chapter 30: Closure
Chapter 31: Karma
Chapter 32: Power
Chapter 33: Laizar
Chapter 34: New Company
Chapter 35: Reunited
Chapter 36: Play Date
Chapter 37: Take Away
Chapter 38: Unconscious
Chapter 39: Unpredictable
Chapter 40: Abducted
Chapter 41: Seasons
Chapter 42: The Devil
Chapter 43: His Damsel In Distress
Chapter 44: Gatekeep
Chapter 45: Childhood Friends
Chapter 46: Haters To Lovers
Chapter 47: Who Won Your Heart
Chapter 48: Different Ship Sailing
Chapter 49: Hot Kiss

Chapter 3: 100

53 14 24
By foiralovos

Nagising ako ng maaga around 4 am. Ang sabi kasi kahapon ni Hanzo alas 7 daw nagbubukas 'yung coffee shop kapag Sunday.

Bumangon na ako mula sa kinahihigaan ko at nag-unat-unat nang mahagip sa aking mata ang stargazers na bulaklak na nilagay ko sa lumang fish bowl namin na may tubig.

Ang ganda. Hindi naman pala ako matiis. May pa-peace offering pang nalalaman.

Napangiti ako. Ang ganda ng umaga ko! Bukod sa may trabaho na ako, makakaipon pa ako.

Simula nung dumating si Doom hindi ko maitatangging minamalas pa rin ako kasi nakarecord na ata 'yung pangalan ko sa mga dapat malasin. Pero, on the other side, these past few days, may nakakausap na ako at napagbubuntungan ng galit o inis ko.

Hindi na masyadong mabigat sa dibdib. Kahit pa minsan, pinasasama niya yung loob ko. Wala akong magawa, yun siya e. Pero hindi ko naman masasabi na gusto ko siya. I don't hate him yet I don't like him too.

Parang civil lang ganon.

Pumunta na ako ng kusina at nagluto ng umagahan. Narinig ko ang pagbukas ng pinto malapit sa kusina at bumunga sakin ang mukha ng Madrasta ko.

"Mukhang masaya ka ah." Hindi ako umimik. Bagkus mas lalo lang akong ngumiti.

Dumiretso ito sa ref at kumuha ng maiinom.

"Tita, paligo ng kalahating balde ah. Magbabayad lang ako sa sweldo." Nabuga nito ang tubig na iniinom niya at gulat na tumingin sakin. Ibinaling ko naman agad ang tingin ko sa pinaglulutuan ko.

"May trabaho ka na?" Tumango ako. "Magkano?" sunod na tanong nito.

Napabuntong-hininga ako.

"Magtatrabaho pa lang ako, Tita. Hindi pa nga nakakaisang-araw, sweldo na agad?"

"Naku, naku, naku. Siguraduhin mo lang. Ang mahal mahal ng tuition mo dagdag mo pa na ilang taon din kitang pinalamon at pinatira dito sa bahay. Dahil sayo, naubos ang pera ko!" Kumuha ito ng hotdog at isinubo agad sa kanyang bibig.

"Maggrocery ka para satin pagka-natanggap mo 'yung pera mo para makabawi ka man lang." pagdagdag pa nito at dumiretso na ulit sa kwarto.

Hindi ako makaiyak. Natuyo na ata ang mga luha ko. Ang tanging magawa ko na lang pumikit, pakalmahin ang sarili at bumuntong-hininga.

Narealize ko na kahit paano mo icheer up yung sarili mo, kung inaapi ka na mismo ng mundo, talo ka pa rin.

Pero hindi ibig sabihin na susuko ka na. I've been there. You being dead doesn't change a thing. I mean, makakapagpahinga nga 'yung katawan mo pero your soul would never know what peace is and you'll forever regret doing that thing.

What we need is rest and a companion who listens.

Kumuha na ako ng tuwalya at mga panligo para dumiretso na sa banyo. Naligo na ako't inayos ang aking buhok at tinali ito ng pigtail style.

Nagsuot din ako ng puting shirt at itim na jeans na pinares ng itim kong rubber shoes na ginagamit ko para sa PE class namin.

Nagbaon ako ng konti at nilagay iyon sa dala kong backpack. Lalabas na sana ako nang mapansin ko ang naka-all black na lalaking nakatayo malapit sa gate.

"Doom?" Lumingon ito at saka lumapit sakin.

Sinara ko muna ang gate bago siya harapin ulit.

"Ang aga mo ah," ani ko.

Hindi ito umimik bagkus pinunan niya ang pagitan namin at binigyan ako ng yakap.

"Oh?" Kahit alam kong gagawin niya iyon ay hindi ko maitatangging nagugulat pa rin ako.

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking likod kaya hindi ko mapigilang gantihan ang yakap niya. Sa ikli ng braso ko, inisip ko tuloy na hindi ko siya kayang yakapin ng buo kaya ang ginawa ko ay tinapik ko ng mahinhin ang kanyang likod.

"Mukhang napapadalas na ata 'yung pagbibisita at pangyayakap mo sa akin ah? Sabihin mo lang, di ko naman tatanggihan yung feelings mo e." pabiro kong sabi sa kanya.

I swear, I saw how the emotions in his eyes flicker. It was followed by silence. What was that?

Ang awkward na ng atmosphere kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Thanks. Mauuna na ako. I got work!" I screamed while walking as fast as I can.

Hindi ko na naman siya nakausap ng maayos. Just after yesterday's accident, things really got awkward between us. Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang nakakaintimidate ang mga titig niya sakin.

He don't even talk to me. Pwera na lang kung ako 'yung magsisimula. Katulad na lang ngayon.

Hindi ko nga pala siya napasalamatan sa pa-bulaklak niya.

I commuted almost 20 minutes before reaching Caffè Alegria. Iyon' yung pangalan ng coffee shop ni Hanzo. Sinabi niyang pinanganak siya half Spanish kaya naisipan niyang bigyan ng Spanish touch yung shop name niya in honour of his father na siyang nagsuporta sa kanya.

Ang aga kong dumating. May tatlompung minuto pa bag9 magbukas ang shop pero ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Hanzo.

"Good morning, Ha--" Narealize ko na masyado akong feeling close the point na owner ng shop at boss ko 'yung kinakausap ko.

"Good morning, Sir." I rephrased. Itinaas nito ang kanyang kamay at binati ako pabalik.

"You're early. That's nice." Ngumiti ako saka pinagtuunan ng pansin ang kanyang suot.

He wore the same color of shirt and a black jeans. Ang pinagkaiba lang namin ay magaling itong magdala ng sinusuot niya. Pinares niya pa ng kumikinang niyang relo na sa tingin pa lang ay mapapamahal ka na.

We don't speak brands. Pero alam kong mamahalin. Pati yung nagsusuot mukhang mamahalin.

Umihip ang may kalakasang hangin at natangay nito ang amoy perfume na si Sir. Siya lang naman kasi ang malapit sa akin. He smells good. Like a men's body wash na presko sa ilong ang amoy. He looks and smells fresh and expensive.

"Help me push this up." Bumalik ako sa ulirat nang magsalita ito. Tumango ako at dali-daling tumayo malapit sa kanyang pwesto.

Sabay naming tinulak pataas ang shutter door ng shop pero mas napukaw ang atensyon ko sa biceps nito. Hindi naman gaanong masculine pero he has that figure. Iyong sakto lang. He does work out. He really do.

"Let's go." Pumasok na kami at ipinakita niya muna 'yung locker ng mga empleyado. Inside lies a hazel-brown-colored apron, a ball cap and a khaki pants. "I already prepared some of the clothes for my employees if the time comes, there you go."

"Thank you, Sir. Magbibihis na po muna ako." Tumango ito at itinuro ang personnel's lobby.

Hindi naman siya kalakihan. Parang pahingahan ng mga empleyado tuwing break time. May apat na bangko at isang pahabang mesa. Bukod doon may grooming section din kung saan may isang human sized mirror. Ang lakas makathrowback sa elementary days.

"Ang ganda ng uniform." Niyakap ko ito at tumalon-talon. Sa labing-walong taon ng buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. 'Yung tipong nakalabas ka sa hawla.

Oo, mahirap magtrabaho. Nakakapagod pero para sa akin mas okay na' yung pagod ako pero kumikita kaysa naman makinig sa walang hanggang sermon sa bahay.

"First day, Ash. Do what you can." Pagpapalakas ng loob ko pa sa sarili. Pinakatitigan ko ang itsura ko ngayon. Nakaball cap, nakayakap sa aking beywang ang apron at halos kita ang kurba sa aking katawan. Bukod doon malapit pang umabot sa sahig ang apron. Ang cute ng height ko.

"Here!" Iwinagayway ni Sir Hanzo ang kanyang kamay at nakita ko siyang nag-aayos ng machine sa may counter. "The clothes look cute on you."

"Nambobola naman si Sir." Natawa ito saka umiling.

"No, its true." Nakakahiya. Di ko alam kung ano 'yung sasabihin. "Anyway," iniba niya yung usapan agad kaya nakahinga ako. Ganito pala' yung feeling kapag cinocomplement.

"Here. 'Yung unang work mo is to sign this. Let's sit over there para mapag-usapan natin' yung salary and benefits mo before working." Natouch ako. Kung ganito sana lahat ng boss marami sana 'yung empleyadong masaya sa trabaho nila.

I mean, he has a contract prepared. Binasa ko iyon.

From insurance, monthly bonus kasama pa' yung employee of the month na hindi ko alam kung ako na ba iyon dahil wala namang empleyado dito bukod kay Sir Syempre may holiday bonus din, Christmas bonus at 13th month pay in inclusion. Lifetime pa ang contract, grabe.

Hindi naman ako masyadong inosente sa ganito. I always look up on the internet about how contract works and the rights of employees to insurance and their salaries dahil sa sitwasyon kong atat magtrabaho.

Kung sa daanan mo yata makikilala si Sir, aakalain mong scam 'yung kontrata.

"Sigurado ba ito, Sir?" Napakamot ito ng ulo. Gwapo niya pa rin.

"To good to be true, ba?" Bakas sa kanyang mukha ang pagkahiya. Nagpakitang-gilas na naman ang dimples nito kaya napatango ako agad.

Oo, nakakaakit' yung dimples niya.

"So you have fettish on dimples?" Rinig ko sa aking utak. Sino iyon? Napalingon-lingon ako sa may malapit sa pag-aakalang may makikita akong taong nag-uusap o kinakausap ako. Pero kami lang naman ni Sir ang nandito dahil naka-we are closed na signage pa naman ang shop. Napapilig akong ng ulo. Weird.

"Anything wrong?"

"Ha? Ah, wala Sir." I really thought I heard someone.

"Okay. So... What do you think?" Itinuro nito ang kontrata na hawak ko.

"Ah, yes Sir. Too good to be true nga Sir. Pero who am I to refuse kung totoo naman?"

"Okay!" Masiglang tugon nito. "You jist have to sign here."

I wrote my name and signed on top of it. Dalawang paper iyon.

Binasa ko naman ang lahat ng nakasaad doon to be sure na wala akong nalagpasan.

"Here you go. One for you so if I something happens, just in case, you have your copy." Iniabot niya sakin 'yung kontrata at kinuha ko naman saka tinitigan. "Congrats, you're an official staff in Caffè Alegria now, Asha."

"Thank you, Sir! Sobra." Akalain mo yun. Umupo lang ako sa bangko ng cafe nang hindi man lang nag-oorder, nagkaroon na agad ako ng trabaho. Blessings!

"It's 6:45, I still have time to teach you few things. Before that, can you flip the sign outside?" Itinuro nito ang sign sa labas ng glass door.

"Yes, Sir!" Natawa ito sa energy ko. "Oh, baka ko pala makalimutan. Please do drop the formalities." Kumunot ang noo ko.

"I.. just don't want to be known. Treat me like a regular employee here, okay?" Oh. Nirerespeto ko naman 'yung rason niya. Who am I to say no.

"Noted Sir!" Tinaasan niya ako ng kilay. "I mean, Hanzo!" Tumakbo na ako palabas.

Ibabaliktad ko na sana ang signage pero pagkalabas ko ay naka-baliktad na ito.

We are open.

I'm sure it was flipped back the time we got in the shop.

Does this have to do something with the whisper in my head earlier? Napaka-weird ng araw ko ngayon.

Inikot ko ang aking tingin sa labas at sa mga nagsisidaanan sa lugar malapit sa shop pero wala naman akong nakitang kasuspe-suspetsya.

Bumalik na ako at nakitang nasa counter si Hanzo.

"Okay na ba?" Tumango ako habang inaayos nito ang kanyang apron kaya parehas na kami ng uniform ngayon. "So, I'll teach the basics muna. Ako yung kukuha ng order and you will be the one to serve the costumer." Napagkasunduan namin na iyon na lang muna ang sistema since hindi ko pa gamay ang pagpindot sa machine sa counter na nagrerecord ng orders ng bawat costumer.

Sinabihan niya rin ako na obserbahan siya sa mga ginagawa niya upang malaman ko kung paano iyon gumagana.

At 7:36, nagsimula nang dumating ang mga costumers. Marami-rami din sila kaya seryoso at maayos kong ginagawa ang trabaho ko. Ayoko namang ma-minus points sa harap ni Hanzo sa unang araw ko dito.

Maingat kong nilalagyan ng cream ang iced mocha na in-order ng costumer nang bigla akong nakaramdam ng tapik sa aking balikat.

"Huminga ka naman." Nagpakawala ako ng buntong-hininga.

Natawa ito dahil ginawa ko ang sinabi niya.

"Mamaya, mahihimatay ka niyan. Chill." Nag-abot ito ng drinks habang naghihintay kami ng dadating na costumer.

Sumandal ito sa counter at uminom sa kanyang kape.

"You sure is a fast learner." Hindi ko tuloy magawang makainom dahil naiilang ako sa titig niya.

"Magaling kasi 'yung nagturo sakin, Sir." Nagthumbs up ako sa kanya.

"Nako, wala' yun." Natawa kaming pareho sa sinabi niya iyon. Hindi man lang kasi siya nagdeny.

Tumingin ito sa wristwatch nito at sinabihan akong mag-lunch na muna at siya na muna daw ang mag-aasekaso sa counter.

Tumanggi ako pero itinulak niya na ako papuntang lobby kaya hindi na ako nagsalita pa.

Ang gwapo na, ang bait pa.

"Make sure to eat, mamayang 9 pa tayo magsasara." Bulalas niya.

"Ikaw, Sir?" Tanong ko.

"Mamaya na, pagkatapos mo." Nag-okay sign ito sabay kindag at agad na ring bumalik sa counter.

Wala na akong nagawa kaya kinuha ko na yung baon ko at nag-umpisa ng kumain. Binilisan ko na rin dahil kailangan ko ring agad na bumalik.

"Oh? Ang bilis mo namang natapos?" Sinilip nitong relo sa kanyang palapulsuhan. "Wala pang-10 minutes oh. Nakanguya ka ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Yes, Sir-- HANZO." Nagthumbs up agad ako at inayos ang aking apron.

"Ano bang kinain mo, tubig?" Natatawang tanong nito habang inaayos ang mga cup sa tray.

"Pilyo mo Hanzo, ah. Kumain naman ako. Sandwich." Nilagyan ko pa ng accent sa pagkakabigkas ko non . Natawa tuloy ito.

"Nice accent." Nakipagfist-bump ito sa akin.

"Muntik ko na nga palang makalimutan. Someone is waiting for you since you entered our lobby. Nasa Table 11." Itinuro niya ang table malapit sa glass window.

There I saw him leaning on his chair, sitting comfortably like a prince in his own castle while taking a peek outside the gloomy-looking sku. As usual, naka-itim ito mula ulo hanggang paa.

"Paano po 'yung mga costumer?"

"Itabi mo, ako na." Natawa ako sa panggagaya nito sa isang kilalang politiko.

"Kwela mo, Sir. Thank you. Babawi ako agad mamaya." Pumikit ito at tumango-tango pagkatapos ay inasikaso na ang counter.

"Here's your order, Sir. Enjoy!" Hindi agad ito tumingin sa akin. Akala mo naman nasa KDrama.

Lakas ng tama.

Umupo ako at iwinagayway ang kamay ko sa kanyang mukha.

"Hello?" ani ko.

"I need to tell you something." Mababakas ang pagkaseryoso sa tono ng boses nito at kanyang mukha.

"Ano 'yun?" Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin kaya napapikit ako.

"I'm giving you 100 days to make that wish."

Ano na naman itong 100 days? Hindi pa nga namin napag-uusapan' yung condition ng pagligtas niya sa akin, may bago na naman?

I definitely saw him smirk. This Doom is really getting into my nerves.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
1.6M 64.5K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
6.5M 232K 96
Grimrose Series #1 (Story completed) Grimrose City. A city where beings from the Underworld secretly live among humans. Shana Rey Brea and her family...
90.1K 3.1K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...