Moonlight Throne (Gazellian S...

Galing kay VentreCanard

3.2M 272K 102K

Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world... Higit pa

Moonlight Throne
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 38

41.1K 3.9K 1.8K
Galing kay VentreCanard

Chapter 38

Paglipad

Hindi ko napigilan ang tipid na pagtakas ng luha sa sulok ng aking mga mata. Alam kong kulang pa ang oras na iyon para sa kanilang dalawa, at kung bibigyan ako ng pagkakataon at higit na kakayahan ay mas gugustuhin ko na silang totoong magtagpo.

Nararapat lang iyon kay Rosh... nararapat lang iyon sa anak ni Diyosa Eda. Ngunit mahirap man tanggapin ang panahon nilang magkasama'y tila malayo pa.

Alam kong hindi sapat ang sandaling iyon para sa kanila, pero nasisiguro ko na iyon na ang huling bagay na nais gawin ng prinsipe bago tuluyang maputol ang kanilang saglit na koneksyon.

Tila kumirot ang puso ko nang masaksihan ang sinseridad sa magaang halik na iyon ng prinsipe. Ilang beses ko na siyang nasaksihang humalik sa kamay ng iba't ibang babae mula sa Parsua at halos lahat iyon ay nasusundan ng kanyang mapaglarong ngisi, ngunit ibang-iba ang prinsipe sa harap ng anak ng diyosa.

Ang pangungulila... pag-aasam at pagmamahal.

Katulad ng paraan ng titig, hawak at haplos... na tanging nararanasan ko mula sa aking hari.

Akma ko na sanang ibabalik si Rosh sa panahon kung saan kami naroon, at alam kong inaasahan niya na rin akong gawin iyon. Ngunit nang handa ko nang gawing bula ang kabuuan ni Rosh at hayaang maglaho sa isipan ni Noella, tila may kung biglang pumigil sa kapangyarihan ko. Inakala kong iyo'y mula sa kapangyarihan ng asul na apoy, ngunit bigla na lang naalarma ang sistema ko nang makilala kung kanina nagmula iyon—kay Noella.

Hinihila ng kapangyarihan niya ang presensiya ni Rosh nang hindi niya nalalaman.

Kahit si Rosh na inaasahan nang maglalaho ang sarili sa isipan ng babaeng nasa harapan niya'y ilang beses nang napapakurap sa kalituhan. Pilit kong ginamit ang kapangyarihan ko upang hindi na siya patagalin pa roon, ngunit higit na makapangyarihan sa akin si Noella sa pagkakataong iyon dahil nagaganap ang pangyayari sa kanyang sariling isipan. 

"Rosh..." tipid na tawag ko sa pangalan ng prinsipe.

Nanatiling nakapulupot ang dalawang braso ni Rosh sa baywang ni Noella. Habang si Noella naman ay nag-aalinlangang hawakan ang prinsipeng nasa harapan niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa leeg ni Rosh at sa kanyang mga nunal at mukha ng nito.

"W-Who are you?"

Akma nang magsasalita si Rosh, ngunit itinikom niyang muli ang mga labi niya. Sa halip ay ilang beses siyang napalunok habang nanatiling nakatitig sa babaeng yakap niya.

"I said who are you? Why are you in my dream again?"

Ilang beses siyang napakurap. "Now you're aware that you're still dreaming."

"Dahil sa panaginip lang kita nakikita. A-Are you my guardian angel?"

Umawang ang bibig ni Rosh. Kusang nawala iyong pagkakayakap niya kay Noella at napahakbang siya ng dalawang beses paatras. Agad namaywang ang prinsipe at napatingin sa taas na tila nagpipigil na malakas na halakhak, iyong tipikal niyang tawa sa tuwing nakakarinig siya ng bagay na hindi niya matanggap mula sa mga Gazellian.

"Guardian angel? What the—" agad tumaas ang kilay ni Noella na tila hindi niya gugustuhing marinig ang sunod na sasabihin ng prinsipe. Kaya umurong ang dila ng kinikilalang prinsipe na hindi nais putulin ang dapat sabihin ng kahit sino.

Lumambot ang ekspresyon ng ikalawang prinsipe ng Deltora, nawala ang pamamaywang at muling humakbang papalapit kay Noella.

"My love, I have fangs..." mas malambot at tila bulong na usal ni Rosh.

Kung kanina ay pinigilan ni Rosh ang pagtawa, si Noella ay hindi man lang naisip na gawin iyon. Malakas ang naging pagtawa niya at halos maluha siya dahil doon. Napahawak pa siya sa kanyang tiyan na parang hindi kapani-paniwala ang kanyang narinig.

"Fangs? Seriously?" tipid pa siyang nagpahid ng luha sa sulok ng kanyang mata.

"I am serious."

Nang mas lalong lumapit si Rosh, mas pinagningas niya ang kanyang mga mata at napaatras na si Noella nang higit niyang mapagmasdan iyon. Ngunit nang sandaling unti-unting umawang ang mga labi ng prinsipe na siyang nagpapakita ng kanyang mga pangil, tuluyan nang natulala si Noella.

"Y-You're a devil..."

Tila higit na nainsulto si Rosh na may tipid na pagkamot sa kanyang kanang kilay. "My love, I am a handsome vam—" marahas na pagbukas ng kurtina na ang pumutol sa eksena nina Rosh at Noella.

"There you are, boyfriend!" masiglang inangkla ng diyosa ng asul na apoy ang braso niya kay Rosh. Agad umangat ang kanang kilay ni Noella at ilang beses siyang napatingin sa braso ng diyosa ng asul na apoy at sa mukha ni Rosh na tila nawala sa sarili.

"Boyfriend... boyfriend..." paulit-ulit na usal niya na pilit inaalala kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon. "I heard it from somewhere..." naiiling na sabi niya.

"B-boyfriend mo siya?" tanong ni Noella.

"Yes!" ngiting sabi ng diyosa ng asul na apoy na may kasama pang paglundag.

Kumunot ang noo ni Rosh habang nakatingin sa diyosa ng asul na apoy. Sinubukan niyang tanggalin iyong braso ng diyosa ngunit mas humigpit lang ang hawak nito sa kanya.

"We have to go. I found someone better than him. Nasa labas na siya. Kulang sa confidence ang boyfriend ko na 'to, e."

"What are you talking about, goddess of the blue fire—"

"Sshh!" inilagay ng diyosa ng asul na apoy ang kanyang hintuturo sa labi ng prinsipe para pigilan itong magsalita. "Babe, you forgot about our date!"

"You already got a girlfriend, and you still flirted with me? Seriously!" sa isang iglap ay lumipad ang kanang kamay ni Noella sa pisngi ng prinsipe na nanlalaki ang mga mata sa gulat.

Eksaheradang tinakpan ng diyosa ng asul na apoy ang mga labi niya na tila gulat na gulat.

"W-Why?" nagtatakang tanong ni Rosh na hindi na sinagot ni Noella na umalis na sa likuran ng kurtina.

"You should go, Rosh. Hindi magandang magtagal ka rito. You'll be trapped."

"Why did she slap me?" tanong ni Rosh na tila hindi narinig ang sinabi ng diyosa ng asul na apoy. "I heard that word before..."

Kung kanina ay pangalan ni Claret ang siyang narinig ko, ngayon naman ay ang anak niyang si Divina. Agad napasinghap si Rosh at hinabol niya ng tanaw si Noella na abala na ulit sa kanyang ginagawa.

"I am not your boyfriend! Seriously? Even you?"

Sabay kaming napabuntonghininga ng diyosa ng asul na apoy nang habulin ni Rosh si Noella. Malapit na si Rosh sa likuran ng anak ng diyosa nang maramdaman ko na muli ang higit kong kapangyarihan at ang paglaho ng humaharang doon. Isa lang ang ibig sabihin niyon, maaari ko nang ibalik si Rosh sa tabi ko—sa panahong ito.

"I am not her boyfriend, Astrid."

Hindi siya hinarap ni Noella, sa halip ay tamad niyang inangat ang kamay niya sa ere. "Alright. Go. I am busy."

Nang mapansin ni Rosh ang pagliliwanag ng kanyang katawan, lalo na ang dalawa niyang braso, mapait na siyang napangiti. Sinubukan niyang hawakan si Noella ngunit tumagos na ang kanyang mga kamay sa anak ng diyosa.

Huminga nang malalim si Rosh at nanatili na lamang nakatitig sa likuran ni Noella, pinagsalikop niya na lamang ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likuran upang pigilan ang sariling abutin ang babaeng mahal na alam niyang hindi na niya mararamdaman.

"C-Can you turn around for the last time?"

"Can't you see? I am busy."

Tipid na tumango si Rosh kahit alam niyang hindi siya nakikita ni Noella.

"I'll wait for you, and I..."

Ngunit bago pa man matapos ni Rosh ang sasabihin niya, kusa nang naglaho ang kanyang kabuuan sa isipan ni Noella. Huli na nang lumingon siya sa likuran niya, dahil wala na kahit ang anino ng prinspe roon.

Magkadaop naming mga kamay ni Rosh at lantang lotus ang siyang unang tumama sa aming mga mata. At nang sabay na nag-angat ang aming mga mata, tipid na ngumiti sa akin ang prinsipe.

"Maraming salamat, Leticia."

"Paumanhin kung saglit—" umiling sa akin si Rosh. Naglaho na ang landing lotus sa mga kamay namin at ramdam ko ang tipid na pagpisil niya sa akin.

"Salamat." Ulit niya.

Hindi namin pinag-usapan pa ni Rosh ang nangyaring pagpasok niya sa isipan ni Noella, dahil matapos iyon ay agad na kaming bumalik sa mga kasamahan namin. At dahil marunong bumasa ng sitwasyon ang karamihan sa mga nilalang doon, hindi na sila nagtanong pa kung ano ang ginawa namin ni Rosh.

Bago ako tuluyang humiwalay kay Rosh ay may ibinulong siya sa akin na nakapagpangiti sa akin ng saglit. "But that blue fire is unforgivable. How dare her and her audacity to call me her boyfriend in front of Astrid?"

Tumawa lang ako. "Mukhang pareho nga kayo ni Dastan."

"Huh? What do you mean?"

Nagkibit balikat na lamang ako at hinayaan ang dalawang kamay kong manatili sa aking likuran habang naglalakad patungo sa grupo ng mga babae. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ko ang bagay na iyon, iba talaga ang emosyon ng isang babae.

Hindi ko na kailangan pa ng mga salita dahil agad nakuha ng grupo ng mga babae ang siyang nais ko. Isa-isa silang nagsitayuan mula sa kanilang mga pwesto na parang senyas ko na lamang ang siyang hinihintay. Nang sandaling nagtungo rin ako sa grupo ng mga anghel ay mga handa na rin sila.

Ipapaliwanag na sana ng isa sa mga anghel ang siyang magiging paraan ng aming pagtungo sa kanilang kaharian nang sabay-sabay kaming nakaramdam ng kakaibang presensiya—mga kalaban.

Si Hua ay agad iniharang ang braso sa harapan ko at naging alerto, habang sina Claret, Iris, Harper at Kalla ay pumalibot sa akin. Naghiwa-hiwalay naman sa paligid namin ang mga itinakdang prinsipe habang ang mga anghel ay sinubukang lumipad upang kilalanin ang mga kalaban.

"Leticia, maaari na kayong umalis. Kami na ang bahala rito." Ani ni Zen.

"Don't worry. I'll take care of them." Dagdag ni Caleb habang pa-simpleng itinuturo ang mga itinakdang prinsipe.

"I'll inform them." Sabi ni Seth na lumipad na rin sa ere para sabihin sa mga anghel na sila na ang bahala sa mga parating na kalaban.

"Go get the last relic. Ipinapangako kong walang makakalampas mula rito." Sabi naman ni Rosh.

"Have a safe journey." Tipid na sabi ni Blair. Habang sina Lucas at Nikos ay pareho ring tumango sa akin.

Saglit lang ang pinaghintay namin nang bumalik si Seth kasunod ng ilang mga anghel. Kanina ko pang iniisip kung paano kami makakarating sa kanilang kaharian, pero nang sandaling kapwa kami mapatingala dahil sa aninong ilang segundong tumakip sa liwanag ng buwan, tuluyan nang nasagot ang katanungan ko.

Malaking puting ibon ang siyang unti-unting bumababa sa lupa. Agad kaming inanyayahan ng mga anghel na sumakay roon. Ngunit bago kami tuluyang humiwalay sa grupo ng mga lalaki ay kanya-kanya kaming paalam sa isa't isa.

Mahigpit na yumakap si Harper sa kanyang mga kapatid. Nakailang halik pa ang prinsipe ng mga nyebe kay Claret, tinapik lang ni Lucas ang balikat ni Iris at yumakap din ako kay Nikos.

"Matatapos din ang lahat, Nikos..."

Ngumiti siya sa akin. "Walang imposible sa 'yo, mahal na reyna."

Isa-isa akong nagpaalam sa kanila at ang nasa huli ng hilera'y si Rosh. Sa halip na magsalita'y nag-abot siya ng pulang rosas sa akin.

"Thank you..." usal niya.

Tumango ako sa kanya. Kapwa na nakasakay ang mga kababaihan at si Hua sa ibabaw ng malaking ibon, habang kapwa pormal na nakatindig at bahagyang nakaangat ang mga mata ng mga prinsipe, Lucas, at Nikos.

Isa sa mga anghel na lalaki ang siyang naglahad ng kamay sa akin upang alalayan akong umakyat sa malaking ibon. Nakatalikod man ako, ramdam ko na sa akin na ang atensyon ng naiwan na kalalakihan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahirapang huminga at bumilis ang pintig ng puso ko, siguro'y dahil ito na naman... sasabak na naman ako sa panibagong pagsubok.

Panibagong grupo... panibagong kakayahan.

At nang sandaling tuluyan na nga akong tumuntong sa malaking puting ibon at tumanaw ako sa ibaba kung saan kapwa nakatingala sa akin ang mga nakahilerang pinakamalalakas na nilalang ng Parsua, muli kong naramdaman na hindi lang ako simpleng diyosa...

Hindi ako taksil at hindi ako mahina. Dahil ang mga titig nila sa akin ay nagsusumigaw ng respeto at paggalang— matinding paggalang sa kanilang reyna.

"Hanggang sa muli..."

Nang sabihin ko iyon kasabay nang malakas na pagpagaspas ng malalaking pakpak ng puting ibon at unti-unti nitong pag-angat sa ere, sabay-sabay rin yumuko sa harapan ko ang nakahilerang nilalang at hindi man tinangkang mag-angat ng tingin hanggang sa tuluyan nang naglaho sa alapaap ang aming sinasakyan. 

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

997K 76.3K 53
Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never be entangled with them or that's what sh...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
3.8M 134K 36
The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na s...
3.5K 240 22
❝ Na-seen ka na nga, itinuloy mo pa. ❞ • Buong buhay ni Andrei, nakontento siya sa pagtanaw sa crush niyang si Noah mula sa malayo. Mula first grade...