After The Sunset

By FallenMademoiselle

1.1K 61 0

Elementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Author's Note

21

14 1 0
By FallenMademoiselle

Sa araw na ito ay biglang nagyaya si Mama na lumabas kaming dalawa. Magi-inquire daw kami sa mga university sa siyudad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado sa Fine Arts. Nakapag-search na naman ako patungkol doon. Hindi nga lang ako confident sa sarili ko kung makakaya ko nga ba ito. Hilig ko ang pagguhit at pagpipinta pero parang hindi ko nakikita ang sarili ko sa profession na iyon. 

Isa pa sa pinangangambahan ko ay kung hindi ako sa Manila mag-aaral at dito lang ako sa probinsya, mas maliit ang chance ko na makilala sa larangan. Limitado lamang ang mga trabaho na maaaring pasukan ko dito kung sakali. Atsaka hindi ganoon kakilala ang industriyang ganon dito. 

"Mama, kung wala po ang gusto kong kurso dito pwede po ba akong sa Manila mag-aral?" tanong ko kay Mama. Nasa isang kilalang unibersidad kami ngayon. Hindi masyadong marami ang tao.

"Kung ako lang Maggy ay mas gugustuhin kong sa Manila ka na mag-aral ng kolehiyo. Ngunit ayaw ng Papa mo. Wala naman akong magagawa dahil siya ang gagastos ng pag-aaral mo" bigo niyang sabi. Na-isubmit na pala ni Mama ang mga requirements ko noon at ngayon ko lang din nalaman na entrance exam ko ngayon.

Isang oras akong nag-exam. Pagkatapos ay ininterview ako ng Guidance Counselor ng university. Pagkatapos ay lumabas naman kaagad ang resulta. Nakapasa naman ako. Binigyan kami ng brochure para makita ang listahan ng mga kurso na maaaring pagpilian. Wala ang Fine Arts doon. Ibinigay din ang schedule ng enrollment. 

Kumain muna kami sa Mcdonalds bago tumungo sa isa pang unibersidad. Ang sabi ni Mama ay halos magkaparehas lang ang presyo ng tuition fee. 

"May kurso ka na bang napupusuan?" tanong sa akin ni Mama habang kumakain kami.

"Fine Arts po sana. Kaso wala doon. Meron naman po siguro sa university na pupuntahan natin..." sagot ko sa kanya.

"Related ba sa Arts ang gusto mo? Kung walang Fine Arts doon pwede ka namang mag-Architecture nalang. Atsaka mas maganda ang career path mo doon pagdating ng araw. Kung sa Fine Arts ay walang masyadong oportunidad dito sa atin. Kakailanganin mo pang makipagsapalaran sa Manila" nagpatuloy nalang akong kumain. Naisip ko din ang Architecture pero hindi ko nakikita ang sarili ko doon. Baka mas mahirapan lang ako kung sakali.

Totoo naman ang sinabi ni Mama. Mahihirapan nga ako kung graduate ako ng Fine Arts tapos dito ako maghahanap ng trabaho. Panigurado limited lang ang job offerings. Kung sa Manila naman ako maga-apply, mas mahihirapan ako dahil mataas ang standards nila. Hindi rin masyadong nare-recognize ang mga courses na related sa arts dito sa Pilipinas. Often times, the graduates of any courses related to arts are being discouraged by other people. 

Palagi nilang sinasabi na walang mararating sa field na iyon. Mahihirapan lang. Totoong mahihirapan sila dahil hindi masyadong binibigyan ng pansin ang art dito sa bansa. Ang focus nila ay more on business and so on. Anything that has to do with economic growth and development. Mabuti pa sa ibang bansa nakikita nila ang talento ng mga Pinoy. Doon sila gumagawa ng pangalan sa industriya kadalasan. Kapag established na yung pangalan nila saka lang sila mare-recognize dito sa Pilipinas. Ganon naman palagi e.

Kung bibigyan lang ng pansin ang art dito sa bansa, paniguradong hindi sana namamatay ang kultura. Mas yumayabong pa sana ito.

Pagdating namin sa isang university ay ganoon lang din ang nangyari. Nag-exam ako at na-interview. Naglibot din kami sa loob ng campus. Maganda ang mga facilities. Malinis din ang paligid. Mukha lang itong maliit sa labas pero kapag nakita mo na ang kabuuan ng campus ay malawak ito.

"Maganda ang performance ng university na ito pagdating sa board exam. Lalo na sa mga medical related courses. Halos pumapasa ang lahat sa unang take. IIlan lang ang bumabagsak" sabi ni Mama. Bigla akong natigilan ng makita si Tita Elisha na kasama si Cede.

"Marielle!" tawag ni Tita Elisha kay Mama.

"Elisha! Buti nandito kayo?" sabi ni Mama. Nagmano ako kay Tita Elisha. Nagmano din si Cede kay Mama. Napatingin ako kay Cede pero kaagad din akong umiwas.

"Inenroll ko lang itong si Jack. Dito rin ba mag-aaral si Maggy?" tanong niya.

"Naku! Hindi ko pa sigurado. Ngayon pa lang kami nakapag-inquire sa mga universities. Wala pa naman ang gusto niyang kurso..." sagot naman ni Mama. Wala din kasing Fine Arts dito. Sa Manila kasi talaga meron. 

"Ano bang kukunin mong kurso?" tanong sa akin ni Tita Elisha.

"Fine Arts po sana..."

"Sa pagkakaalam ko ay walang Fine Arts dito sa atin. Sa Manila meron. Hindi ka pa nag-inquire sa mga university sa Manila?"

"Nakapag-inquire naman po kaso na-meet na po nila halos yung quota. Malapit na din po kasi ang pasukan" sagot ko naman.

"Sayang naman. Si Jack kasi Architecture sana ang gusto kong kuhanin niya. Pero iba ang gusto. Hindi ko naman siya mapipilit" 

"Anong kursong kukunin mo, Jack?" tanong ni Mama kay Cede.

"Nursing po..." sagot naman niya.

"In demand ngayon ang mga Nurses abroad. Kukuha ka lang ng experience dito sa Pilipinas pagkatapos ay pwede ka ng mag-apply sa ibang bansa..." sabi ni Mama.

"Bakit hindi ka nalang mag-nursing, Maggy? Baka maging mag-kaklase pa kayo ni Jack" sabi ni Tita Elisha. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Ayos lang din naman kung sakali. Magaling naman ako sa memorization. Marami rin job opportunities sa bansa. 

"Gusto mo ba anak? Kung ako ang tatanungin mukhang maganda nga iyon. At least may kakilala ka na kaagad at makakasama sa pagpasok dito" sabi naman ni Mama. The offer is quite tempting. Atsaka mas mapapabilis din ang pag-alis ko ng bansa kung sakali! 

"Sige po Mama. Nursing nalang po..." napangiti si Mama sa sinabi ko. Susunod nalang ako sa sinabi niya. Ayoko namang mag-rebelde habang buhay sa kanila ni Papa. Susundin ko nalang ang gusto nila. Para sa oras na makatapos ako, pwedeng-pwede ko ng gawin ang gusto ko. 

Sinamahan kami ni Tita Elisha at Cede. Inenroll na ako dahil baka daw magbago pa ang isip ko. Mabilis lang ang naging proseso dahil dala naman ni Mama ang mga documents na kailangan. Kaklase ko nga si Cede na ikinatuwa pa ng dalawa. Magkasama si Mama at Tita Elisha. Habang nasa likod naman kaming dalawa ni Cede habang naglalakad. Panay lang ang kwentuhan ng dalawa. Habang kami ni Cede, we are still trying to break the awkward atmosphere between the two of us. 

"Bakit nag-decide ka kaagad na mag Nursing?" tanong niya sa akin. 

"Hindi ko din alam..." sagot ko naman.

"Maggy..." 

"Bakit?" nag-aalangan pa siya kung sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Ngunit hindi niya natuloy iyon dahil tinawag na kami ni Tita Elisha. 

"May pupuntahan lang kami saglit ni Marielle. Gusto niyo bang sa sasakyan nalang o maghintay nalang kayo sa Starbucks?" tanong ni Tita Elisha.

"Sa Starbucks nalang kami Ma..." sagot naman ni Cede.

"Okay lang ba sayo Maggy? Hindi naman kami magtatagal. Atsaka kababata mo naman si Cede" ngumiti si Mama. Tumango na lamang ako. May binigay na card si Tita Elisha kay Cede na kaagad naman niyang tinanggihan. Nagpaalam na si Cede sa kanila. 

Sa footbridge kami dumaan ni Cede dahil sa kabilang daan pa ang Starbucks. Malapit lang ito sa university na papasukan naming dalawa. Napapalibutan din ito ng mga fast food chains. Pagdating sa Starbucks ay kaagad akong tumingin sa menu. Nalula ako sa presyo! 

"Anong gusto mo?" tanong ni Cede sa akin. 

"Ano bang masarap dito? First time ko kasi..." nahihiya kong sabi. 

"Do you like coffee?" he asked.

"Hindi masyado...." tumingin ulit ako sa menu. "Java Chip Frappuccino Blended Beverage Tall atsaka Banana Loaf. Eto nga pala yung bayad" sabi ko sa kanya at inabot ang 500 peso bill. 

"Huwag na Maggy. Treat ko na.." 

"Nakakahiya...kunin mo na"

"Hindi na Maggy. Ang tagal nating hindi nagkita tapos pagbabayarin pa kita sa first date natin?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. First date? "Ang ibig kong sabihin...ang tagal nating hindi nagkita nakakahiya naman kung pagbabayarin kita. Treat ko na 'to sayo" sabay bawi niya. Tinago ko na ang 500 pesos na hawak ko at inilagay sa aking wallet. Humanap na ako ng lugar at doon sa malapit sa bintana ako umupo. Hinintay ni Cede ang order namin bago niya ako pinuntahan. Inilapag niya ang pagkain namin sa table.

"Thank you" sabi ko ng ibigay niya ang order ko. Nagsimula na kaming kumain.

"How are you?" pagbasag niya sa katahimikan.

"Ayos lang naman. Ang tagal din nating hindi nagkita no?" sabi ko sa kanya.

"Well...I often see you. I just don't have the courage to say hi" madalas ko rin naman siyang makita. Nagp-pretend lang ako na hindi ko siya kilala dahil ganon din naman ang ginagawa niya. Quits lang kami. No need to feel guilty!

"Bakit naman? We shared wonderful memories when we were younger.." nabigla siya sa sinabi ko. "I mean...we're childhood friends so"

"Nahihiya lang talaga ako sayo. I don't know how to approach you..." I just nodded. Siguro ganito talaga kapag tumatanda? Once na you hit puberty you'll start to be more sensitive with your actions and words. You'll also feel shy with other people especially sa opposite sex. "But to be honest, I missed you Maggy. I miss everything we do together..." he smiled. Ako rin Cede...miss na miss ko yung dati.

"Grabe naman. Ang special ko naman pala sayo" pagbibiro ko. 

"You really are special to me..." muntik ko ng mabuga ang iniinom kong frappuccino dahil sa sinabi niya. Biglang kumalabog ang puso ko dahil doon. Oh no heart. Not now...

Now that he's back again in my life, will I be satisfied? Magiging okay na ba ako? Mawawala na ba ang galit at pagtatampo ko? Palagi kaming nawawalan ng communication sa isa't isa. I suffered long enough because of him. Palagi ko siyang naiisip sa tuwing may mga bagay na magpapaalala sa akin tungkol sa kanya. I always end up thinking about how he's doing every now and then...Pero, siya rin ba naramdaman niya iyon? Naranasan na rin ba niya? 

I just ignored what he said. Kinain ko nalang ang natitirang banana loaf ko. Hindi pa halos nagalaw ni Cede ang cake na inorder niya. We had a light conversation about some stuffs. Iniwasan naming mapag-usapan ang mga taon na hindi kami nagkita.

He graduated Valedictorian in High School. He was immersed with activities related to leadership. Hindi pa siya nagkaka-girlfriend. Nasa ibang bansa na si Kuya Jace kasama si Ate Ria at ang Daddy niya. Silang dalawa nalang ni Tita Elisha ang naiwan dito sa Pilipinas. Kinukuha na rin daw silang dalawa ngunit si Tita Elisha na mismo ang tumanggi. Gusto niyang makatapos muna si Cede bago sila sumunod doon.

I shared some precious moments in my life too. But I didn't share the things I am not proud of. Just like how my parents failed to communicate with me for how many years. That when they came back, I couldn't even be happy to be with them.

Communication is very vital in our lives. It keeps us connected to the people we love. It gives us peace and security because in just one message, we can be at ease. Today, communication became easier thanks to the technological advancements. Unlike before, it would take months before receiving a letter which was one of the most common ways of communicating before. A reason why I value communication more than anything else. If it fails, the relationship you have with someone might also fail. Kagaya ng sa amin ng parents ko. 

Papalubog na ang araw. I took my cellphone out to capture the beauty of it. Napasulyap ako kay Cede na nakatingin din doon. Palihim ko siyang kinuhanan. I remember the wish I said the other day...

After how many years, I am with him again. We are watching the sunset together. My wish came true...

I glanced at the sunset again as I made another wish.

Sana'y hindi na kami mawalay pa sa isa't isa. Mapunan nawa naming dalawang ang mga taon na hindi kami nagkita at nagkasama ng ganito. Please give us the chance to renew our friendship...








Continue Reading

You'll Also Like

89.9K 1.9K 42
UAAP FF 2 Kamila Raye is quite literally a ray of sunshine for the people around her. Everywhere she goes is a happy place. It's safe to say that she...
48.1K 2.5K 62
Jason and June. Where will this pushing and pulling take them? A To Meet in the Middle Spin-off
2.7K 94 44
Rule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells...