Over And Over Again (On-Going)

By Ms_NLD

936 446 132

Did I really meant to be broken forever? Should I always hold to thier promises? I don't know I once promise... More

Prologue
Chapter 1: Whats happening?
Chapter 2: Blurred
Chapter 3: Unknown
Chapter 4: Meetup
Chapter 5: Who you?
Chapter 6: Work
Chapter 7: Memories
Chapter 8: The Start
Chapter 9: Common friend
Chapter 10: Glimpse
Chapter 11: The Kiss
Chapter 12: Fall
Chapter 13: SVIP Unit
Chapter 14: The Owner
Chapter 15: Questions
Chapter 16: Trapped
Chapter 17: Coincidence
Chapter 18: With You
Chapter 19: The Truth
Chapter 20: Rest Day
Chapter 21: Back to the RW
Chapter 22: Brotherly Love
Chapter 23: Finally Home
Chapter 24: Tragedy
Chapter 25: Safe
Chapter 26: Another Man
Chapter 28: Triple Pain
Chapter 29: Yes???
Chapter 30: Suitor x Family
Chapter 31: Decision
Chapter 32 : Hours with him
Chapter 33 : Debut
Chapter 34: Painfalls

Chapter 27: Confession

10 4 0
By Ms_NLD

"Dito na rin yon magaaral? Gulat na tanong ko kay Rui.

"Oo nga paulit ulit" tamad na sagot nya.

"Pero almost half na nang school year. Pano sya pinayagan?" Takang tanong ko.

"Ewan ko, basta dito na sya mag-aaral" sabi nya at iniwanan na ako. Ay bastos talaga.

"Oyyy sandali lang. Bat ba bigla bigla ka nalang nangiiwan"  sambit ko nang mahabol sya.

"Puro ka kasi Lau, bat di nalang sya kausapin mo" masungit na sambit nya.

"Oyyy nagtatampo. Wag ka nang magtampo, naiintriga lang talaga ako sa kanya." Sabi ko at nagulat ako ng bigla syang lumingon.

Tinitigan nya ako nang parang inaalam kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"Ano namang tingin yan? Dukutin ko yang mata mo ehh. Totoo nga kasi yon" sabi ko dahil tila nangaasar ang mga mata nya.

"Ayy ayaw mo maniwala bahala ka" sabi ko at nauna nang maglakad.

"Sinasabi mong iniiwanan kita pero ikaw tong malinaw na nangiiwan" sabi nya at humabol sa akin. Natawa nalang ako sa kanya dahil naiimagine kong nakanguso sya habang sinasabi iyon.

Binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa tumakbo na ako.

"Kaye wag ka ngang tumakbo. Lampa ka pa naman" sigaw nya.

Hindi ko sya nilingon at mas binilisan pa ang pagtakbo. Nang ilang segundo ang lumipas ay nilingon ko sya habang tumakbo pa rin. Nakita kong binuka nya ang bibig nya ngunit dahil malayo na ako sa kanya ay di ko iyon narinig at tila may tinuturo pa sya sa harap ko.

Binalik ko ang tingin sa daan at bigla kong naramdamang may yumakap sa akin kasabay ng pag-basak ng katawan ko sa lupa.

Nilingon ko ang kotseng kanina ay muntik na akong sagasaan. Deretsyo lamang ang mabilis nitong takbo, tila walang nagawang mali. Gumalaw ang tao sa likod ko dahilan para lingunin ko sya.

"Lau?"
"Kaye?"
Sabay na sambit namin

"Kaye ayos ka lang?" tanong sa akin ni Rui nang makalapit sya, kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata nya habang sinasabi iyon.

"Oh Lau ikaw pala yan. Salamat" sambit ni Rui nang mapansing katabi ko ito. Matapos nyang sabihin yon ay binalik nya sa akin ang tingin.

Iaabot na ni Rui ang kamay nya sa akin upang tulungan akong tumayo nang maunahan sya ni Lau. 

Ok, kaninong kamay ang kukuhanin ko? Si Rui ba na best friend ko o si Lau na best friend nya at kani-kanina lang ay niligtas ako?

Pinili kong kumuha ng suporta sa kamay nilang dalawa. Nang makatayo ako ay tumahimik ang paligid, tila biglang naging akward sa di ko malamang dahilan.

"Ouhm Lau, thank you." Basag ko sa katahimikan, hindi sya nagsalita at tumango lang.

"Uhm, una na kami ni Kaye, may pupuntahan pa kami ehh" saad naman ni Rui at tinapik sa balikat si Lau. Nang makatalikod kami ay bigla nya kaming tinawag.

"Rui, I think it's the right time para ipakita natin kay Kaye yung bahay" sambit ni Lau.

"Oo nga Kaye, ano? Tara?" Excited na tanong ¡sa akin ni Rui.

"G" maikli ngunit nakangiti kong tugon. And that's what I like about Rui, he can easily change the atmosphere by just his energetic voice.

***
Nagpresinta si Lau na kotse nya nalang ang gamitin ngunit sinabi ni Rui na dala nya ang kotse nya kaya sa kanya ako sumabay.

Tahimik lang kami buong bhaye sa di ko malamang dahilan. Madalas kasi ay nagsusurahan kami sa kabuuan ng byahe. Pero nanahimik nalang ako kasi baka pagod narin sya.

"May problema ba?" Tanong ko kay Rui ng di ko na kibayang manahimik.

"Wala, may iniisip lang ako" kahit di ako kumbinsido sa sagot nya at tumango nalang ako.

Tumingin nalang ako sa labas habang nakasandal ang ulo ko sa bintana, kinakabisado ang bawat madadaanan sa pupuntahan namin.

Ilang saglit pa at bumungad na sa akin ang isang bahay. Maliit lang ito ngunit masasabing pinagkagastusan dahil sa itsura nito.

Pag-baba ko ng kotse ay narinig ko ang pag hampas ng mga alon sa  matigas na bagay. Tanda na malapit lang dito ang dagat. Lumapit pa kami ni Rui sa bahay at nakumpirma ko nasa bandang gilid ng bahay ay naroon ang dagat.

"Ang ganda"  sabi ko out of nowhere. Tumingin ako kay Rui at nagulat akong nkatingin din pala sya.

"Oo, ang ganda nga" sabi nya ng nakangiti.

"Rui, tara na sa loob" sambit ni Lau pagkarating nya.

Nauna na syang pumasok at sumunod nalang kami. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang pagkaelagante ng loob ng bahay.

"This house is made for me and Lau"  saad nya ng makapasok kami sa loob ng bahay.

"Anong taon ba kayo nagkakilala?" Tanong ko habang iniikot ang mga mata ko sa paligid.

"When we were just five, we already know each other"  sagot naman ni Rui na ikinamangha ko.

Tinour nila ako sa loob ng bahay at dahil sa pareho silang nagsasalita ay halos di ko na maintindihan ang sinasabi nila. May nakita ako kaninang sulat sa pader ng pangalan ni Lau at Rui at sabi nila yun daw ang pinakauna nilang nilagay dito sa bahay pagkatapos itong mabuo. Tumawa pa sila kasi yun din daw ang unang beses na sabay silang napagalitan.

Ilang saglit pa ng pagiikot ay napagpasyahan namin na kumain nalang at nag-presinta ang dalawa na sila nalang ang magluluto. Hinayaan ko nalang ang gusto nila habang pinapanood ko sila. Ang kalat na dito sa kusina, mali yatang hinayaan kong silang dalawa ang magluto.

Nang matapos silang magluto ay sabay silang humarap sa akin hawak ang mga potaheng niluto nila. Mukhang masarap ang mga ito ngunit di ko mapigilang di matawa dahil sa mga itsura nila.

Nagtaka sila kaya tumingin sila sa isa't isa at nagsimulang tawanan ang kaabnormalan nila.

Now, mas napapansin ko na yung connection sa kanilang dalawa. Their really close to each other, at talagang masasabi kong matagal na silang magkasama. At hindi hadlang yung mga years na naghiwalay sila para mawala ang connection na yon.

They build their friendship like a concrete and I know that this house is one of the thousand witnesses of how they built it. I wonder kung ano yung pinakamalaking bagay na hindi nila napagkasunduan.

"Ano yung pinakamalalang bagay na napagawayan nyo?"  Tanong ko habang kumakain kami

"Well, wala pa naman" tugon ni Lau at sumubo.

"Pa? So may balak kayong magaway?"  Tanong dahil parang may balak ehh

"There's no imposible, love" sagot muli ni Lau.

Nasamid ako matapos nyang sabihin yon. Anong sabi nya love? Kelan pa naging love ang kaye.

"Tubig?"
"Water?"
Sabay na alok ng dalawa.

Balak kong kuhanin ang kay Rui ngunit sa kakamadali ay hindi ko napansing kay Lau pala ang nakuha ko. Nang marealize ko iyon ay binaba ko ito, kunwareng tapos na ako uminom.

Liningon ko ang kamay ni Rui at nahuli kong kumuyom ang isa nyang kamay na malayo sa akin. Kahit na halos mapurga na ako sa tubig ay kinuha ko ang hawak ni Rui at inubos iyon.

***
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hanggang sa bakasyon nanaman. Gustong pumunta nila Cali dito ngunit sa kasalukuyan ay nagsisimula na ang klase sa kanila kaya't si Rui at Lau lamang ang madalas kong makasama.

Si kuya busy masyado sa OJT nya kaya minsan ko nalang makita sa bahay. Si mami naman nag-tatrabaho kaya wala rin sa bahay, so wala talaga akong choice.

Antagal naman ni Rui. Sya nagsabi nito eh, ano nanaman kayang nangyari dun, di na sya nalelate simula nung nasa mall.

Mga 5 minutes pa ang lumipas at natanaw ko na ang kotse ni Rui. Dahil tinted ito ay hindi ko sya makita. Hinintay kong buksan nya ang bintana bago ako lumapit sa kotse.

"Lau?" Sabi ko nang makita kong sya ang nasa driver seat.

"Wala si Rui, hindi daw sya makakasama ngayon kaya pinakiusapan nya ako na samahan nalang daw kita."  Sagot naman nya.

"Bakit daw? Syaka bakit kotse nya yung gamit mo?" Tanong ko pa.

"May biglaang lakad daw sila sa Pangasinan. Hindi sya dapat sasama kaso ayaw syang payagan ng dad nya. Ano tara na?" Pagpapaliwanag nya

Tumango nalang ako at sumakay ng kotse. Pagsakay ko ay agad kong tinext si Rui.

RUI:
       OYY, bakit di mo sinabing di ka makakapunta, maiintindihan ko naman ehh. Andaya mo!!!! Sa susunod di na talaga ako sasama sayo.

Kahit na naisend ko na iyon ay di ako mapakali kaya balak kong tawagan na sya. Hinanap ko ang name nya sa contact ko at nang makita ko ito ay pipindutin ko na sana ang call ngunit kinuha ni Lau ang phone ko.

Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na sya. "He's on meeting with the shareholders ng isang company nila."

Tumango nalang ako at inabot nya na ang phone ko. Binalik ko ito sa bag ko at tahimik na tumitig sa daanan.

"Miss mo ba sya?"  Biglang tanong nya. Dahil sa hindi ko inaasahan ang tanong na iyon ay bigla akong nalunod sa laway ko.

"Hindi noh, naiinis lang ako. Bat kasi hindi man lang sya nagsabi" totoo ngunit may halong kasinungalingang sabi ko.

Tumawa nalang sya nang mahina sa sagot ko. Ano kayang nakakatawa don.

"Kalimutan mo na sya..." Sabi nya ngunit di nya yon naituloy dahil nilingon ko sya. Aba anong kalimutan.

" I mean kalimutan mo na muna sya. Maganda don sa pagdadalhan ko sayo." Pagtatama nya ng sinabi nya.

"Oo na nga" sabi ko at inalis muna sa isip ko si Rui.

Ilang sandali pa ang lumipas at huminto na ang kotse. Bumaba ako nang kotse at labis akong namangha nang halos abot kamay ko na ang mga ulap. Mula dito ay malinaw kong nakikita ang syudad at kitang kita ko ang araw na pababa na.

"Ang ganda!" Tanging nasambit ko. Noon ay pinangarap kong mapunta sa lugar na ito ngunit nawala ang pangarap kong iyon nang malaman kong sa ganitong lugar iniwan ni dad si mom.

"Salamat" humarap ako kay Lau at binigkas ang katagang iyon.

Kumunot ang noo nya sa sinabi ko, nagpapahiwatig na naghahanap ito ng dahilan.

"Thank you because you help me fulfilled one of my dreams na akala ko malabo nang mangyari. Thank you for making me realize that  no matter how bad things happen in this kind of place, It will never change the fact that it is still beautiful and worth to see. Thank you so much." Hindi ko batid kung naintindihan ba nya ang sinabi ko ngunit niyakap ko nalang sya.

What he did is just a simple thing but because of it, I think I already like him.

Umupo kami sa pwesto kung saan maayos naming makikita ang paglubog nang araw. Magkasabay namin itong hinintay at nang pasimula nang lumubog ito ay saktong tinawag nya ako.

"Kaye" tawag nya sa akin.

"Bakit" sagot ko nang nasa harap pa rin ang tingin.

"The day I saw you, there's a feeling inside me  that I can't explain. But now I already know it, I thought I already felt it with other girls but I'm wrong because I felt it first on you." Nang marinig ko ang mag katagang yon sa kanya ay hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nagkunwari akong nakatingin sa araw ngunit nasa sinasabi nya ang focus ko.

"I know you heard me. Kaye, I'm Inlove with you" and there, he confess it.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Yes I like him but I don't love him. Anong dapat kong gawin, anong dapat kong ikilos, hindi ko alam. It's super akward.

To Be Continue...

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 23.1K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
65.2K 1.8K 20
Her name is Brielle Lauren Griffin, the youngest student teacher from Merrol Hyde Academy. SheΚΌs not just an ordinary teacher, because she is also a...
144K 2.4K 47
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
31.3K 44 10
❌️ MATURE CONTENT ❌️ People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take to give in to temptation? Different lives and a sneak peek...