EA II: Battle Between Two Kin...

By CurrentlyUnavailable

292K 10.7K 1K

It's easy to make friends but it's hard to leave them. For the second time, i lost them. Nawala ang dalawa sa... More

Author's Note
chapter 1: start
chapter 2: the orientation
chapter 3: training
chapter 4: Mission
chapter 5:
chapter 6: on our Mission
chapter 7: recruitment
chapter 9: birthday part 1
chapter 10: birthday (part 2)
chpater 11: transferee
chapter 12: Unexpected
chapter 13: Why?
chapter 14: Her
chapter 15: warning
chapter 16: his side
chapter 17: death
chapter 18: gone
chapter 19: war?
chapter 20: truth
chapter 21: facing them
chapter 22: betrayed
chapter 23: Glenda
chapter 24: he's back
chapter 25: she's back
chapter 26: compensation
chapter 27: not her!
chapter 28: suspicion
chapter 29: not again
chapter 30: revelation
chapter 31: who's who
chapter 32: air vs. an impostor
chapter 33: the Phantom Queen
chapter 34: the culprit
chapter 35: invitation
chapter 36: Triggering memories
chapter 37: Dumbfounded
chapter 38: the battle between two kingdoms
chapter 39: the final stage
Epilogue
Note note note
CurrentlyUnavailable's Notification
attention! xD

chapter 8: N.O.

6K 250 20
By CurrentlyUnavailable

a/n: waahh! thank you sa inyo! at least nagiimprove ang mga comment haha. thank you talaga at sana magpatuloy pa ito haha. chapter 8 updated. enjoy reading!

Chapter 8: N.O.

Roshan POV

 

“how I wish nauna ang EA na irecruit ako. Kaso may nauna na eh…”

“huh? What do you mean?” nakakapagtaka naman ang mga sinasabi nya? does that mean nasa isang magical academy din sya?

“hahaha. What I mean is sayang at walang nakitang potential sa akin ang EA kaya ayan, ibang school ang nag recruit sa akin. Sa Eirelbaid college ako ngayon. (pronounced as airlbayd). Public school sya na kahit sino ay pwedeng pumasok” sabi nya

“wow. Gusto kong pumunta don. Pwede ba akong bumisita sayo don?” gusto kong Makita yung school. Interesting ang pangalan eh haha.

“haha balang araw makakapunta ka din don”

Nagkwentuhan lang kami buong gabi, bonding na din naming  dalawa haha.

~*~*~*~

*who lives in a pineapple under the sea? SPONGEBOB SQUAREPANTS!*

 

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Oo! Yan nga ang ringtone ko, pinaltan ko na. at least yan ang cute ng boses at syempre theme song namin yan ni spongebob no! hahaha

Bumangon na ako. At ang unang sumalubong sa akin ay si Natalie na naghahanda ng pagkain sa mesa.

“o, gising ka na pala. Kain ka muna oh. Tapos kung maliligo ka naman, nasa may dulo lang ng bahay na ito ang CR. May spare towel ako jan at spare clothes na pwede mong gamitin.”

Wow. Hindi naman ako special guest ano? Pero kasi bestfriend ko sya dati kaya siguro natural lang na ientertain nya ako. And I’m greatful for her treating me like this.

“salamat Natalie. Thanks for these” sabi ko sa kanya at nagsmile sa kanya.

“you know Aouie, kulang pa ito sa atraso ko sayo eh. Umalis ako ng walang paalam, at madami akong nagging kasalanan sayo, kaya sana mapatawad mo ako.” Ramdam ko ang sincerity.

“ano ka ba! Hindi naman ako yung taong madaling magtanim ng galit. Tampo siguro pwede pa pero hindi naman ako madaling magalit. I know you know that”

Kumain na ako, kumain na kami. Kasabay ko syang kumain. Hmm… ano ba to? Wow Tinola! This was my favorite when I was young. Namiss ko ito!

“wow! Ang sharap naman nito! Ikaw nagluto?” kahit punong puno ang bibig ko nagsalita pa ako. Buti na lang at hindi tumalsik yung mga kanin sa bibig ko. Grabe namiss ko ang tinola! Maluha luha na nga ako ngayon eh haha.

“uy! Dahan dahan lang! baka mabulunan ka!”

Ngumiti lag ako sa kanya at patuloy na kumain. Pero maya maya pa ay nakaramdam na ako ng hirap sa paghinga. Feeling ko may bumabara na sa lalamunan ko. Tinapik ko na yung may bandang puso ko sa sikip na naramdaman ko.

“uy Aouie! Okay ka ang!? Eto uminom ka.” May inabot sa akin si Natalie na isang dark colord na liquid. Sa sobrang sikip ng dibdib ko at alam kong nabulunan ako, hindi ko na inalam pa kung ano ang likidong iyon at ininom ko na lang ito.

Maya maya pa ay nawala na ang bara sa lalamunan ko. Lumuwag na ulit ang daluyan ng hangin sa akin. Hndi na masikip o mabigat ang dibdib ko. In short, buhay pa ako!

“whoo! Akala ko mamamatay na ako dun eh! Haha” grabe kabado talaga ako dun. Feeling ko kasi hindi ako makahinga kasi nabilaukan nga diba? Tsk tsk tsk, may namamatay din pala sa katakawan. Ang takaw ko kasi eh tsaka masyado akong nagpadala sa emosyon ko.

“by the way Nat, ano yung pinainom mo sa akin kanina? Bakit kulay black?” curiosity lang po.

“ah yun ba? Blackberry juice yon haha. Freshly made at ako ang nagharvest at nag juice dyan kaya ganan.”

Woah! Ang galing haha marunong syang mag gawa ng fresh blackberry juice! Fresh yun take note! FRESH! Kaya pala parang may nalunok akong something kanina na maliit, siguro butil yon.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Wow, ang cute naman ng dress na ito haha. Sabi ni Natalie, bagong undies at bagong clothes daw ito kaya ang saya ko haha, ang bait nya no?

Isinuot ko na ang simple white shirt at pinatong na ang blue palda na hanggang above the knee na madaming layers haha. Nagsuklay na ako at sinuot ang doll shoes na suot ko kahapon. Lumabas na ako sa kwarto at nakaayos na din sya.

“oh, tara na at sasamahan na kita kina Cyril” sabi nya sa akin.

Lumabas na kami sa bahay nya at naglakad na. sobrang tahimik naming dalawa kaya ako ang nagpasimulang dumaldal.

“Nat, kwentuhan mo naman ako tungkol kay Margaret” sabi ko sa kanya pero bigla syang tumigil sa paglalakad kaya maging ako ay napatigil din. pero nag resume sya sa paglalakad matapos nya akong tingnan saglit.

“umm… wala akong masyadong alam sa kanya. Hindi naman kasi kami close non. Basta ang alam ko ay ayaw nyang tinatawag syang Margaret or Avery. Basta ang gusto nya sya si Cyril. Cyril lang ang itatawag sa kanya”

“eh anong mangyayari sayo kapag tinawag mo syang Margaret o Avery?”

“simple lang. kwento sa akin ng kaklase ko, nung may tumawag daw sa kanyang lalaki ng Margaret, isa lang ang nangyari. Nakasaksi sya ng lumilipad na sapatos na may killer hills”

“eh? May pakpak na killer hills?” meron na pala non? San nakakabili non?

“tss… nauto ka nanaman. Syempre joke lang yun no. uto uto ka pa rin pala hanggang ngayon” medyo napatawa sya sa akin. Aba malay ko bang nagiimbento to!

“so, anon gang nangyayari?”

“ewan. Basta sabi nila ayaw daw nun na tatawagin sya sa ibang pangalan bukod sa Cyril. “

“ahh…” buti na lang pala at sinabi nya yon. At least hindi sya magagalit sa akin haha. “eh bakit hindi kayo close?”

“ah, kasi hindi naman sya palakausap eh. Madalas nasa isang sulok lang sya nagbabasa ng libro. Wala syang gaanong kaibigan at palagi syang magisa. Kung baga, pang loner, parang walang umiintindi sa kanya, para syang… invisible?”

Invisible. Para syang invisible. Hindi kaya sya na nga ang hinahanap namin?

“ROSHAN!” napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Napahinto kami ni Natalie sa paglalakad.

Sina kuya Daren pala kasama sina Micla, ate Emryde, Amber. Malayo layo pa sila sa amin pero tinawag na niya agad ang pangalan ko. Ngayon ko lang napansin na nasa intersection na pala kami. Ang bilis pala naming maglakad, o baka masyadong malapit lang ang bahay dito ni Natalie.

“kilala mo sila?” tanong sa akin ni Natalie. Hindi ako nagsalita pero tumango na lang ako.

Nang makalapit na sa amin sila kuya Daren, agad ko sila isa isang niyakap. As in super hug haha. Akala ko nga iniwan na nila ako eh.

Napalingon ako kay Natalie pero parang umiiwas sya sa mga kaibigan ko. Umiiwas nga ba o ako lang nakaisip non? O baka naman natatakot lang sya sa mga kasama ko dahil legendary sila? Ay ewan!

“grabe kuya! Akala ko iniwan nyo na ako! Nasaan nga pala sina kuya Arthur at Blair?”

“huh? Hindi mo sila kasama?” nagtatakang tanong ni ate Emryde

“edi sana hindi nya tinanong kung alam nya diba?” namimilosopong sagot ni Micla.

Dinala na kami ni Natalie sa bahay ni Mar--- Cyril pala. Habang naglalakad kami ay hindi na ako pinansin pa ni Natalie. Ewan ko nga kung bakit parang sudden change of mood yung babaeng yon eh. Hindi ko naman magawang basahin ang inisip ni Natalie kasi nag promise ako sa kanya na hindi ko iyon gagawin.

Pagkadating na pagkadating naming lahat sa tapat ng bahay nila Cyril, agad kaming kumatok. At may nagbukas naman agad ng pintuan. Isang babaeng ang tantsa ko ay nasa mag 40’s na ang edad.

“ano kailangan nila?” tanong niya sa amin.

“ah, mawalang galang na ho, may isa po bang Margaret Avery Cyril Tan ang naninirahan dito?” tanong ni ate Emryde

Hindi agad agad nakapagsalita si manang, mukhang kinilatis muna nya ang mga mukha namin. Yung totoo? May problema ba sa mukha namin?

“wala. Walang nakatirang ganoon dito” sabi naman ni manang.

Nang isasara na ni manang ang pintuan, may narinig kaming isang pamilyar na boses na tinawag ang isang pamilyar na pangalan…

“ISA ARTHUR! SUBUKAN MONG INGUDNGOD ANG MAGANDA KONG MUKHA SA PUTIKAN NA IYAN! IPAPATAPON KITA SA NEVER LAND PARA NEVER NA KITANG MAKIKITA!”

Yung totoo? Boses ni Blair yun ah? At ano daw? Never land? Tss, maka Peter Pan pala siya. So ibig palang sabihin dito sila napapunta.

“wait lang po!” sabi ko kay manang sabay singit ng paa sa may pintuan. Yun lang ang naisip kong paraan para hindi nya maisara ang pintuan eh.

“ano bang kailangan niyo hah? At sino ba kayo? Anong kailangan ninyo sa amin?” mukhang uminit na ang ulo ni manang.

“ah eh, by any chance po, may napapunta po ba ditong isang dalagang nagngangalan na Blair po at isang binata na nagngangalang Arthur?”

Nagisip muna si manang, as usual. Pero agad nyang binaling ang tingin sa akin.

“anong kailangan ninyo sa kanila? Kilala nya ba kayo?”

sabi ko na nga ba eh. Nandito lang sila

“mga kaibigan po nila kami” sagot naman ni kuya Daren.

Mukhang naghesitate pa si manang pero tinawag naman niya ang dalawa naming kaibigan. Maya maya pa ay binalikan na niya kami at pinapasok sa loob.

“maupo muna kayo diyan mga iha at iho, ipaghahanda ko muna kayo ng tanghalian” sabi naman ni manang. “pagpasensyahan ninyo na ako dahil pinagdudahan ko kayo, pero nakita ko namang mabait itong dalawang ito at mukhang ang sweet pa nila. Akala ko nga mag nobyo at nobya ang dalawang ito eh” sabay turo kina Blair at Arthur

Pfffttt… yung totoo? Yang dalawang yan? Sweet? Haha eh para ngang aso’t pusa eh haha

“o sya, pumarito na kayo at nang makakain na kayo” sabi sa amin ni manang.

Nung una, nagkakahiyaan pa kami pero nung ako na ang unang tumayo, nagsunuran naman sa akin. Eh sa gutom na ako eh! Wala kayong magagawa haha. nakakapago kayang maglakad!

“Cyril anak! Sumabay ka na dito sa mga ito!” tawag ni manang. Pero nung narealize ko kung anong pangalan ang narinig ko, bigla akong napahinto sa pagsubo ko.

“manang, yung sinabi ninyo po ba sa amin na wala pong Margaret Avery Cyril Tan na nakatira dito, totoo po ba iyon?”

“hindi tootoo iyon. Kaya ko lang iyon sinabi ay para protektahan ang anak ko.”

“protektahan po sya?” tanong ni ate Emryde

“oo. Hindi kasi nakakuha ng test sa EA si Cyril dahil nagkaroon sya ng sakit noong mga panahong iyon. At simula noon ay halos araw araw na may nagpupunta dito, tinatanong kung dito ba sya nakatira. Meron pa ngang nagpunta dito na ang sabi nila oras daw na malaman nila na nandito si Cyril ay papatayin daw nila ako. Buti na lang at nakakapagtago ng maigi itong si Cyril sa tuwing may humahalughog ng bahay namin.”

Sa narinig namin, otomatiko kaming nagkatnginan pito. Hindi kaya… hindi kaya mga taga Diablerie ito? Ito kaya ang pinagkakaabalahan nila kaya hindi sila nagpaparamdam sa EA? Hindi kaya…

Dumating na ang sinasabi nilang si Cyril. Lahat ng titig namin ay nakpako sa kanya. Ramdam kong nahiya naman sya sa amin, siguro kasi naramdaman nya ang awkward feeling na lahat ng mata ngayon ay nakatingin sa kanya.

Tahimik kaming kumain, kasabay si Cyril. Masyadong tahimik to the point na nguya lang ng malulutong na pagkain ang maririnig mo.

Nang makatapos na kami ay agad na nagsipuntahan sila sa sala. Niyaya kasi sila ng manang na manood ng horror, the conjuring ata. Pero napansin ko na lumabas si Cyril kaya agad ko syang sinundan.

Natagpuan ko sya sa may swing sa labas. Hindi ko alam na may mini playground pala dito. Mag isa lang syang nakaupo doon. Dalawa ang swing at yung isa ay na occupy na niya. Umupo naman ako sa isa pang swing sa tabi nya. Sa gulat nya ay napalingon sya sa akin.

“hi!” bati ko sa kanya pero hindi pa din napapaltan ang nagaalalang expression niya sa mukha.

“ano ang kailangan ninyo sa akin?” tanong niya. Alam kong awkward ang first conversations pero hindi ko magagawa ang mission ko kung hindi ko kakapalan ang mukha ko.

“to be honest, nandito kami para isama ka sa EA” panimula ko. Mas maganda kung straight to the point na.

“tss. Marami nang nagsabi nan sa nanay ko and isa lang ang sinasabi ko sa kanila. N.O.”

Mukhang pahirapan ang pagrerecruit ko dito ah. Inilabas ko na ang papel sa mini bag ko. Nasa akin kasi ang profile ng tatlong pinaghihinalaan na may legendary.

“ito…” binigay ko sa kanya yung papel at agad nyang kinuha ito. “we’re on the good side. Enchanted Academy ang isang kilalang magical academy na layuning protektahan ang mundo laban sa Diablerie. And ikaw na lang at ang water elementalist ang hinihintay”

“eh bakit basa to?” tanong nya sa akin. Huh? Basa?

“ahh… pasensya na at pasmado lang ang kamay ko.”

Mukha namang binasa nya ito at sana lang pumayag sya para matapos na ito. Ay wait… hindi ko pa nga pala nalalaman kung totoo bang isa syang legendary.

Ang ginawa ko ay hinawakan ko ang may bandang braso nya at kunwari ay pinu-persuade ko sya na sumama sa amin sa EA. Pero ang totoo ay binabasa ko na ang basic info’s nya.

Margaret Avery Cyril Tan. Has an element of invisibility. Mahilig sa ‘the amazing world of Gumball’. Mahiyain.

 

Confirmed. Sya nga ang invisibility element.

“please, sumama ka na sa amin. Kapag nagkataon na Diablerie ang nakakuha sayo, I know it’s the end of the world. So, to maintain its peace, kailangang mabuo ang legendary at maipagtanggol nito ang mundo laban sa mga witches and dark wizards ng Diablerie. “

Mukhang nagiisip pa sya. Alam kong mahirap ang magiging disisyon niya dahil napagdaanan ko din yan. Alam kong mahirap iwanan ang mga taong mahal mo sa buhay pero kailangan mong magpunta para iligtas lang sila sa kapahamakan.

“kapag ba sumama ako, may kalayaan pa din ako? I mean pwede pa din akong magbasa ng libro, matulog ng payapa, manood ng ‘the amazing wolrd of gumball’?” tanong nya. Pero hindi sya nakatingin sa akin, nakatingin sya sa malayo.

“syempre naman. Sigurado akong mag enjoy ka sa Academy”

“kapag ba sumama ako, sigurado kayong magiging isa akong magaling na element holder at hindi ako makakapagdulot ng mga kapalpakan sa inyo? Hindi nyo ako sisisihin sa kahit na anong bagay?” interview portion na ito.

“oo naman. Lahat tayo ay may kanya kanyang responsibilidad na dapat gampanan. At nandito kami para i-guide ka, para tulungan ka sa abot ng aming makakaya” wooh. san ko nakuha yon?

“sigurado ba kayong… hindi mapapahamak si nanay kapag sumama ako sa inyo?”

Sabi na nga ba at itatanong nya din ito. Alam kong mahal nya ang nanay nya, lahat naman tayo mahal natin sila eh, hindi ba? Pero hindi ko masasagot ang tanong nya kasi hindi ko naman alam ang mangyayari sa future.

“all I can say is that, ang Academy na ang bahala sa bagay na iyan. I’m sure they’ll make sure na safe ang nanay mo at alam kong magpapadala sila ng mga bantay sa kaligtasan ng mama mo kung yan ang inaalala mo.”

“alam ko naman yan. Pero hindi mo masabing hindi mapapahamak ang nanay ko dahlil ako ang puntirya nila hindi ba? Ako ang target nila kaya gagawa at gagawa ng paraan ang dark side para lang makuha nila ako. And it’s possible na gamitin nila ang nanay ko dahil alam nilang sya ang kahinaan ko.”

May point sya dun. Mahirap talaga ang mapatungan ng malaking respunsibilidad. I always tell myself that great power comes with great responsibilities. and that is one of the reasons why i don't want to be a legendary element holder.

“tingnan mo, hindi ka makasagot. That’s why my answer is No. N.O.” pagkatapos nyang sabihin yon ay tumayo na sya at akmang papasok na ulit sa loob. pero hinatak ko muna ang kamay nya at may ibinigay sa kanyang papel na maliit.


“sakali mang magbago ang isip mo, tawagan mo lang ito. Number yan ng EA service at dadalhin ka nan sa EA. Tandaan mo, hanggat wala kang pinipiling kampo na papanigan, patuloy pa rin na manggagambala ang dark side.  I know making descisions is the hardest part of life pero hindi mo ito matatakasan. Your faith will drag you to where you should be, no matter what happens.”

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nauna na akong pumasok sa bahay nila. Dumeretso ako sa sala kung saan rinig na rinig mo ang pag irit ni Blair at ng iba pa.

“guys let’s go. Baka mamaya gabihin pa tayo at wala nang masakyan na bus.” Sabi ko sa kanila. Nasa mukha ila ang pagkadismaya pero agad silang tumayo agad.

“tita, una na po kami. Salamat po ng marami!” paalam ni Blair. Syempre lahat kami nag bye bye at nagpasalamat. Nagpatuloy na kami sa pagbalik sa academy. Sana lang ay i-consider ni Cyril ang lahat ng sinabi ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

518K 3.8K 5
Si Louise Hamilton, isang basag-ulong estudyante na mapapasabak sa isang paaralan na hindi niya kinalakhan. Matuklasan kaya niya ang purpose niya sa...
187K 5K 56
book 2 po ito ng Z.A.. dapat po nabasa nyo muna ang book 1 para maintindihan ang book2... tnx...
459K 33.2K 53
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
76.8K 2.9K 55
book 3 of Enchanted Academy ^_^ > Book 1: Enchanted Academy > Book 2: EA II: the battle between two kingdoms so kung hindi po ninyo nababasa pa ang...