Chapter 10: Glimpse

25 10 8
                                    

Nakita ko gulat sa kanyang mga mata ng magtama ang mga mata namin.

"K-kaye?" Halos pabulong na bigkas ni Rui.

"Sya ba yung sinasabi mong kaibigan mo?" Pag babalewala ko sa narinig kong bulong ni Rui.

"Uhmm oo. Magkakilala kayo?" Nalilitong tanong ni Rill.

"Uhm parang ganon na nga. All I know is his name" sagot ko kay Rill. Nakita ko ang pagiwas ni Rui nang tingin na animo ay nasasaktan.

"Uhmm sa tingin ko sa bahay nalang nila Rui natin to pagusapan. Lalong lumalakas yung ulan ehh.." putol ni Rill sa usapan.

"Sige, you both just use this umbrella." Sabi ni Rui habang bumaba sa kotse si Rill.

"Hindi na, kayo nalang ang gumamit." Sabi ko at kinuha ang susi ng kotse sa harap. Akala ko ay pumunta na sila sa kotse ngunit si Rill nalang ang nakita ko na nasisilungan ng payong. Kahit na malakas ang buhos ng ulan ay malinaw ko pa ring narinig ang busina ng kotse sa di kalayuan.

"Tara na?" Sabi ni Rill. Bumaba na ako dahil wala na rin akong magagawa pa at siniguradong nakalock ang pinto at bintana.

May parte sakin ang bumubulong na dapat ay sa passenger seat ako umupo, parang sinasabi nito na ako ang karapat dapat doon ngunit dinala ako ni Rill sa harap ng pinto ng backseat. Wala na akong nagawa at pumasok nalang sa loob. Akala ko ay tatabi sya sakin ngunit sinarado nya ang pinto at nagtungo sa tabi ni Rui. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kahit na hindi naman dapat. Pakiramdam ko ay naagawan ako ng isang bagay na gustong gusto ko. Natigil lamang ang pagiisip ko ng magsalita si Rill.

"Ok ka lang dyan Kaye? Gusto man kitang tabihan kaso magmumukang driver natin si Rui." Malumanay na sabi ni Rill

"Oo naman" pagsisinungaling ko. Hindi ako ok na nandito ako, para gusto ko syang itulak palabas ng kotse tapos ako ang uupo don o kaya parang gusto ko nalang sabihin na tabihan nya ako dito. Mukang mas maganda yung huli, ayokong maging mamamatay tao.

Nag uusap silang dalawa at minabuti ko nalang na isindal ang ulo ko sa bintana at sa labas ang tingin. Para akong nagseselos na ewan. Sana talaga di nalang ako pumayag, para akong nakipaglaro sa kaibigan tapos sya lang ang nageenjoy kasi sya lang ang may hawak. Hindi naman dapat ganto eh. Sino ba sya? Ni hindi ko nga yata sya kaibigan eh, pero bakit nasasaktan ako ng ganito?

"Kaye!" Halos pasigaw na sa tawag sakin ni Rill.

"Ah, ano ulit yon? Inaantok na kasi ako eh, pagpasensyahan mo na." Pabirong sabi ko.

"Sinabi ko lang kung paano kita na meet" sabi ni Rill ng lumingon sya sakin. Di na ako nag-abalang sagutin sya at tumango nalang.

"Go sleep, medyo malayo pa naman tayo sa bahay. Just make sure to wear a seatbelt" biglang sabi ni Rui. "Malikot ka pa naman matulog" bulong nya pa. Nagkibit balikat nalang ako sa narinig ko at pinulupot na sa sarili ang seatbelt. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa unti unti nang maging tahimik ang paligid.

***

Nagising nalang ako ng maramdaman ko na buhat na ako. Hindi ko na kailangan pang imulat ang mata ko para makilala ang taong may buhat sakin. Sa amoy palang ng pabango nya na Eternity Men by CK at sa mga bisig nya, alam ko na si Rui ito.

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tama nga ang hinala ko, diretso ang tingin nya sa daan at tila malalim ang iniisip.
Pinikit kong muli ang mga mata ko dahil alam ko na magiging akward kung bigla na lang akong magigising na hawak nya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ilang sandali lang ang lumipas ay naramdaman kona na lumapat ang likod ko sa malambot na higaan.

Over And Over Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon