Chapter 2: Blurred

77 53 10
                                    

Halos isang oras na hindi maka move on ang mga kaibigan ko sa pag banggit ko sa lalaking yun. Actually ako rin, hindi ako makapaniwala. Iniisip ko pa lang na ikwento ang lalaki o palabasin sa bibig ko ang mga pinag gagagawa nila, good or bad, di ko na magawa. Panong sa isang encounter ko sa matapobreng yun nakalimutan ko ang isa sa unang pinangako ko sa sarili ko..
Yun na nga pagkatapos ng nangyari, pumasok na kami sa mall. Syempre hinatak na nila ako sa food court, dahil kanina pa nagrereklamo ang tiyan nila lalo na si Quen.

"Hoyy" halos pasigaw na sabi ni Cali, sabay palo ng may kalakasan sa braso ko..

"Aray ahh" reklamo ko..

"Ehh ikaw kasi, halos ubusin na namin yang nakalagay sa plato mo di mo pa rin napapansin" bigla naman akong napatingin sa plato ko at laking gulat ko ng nawala na ang karne sa plato puro gulay nalang. Masyado nga yatang malayo ang narating ko..

"Wow ahh. Naisipan nyo pang tirhan ako.. Kuhanin nyo na rin kaya to" sarkastikong sabi ko habang tinutulak sa harapan nila ang pagkain ko..

"Ano ba kasing iniisip mo? Yung nangyari kanina? Wag mo sabihing nabighani ka nang lalaking nakagasgasan mo ng kotse" halos di ko maintindihan na tanong ni Quen, dahil kinuha nga nya yung pagkain na natitira pa sa plato ko.

"Oyyy anong iniisip ka dyan. Hindi sya ang naiisip ko, kundi panong nakalimutan ko yung promise ko sa sarili ko na almost 6 years kong pinanindigan" pagamin ko sa kanila.

"Well yeahh, kaya nga kahit kami nagulat kanina ehh. Buong akala namin di ka magsasabi tungkol dun, gaya ng ginagawa nang mga nakaraan" seryosong sabi ni Rain

"The moment you made that promise kasama mo na kami, kaya kahit kami di makapanila. Hayss may improvement kana Kaye, baka susunod inlove kana, yieehhh..."
Mapangasar na sabi ni Cali.

"Tama na nga yan, gayahin nyo si Quen tahimik" sabi ko para manahimik na sila.

"Oyy Kaye, mas madaldal yan samin, ganyan lang yan pag may pagkain kaya wag mong hilingin na gayahin namin sya dahil baka maguho ang mundo mo" sabi ni Rain at tumawa kasabay si Cali.

"Ayy ewan" sabi ko para matapos na.
"Waiter" tawag ko sa waiter upang omorder ulit dahil nga inubos ng tatlong magaling na babae ang lunch ko at nang dumating sya ay tinuro ko ang isa sa main course nila at omorder lang ng 4 na shake. Pinaalis ko na agad yung waiter dahil alam kong hahabol pa ng order tong si Quen.

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa cellphone ko habang hinihintay ang order ko para hindi na ako ang maging topic nila.

Nabitawan ko ang selpon ko ng maramdam ko ang lamig at panlalagkit ng katawan ko dahil sa chocolate shake na tumapon sakin.

Over And Over Again (On-Going)Where stories live. Discover now