Look, I found you (UNDER REVI...

By CloudedTale

10K 1.4K 673

How does it feel to be a character in the story or in a comic book? What if you are not aware that you are in... More

LAPSES
MENTAL ILLNESS?
GLIMPSE OF THE FUTURE?
WORLD OF COMICS
IN DENIAL
FATE OF AN EXTRA
DOING MY ROLE
ZACK'S ROLE
IRREFUTABLE PROOF
THE SCENE CHANGED
THE PROTAGONIST'S CONFLICTS ARISES
LITTLE THINGS
TRYING A CHANGE
FINDING MYSTERY GUY
PLANNING TO MARRY
TRIVIAL HIM
SECRET HERO
FIELD TRIP
TREVOR'S REJECTION
WISHING STONE
I REMEMBER YOU
LOST IN THE WOODS
HIRO
GETTING CLOSE
ZACK MEETS HIRO
TREVOR'S JEALOUSY
BAD CHANGES
WITH HIM
GLIMPSE OF THE PAST
TREVOR CARES
JAXTON'S MOTHER
JAXTON'S BIRTHDAY
CELEBRATION OR NOT?
HIRO IS MISSING?
TREVOR KNOWING THE TRUTH
YOU WON'T BE HIM
ALORA'S HARD TIME
DISTRACTION
HIRO IS BACK
DREAMY DATE
EDGE OF DYING
SAVING ALORA
A GOOD NEWS?
HURT
AWARENESS AND DISAPPEARANCE
AWARENESS AND DISAPPEARANCE 2
FEW LAST PAGES
SAME ENDING?
PAIN REMEMBERS
SAY MY NAME

A BRAND NEW START

311 20 11
By CloudedTale

EPILOGUE:


Alora's point of view:



Three months had passed. The world is still alive. I'm also free from my sickness and the wedding of us, Trevor is broke off. In the past three months, so much happened to me and the people around me. And today, is the day of our graduation. The last day of my highschool life.



Nasa classroom ako mag-isa, dala ang diploma ko at nakasuot pa ng toga. Pinagmamasdan ko ang munting sulat ni Hiro sa arm chair ko, mapait akong napangiti, but this time, I'm on the process of healing.



"Alora..." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Pumasok pala si Trevor at nakatayo na malapit sa pinto. Nakatingin siya sa akin at saka naglakad papunta sa kinauupuan ko.



"Are you okay?" Hinubad niya ang graduation cap niya at ipinatong sa arm chair ko. "Hinahanap ka nila becky sa labas. May pictorial ang section natin," aniya.



Tumango muna ako bago tuluyang magsalita. "Mmm, mauna ka na. Susunod na'ko." Pinilit kong ngumiti ng masaya sa kanya.



Hindi na siya sumagot pa at kinuha ang graduation cap niya saka lumabas ng pinto.



Happy graduation, Hiro. Congratulations on our achievement.



"Para sa'tin 'tong diploma na'to..." Muli ko pang titig sa arm desk bago tuluyang tumayo. "Good bye, Hiro. I won't forget you."



Sa hallway ay busy'ng busy ang marami sa pagseselfie, ang iba naman ay ginagawang katatawan ang mga tarpaulin ni Jaxton na nakasabit sa bawat dingding. Siya kasi ang valedictorian sa batch namin, plus anak ng owner ng Serienne High, of course.



"Bababuyin n'yo ba talaga 'yung mukha ni Jaxton o gusto n'yong managot sa'kin?" Maarte at maangas na babala ni Claire sa grupo nila Gori, Hanz at Phil na sinusulatan ng marker ang tarpaulin. Naka-crossed arms pa ito at diretsong nakatingin sa tatlo.



"Aba, ang tapang mo na, ah? Porket girlfriend ka ni Jaxton?" Hindi rin nagpatalo si Hanz na nag-step sa tatlo at lumapit kay Claire.



"Jaxton!" Lumingon si Claire sa likuran nang makitang papalapit ito. Biglang nagsitakbuhan ang tatlo nang makita si Jaxton. Nagtatapang-tapangan lang ang tatlo pero duwag naman talaga.



May nahagip pa ng paningin si Claire sa gilid niya at napansing nakatingin ng masama sina Mia, Ella, Yuna at Becky. Pinauna na nito si Jaxton at naka-crossed arms na nilapitan ang apat na nakatingin pa rin sa kanya.



"Bakit kayo nakatingin sa'kin? Huwag n'yo sabihing..." Tiningnan niya ang apat mula ulo hanggang paa. "Ipapahiya n'yo na naman ako, pwes, hindi na mangyayari 'yan."



"W-What did you just say to us? P-Pinagbibintangan mo ba kami?" Becky step up and napa-crossed arms na rin.



Tiningnan ni Claire si Karl na malapit sa bulletin board at may sukbit na instax camera sa leeg at nakikipagharutan sa mga kaklase naming lalaki.



"Alam mo, Becky? Dapat mahalin mo 'yung malapit sa'yo kesa sa nilalapitan mo, mas maganda 'yon." Ngumisi pa siya bago niya talikuran ang apat.



Halos bumulusok ang ilong nila nang makalayo si Claire. Hindi pa rin sila nagbabago.



Nang makalabas ako ay naabutan ko ang section namin na nasa labas. Nandoon din si Zack na nakikipagkwentuhan kay Jaxton at Trevor habang iniintay ang iba pa naming kaklase.



"Congrats, Alora! Finally, graduate na tayo ng highschool." Salubong ni Zack sa akin at ngumiti.



"Yeah, I know. Masaya rin ako at nag-uusap na ulit kayong tatlo." Ngumuso ako kay Jaxton.



Natinag kami ni Zack nang matanaw na mukhang nasa stage sina Jackston at Claire. Nasa di kalayuan ang dalawa at tila may spotlight na namang nakatutok sa kanila. Nakatingin naman kaming lahat sa kanilang dalawa.




"Claire..." Nakahawak ang kamay ni Jaxton kay Claire at nakatingin sa mga mata nito. "I have one thing I kept from you aside from I love you.."



"H-Ha?" Her brows slightly raised and wondered.



May dinukot siya sa bulsa niya at inilagay ito sa palad ni Claire. Nagulat si Claire nang makita na ang keychain na inaakala kong kay Jaxton.



"Nahanap mo 'yung keychain ko..." aniya at magkahawak kamay na tumitig kay Jaxton.




Let's get over with this, okay? Writer?



And they kissed in front of everybody.




"Okay, I'm done. That's gross." Litanya ni Zack at iniba ang paningin.




Sus, bitter ka lang ata.


Nang matapos ang stage nila ay tinawag na kami ng iba pa naming mga kaklase para sa graduation picture ng buong klase. Magkakatabi kaming tatlo nila Becky at Karl pero mukhang aso't pusa silang dalawa dahil gusto ni Becky na katabi si Jaxton.



"Zack! Tatayo ka na lang ba dyan? Sumama ka na," utos ni Trevor at napatingin naman siya sa amin.



"P-Pero, hindi ko naman kayo mga kaklase. Is it okay?" Paalam nito.


"Tara na, sumama ka na sa'min. Okay lang naman 'yun diba Jaxton?" Singit ni Claire at tumango naman si Zack saka gumitna at bahagyang nag-squat para kumasya sa frame ng camera.



"Okay, 1..2..3.. Smile!" Bilang ni Karl at sabay-sabay naman kaming tumingin sa camera.




Curry fairy's point of view:



Natapos na rin sa wakas ang buong taon ng pag-aaral ng mga batang 'to sa paaralang ito. Pero hindi ko alam kung tunay nga bang pag-aaral ang pinunta nila rito dahil sa dami nang mga naganap sa lugar na ito na paniguradong gagamitin ulit ng writer sa susunod na kwentong naiisip nito.



"Hays, sayang at wala sila Alora't Zack dito para tikman 'tong bagong style ng chicken curry ko." Nilanghap ko pa ang amoy nito bago ko ipatong sa mesa.



Inuunti-unti ko na rin ang pagliligpit ng mga gamit ko nang biglang may kumatok sa labas ng kusina.



Nandito si Alora?



Nagulat ako sa babaeng nakatayo ngayon sa pintuan ng aking kusina. Parang bigla akong napipi. Ang babaeng dati kong minahal sa nakaraang buhay ko.



Ang aking sinta..



"Malapit ba dito ang admission's office?" Tanong nito sa'kin at napatango lang ako.



'Di ko aakalaing iguguhit ulit siya ng writer sa panahong ito. Di pa rin nagbabago ang anyo niya, mahaba ang buhok at mapupungay ang mga mata.



Ngumisi ito sa'kin at isinandig ang siko sa pinto. "Gusto mo ba ng tulong?"



Wala na akong mahihiling pa, Victoria..




Two years later...



Alora's point of view:



Naglalakad ako malapit sa school nang mapatingin sa paligid. Everything feels so different. I also feel myself as a professional now, second year college na ako at ibang-iba ang hitsura ko kumpara noong highschool ako.



I dolled up a little bit, white dress plus a brown coat made me a bit pretty cool. Humaba na rin ang dating maikli kong buhok, at kaya ko na rin ang pumasok sa school na hindi kailangan ng susundo, dahil tuluyang nawala na ang sakit ko.



Nakita ko rin ang mga dati kong ka-school mates at kaklase noon. They never recognized me but I do.



Jaxton, the one who rules the whole campus when we are young is now a nobody. And Karl is now the one who is more superior in this story.



Nakaupo sila Becky, Yuna, Ella at Mia sa grass field kasama sina Karl, Hanz, Gori at Phil, nagkwekwentuhan sila at nasa malayo lang ako at nakatingin sa kanila.



"I bet, Karl will be the hottest guy on our school this year, what do you think girls?" Tanong ni Becky sa lahat.



I think they ended up together.



Patuloy akong naglakad hanggang sa napapatingin ako sa paligid ko, I feel someone is staring at me from behind. 



I shooked up my head for mistaking someone else, I know. I thought it's Hiro. I hold up myself before entering the classroom.



"I'm sorry, I-I'm late, sir." ani ko at napayuko dahil sa pagkahiya. Pagpasok ko na nahulog pala ang ilang libro at paperworks na bitbit ko.



May lalaking nag-abot nito sa akin ngunit hindi ko na tiningnan kung sino dahil nagmamadali akong makapunta sa upuan ko. All that I saw from him was his hands.



"You know, Class, sometimes in life, everything we lost will comeback one day.." Dinig kong bilin ng prof. namin habang patuloy na naglelecture sa harapan.



Everything we lost will come back one day?



Nang matapos ang klase ay  nagpunta ako ng library para isauli ang librong hiniram ko kahapon. Wala masyadong estudyante sa loob ng matanaw ko ito sa malayo. Dumiretso ako sa librarian's desk at iniabot ang libro pati ang library card ko.



Parang isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. Tumingin pa ako ng ilang libro na pwedeng hiramin ngunit nagpasya akong huwag na.



Nadaan ko ulit ang librarian's desk at napansin ang isang notebook na parang nakita ko na noon. Kinuha ko iyon habang hindi nakatingin ang librarian at binuksan nang makalabas ako.



Bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng drawing. Napangiti ako ng makita ang mga nakaguhit doon, bawat pangyayari na hindi ko makakalimutan. He is around here, no way..


 Agad akong lumabas ng school building at tumingin-tingin sa school sa school grounds.




I-I'm not dreaming, don't I?



Sa huling pahina ng manipis na notebook na ito ay nakaguhit ang isang malaking puno. I feel this thing giving me directions to find him. Binalikan ko sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Hindi ako pwedeng magkamali ngayon.



Natanaw ko ang punong nasa gitna mismo ng school. People believed that this tree is the heart of this place. Dala ang notebook ay patuloy akong naglakad hanggang sa mapansin kong may lalaking nakatingin sa punong iyon.



Nakatalikod ito sa akin at nakaharap lang sa puno. Nakapamulsa ito sa suot na brown coat. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumapit sa kanya. Kinakabahan ako na baka umasa ako sa wala.



"E-Excuse me?" Magalang kong saad at nakatayo sa likuran nito.



Para akong naistatwa nang lumingon ang lalaki. Nakatitig lang ito sa akin at hindi nagsasalita. Pinigilan kong umagos ang mga luha ko, hindi rin naman ako umalis sa kinatatayuan ko.



"Look.. I found you.." Maluha-luha akong napangiti at iniabot ang notebook sa kanya. "Hiro.." sambit ko pa saka niya kinuha ang notebook. Wala siya imik na inabot ito sa kamay ko.



Nang hindi siya magsalita ay tumalikod ako. I guess, he don't recognized or remember me at all too. Bumagsak ang balikat ko at akmang maglalakad na palayo.



"Alora..."



That voice. Napalingon ako at napatitig sa maamo niyang mukha. Maluha-luha tumitig sa akin si Hiro. H-He came back..



"Naalala kita... Alora..."



Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko at dinampian ako ng halik sa ulo ko.



"Hiro, I will wait for you again if I need to. Even if the world or the writer wants you to take away from me. I'll find you.."



                   --THE END--




Author's note:

Thank you so much for reading! Look, I found you is now completed and permanently done. 💙

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 218 51
UNEDITED CAPTAINS' DUOLOGY #2 Chelseah Claire Cristobal is the daughter of the Mayor. She's almost living her life like a princess as she was born w...
192K 7.5K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
898 161 65
This is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can v...
581K 25.5K 62
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...