Chapter 27: Confession

10 4 0
                                    

"Dito na rin yon magaaral? Gulat na tanong ko kay Rui.

"Oo nga paulit ulit" tamad na sagot nya.

"Pero almost half na nang school year. Pano sya pinayagan?" Takang tanong ko.

"Ewan ko, basta dito na sya mag-aaral" sabi nya at iniwanan na ako. Ay bastos talaga.

"Oyyy sandali lang. Bat ba bigla bigla ka nalang nangiiwan"  sambit ko nang mahabol sya.

"Puro ka kasi Lau, bat di nalang sya kausapin mo" masungit na sambit nya.

"Oyyy nagtatampo. Wag ka nang magtampo, naiintriga lang talaga ako sa kanya." Sabi ko at nagulat ako ng bigla syang lumingon.

Tinitigan nya ako nang parang inaalam kung nagsisinungaling ba ako o hindi.

"Ano namang tingin yan? Dukutin ko yang mata mo ehh. Totoo nga kasi yon" sabi ko dahil tila nangaasar ang mga mata nya.

"Ayy ayaw mo maniwala bahala ka" sabi ko at nauna nang maglakad.

"Sinasabi mong iniiwanan kita pero ikaw tong malinaw na nangiiwan" sabi nya at humabol sa akin. Natawa nalang ako sa kanya dahil naiimagine kong nakanguso sya habang sinasabi iyon.

Binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa tumakbo na ako.

"Kaye wag ka ngang tumakbo. Lampa ka pa naman" sigaw nya.

Hindi ko sya nilingon at mas binilisan pa ang pagtakbo. Nang ilang segundo ang lumipas ay nilingon ko sya habang tumakbo pa rin. Nakita kong binuka nya ang bibig nya ngunit dahil malayo na ako sa kanya ay di ko iyon narinig at tila may tinuturo pa sya sa harap ko.

Binalik ko ang tingin sa daan at bigla kong naramdamang may yumakap sa akin kasabay ng pag-basak ng katawan ko sa lupa.

Nilingon ko ang kotseng kanina ay muntik na akong sagasaan. Deretsyo lamang ang mabilis nitong takbo, tila walang nagawang mali. Gumalaw ang tao sa likod ko dahilan para lingunin ko sya.

"Lau?"
"Kaye?"
Sabay na sambit namin

"Kaye ayos ka lang?" tanong sa akin ni Rui nang makalapit sya, kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata nya habang sinasabi iyon.

"Oh Lau ikaw pala yan. Salamat" sambit ni Rui nang mapansing katabi ko ito. Matapos nyang sabihin yon ay binalik nya sa akin ang tingin.

Iaabot na ni Rui ang kamay nya sa akin upang tulungan akong tumayo nang maunahan sya ni Lau. 

Ok, kaninong kamay ang kukuhanin ko? Si Rui ba na best friend ko o si Lau na best friend nya at kani-kanina lang ay niligtas ako?

Pinili kong kumuha ng suporta sa kamay nilang dalawa. Nang makatayo ako ay tumahimik ang paligid, tila biglang naging akward sa di ko malamang dahilan.

"Ouhm Lau, thank you." Basag ko sa katahimikan, hindi sya nagsalita at tumango lang.

"Uhm, una na kami ni Kaye, may pupuntahan pa kami ehh" saad naman ni Rui at tinapik sa balikat si Lau. Nang makatalikod kami ay bigla nya kaming tinawag.

Over And Over Again (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon