After The Sunset

By FallenMademoiselle

1.2K 62 0

Elementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Author's Note

19

16 1 0
By FallenMademoiselle

Hindi ako sanay. Iyan ang unang pumasok sa isip ko dahil ilang linggo ng walang masyadong ginagawa. Ano kayang nakain ng mga teachers namin? Eto ba yung sinasabi nilang calm before the storm?

Weekend ngayon at wala akong magawa sa bahay masyado. Nakapaglinis at nakapaglaba na kami ni Lola. Ano pa bang dapat na gawin? Mag-redecorate kaya ako ng kwarto? Kaso ang hassle naman. Baka kasi hindi ko matapos.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko. Nagsimulang mag-scroll sa facebook. Sa totoo lang, nakakatamad ding gawin ito dahil kagabi ko pa ito ginagawa. Parang wala naman akong nakukuha dito! Paulit-ulit lang naman ang lumalabas sa news feed. Na-stalk ko na naman si Cede. Ano pa bang gagawin ko? 

Nabigla ako ng biglang may nag-message. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang ako. Nang makitang si Cede pa rin ay parang hindi ako makapaniwala. Kaya ang ginawa ko ay rinestart ko muna ang cellphone atsaka bumalik sa aking facebook. Pero si Cede talaga! Nagmadali kong binuksan ang message niya sa akin.


Evander De Silva

scroll down ALOT!!!!

trust me this will put a smile on your face, make your day, or help you

Every night, someone thinks about you before

they go to sleep,

At least fifteen people in this

world love you.

The only reason someone would ever hate you is

because they want to be

just like you

There are at least two people in this world that

would die

for

you

You mean the world to someone.

Someone that you don't even know

exists

loves

you.

When you make the biggest mistake ever,

something good comes from it.

When you think the world has turned its back on

you, take a

look.

Always remember the compliments you've received.

Forget the rude remarks.

So if you are a loving friend, send this

to

15 people

including

the person that sent it to you.

Tonight

at

midnight your true love will

realize

they like

you.

Something good will happen to you between 12 in the morning

and

four o'clock pm

tomorrow,

it could be anywhere . Get ready for the biggest

shock in your

life

If you break this chain YOU will be cursed with

relationship problems

for

the next ten years . Send this to fifteen people

in fifteen minutes !!

Make Someone else's day! Help get a smile on someone's face! Help someone out! remember that your loved

F.R.I.E.N.D.S.

=Fight for you

=Respect you

=Involve

=Encourage you

=Need you

=Deserve you

=Save you

Send this to all your friends & me if I'm one......If you get 4 back u r liked but if u get 7 back then u r seriously loved


Kikiligin na sana ako sa sinabi niya kaso chain message lang pala! Napasimangot tuloy ako. Akala ko pa naman nangangamusta siya. Kainis naman! Napapairap ako sa tuwing naaalala ang message niyang 'yon. Kainis talaga. Ano pa bang aasahan mo sa kanya Maggy?

"Apo, kanina ka pa umiirap diyan. Ayaw mo ba ang ulam natin?" tanong ni Lolo sa akin. 

"Sorry po Lolo. May iniisip lang po..." sagot ko naman. Kanina pang umaga iyon pero apektado pa rin ako. Nag-assume kasi ako kaya ayan! Hay nako Maggy. Kung nalaman 'to ni Blair panigurado aasarin niya lang ako. Pero wala naman akong balak sabihin sa kanya. Mamaya ano pang gawin ng babaeng iyon.

"Kumain ka pa. Ang konti lang ng kinain mo" si Lola iyon. Nagpaalam na kasi ako na busog na ako. Ewan ko ba. Nawalan ako ng gana dahil kay Cede. Nagkulong tuloy ako sa kwarto ko ng wala sa oras na hindi ko naman ginagawa dati. 

Ano ba kasing gusto mong mangyari Maggy? Umaasa ka ba na babalik yung dati niyong samahan? Alin ba ang gusto mo? Iyong Cede na kalaro mo noong kinder? Iyong Cede na ka-group mo sa training? Kahit alin namang Cede gusto mo! In denial ka lang talaga. 

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-reply sa kanya. Imbes na ibalik sa kanya ang chain message ay nag-type nalang ako ng iba.

Ako: 

Hi musta na?

Naka-online naman siya pero busy yata siya. Pinatay ko muna ang cellphone ko at nag-isip. Paano kaya kung hindi umalis si Mama? Kaklasi ko kaya si Cede elementary hanggang high school? Close pa din ba kami? Magkasama pa rin ba kami lagi?

Hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng mga What If's. Pero madalas nakakasama nalang ng loob. Napapaisip ako ng alternative na situations na hindi naman magkakatotoo dahil nakalipas na ang panahon. Ganon din naman sa kasalukuyan dahil wala namang kasiguraduhan ang lahat. 

Binuksan ko ulit ang Facebook at nakitang sineen lang niya ako! Ano? Hindi mo na naman ako kilala? Nakakainis ka na! Bakit ka kasi ganyan. Naiyak tuloy ako sa frustration. Bakit kasi siya ganon? Bakit ko pa kasi siya nakilala? Palagi ko nalang nararamdaman ang ganito!

Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Sa tuwing pipikit ako, siya lang ang nakikita ko maging sa mga panaginip ko. Bumabalik sa akin ang batang kami na naglalaro pagkatapos ng klase. Kapag malapit siya sa akin, ayaw kong maging malapit sa kanya dahil kinakabahan ako. Gusto ko siyang itulak palayo. Kapag naman malayo siya, gusto ko siyang makasama. Gusto kong malaman kung ano ang mga nangyari sa kanya sa mga nagdaang taon.

Siya ang pinakaunang lalaking hinangaan ko buong buhay ko. Matalino siya at may itsura. Mapagmahal na anak at kapatid. Maalaga din naman siya siguro. Thoughtful...lahat na yata nasa kanya. Hindi ko alam...pero gusto ko nga ba talaga siya? O nasanay lang ako na kasama siya dati at nanghihinayang lang ako sa closeness naming dalawa? Siya ang pinakaunang kaibigan ko. Tinuruan niya akong makilala ang sarili ko. 

Para ibaling ang atensyon sa iba, nag-ayos nalang ako ng mga gamit. Tinanggal ko ang mga hindi ko na kailangan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nag-aayos. Natigil lamang ako ng makita ang isang maliit na kahon. Kinuha ko iyon at pinunasan dahil may mga alikabok pa ito.

Binuksan ko ito at nakita ang isa na namang maliit na kahon. Pinunasan ko rin muna ito bago binuksan. Nagulat ako nang makita ang laman. Ito yung regalo niya sa akin nung graduation ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Parang walang nangyari. Bago pa rin ito. Akala ko dati ay naiwan ito sa bahay. Hindi ko inasahan na nadala ko pala ito dito. Ang tanging dinala ko lang naman noon ay ang mga damit ko. Wala ng iba. Mapait akong napangiti ng maalala ang araw na iyon.

Binalik ko nalang ang mga gamit at itinapon na ang mga hindi kailangan. Mabilis ko itong ginawa dahil nakaramdam ako ng lungkot. Ayokong maramdaman muli ang lungkot at sakit na siyang idinulot sa akin ng mga magulang ko. Ayoko na ulit...

Nang matapos ay binuksan kong muli ang aking Facebook at nakitang nag-message si Cede. Binuksan ko ito at isang sticker ang sinend niya.


Evander De Silva

Hindi ko na siya nireplayan. Ako naman ang nag-seen sa kanya. 

Sa hapong iyon ay bumalik ang kahapon sa akin. Para maibsan ang sakit na nararamdaman, pinilit ko na lamang matulog. Ayokong makaramdam ng pagod. Ayokong makaramdam ng sakit. Tapos na ako sa stage na iyon pero bakit parang may bumabalik?

Hindi ko na dapat pa inaalala ang siyang nakalipas. Ang dapat kong ginagawa ay ang maghanda sa paparating na hinaharap. Walang mangyayari kung magtatanim ako ng galit sa tuwing nakakaramdam ako ng sakit. 

Siguro...oras na para tanggapin ang siyang naging kapalaran. Hindi na kami gaya ng dati ni Cede. Matagal na panahon na iyon. Mayroon na kaming bagong mundo na hinaharap. Hindi na kami close. Hindi na kami mga bata.

Masyado akong nalunod sa ideya na baka pwede pa naming ibalik ang dating samahan. Ngunit hindi...hindi na maaari dahil matagal ng lumayo ang loob niya sa akin. Ganon din ako sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 58.5K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
125K 9.1K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
871K 39.7K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.8K 304 166
an epistolary art series1 completed. Valentine Agustin A die-hard girl who is willing to do everything just to be with her dream man that...