Chapter 32 : Hours with him

3 2 0
                                    

"We're here!" Sambit ni Rui ng itigil nya na ang kotse.

"Hepp, walang bababa. Kelan pa nga kasi kayo naging close ni kuya???" Pagpupumilit ko. Simula kasi nung umalis kami paulit ulit ko nang tinatanong sa kanya yon at paulit ulit nya ring sinasabing hindi ko na dapat malaman.

"Hindi mo na dapat pa yong malaman. Ok? Wag ka nang makulit  tara na" sabi at tinanggal na ang seatbelt nya. Napanguso nalang ako ng bumaba na sya ng kotse nang hindi man lang sinasagot ng maayos ang tanong ko. Wala na rin akong nagawa kundi bumaba na rin ng kotse.

Nauuna syang maglakad sakin kaya parang gusto ko syang itulak sa sobrang inis ko. Nang itutulak ko na sana sya ay bigla naman syang lumingon umakto nalang akong kinakamot ang leeg ko. Umaling iling lang sya tapos parang tumawa then naglakad ulit. Ay nakakainis!!!

"Hindi mo talaga sasabihin?" Last na toh, pag di pa nya sinagot si kuya na kukulitin ko mamaya.

"Hindi"  sagot nya at lumingon sakin bago buksan ang pinto ng botique.

"Bahala ka nga" sabi ko at padabog na pumasok.

"Good day ma'am" nakangiting bati sakin nung isang staff na sinuklian ko lang ng ngiti. "May reservation po kayo?" Dugtong na tanong nya.

"Uhm, not sure po ehh. But meron po bang reservation under Kestellion Dela Cruz?" Sagot na tanong ko. May paganito pala bakit ndi ako ininform ni kuya.

"Ichecheck ko lang po. Umupo po muna kayo don Ma'am, Sir." Sagot nya sabay turo dun sa sofa.

Tinanguan ko lang sya at nung umalis sya ay pumunta na ako don sa sofa at pabagsak na umupo.

"Oyy, umayos ka nga ng upo mo. Hindi nyo to bahay" suway ni Rui at umupo sa tabi ko.

"Naka pantalon naman ako noh." Sabi ko at tinulak sya palayo.

Sasagot na sana sya ng dumating ulit yung staff.

"Wala pong reservation under Kestellion Dela Cruz. But are you Kaye Dela Cruz?"  Sabi nang staff.

"Yes po, I'm Kaye Dela Cruz." Sabi ko at lumapit sa kanya.

May I see your ID, Ma'am?" Tanong nya.

"Here" sabi ko sabay abot ng school Id ko. Si Rui naman naglakad na papalapit samin.

"Tara na po don sa loob. Nakaready na po yung mga dress" sabi nung staff at nauna nang maglakad papunta dun sa isang room.

Pagpasok ko sa kwarto ay bumungad sakin ang mga mannequin na may suot ng makukulay at kumikinang kinang na mga gown.

"Ito po yung three gown na sinabi nang mommy nyo na pagpipilian nyo po."  Sabi nung nagpakilalang designer kanina na nakalimutan ko agad ang pangalan kasi busy ako sa mga gown.

Nilingon ko ang tinuro nya at agad na binihag ako ng isang simple ngunit eleganteng gown. Almost pastel green ang kulay non at sa hindi ko malamang dahilan ay nakikita ko ang pagiging Pilipina sa gown na yon.

Nilapitan ko ang gown at tiningnan ang mga detalye nito habang si Rui ay nakamasid lamang sa akin.

Lumapit ang babae sakin at pinaliwanag kung anong mayroon sa gown ngunit hindi ko rin naintindihan ang lahat ng sinabi nya.

Over And Over Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon