Chapter 20: Rest Day

16 3 0
                                    

Habang naglalakad kami ay kinulit ko lang sya ng kinulit about girl na yon, but as expected, wala rin akong napala.

Medyo madilim na rin ng makauwe kami at agad naman kaming pinagpalit ng damit ni Lola Feliz, si Sherin naman kahit basa pa ako niyakap agad ako. Naawa ako kay Sherin, lumalaki sya without her parents, yung akin na dad lang, pero sobrang sakit lalo na nung kaedad ko lang sya.

***

Nasa kwarto ako ngayon at sa tingin ko ay tulog na ang lahat ng kasama ko sa bahay ngunit ako ay gising na gising pa rin.

Gumugulo pa rin sa isipan ko ang nangyari kanina. Pakiramdam ko kulang ang narinig ko kay Rui. Parang may mali, pero hindi ko masabi kung ano yon. Yung nangyari kanina parang tailer lang sya nang nangyari before. Pakiramdam ko maraming kwento pa ang nag-tatago sa mga sinabi ni Rui.

Pero dahil siguro yon sa panig nya palang ang naririnig ko. Siguro dapat kausapin ko rin si Lau about don. And speaking of Lau, walang kahit ano akong naramdaman ng sabihin sa akin yon ni Rui at kung meron man yun ay kahihiyan. Nahihiya ako dahil para sa isang lalaki ginawa ko yon, nahihiya ako dahil naging duwag ako at tinakasan ko ang problema ko, nahihiya ako dahil ang tanga tanga ko sa desisyon kong yon.

Kailangan kong ayusin ang lahat ng ginawa ko, haharapin ko na ang problemang ilang taon kong tinakasan. Pero magagawa ko lang yon kung magiging honest ang tao na nasa paligid ko.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa paborito kong tambayan pag gabi sa bahay na ito. Tumungin ako sa mga bitwin at sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla kong naalala ang nangyari nung araw na naligaw ako at napunta sa isang bahay, kung saan nabasa ko ang pangalang Lau at Rui.

May be hindi aksidente na napunta ako sa lugar na yon, maybe I used to go in that freaking house 4 years ago. The only thing to find out is bumalik ako sa lugar na yon pero kailan?.

"Gising ka pala hija." Biglang sabi ni Lola Feliz na ikinagulat ko naman.

"Ayy!, may iniisip lang po ako. Kayo po, bat po gising pa kayo?" Balik na tanong ko. Lumapit sya sa railings at tumingin din sa langit kaya binalik ko na rin ang tingin ko makikinang na bitwin. Maliwanag ito ngayon gaya ng buwan, kitang kita sila hindi gaya kagabi.

"Gaya ka rin nya" mahinang sabi nya.

"Poh?" Takang tanong ko.

"Nang kapatid mo" maikling tugon nya. Lalo naman akong naguluhan. Bat nadamay si Kuya.

"Kilala nyo po si kuya Kestellion?" Tanong ko pa.

"Hindi sya hija" sabi nya at tinap ang balikat ko sabay alis na. Naiwan naman akong nakatulala.

Lola naman ehh, dalawa lang naman kaming mag-kapatid. Dagdag pa to sa iisipin ko ehh.

***
Napagpasyahan ko na mag-laba ngayon, para kahit papano ay makapag pahinga ang isip ko sa issue ko. Pumunta ako sa likod ng bahay at nilapag ang planggana malapit sa balon, inalis ko ang takip non at medyo natakot ako dahil ang lalim nito. Hindi ko na makita yung tubig. Take note hindi ito sosyal na balon, kaya pala ang haba ng tali nung timba. What if mabitawan ko yung timba edi naka perwisyo pa ako, ayss bahala na. Hinawakan ko ang dulo ng tali at sa isang kamay ay yung timba. Huminga akong malalim at nakapikit na binagsak ang timba.

Nang makarinig ako ng pagbasak ng timba sa tubig ay syaka ko lang dinilat ang mga mata ko. Nang maramdaman kong may laman na ay mabilis kong inangat ito mula sa tubig, wrong move kasi muntikan na akong mahulig buti nalang may humawak sa bewang ko.

Teka!!! Sinong nakahawak sa akin. Bigla akong humarap at dahil don ay nabitawan ko ang tali. Hindi ko pa nakikita ang mukha nya ay binalikan ko ng tingin ang nahulog na timba.

Tuluyan kong hinarap ang taong humawak sa akin kanina at nakasandal lang sya sa puno ng mangga sa gilid ng balon. Hindi ko alam kung inis ba tong nararamdaman ko o kilig. Ang gwapo nya sa porma nya nagyon. Plain white shirt lang naman yon at tri-cut short.

Ayy hindi galit ako. Kasalanan nya yon kaya nahulog.

"Bat ba bigla bigla ka nalang dumadating huh? Tingnan mo nahulog tuloy yung timba" paninisi ko kay Rui.

"Kung di ako biglang dumating ikaw ang nahulog" chill na sagot nya.

"So inaamin mo na kasalanan mo yon?" Tanong ko, di naman kasisya tumutol ehh.

"Ikaw kaya ang nakahulog. Tinulungan lang kita" sagot nya at kinuha ang manggang malapit sa kanya at nilagay sa isang gilid.

Lumapit sya sa akin at tumingin sa loob ng balon.

"Bat ba kasi pahihirapan mo yung sarili mo dyan kung pwede ka namang sa poso mag laba" sabi nya sabay turo sa dulo ng bahay. At may poso nga, bat di ko yon nakita.

"Ehh baka hindi ko alam na may poso, diba" sabi ko at kinuha ang plangganang may laman ng mga lalabhan kong damit. Iniwanan ko sya don at nagtungo sa poso. Tinapat ko ang planggana sa bunganga ng poso at nang igagalaw ko na ang hawakan ay hindi ko magawa. Masyadong matigas di ko na magalaw, kaya siguro di ko nakikita na pumupunta dito so Sherin or si Lola Feliz.

"Need help?" Maikling alok ni Rui.

"No need, dun kana" sabi ko at pinilit na itaas baba yung handle pero ayaw talagang gumalaw.

"Sure ka na?" Ndi ko alam kung tanong ba yon or nang-iinis na sya kasi mukhang pinagtatawanan lang ako ng gago

"Oo dun kana" sabi ko at nang tumalikod sya at sinubukan kong ilagay ang lahat ng bigat ko ngunit wala pa rin

Bigla syang lumingon kaya nakita nya ako na ganon ang style. Nakakahiya. Lunapit sya sa akin na parang seryoso pero parang nangiinis lang din.

"Ako na nga, dun kana" sabi nya at tinuro ang lalabhan ko ng makalapit sya sa akin. Namamangha na ako sa kanya, ako hirap na hirap then sya isang kamay Lang ok na, anong gusto ng poso na yan, lalaki lang ang hahawak sa kanya? Aysss unfair....

To Be Continue....

A/N: Sorry sa mga readers nito dahil now lang ako nag-ud. Hindi ko alam kung kelan ulit. Tambak modules namin ngayon ehh, siningit ko lang mag sulat...

Over And Over Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon