Chapter 30: Suitor x Family

2 2 0
                                    

Lumipas ang isang buwan at higit akong napapalapit kay Lau. Binibigyan nya ako ng mga bulaklak at labis akong natutuwa sa mga ngayon sapagkat paborito ko ang bagay na yon. Halos oras oras ay nandyan sya sa tabi ko ngunit sa kabila nang lahat ng yon ay hindi ko kayang maging masaya ng lubusan.

Napapansin ko ang unti unting pagiwas sa akin ni Rui. Sa tuwing inaaya ko syang lumabas ay palagi syang may dahilan hindi tulad non na sya ang palaging nangyayaya.

Namimiss ko na sya pero mabuti na rin sigurong ganto nalang, sa gantong sitwasyon baka mas mapadaling maayos ang lahat sa tamang panahon.

***
Naglalakad ako ngayon papunta sa wishing well na palagi naming pinupuntahan nila Mommy at Kuya nung bata pa ako.

I used to believe in this wishing well before. Palagi ko kasing nagkukuha yung wish kong laruan dito as in ang galing hindi pumapalpak.

Pero isang araw galing kaming school for family day, yun yung araw na sobrang lungkot ko kasi lahat ng kaibigan ko may kasamang tatay pero ako nanay at kuya lang. Sabi ko kay Mommy daan kami ng wishing well and pumunta nga kami.

For the first time, I desperately wish in that well na sana makasama ko ang tatay ko kahit isang araw lang. But days, weeks, months and year past nothing happen. Ni anino ng tatay ko wala and yon ang dahilan kung bakit hindi na ako naniniwala dito. After non kahit na binabalik ako dito nila mommy at kuya hindi na ako humihiling dahil hindi rin naman matutupad.

But now, nandito ako ulit. Umaasa na sana sa muli kong paghiling sa balon na ito ay matupad. Kinuha ko ang lahat ng barya ko sa bag ko at pumikit para humiling.

"Sana maging masaya kaming tatlo sa hinaharap. Hindi man sa piling ng taong nais namin ngayon." Bulong ko bago ihagis ang lahat ng baryang hawak ko sa balon kasabay ng pag-asang matutupad muli ang hiling gaya dati.

"Kaye!" Tawag sa akin ni Lau habang nasa loob sya ng kotse. Nginitian ko sya at naglakad papunta sa kanya at sumakay na sa kotse.

Napagkasunduan na kasi naming ipapakilala ko na sya as suitor sa kanila mommy at kuya since once in a year lang kung umuwi si mommy sa bahay.

"Ok lang ba yung suot ko? Magustuhan kaya ako ni Tita Margaux?"  Kabado nyang tanong sakin. Natawa nalang ako dahil ok lang naman sya, masyado nga syang pormal sa suot nya ehh.

"Wag mo kong tawanan, kinakabahan na nga ako dito ehh"  tila batang sambit nya

"Chill Lau, ok lang yung suot mo. Syaka just be yourself magugustuhan ka ni mommy." Sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa harap.

"Eh how about sa kuya mo? Unang beses palang ako nakita non mukhang papatayin na ako eh. Pano pa kaya pag sinabi kong liniligawan na kita." Sabi nya at ngumuso.

"Ganon talaga si Kuya. Just prove to him na deserve mo ko den kahit na matatagalan magugustuhan ka rin nya for me. So bali liligawan mo rin sya." Sagot ko at tumawa.

"Ayy basta, gagawin ko lahat para sayo naman toh eh" banat nya. Napailing nalang ako sa sinabi nya.

Sa buong byahe namin ay puro sya banat at ako ayon natatawa nalang. Kasi naman with oa na feelings pa sya habang sinasabi nya yung mga yon.

Over And Over Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon