Hello Doom

By foiralovos

1.5K 351 252

[ON-GOING] When Asha Buenavella turned 18, she could only wish for one-- to finally end the days of her life... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Deity
Chapter 3: 100
Chapter 4: The Deal
Chapter 5: Wishlist
Chapter 6: Safe Haven
Chapter 7: Drained
Chapter 8: Malice
Chapter 9: Cease To Exist
Chapter 10: Home
Chapter 11: He Likes You
Chapter 12: It's Not Him, It's You
Chapter 13: A Case Of Badluck
Chapter 14: Grumpy Old Man
Chapter 15: Oscar Pilyo
Chapter 16: Stray Tears
Chapter 17: Never Leave Me Without Saying Goodbye
Chapter 18: Who Prays For Them
Chapter 19: Hesitant
Chapter 20: An Unanticipated Breakfast
Chapter 21: Double Date
Chapter 21.2: Lost Souls
Chaoter 21.3: Sparkle
Chapter 22: A Date It Is
Chapter 23: The Way He Holds Me
Chapter 24: With The Boys
Chapter 25: Roadtrip With The Boys
Chapter 26: Comeback
Chapter 27: Switzerland
Chapter 28: Console
Chapter 29: Master Camper
Chapter 30: Closure
Chapter 31: Karma
Chapter 32: Power
Chapter 33: Laizar
Chapter 34: New Company
Chapter 35: Reunited
Chapter 36: Play Date
Chapter 37: Take Away
Chapter 38: Unconscious
Chapter 39: Unpredictable
Chapter 40: Abducted
Chapter 41: Seasons
Chapter 42: The Devil
Chapter 43: His Damsel In Distress
Chapter 44: Gatekeep
Chapter 45: Childhood Friends
Chapter 46: Haters To Lovers
Chapter 47: Who Won Your Heart
Chapter 48: Different Ship Sailing
Chapter 49: Hot Kiss

Chapter 2: Wish

49 14 19
By foiralovos


Kumatok ka.

Tanda kong isinulat sa recycled paper iyon at idinikit ko sa aking bintana. Malay ko bang tumatagos yun kung saan-saan. Ayoko namang bigla-bigla na lang nanggugat iyon pagkagising ko. Bakit kasi kailangan pang pagkatapos magising niya pa ako chachansing-an, kung pwede naman sa hapon o gabi. Don't get me wrong, I don't like the idea of someone hugging me, at worst, siya pa.

Ayoko lang na makita ako ng tumatayong Madrasta ko na may bumibisita o kasa-kasamang lalaki. Malala pa naman sa pagkajudgmental at assumera iyon.

Hindi pa nga tumitilaok ang manok ay gising na ako. Naghintay ako ng ilang minuto at baka mag-aaparisyon ang lalaking iyon pero hindi naman nangyari kaya tumayo na ako't inayos ang pinaghigaan ko. Dumiretso ako sa kusina at nagluto ng makakain ng mga tao dito.

Pagkatapos non ay dumiretso ako sa banyo at dali-daling naligo. Ilang araw ko na ding tinitiis yung lamig ng tubig makaligo lang. Pati sa tubig kasi gahaman ang madrasta ko.

Tininklop ko ang tuwalya sa aking katawam at saka dali-daling naglakad patungo sa aking kwarto. Sinilip ko muna kung may tulo ng tubig ang sahig bago sinarado ang pintuan.

Pagkalingon ko ay siya ring paglaki ng mata ko nang makita ang likod ni Doom na wari ko'y kanina pa nakatayo doon.

Nataranta ako kaya't hinablot ko agad ang kumot at pinangtakip sa buo kong katawan.

"Anong ginagawa mo dito?!" Nanggigigil na pabulong kong tanong sa kanya. Nilingon niya ako't tinaasan ng kilay. "Hindi ka ba marunong magbasa?" Itinuro ko ang papel na ikinabit ko sa bintana.

"Kasalanan ko bang nasa bintana iyan e sa pinto naman ako dadaan?" Napahigpit ang pagkahawak ko sa aking kumot, pumikit at bumuntong-hininga.

"'Yung point ko, bakit hindi mo man lang ako ini-inform? Nakita mo ba kung ano' yung suot ko ngayon?"

"May point ba kung makikita ko 'yan e wala namang makikita dyan." Umupo ito sa kutson sa sahig at saka humuyap.

Bastos nito.

"Umalis ka na nga! Magbihis pa ako!"

Hawak ko sa kabila kong kamay ang kumot habang ang kaliwa naman ay hila-hila ang suot niyang black polo shirt na inrolyo pataas ang laylayan ng kanyang sleeve. Kita tuloy ang kutis porselana nitong balat at ang pag-usli ng kanyang mga ugat sa paraang nakaakit sa mata.

Hindi ito umimik ngunit sinunod niya ang sinabi ko at bigla na lang nawala.

Madali naman palang kausap e. Nang-iinis nga lang bago sumunod.

Dali-dali na akong nagbihis ng pang-casual na damit at inilagay sa sling bag ko ang ballpen ko at ID. Chineck ko ang pitaka ko kung sapat pa ba 'yung pera ko para sa byahe mamaya at pagpapaprint ng mga bio-data. Isang daan. Kulang. Pero magagawa naman siguro ng paraan. Para saan pa at may dalawa akong paa.

Tutungo na sana ako ng pintuan nang sakto namang nagpakita sa harap ko si Doom.

Kumabog ng parang drum ang dibdib ko kaya napahawak ako dito.

"Pwede ba kung magpapakita ka ng ganito gumawa ka ng kahit tunog man lang para alam ko na nandyan ka." Binuksan ko ang pinto at sinarado agad. Pagkalabas ko ng aming gate ay hindi ko siya makita.

"Ding-dong." Panggagaya nito sa tunog ng doorbell.

Tumawa ako ng peke ng nakita ko siya sa aking likuran.

"Seryoso ka? Ding-dong?" Nagsimula na kaming maglakad papunta sa paradahan ng jeep. "Wala bang mas astig doon? Ang lame mo naman."

"Ding-dong astig."

I pressed my lips. Corny nga pero natatawa ako sa loob-loob ko.

Binilisan ko ang lakad ko at tuluyan na nga bumigay yung ngiti ko. Umay.

Pumara na agad ako ng bus. Mas maagang maghahanap, mas malaki ang chance na makakahanap agad ako ng trabaho.

Nasa upuan ako malapit sa bintana habang nakatayo naman siya malapit sa akin.

"Hindi ka ba uupo?" Umiling-iling ito. "Choosy naman."

"Uh..." Nagsimula nang umanda ang sasakyan at ayoko sa awkward atmosphere sa pagitan namin kaya ako na ang nagsimula ng usapan. "Ano nga pala 'yung pag-uusapan natin? Kondisyon?"

Sinulyapan niya ako ngunit ibinaling din agad ang tingin nito sa labas ng sasakyan.

"Mamaya." Tumango-tango ako. Ang tipid sa salita. Pero kapag nagbabanta akala mo nakalunok ng dictionary.

"Okay," tumingin na rin ako sa labas ng sasakyan. "Sabi mo e."

That uneasy feeling enveloped me. Hindi ko alam sa kung anong rason pero sapat na sigurong nandito ang presensiya niya para maramdaman ko iyon.

Saglit akong napaisip sa totoong katauhan niya. Una, hindi ko siya kilala. Pangalawa, ilang araw pa lang naman kaming nagkakausap pero feeling ko ang tagal na. Pangatlo, pinapasok ko siya sa bahay namin at hinahayaang chansing-an niya ako. Pang-apat, hindi ko alam 'yung tunay na pangalan niya. Panglima, bakit ko ba siya kinakausap? Pang-anim, parang nakita ko na siya pero hindi ko alam kung saan. Pangpitong rason na itong sasabihin ko pero bakit kung makadepende ako sa kanya ay parang tiwalang-tiwala na ako? Nagayuma ba ako? O nanuno?

"Really, Ash?" Siguro dahil sa dami kong iniisip tungkol sa kanya, hindi na niya ako natiis pa.

"Oh, ano? Kinakausap ba kita?" Bakas sa boses ko ang pagmamaktol.

"Boss, bababa na kame." May iniabot itong pera sa pahinante ng bus at saka hinila agad ako palabas ng sasakyan.

"Teka lang naman!" Mabilis itong maglakad habang inaasekaso ko pa ang balanse ko. Bigla-bigla ba naman akong hihilahin! "Ano bang problema mo?" Singhal ko sa kanya.

Hindi ito umimik bagkus pinitik nito ang kanyang kamay.

Bumalik kami sa sitwasyon kung saan una ko siyang nakilala. Kung saan malapit na akong maaksidente.

Papalapit ang isang 10 wheeler truck. Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko pero parang sinementuhan ang mga ito.

Wala na

"Kailangan mo ba talaga itong gawin ng paulit-ulit sa akin ha, Doom?" Naiiyak na sabi ko habang

"Ipinapakita ko lang sayo na hindi ako tulad ng iniisip mo." Naguguluhan ako. "Hindi ako mabait. Kaya kung iniisip mong makakatulong ako sayo, hindi."

"Hindi mo naman kailangang gawin ito sa akin!" Pangako, gusto ko siya sampalin. Ano bang nangyayari sa kanya?

"I do this to every other human I meet. Isa ka na doon." Naguguluhan na ako ng sobra.

"You are not special, Asha." Nagpanting ang aking tenga sa narinig. "Its just the coincidence that you had the power to grant what I wished for." I saw his jaw tighten.

"You choose. You make that wish for me or you'll die here. The time is running." Nagpabaling-baling ang tingin ko sa kanya at sa truck na ilang metro na lang ay sasalpok ma diretso sa akin.

Sinusubukan ko pa ring galawin ang mga paa ko pero hindi ko magawa.

"Please."

"Please... Save me." Ngumisi ito at saka ipinitik ang kanyang mga daliri.

Bumalik ang lahat sa normal ngunit nakapikit ako at habol-habol ko ang aking hininga saka napabagsak sa semento. Ibinaon ko ang aking kamay sa aking nanginginig na tuhod at nagtapon ng masamang tingin sa kanya.

"Masaya ka ba na may napapaiyak ka? Masaya bang may nagmamakaawa sayo? 'Yan na lang ba yung rason kung bakit ka nandito?" Tumayo ako kahit nanginginig ang buong kong katawan sa takot at galit.

"Kung oo, mas naaawa ako sayo." Naglakad ako palihis sa dadaanan niya.

Ramdam ko yung pagkahilo at pagkasuka dahil sa nangyari. Nakakapanghina ng katawan iyong ganito.

Nawalan tuloy ako ng lakas na maghanap ng trabaho.

Ang laking tulong niya talaga pagdating sa ganitong bagay. Akala niya ba susuko agad ako sa banta niya? Manigas siya. Wish niya mukha niya!

Pinahiran ko ang luha ko gamit ang laylayan ng aking damit. Ang dugyot ko.

Kung ako talaga iyong magulang niya iisipin kong nagkulang ako sa parenting. Napaka-problematic niyang tao.

Pinili ko munang umupo at sumilong sa isang cafe na hindi ko alam kung okay lang bang tumambay ng walang ino-order. Pamasahe nga wala ako, pangkape pa kaya?

Wala naman ako sa loob. Nasa labas ako. May mga single seater kasing mga upuan at mesa dito kaya sinunggaban ko na yung oportunidad.

Ilang minuto rin akong nakaupo doon habang sinisilip yung loob ng coffee shop. Ang tagal ko na ding hindi nagkakape.

Nakita kong nagtama ang tingin namin ng waiter na nasa counter habang nagseserve siya ng kape sa isang costumer na giliw na giliw sa kanya. Sabagay, may ipagmamalaki din naman. Pang-bachelor ang itsura.

Nagdesisyon na akong umalis dahil ayokong maging awkward sabihan pa akong nag-i-stalk e. Nakakahiya na sa titig pa lang niya. Para kang sugar cube na natutunaw sa mainit na kape.

Tumayo na ako at pinakiramdaman ang tuhod ko. Okay na. Syempre wala akong choice kundi maging okay.

Nag-umpisa na akong maglakad nang bigla akong nakarinig ng pagtawag.

Lumingon ako sa pag-aakalang ako yung kausap niya. 'Yung kanina palang waiter sa counter may dalang coffee frappe yata na tawag nila. Naggawad ito ng ngiti sa akin at itinuro ako.

"A-ako?" Tumango ito.

Ipinaghila niya ako ng bangko na ikinahiya ko. Ang awkward.

"Thank you." Inayos ko ang aking sling bag at inilatag sa mesa. Pinaglaruan ko 'yung laylayan ng aking damit habang iniisip kung ano' yung sasabihin sa kanya kung may sasabihan man ito.

"Do you like coffee?" Tumango agad ako. Nakita kong lumandas ang ngiti nito sa kanyang labi at nagpakitang gilas naman ang dimples nito.

Nagmukha ba akong sakim sa kape?

Iniabot nito ang frappe sa akin na may tissue pang nakabalot sa cup na mukhang mamahalin.

"Kanina pa kasi kita nakitang sumusulyap sa loob." I took a sip on the frappe at biglang naubo sa sinabi nito.

Kanina pa pala niya ako inoobserbahan.

"Hala, sorry. Wala akong masamang balak. Nagandahan lang kasi ako sa atmosphere shop niyo e. Nakakarelax." Kanina pa ako nagpapanic sa loob-loob ko at ramdam ko na ang pamumula ng aking mukha.

"Okay lang 'yun. Nako. I appreciate the compliment. Matagal-tagal na din ng makarinig ako ng compliment mula sa ibang tao tungkol sa shop ko." He with his respectful and gentle baritone voice. Inayos ito ang buhok niya kaya mas nakita ko ang buong detalye ng kanyang mukha.

Bukod pa sa well-brushed at jet black wavy hair niya, nagcompliment din ang kulay ng kanyang mata na almond brown katulad ng kilay nito. Lalo pa at kapag sinisilayan ng araw ang mga mata nito.

Matangos ang ilong nito at medyo cheeky na bumagay sa triangle-shaped niyang mukha. Hindi rin nagpatalo ang kanyang matangos na ilong at ang kanyang mapupulang labi na akala mo'y pinahiran ng lipbalm.

I even saw his teeth. Does he do toothpaste commercials? I bet he does. Ang ganda ng pagkakaline ng mga ngipin niya at walang bahid ng mantsa. Puro kaputian lang.

Inikot kong muli ang tingin ko sa loob ng cafe dahil napatagal yata ang pahtitig ko sa kanya. Baka iba yung approach sa kanya.

Nakita kong may nakapaskil itong notes sa labas ng glass door nila.

"We are Hiring!" it says in bold letters.

"Oh?" Itinuro ko ang note na iyon na nakapukaw naman sa atensyon niya. "For hire kayo?"

Tumango ito. "Yep." Bigla naman akong may naalala sa sinabi nito kanina.

"Oh my-- ikaw yung may-ari? For real?" Tumango-tango ulit ito ng may ngiti sa mukha at pagka-amaze sa reaksyon ko.

Ang tanga ko! Saan pa kaya aabot ang pagkalutang ko?

"Wow." Napainom tuloy ako sa frappe ko.

"Do you mind?" Rumehistro ang pagkakunot ng noo ko sa mukha. "I am the only staff here, this shop was opened like 3 months ago and you know, I am short of staff. Would you like to be one?" Nag-aalangan nitong tanong. Ako naman ay nanlaki ang mata.

"I mean, I'm not forcing you if you don't want to--"

"Bakit hinde! Opportunity na kaya to! Thank you!" Bigla kong hinawakan ang kamay niya sa galak. Makakabayad na ako sa upa. Makakabili na akong mas malambot na kutson at makakaipon na ako sa pangkolehiyo ko. What's there para tanggihan ang offer niya.

"You're in your legal age naman na diba?" Tumango ako. Hindi ako makapaniwala!

"Kailangan niyo ba ng bio-data ko? Wait magpapaprint muna ako." Tatakbo na sana ako ng pinigilan niya ako at hinuli ang kamay ko.

"No, no. That's fine." Sinabihan niya akong umupo ulit.

"So, you're in your high school years," tanong nito.

"Senior High School. Graduating na." Tugon ko.

"That's good to hear."

To be honest, ang galing niyang mag-approach ng tao. Hindi na ako magugulat kung popular ito sa school o pinagtatrabahuhan niya. He looks like a college student na parang nagtatrabaho na din.

"Ikaw?" Itinuro nito ang kanyang sarili.

"Third year college."

"Oh? Magastos ba?" Bigla itong natawa sa tinanong ko.  "Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Ikaw yung kauna-unahang tao na nagtanong sakin ng ganon. The usual question would be," mahirap ba?"" Ah.

Tumango-tango ako ng wala sa sarili.

"But yeah. I don't mean to offend you. I'm just amazed. Okay nga yung practical questions e. Yung hirap, nakakaya naman kapag willing kang makapagtapos pero yung financial problem, ibang usapan na yon."

"Diba?" He agreed with me. Nagthumbs up pa nga e.

"Anyway, do you mind going here tomorrow? Kung vacant ka lang naman. I'll show you how work is done here." Naeexcite ako.

"Kung pwede nga ngayon na e." Pagbibiro ko pa.

"Its fine. Go get some rest so you'd recover your energy from today. You look exhausted." May naalala tuloy ako sa pagiging thoughtful niya.

I shrugged the thought off.

"Sige. Thank you talaga sa kape at paghire on the spot, uhm..."

"Hanzo," aniya.

"Okay, Hanzo."

I extended my hand at him.

"Asha," itinuro ko ang aking sarili.

"Hanzo. Nice to meet you, Asha," then we shaked hands. Natawa na lang kaming dalawa sa formalities.

Doom's POV

I saw them laughing and enjoying each others company.

"She seems so fine." Umalis na agad ako at tumungo sa kanyang kwarto. I don't like the scene. It hurts my eyes.

Inilapag ko sa kanyang mini-table ang flowers na kinuha ko sa Garden ng Deity at saka umalis agad na umalis.

"She got the job." I let out a sigh.

Continue Reading

You'll Also Like

87.6K 3.1K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
434K 31.6K 51
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION