Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

APOSTLE THIRTEEN SPECIAL

186K 4.8K 3.8K
By altheadelarama

THIRD PERSON POV


"Sigurado ba kayo dito?"

"Nandito na tayo saka pa ba aatras..."

"Kapag nahuli tayo..."

"Hindi tayo mahuhuli kung walang magsasalita..."

"Ang ingay nyong dalawa..."

"Dyan na lang..."


Mabilis ngunit tahimik silang bumaba ng sasakyan at pagkatapos ay tumuntong sa ibabaw nito para makasilip sa kabila ng pader. Hindi naman ganun kataas ito at isabay pa na dilaw na hummer ang gamit nilang sasakyan kaso nga lang, masyadong mahigpit ang bantay sa lugar.

It's been 16 years ng i-declare na restricted ang buong lugar. Kung ano-anong kwento ang kumakalat kung bakit ito ipinasara. May namatay daw doon at nagmumulto, may nakatira dito na mga lamang lupa o mga ibang nilalang, nakakulong dito ang mga zombies at iba pa. Pero sa kabila ng lahat ng ito, wala talagang nakakaalam ng totoong pangyayari.

Sa kabila ng mga dahilang nabanggit, may ilang tao na nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit ipinasara ang buong lugar.

"Dito naganap ang huling gang war ng mga Apostles hindi ba?"

Nakadungaw ito at pilit na sumisilip sa kabila ng pader. Nakatingkayad na ang paa nito para masilip lang ang kabila. Madilim at walang ilaw isama pa na medyo umaalingasaw ang mabahong amoy sa paligid.

Tumuon sya sa ibabaw ng pader at iniangat ang sarili para makasampa dito. Medyo nahirapan syang humakbang dahil sa liit ng mga paa nito.

"Teka, anong gagawin mo?"

"Walang thrill kung dito lang tayo"

"Ang usapan natin, sisilip lang tayo hindi papasok..."

Kinakabahan na hinila nya ang kasama pababa. Sumama sya sa magkapatid para bantayan ang mga ito hindi para makisama sa gulo nila. Alam nya na mahilig talaga sa mga ganitong gulo ang dalawa at hindi nya maiaalis sa sarili ang hindi mag-alala.

"Talaga? Eh anong ginagawa ni Kuya doon?"

Napatingin sila sa kabilang bahagi ng pader at nakita ang isa pa na nakatawid na din dito. Medyo may kahabaan ang buhok nito at nakapusod sa dulo para hindi humarang sa mukha nya.

"Pasaway talaga ang dalawang ito..."

Wala na syang nagawa kung hindi ang mapatapik na lang sa mukha. Kahit ano pa ang sabihin nya o ipangaral sa mga ito, sigurado naman na hindi sila makikinig. Bahala na lang kung papaano sila papagalitan mamaya kapag umuwi sila.

Iyun ay kung makakauwi nga sila.

Ang lamig ng paligid at kahit wala ng dugo sa lugar, naaamoy mo parin ito. Parang navi-visualize nila ang mga bangkay na nasa paligid, ang mga kaluluwa na patuloy na sumisigaw, ang putok ng baril at mga sigawan.

Binuksan nito ang flashlight at pinailawan ang paligid. Isang abandonadong gusali ang sumalubong sa kanila. Malinis at walang gulo o kalat pero parang mararamdaman mo ang presensya ng mga pangyayari labing anim na taon na ang nakakalipas.

"Dito dali!" bulong ng babae na sinundan naman ng dalawa.

"Dito namatay si Ophiuchus, sabi nila, basag daw ang mukha nito at may tama ng bala sa ulo. Lumuwa pa ang mata nya..." pagkwekwento nito.

"Wag mong sabihin na naniniwala ka doon?" tanong ng kapatid nito.

"Pero sabi nila, heart attack daw ang ikinamatay nya..." saad naman ng pinsan nila.

"Ano ba naman kayo, syempre Apostle war yun, lahat ng mga pangyayari doon, brutal, patayan, yah!!!" at pumorma pa ito na parang may kalaban.

"In short imagination mo lang lahat ng description mo"

"Kuya!"

Napatawa na lang ang pinsan sa magkapatid, umiwas naman ng tingin ang panganay at nakasimangot ang isa.

"Sa tingin nyo naandito kaya yun?"

"Ang alin?"

"Yung maskara ng mga Apostles." Excited na sabi nito na napapatalon pa sa kinalalagyan.

"After the fight, bigla na lang nawala ang mga Apostles at walang nakakaalam kung nasaan na sila. Malay nyo, naiwan nila dito yung mga maskara at—aray! Bakit nambabatok ka?"

Nakahawak ito sa ulo saka tinitigan ng masama ang kapatid. Nasa kalagitnaan pa sya ng pagkwekwento nya at hindi nya maiwasang itago ang excitement sa pagkwekwento lalo na ng tungkol sa mga Apostles pero itong kuya nya, KJ talaga.

"Sira ka ba? Sa tingin mo hahayaan lang nila na maiwan dito ang mga maskara nila at kung maiwan man nila yun, it's been 16 years kaya sigurado na may nakakuha na nun na iba, isa pa, noon paman, sikreto na ang katauhan ng mga Apostles..."

Mas lalong napalawak ang ngiti ng pinsan sa sinaad nito. Alam nyang matalino ito pero katulad ng magulang nya pero hindi nya parin maisip kung papaano nya nagagawang asarin o batukan na lang ng ganun ang kapatid.

"Sinong naandyan?"

Agad nabaling ang atensyon ng tatlo ng isang ingay ang sumalubong sa kanila. Naaninag nila ang liwanag na nagmumula sa flashlight na pilit na hinahanap sila.

"Patay!"

"Takbo!"

Agad na tumakbo ang tatlo lalo na ng makita ng guards na nagpapatrol sa buong lugar. Halos mapasubsob sila sa lupa dahil sa walang preno na pagtakbo makatakas lang dito.

Inalalayan ng dalawa ang babae para makasampa sa pader at saka iniabot nito ang kamay para tulungang makaakyat ang dalawa. Mabilis silang pumasok sa sasakyan at pinaandar ito.

"Woooaahhh!!!"

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng tatlo kasunod ng malakas na halakhak ng makatakas sa guards. Nakita pa nila ang reaction nito habang hinihingal na iniilawan at pumipito sa kanila.

"Shit!"

Agad na kinabig nito ang steering wheel ng isang patrol car ang sumalubong sa kanila.

Alam nila na restricted ang buong lugar at pagkakulong ang katapat ng kung sinoman ang mahuhuli dito pero hindi talaga nila maiwasang hindi pasukin ang lugar at alamin ang kwento sa likod nito.

"Babangga tayo!"

This time, ang pinsan naman nya ang kumabig ng manubela. Napasandal sila at humugot ng malalim na hininga matapos makaiwas sa isa sa mga puno. Napatingin ang tatlo sa isat-isa saka malakas na napatawa.

"Yes!"

"Let me drive!"

Humakbang sa unahan ang babae at itinulak palayo ang pinsan habang nakaalalay sa manubela.

"Wala kang lisensya"

"Who said na kailangan ko ng lisensya para makapagdrive?"

Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito bago binilisan ang pagpapatakbo.

"Woaahhhh!!"

Napalingon sila sa patrol car na malayo na sa kanila saka napa up here sa kapatid. Nasa kalagitnaan na sila ngayon ng highway at hindi parin nagbabago ang bilis ng mga ito.

Napangiti na lang ang isa sa inasta ng kapatid, kahit naman noon pa, mas gusto nito ng mga excitement sa buhay at walang sinasantong batas.

Muntikan na silang mapasubsob at tumilapon sa labas ng biglang tumigil ang sasakyan nila. May naglagay ng spike sa daan dahilan para maflat ang gulong nito.

Napaigtad ang tatlo ng may malakas na pumalo sa ibabaw ng sasakyan nila, isang pulis at nakangiti ito sa mga ito.


"Misael..."

Nakayuko si Misael habang nakatingin sa kanya ang ina. Nasa precinct sila ngayon matapos mahuli ng mga pulis sa patong-patong na kaso. Una, trespassing, pangalawa, overspeeding at pangatlo, ang pagdradrive ng pinsan nito na walang lisensya.

"Misael"

"Sorry mom"

Napabuntong hininga si Amber habang pinagmamasdan ang anak nito, hindi nya alam kung papagalitan ba ito o hahayaan na lang. Isa ito sa mga bagay na kinakatakot nya at ayaw na yaw nyang masangkot ang anak. Kilala nya si Misael, pinalaki nya ito na malayo sa gulo hindi tulad ng naranasan nila pero mukhang nasa dugo talaga nilang mga Stefan na habulin ng gulo kahit saan man sila magpunta.

"I'm disappointed Misael, ikaw ang mas nakakatanda, alam mo ang tama sa mali..."

Mas napayuko si Misael habang nakikinig sa sermon ng papa nito. Umpisa pa lang, alam nya na wala ng idudulot na maganda ang bagay na ito pero hinayaan lang nya. Interesado din kasi syang malaman kung anong meron sa lugar na iyon.

Kung tutuusin, tama si Klio sa sinabi nito kaya mas lalo tuloy nakokonsensya si Misael sa ginawa. Napalingon sya sa mga pinsan na prenteng nakaupo lang sa kinalalagyan.

"Ano bang masama sa pagpunta doon? Gusto lang naman namin makita yung lugar"

Nakasandal si Yesha sa pader habang nakadikwatro ang mga paa nito at nasa batok ang dalawang kamay. Kaninapa ito nakasimangot at bagot na bagot na sa mga pangyayari. Kung pwede nga lang syang umuwi at umalis ay ginawa na nya.

"Wag ka na ngang sumagot" siniko ni Yohan ang kapatid at bumaling kay Klio.

Kilala nya ang uncle nya, kahit na minsan ay mabait ito at hinahayaan sila, iba parin ito magalit, tanging kay Amber lang ito tumitiklop.

"Wala ang parents nyo kaya responsibilidad ko kayo..."

"Oh yeah, kailan ba sila umuwi? Para kaming inire lang tapos bahala ka na sa buhay mo"

"Yesha!"

Nagulat si Amber sa sinabi nito, maging ang mga pulis ay nabigla sa talas ng dila ni Yesha. Napangiti na lang ang isang pulis na nakahuli sa kanila.

"Kung ganon nagpapapansin ka?"

"Ako nagpapapansin? Hindi ah, pansinin lang talaga ako..."

Iniangat ni Misael ang mukha at nahihiyang tumingin sa ama saka hinila ang dalawa.

"Hindi na po mauulit, sorry talaga"

Napakamot na lang sa batok nya si Klio at saka humarap sa pulis na kanina pa nakangiti sa kanila. More or less, nagpipigil ng tawa.

"Tumigil ka nga dyan, Elizalde, wala ka na namang magawa dyan sa buhay mo" naiinis na lumapit si Klio kay Conrad habang pumipirma sa ilang documents.

Hanggang ngayon, hindi parin nya maisip kung papaano naging pulis ang babaerong ito habang sya ay itinuloy ang pagiging architect.

Napatawa na lang si Conrad at saka tiningnan sila Misael at ang magkapatid na nagbabangayan na at nagsisisihan.

"Pasalamat ka, minorde idad ang tatlong yan kung hindi, naikulong ko na sila. Alam mo ba na sila lang ang pumupuno ng log book at report card ko?"

"May pinagmanahan eh..."

Ngumiti si Klio saka tumalikod dito pagkatapos ay lumabas na sila sa precint. Tahimik parin sila habang nasa byahe habang si Amber naman ay hindi maiwasang mag-alala.

Ayaw nyang maranasan nila kung anoman ang naranasan ng mga ito lalo na nung magkaroon ng Gang war.


"Tapos anong nangyari?"

Seryosong nakikinig si Jenna sa kaibigan habang nakaupo ito sa ibabaw ng mesa at naghihintay sa susunod na teacher nila. Ikinuwento agad ni Yesha ang nangyari kagabi at halos hindi na rin nya naintindihan ang sinabi ng teacher nila kanina dahil sa walang tigil na bibig ng kaibigan.

"Eh di nahuli kami hahaha"

"Sa lahat ng nahuli, ikaw pa itong masaya"

Napakunot noo si Jenna habang pinagmamasdan ang kaibigan na walang tigil sa pagtawa. Napapapalo pa ito sa mesa sa lakas ng pagtawa nya. Minsan, gusto na nyang isipin na tibo talaga ito dahil wala man lang kaclass class o kayos ayos gumalaw.

"As if naman kasi na makukulong kami..."

Alam ni Jenna na mula sa maimpluwensyang pamilya ang kaibigan at hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Hindi rin nya itatanggi na minsa, naiispin nya na mula sa isang mafiang pamilya si Yesha o sa kung anomang sindikato dahil sa mga hilig nito.

"Kaya malakas ang loob mo kasi alam mo na hindi ka makukulong..." umiwas sya ng tingin sa kaibigan at umayos ng pagkakaupo.

"Basta talaga may kinalaman sa Apostle Thirteen na yan, nawawala ka sa sarili mo"

"Wag mong minamaliit ang Apostle Thirteen." Napatayo sa ibabaw ng bangkuan si Yesha kaya mas nakaattract pa ito ng madaming estudyante.

"They are the thirteen notorious gangsters in the world, kaya nilang gawing impiyerno ang buhay mo. Ang cool kaya nila lalo na pag sinasabi nila yung..."

"welcome ad infernum..." sabay pa silang sinabi yun.

Hindi na nakakapagtaka dahil ilang beses ng ikinuwento ni Yesha ang tungkol sa bagay na ito at kabisadong kabisado na ng kaibigan nya. Pwede na nga nyang ikwento ulit lahat ng sasabihin ng kaibigan na walang labis o kulang.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Gangster Yesha, Gangster. Gusto mo i-spell ko pa sa mukha mo ha..."

Noon paman, alam nyang weird na ito at iba talaga ang mga hilig kaya nga ilag ang iba nilang kaklase dito. Naaalala pa nya dati ng bugbugin nito yung senior nila dahil lang sa nakita nito ang panty na kung tutuusin naman ay kasalanan din ni Yesha dahil umakyat ito sa puno at hindi tiningnan kung may tao ba sa ibaba.

"Ang sama mo, winawasak mo ang mga pangarap ko"

"Masamang pangarap yan kaya dapat ngayon palang wasakin na"

Napalingon si Jenna sa labas at pinagmasdan ang mga babae na nagkakagulo at nagtitilian.

"at ito naman ang magandang pangarap..."

Bumaling si Yesha kung saan nakatitig ang kaibigan. Kulang na lang ay sumugod din ito sa labas katulad ng ilang babae na nagkakagulo sa hallway.

Napangisi na lang si Yesha sa nakikita nya. Hindi na ito bago sa kanya pero hindi parin nitong iwasang hindi kilabutan sa mga ginagawa ng mga babae sa kuya at pinsan nya.

"Seriously, paano ka nagkaroon ng ganyang kagwapong kapatid at pinsan? Yung totoo, ampon ka talaga noh..."

Nakasimangot na bumaba ng bangkuan si Yesha saka humarap sa kaibigan. Hindi nya maintindihan kung anong nagustuhan ng mga ito sa dalawang yun. SI Misael, amsyadong mabait kaya naging Schoold Buddy President, mabuti nga at hindi pa nito naiisipang magpari samantalang yung kuya naman nya, lagi syang inaaway at inaasar, minsan may pagkabrutal pa.

"Nakakailan ka na ha, sino ba talaga ang kaibigan mo?"

"Ito naman ang bilis magtampo, pinagpapantasyahan ko pa ang kuya at pinsan mo eh..." saka ito yumakap sa kaibigan.

"Wag ka ng umasa, bakla ang dalawang yan"

Napalingon si Yesha at Jenna sa labas ng marinig ang boses na yun, hindi direktang sila ang sinasabihan nito kung hindi ang kasama nya pero saktong sakto sa mismonng pagkakasabi ni Jenna.

Tumalikod na ito sa lahat at saka naglakad papalayo ng may humarang sa harapan nya, nakangiti ito habang nasa bulsa ang dalawang kamay, si Yohan.

"Sinong bakla?"

"Ikaw!" walang alinlangang sinigaw nito sa lahat.

Hindi magkaklase si Yohan at Lara pero madalas nyang marinig na pinag-uusapan ito ng lahat. Isa pa, member din ng student buddy si Lara kasama ng pinsan nitong si Misael.

"Sino?"

Napaatras si Lara lalo na ng titigan sya ni Yohan at nagsimula itong maglakad papalapit sa kanya. Nang wala na syang maatrasan ay saka sya umiwas ng tingin dito at bahagyang itinulak papalayo ang binata.

"Lumayo ka nga sa aking Bakulaw ka..."

Nagsmirk si Yohan saka lumayo dito,"Halimaw"

"Montenegro, Aragon, pinapatawag kayo ng Head Mistress..."

"Ano na namang ginawa mo?" si Misael na bakas ang pag-aalala sa pinsan.

"Bakit ba sa twing pinapatawag ako ng matandang iyun, may ginawa na agad akong mali?"

Sabay na nagpunta ang dalawa sa office ng head mistress. Binuksan ni Yohan ang pinto na nagpangiti kay Lara. Hindi nya naisip na may pagkagentleman din pala ito at pinagbukas pa sya.

Pero lahat ng naisip nyang yun ay naglaho agad ng mauna ding pumasok si Yohan sa kanya sa loob. Muntikan pa syang tamaan ng pintuan sa mukha ng isarado nya ito.


"Nabalitaan ko yung trespassing na ginawa nyo kagabi..."

Nagulat si Lara sa narinig nito, hindi naman sya nagtrespass kagabi o may ginawang kalokohan kaya sigurado sya na si Yohan ang kinakausap ng head mistress.

"Nagtrespass ka? Hanep ka talagang Bakulaw ka" saka siniko siko nito ang katabi.

"Manahimik ka nga..."

Tinapik ni Yohan ang kamay nito papalayo sa kanya. Bakas sa mukha nito ang paginis at irita lalo na at naungkat na naman ang nangyari kagabi.

"Siguro alam mo na kung bakit ikaw ang pinatawag ko?"

Tumingin muna si Yohan sa Head Mistress saka umiwas ulit ng tingin at bahagyang napayuko bagamat sumusulyap sulyap parin ito para makita ang mukha ng huli.

"Dahil masyadong mabait si Misael para gumawa ng kalokohan kaya sigurado na nadamay lang sya at mas matanda ako kay Yesha so obviously pananagutan ko sya..."

"As expected..."

Ngumiti si Eloisa dito at saka sumandal sa kinauupuan nya. Matataas ang grades ni Yohan kahit na may pagkatamad itong pumasok sa klase nya.

"Eh ako po, anong ginagawa ko dito?"

Itinuro ni Lara ang sarili saka nagtatakang tumingin sa headmistress. Naiintindihan nya kung bakit naandito si Yohan pero ang hindi nya maintindihan ay kung bakit naandito din sya?

"Gusto mo ba na isampal ko sayo lahat ng test papers mo, Lara ng malaman mo?"

Napalunok ito at yumuko.

Ayaw na nyang balikan yung mga test paper nya na halos lumuhod na sa lupa. Kasalanan ba nya na hindi sila close ni Math at Science? Pati anong kinalaman ng History sa buhay nya ngayon? Kung future sana ang tinatacle nila eh di mas gaganahan sana syang mag-aral.

Muling bumaling ang Head Mistress kay Yohan na natatawang nakatingin kay Lara. Mukhang gustong-gusto yata talaga nito na naaasar ang isa.

"As punishment, ikaw ang magiging tutor nya until final exams. Kapag bumagsak sya, bagsak ka din kahit maperfect mo pa ang score, naiintindihan mo ba ako, Yohan?"

Sa sinabi nyang yun, nawala ang ngiti sa labi ni Yohan at napalitan agad ito ng pagsimangot. Para tuloy gustong matawa ng Head Mistress sa dalawa.

"At sinong may sabi na papayag ako na turuan ang Halimaw na ito?"

She crossed her arms in front of her and show a big smirk. Matalino si Yohan pero hindi ito katulad ng magulang nya na magaling magpaikot ng tao sa kamay nila.

"Alam na ba ng parents mo ang nangyari sa inyo? If I'm not mistaken, pinagtakpan ulit ng uncle mo ang mga nangyari..."

"Binablack mail mo ba ako?"

This time, mas seryoso na ang boses nito at halatang hindi na natutuwa sa mga pangyayari.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako sa katalinuhan mo pero oo, blackmail nga ang tawag dito at wala kang magagawa kung hindi ang umoo..."

Walang nagawa si Yohan kung hindi ang tumalikod at umalis na lang. Kahit malayo sa kanila ang parents nito ay ayaw nyang bigyan ng problema ang mga ito.

"Malaki ba talaga ang galit sa akin ng matandang iyun? Bakit kailangang ikaw pa ang maging tutor ko kung pwede namang si Misael na lang..."

Pinagmasdan ni Lara si Yohan sa tabi nya mula ulo hanggang paa at hindi parin nawawala ang pagkadismaya sa itsura nito. Napapailing na lang sya habang padabog na naglalakad sa hallway.

"Hindi ko alam na ganun ka pala ka patay na patay sa pinsan ko..." kalmadong saad ni Yohan habang nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay.

"Hindi ah..."

Parang umakyat lahat ng dugo ni Lara sa mukha nito at agad syang nagiwas ng tingin kay Yohan. Hindi nya itatanggi na crush nya si Misael pero hanggang doon lang yun.

"Ano... kasi..." nauutal ito habang kinakapa ang gustong sabihin saka huminga sya ng malalim at sumigaw.

"Sino namang gustong makasama ang isang Bakulaw na katulad mo!?"

Tumigil sa paglalakad si Yohan at humarap dito, hindi masabi ni Lara kung nainis ba ito sa sinabi nya o kung galit ba ito.

"As if naman natutuwa ako na kasama ang isang halimaw na katulad mo..."

Tumaas ang sulok ng labi ni Yohan saka tumalikod ulit kay Lara at nauna ng maglakad.

Sa inis ay napahawak si Lara sa paa nito at hinila ang sapatos pero nakarubber shoes sya at masyadong mahigpit ang sintas nito kaya hindi nya rin ito naibato.

"Kaasar!"

Lumiko na si Yohan sa isang dulo habang diretsyo namang lumakad si Lara pabalik sa classroom nito.

"Maam Yola!"

Ngumiti si Yola at sinalubong si Lara saka pinat ito sa ulo.

"I told you diba? Sa klase mo lang ako tatawaging Maam pero kapag walang klase, tita ang itatawag mo sa akin..."

"Para kang si Uncle Dylan..."

"Wag mong pansinin ang isang yun..."

Napangisi na lang si Lara sa reaction ni Yola. Noong una, akala nya mag-asawa ang dalawa pero hindi pala talaga at ang mas malala, nasabi nya yun sa harap ng mismong asawa nito.


"So..."

Nakaupo ang tatlo sa couch at sa harapan naman nila ay naandoon si Amber at Klio na nakangiti habang magkahawak ang kamay. Agad pinatawag ng dalawa sila Misael pagkauwi ng bahay at ngayon nga naghihintay sila ng kung anomang sasabihin ng mga ito.

"It's our wedding anniversary..."

Masayang saad ng dalawa habang ang tatlo naman ay tahimik lang at nakatingin sa mag-asawa. Naghihintay ang mga ito sa kung ano pang sasabihin nila at sila Amber naman ay ineexpect na magiging excited ang tatlo.

"Ok, pakasaya kayo sa honeymoon nyo, bon voyage!" saka ito tumayo at naglakad paakyat si Yesha.

"Yesha!"

"Sa halip na yung mga kaibigan nyo ang imbitahin nyo, bakit hindi nyo subukang pauwiin yung magaling nyong kapatid? Baka naman sakali na naiisip nya na may mga anak sya dito sa Pilipinas..."

Natahimik na lang sila at saka tumingin sa isat-isa. Ngumiti si Misael at yumakap sa ina nito, ang totoo nyan, kanina lang ay iniisip nito kung anong ireregalo sa magulang pero mukhang mas nauna syang masopresa sa dalawa.

"Congrats, so what's the plan?"

Pinagmasdan ni Klio si Yesha at ganun din si Yohan na nakasunod lang ng tingin dito habang naguusap naman si Misael at Amber. Nang magtama ang paningin nilang dalawa ng pamangkin ay umiwas ito at lumakad na din papalayo.

"Sa tingin mo maganda ito?"

"Ok sya..."

Nilapitan ni Klio ang mag-ina pero hindi parin nya maiwasang hindi mag-alala para sa dalawa. Alam nyang masyadong abala ang magulang ng mga ito at minsan lang umuwi ng bahay kaya naman sila na mismo ang nagbabantay sa kanila.

Isa pa, solong anak nila si Misael at dahil nga sa nangyari noon, hindi na pwedeng magkaanak pa sila ni Amber. Mas mabuti na din na may kasama si Misael na parang mga kapatid na din nito.


"Ginagago mo ba ako?"

Magkasalubong ang kilay ni Yohan kay Lara habang tinatap nito ang ballpen sa ibabaw ng mesa. Nasa library sila ngayon at tinuturuan nya ito sa math, ang problema, nakailang turo na sya dito pero hindi parin nakukuha ng isa ang sinasabi nya.

"Ikaw, ginagago mo rin ba ako? Bakit Math ang tinuturo mo? Gusto mo ba talagang patayin ako!" sigaw nito.

"Silence!!!"

Napatahimik naman si Lara ng maalala na nasa library sila. Nakatitig lang sa kanya si Yohan at alam nya na bored na bored na ito sa ginagawa.

"Kung hindi naman tumataginting na zero ang grade mo sa Math, sa tingin mo tuturuan kita? Talo ka pa ng elementary ah..."

Napasimangot si Lara at sumubsob sa libro sa unahan nito. Nahihilo na sya sa dami ng letter at numero sa harapan nya. Kung tutuusin hindi naman nya kailanngan ito. Sa totoong buhay, kapag marunong kang mag-add at subtract, mabubuhay ka na. Anong kinalaman ng sine, cosine, tangent at derivative sa pagbababayad mo sa cashier at cab? Pati sa pagcocompute kung magkano dapat ang baon mo sa isang linggo?

"Wag mo akong tulugan..." hinila ni Yohan ang libro na nasa ilalim ng mukha ni Lara dahilan para bumagsak ang mukha nito sa mesa.

"Ang sama mo! Ikaw na ang pinakamasamang taong nakilala ko! Lamunin ka sana ng lupa sa kinauupuan mo ngayon!"

"Maging ang lupa, kinikilig sa kagwapuhan ko kaya imposible yang sinasabi mo. Ngayon, sagutan mo na ito para makauwi na ako, may event pa akong pupuntahan..."

Mamaya gaganapin ang Wedding Anniversary nina Klio at Amber, bilang suporta na din, kailangan nilang pumunta kahit ayaw nya ng masyadong madaming tao.

Imbitado ang mga kaibigan ng mga ito at ilan pa lang sa mga yun ang kakilala nya. Ang sabi ni Klio sa kanila, darating daw ang mga importante tao sa buhay ng parents nila kaya gusto nya silang makilala.

"Yabang"

Tinitigan ulit ni Yesha ang papel sa harapan nya, parang gusto na nyang matulog o umuwi o di kaya ay sya mismo ang kainin ng lupa sa kinauupuan nya.

"Bilis na!"

"Bakit ba nagmamadali ka? Ikaw na kaya ang magsagot"

Kinuha nito ang papel at tinitigan. Binasa ang unang tanong at nilaktawan, sunod ang pangalawa at nilaktawan din ito. Nakarating na sya sa dulo ay wala parin itong nasasagutan sa mga tanong na ginawa ni Yohan para sa kanya.

"Okay ah, may date kayo?"

Napaangat ang tingin ng dalawa ng biglang lumapit si Misael at naupo sa tabi ni Lara. Nalaman nito na si Yohan ang magiging tutor ni Lara kay expected nya na dito makikita ang dalawa.

"Patingin nga..."

Kinuha ni Misael ang papel kay Lara at tiningnan ito saka ngumiti. Kinuha nya ang ballpen na hawak ni Yohan at bumaling kay Lara.

"Ganito lang yan..."

Ngunit bago paman ipakita ni Misael ang method sa pagsagot sa tanong, may isang ruler na na humarang sa pagitan ng dalawa. Lumingon sila at nakita si Yohan na nakatitig sa kanila.

"I appreciate your help, pero estudyante ko ang isang ito..."

"Problema mo?"

Ngumiti si Misael at ibinaba nito ang papel saka tumingin sa pinsan na ang sama parin ng tingin sa kanya.

"Sya nga pala, Vice President, hindi ako makakaattend sa meeting mamaya, may event kasi kami sa bahay ngayon eh..."

Napatingin si Lara sa dalawa at naalala nito ang sinabi kanina ni Yohan na may event itong pupuntahan saka nya naalala ang sariling plano.

"Ah, may pupuntahan din ako mamaya eh..."

"Ganun ba? SIge, sabihan ko na lang yung iba na i-cancel..." ngumiti si Misael dito.

Nang bumaling sya sa mukha ng pinsan, ang sama parin ng tingin nito sa kanya na parang binabalaan ito na umalis na.

"Sige, goodluck sa inyo. Mukhang papatayin na ako ng isa dyan kapag hindi pa ako umalis..." saka sya tumayo at lumakad papalayo.

Bumaling si Lara kay Yohan na sa malayo na nakatingin. Hindi nya nagets ang sinabi ni Misael pero hindi na sya makakatagal sa kinalalagyan nya ngayon. Math na yata ang pinakaisinusumpa nyang subject at si Yohan pa ang tutor nya.

Dahan-dahan syang tumayo at humakbang papalayo hanggat hindi nakatingin sa kanya si Yohan pero hindi paman sya nakakalayo ng may humawak na sa laylayan ng palda nya at napatigil sya sa paglalakad.

"Upo!"

"Ayoko na!"

"Upo" saka nito binatak ang palda nito.

"Hindi, aalis na ako, ok lang maging repeater, ok lang na bumagsak!" saka ito hpilit na tumakbo.

"Upo sinabi eh!"

Napatigil ang dalawa ng hatakin ulit i Yohan ang palda nito at tumakbo naman si Lara, dahilan para mapunit ang palda nito at hindi lang sila ang napatigil at napatingin kung hindi ang mga estudyante din mismo sa library.

"Ang sama mo talaga kahit kailan, YOHAN!!!"

Nakapikit si Yohan habang inaalala ng nangyari kanina sa library bago napahawak sa mukha nya at kumirot.

"Anong nangyari sa mukha mo kuya? Konti na lang, mukha ka ng panda hahaha" saka tumawa ng malakas si Yesha.

"Manahimik ka nga"

"Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nyan..." nakangiting saad ni Misael.

"Sino?"

Excited na lumapit si Yesha sa pinsan, tinitigan naman ni Yohan si Misael at nagbabala ito na manahimik din ito pero mukhang gusto talaga syang asarin nito.

"Si Lara Melissa ng class C"

Isang malawak na ngiti naman ang kumawala sa dalawa saka sabay na tumingin kay Yohan bago tumawa.

"Gusto ko syang makilala para sa susunod, alam ko na kung kanino ako lalapit kapag inaaway mo ako..."

"Halimaw talaga ang isang yun- Aray!" napangisi si Yohan ng mahawakan ulit ang sugat.


"Ready?"

Tiningnan ni Klio ang asawa na nagaayos sa harap ng salamin, ngumiti naman sa kanya si Amber bago ito binigyan ng halik.

"Nasa baba na sila..."

Bumaba ang dalawa sa hall kung saan naghihintay ang mga bisita nila. Agad naman silang sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga kasama.

"Happy Anniversary..."

Nilapitan ni Haruna si Amber at yumakap dito. Nakaalalay din ito sa tyan nyang malaki na saka napangiti.

"Ilang buwan na?"

"Pito"

Ngumiti si Amber kay Haruna saka kay Noah bago bumulong ng congrats. This is not the first time pero masaya sya sa dalawa.

"Congrats Noah, pangatlo nyo na yan ah, I'm so proud of you" saka tinapik ni Pierre ang balikat ng isa.

"Wag kang mag-alala parrot, pinagdadasal kita na makabuntis na at habulin ng mga minolestya mo..." si Krey na nakaupo sa couch habang umiinom ng whiskey.

Napapasok na din ito sa politika katulad ng ama at kapatid nya. So far, okay na naman sila ni Skye kahit bibihira silang mag-usap.

"Ikaw din, pinagdadasal kita na magbati na kayo ng asawa mo"

Sinipa ni Krey si Pierre sa likod at napasubsob naman ito sa isa pang upuan. Napansin ni Klio si Christine at Eiji na nag-uusap ng lapitan nya ito. Dati ayaw nitong pumayag sa fixed marriage nila but sooner, napa-OO din ito.

"Babalik din ba kayo agad sa Japan?"

"Oo, kailangan kasi si Eiji sa palasyo..."

Napadako si Klio sa batang karga-karga ni Eiji saka tumawa. Alam nya kung gaano nito kaayaw sa mga bata, sa mga magugulo at maiingay kaya nga lagi itong naiinis kay Krey at Pierre but seeing him with his child, hindi nya maiwasang hindi matawa.

"Nasaan ang asawa mo? Akala ko isasama mo sya?"

Matapos batiin si Klio at Amber ay agad na nilapitan ni Skye si Dylan. Nung isang araw lang ay tinawagan sya nito at naglabas ng himutok sa asawa nya.

"Hiniwalayan nya sya" saka napangiti si Yola kay Dylan.

"Bok naman eh"

"Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae, napakamoody, minsan oo, minsan hindi, minsan ayaw, tapos biglang gusto... mababaliw na ako" saka sumubsob si Dylan sa mesa.

"Baka buntis..."

Napatigil sila sa sinabi ni Prime na nakasandal sa may likod ng couch habang nakatingin sa kanila.

"Kung buntis man ang asawa mo sana wag magmana sayo..." si Yola.

"Bakit naman? Mas maganda nga kung sa akin magmana..."

Napaismid na lang ang tatlo sa sinabi ni Dylan. Alam nila kung anong mangyayari kapag nagmana kay Dylan ang anak nito, kawawa ang bata.

"Kambal may time pa, we can file an annulment para you and Prime hiwalay na..."

"Cly"

Pilit tinatakpan ni Helen ang bibig ni Cly para hindi marinig ni Prime ang sinasabi nito. Kasama ng Helena ang asawa at ito namang si Helen ay ang kakambal.

"It's so sakit that you pili him over me"

"Hindi naman pwedeng magpakasal sayo ang kakambal mo noh!" si Akagi na busy parin sa laptop nito.

"Shut up! You talaga may sala this!"

"Ako na naman ang nakita mo..."

Napangiti si Helen ng maalala ang nangyari sa dalawa. They were both drunk and then yun na, pareho silang nagising sa iisang kama. Nagsisisihan kung sino ba talaga ang may kasalanan but in the end, they both end up with each other.

Clytemnestra and Akagi.

"Asawa ko yan"

At agad namang hinila ni Forex ang asawa papalayo kay Conrad na kanina pa nakatitig dito.

"Iniisip ko lang kung papano ka natagalan ng isang ito..." saka ito napatawa.

Wala paring pinagbago si Forex, puro trabaho parin ang inaatupag nito kaya madalas nila itong lokohin na hindi na ito magkakaasawa at tatandang binata na lang.

"You are?"

"Apol... Apol Dela Rama Streisand"

Binati naman ni Apol sina Amber at yumakap din dito bago iniabot ang regalo. Nilapitan na din ng mag-asawa ang iba pa nilang bisita.

"Sinong nag-invite sa isang ito?"

Napalingon sila sa sumigaw at saka bumaling kay Jaylo o Persona na nasa isang sulok katabi ang isang babae at ang mas malala, nakaposas ang kamay nila sa isat-isa.

"Hoy babae, tanggalin mo ito"

"Ano ako tanga? Tatakas ka na naman kapag ginawa ko yun..."

"Kari!"

Hindi na pinansin ni Kari si Jaylo at ngumiti na lang sa lahat na nakatingin na sa kanila. Amber invited them at sinabi na isama nito si Persona dahil kung si Persona mismo ang iimbitahin nya, siguradong hindi ito pupunta.

Napatingin si Amber sa cellphone nito ng magbeep ito, Azaleia texted her about sa katatapos lang na fashion show sa Paris. Naging mentor sya nito katulad na din ng matagal na pangarap ni Azaleia not only that, Pamela ang the Sista were helping her much to her surprise.


"Anong ginagawa mo dito?"

Gulat na gulat si Lara na makita si Yohan sa balcony ng mansion. Ang gusto nya lang ay ang magpahangin at lumayo sa mga tao since na a-out of place ito pero hindi nya inaasahan na si Yohan ang makikita nya.

Kasama din sa party ang auntie Yola nya at iba pang kaibigan ng parents nya pero hindi nya ito malapitan dahil may mga kausap itong iba.

"Obviously, pamamahay namin ito..."

Alam ni Lara na mula din sa kilalang pamilya ang pamilya nina Yohan at ganun din naman sa kanila pero ang hindi nya matanggap ay ang mga pagkakataon na madalas nilang makita ang isat-isa at isama pa yung nangyari kanina sa library.

"Wedding anniversary ng kaibigan ni Daddy kaya..."

Pagpapaliwanag nito pero umiwas lang ng tingin sa kanya si Yohan. Lalapitan pa nya sana ito ng maalala nya nag nangyari sa library kanina.

"Sorry..." saad ni Yohan.

Nagulat si Lara sa sinabi nito. Alam nya kung gaano kamahal ang sorry ni Yohan at hindi nya ito ginagawa kahit minsan man pero ngayon, ang marinig ito sa kanya, hindi nya alam ang mararamdaman.

Biglang napaatras sya ng picturan ni Yohan ang mukha nya.

"Hahahha, ang epic ng mukha mo. Ganyan ka pala kiligin, mukha kang clown..."

"Yohan!"

Napahawak si Lara sa heels nito pero hindi nya matanggal para ibato kay Yohan kaya naman naghanap sya ng ibang ipambabato o ihahampas dito.

Akala nya sincere na ito sa pagsososrry sa kanya, hindi pala. Pinagtritripan na naman sya nito katulad ng dati.

Nang walang makita na pamalo ay humakabnag ito papalapit kay Yohan para sugurin ng mapatigil sya.

"Lara!"

"Dad..."

Lumingon ito sa kinatatayuan ng ama na nakatingin sa kanya, sumulyap pa sya kay Yohan na nakangiti at nag-tongue out pa sa kanya.

Sinundan ng tingin si Lara habang papasok ito sa loob, hindi nya alam na magkaibigan pala ang uncle nya at ang parents nito.

"Mukhang nage-enjoy ka sa laro mo ah..."

Napalingon si Yohan sa gilid at doon nya napansin si Isly na nakaupo at naglalaro mag-isa ng chess. Lumapit sya dito at naupo sa harap saka iginalaw ang rook.

"She's my piece at wala akong balak na ipahawak sya sa iba..."

Ngumiti si Isly saka iginalaw nito ang bishop nya. Alam nya kung ano ang pinagkaiba nilang dalawa ni Yohan at nang ama nito, unlike them, si Yohan ang tao na concentrated lang sa isa at ginagawa nya ito out of boredom.

"Checkmate"

Napakunot noo naman si Yohan kay Isly saka tinitigan ang board, si Isly ang nagturo sa kanya ng chess at kahit minsan, hindi parin nya ito natatalo. He is also became his mentor since, hindi rin maitatanggi na godfather nya ito.

"Masyado ka yatang nag-eenjoy sa ginagawa mo na hindi ka na nagprapractice..."

"Shut up..."

Tinititigan parin ni Yohan ang board at iniisip kung paano sya natalo ni Isly samantalang ito ay nakangiti lang sa inaanak.

Nagsimula na ang party at kumain na ang iba, kanina pa palingon lingon si Yesha at hinahanap ang pakay nito pero anong oras na, wala parin sila.

"Hahahaha, nagbibinatana na ang Yohan at Misael natin ah, patingin nga"

Hinawakan ni Pierre ang dalawa at pilit na hinahawakan ang patalon ng mga ito, itinutulak naman sya palayo ni Misael na nahihiya na sa ginagawa ng isa.

"Uncle!"

"Excuse me, do I know you?" saka tinapik ni Yohan ang kamay ni Pierre at itinulakd ito papalayo.

"Ako ito, ang pinakagwapo mong Uncle Pierre!"

"Sa pagkakatanda ko, namatay sa STD ang uncle Pierre ko, three years ago..."

Napatahimik naman sila sa sinabi ni Yohan na narinig ng lahat saka sabay-sabay napatawa. Hindi na sila nagulat sa inasta nito dahil ganun din ang ugali ng magulang nito.

"Ang sama mo Yohan!"

"Tama lang yan sayo" saka sinipa ulit ni Krey si Pierre sa likod dahilan para mapasubsob ulit ito sa sahig.

"Caleb!"

Natahimik ang lahat at sabay-sabay lumingon ng bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Caleb na nakangiti. May dala pa itong bag kaya halatang kababalik lang nito galing sa Japan.

"Happy Anniversary..."

"Bakit ngayon ka lang?"

Sinuntok ni Klio si Caleb sa may tagiliran at napagilid naman ito.

"Dumaan muna ako sa puntod ni Lowell at Kneel..."

Pagkabalik nya ng Japan ay agad syang nagtungo sa sementeryo saka dumeretsyo sa mansion. Binisita na din nya ang puntod ng ama sa kauna-unahang pagkakataon.

Agad na lumapit si Misael kay Caleb at yumakap dito. Ilang taon nya din itong di nakita kaya hindi nya napigilan ang sarili.

"Misael..." ngumiti si Caleb dito at ginulo ang buhok nito.

"Nasaan si---" Hindi na natapos ni Caleb ang tanong nya ng mahagilap ng mga mata nito si Jireh na papalapit sa kanya.

"Jireh"

Kumaway si Jireh at dito at saka ngumiti. Humiwalay ang dalawa at nagtungo sa balcony para makapagusap. Ngalabas si Jireh ng sigarilyo at sinindihan ito, inalok pa nya si Caleb pero tumanggi ang isa.

"It's been 16 years..."

Huminga ng malalim si Jireh saka bumuga bago pinatay ang sigarilyo at itinapon. Napasandal sya sa balcony at ganun din si Caleb.

"16 years and four months to be exact..."

Saglit silang natahimik at inalala ang mga nangyari noon, ang naganap sa Wimbledon, ang tungkol sa Helena at Death Monarch maging ang mga Apostles.

"How is she?"

Kung matagal silang nawalan ng balita kay Caleb, mas doble nun ang kay Lyra. Hindi nila alam kung anong pinagkakaabalahan nito ngayon at hindi rin ito tumatawag sa kanila o nagpaparamdam.

"Hindi ko din alam eh..."

Ang huling balita ni Caleb kay Lyra, naglalakbay ito sa ibat-ibang bansa. Maging si Pierre at Akagi na pinakamahusay ng hacker ay hindi matrace ang kinalalayan nito.

"Do you still love her?"

Napatawa naman si Jireh sa tanong ni Caleb sa kanya. Wala na siguro itong maisip na pag-usapan kaya natanong nito ang bagay na yun.

"Hindi naman mawawala yun eh, yun nga lang, may makakahigit na..."

"Yeah, I agree with that"

Napangiti si Caleb at saka napatingin sa mga bata sa loob. The things before and now are completely different. Hindi sila pwedeng magpasya ng para lang sa sarili nila, ngayon ang bawat desisyon nila ay tungkol na sa mga anak nila.

"It's funny that we are talking like this when in fact, we almost killed each other back then..."

"Sana pala tinuluyan na kita noon..."

Napatawa ang dalawa at saka tinapik ang isat-isa bago bumalik sa loob. Nagtataka ang dalawa na lumapit sa iba na nagkukumpulan sa isang sulok at parang may pinagkakaguluhan na isang tao.

"Lyra!"

Napatigil ang dalawa at lumingon, tinapik ni Jireh ang balikat ni Caleb at lumakad si Jireh papalapit dito saka yumakap.

"Ano ito Montenegro, nancha-chansing ka?"

"Never changed Lyra?"

Bumitaw si Jireh kay Lyra at hinawakan ang mukha nito. Isang ngiti pa ang iniwan nya bago tuluyang bumitaw at humiwalay dito.

"Caleb..."

Nakangiting lumapit si Lyra kay Caleb na nasa likod lang ni Jireh. Kahit na halata ang pagkagulat dito, hindi parin nawawala ang tuwa sa mga mata nito. Kanina lang pinaguusapan nila si Lyra, ngayon, naandito na sya, sa harap nya.

"Kababalik mo pa lang, sinasaktan mo na agad ako..."

"Kailan ka kaya mauubusan ng mga walang kwentang banat..." sagalit na tumigil si Lyra at yumakap dito.


"Malandi kong asawa..."


Napatawa si Caleb at gumanti ng yakap kay Lyra bago ito hinalikan sa labi. Sobrang tagal, sobrang lalim na parang binabawi nila ang mga oras at taon na di sila nagkasama.

He thought it will be over for him, after the war, he courted Lyra for a year bago nito nakuha ang matamis nyang oo. Sya na nga lang yata ang taong nakaalis sa pagiging friendzone.

"Mom?"

Napabaling si Lyra sa tabi nila at nakita nito si Yesha na pinipigilan ang iyak. Ibinuka ni Lyra ang kamay at humarap dito.

"Yesha"

"Ma!"

Agad na tumakbo si Yesha papalapit kay Lyra at yumakap dito.Akala nya, hindi na pupunta ang mama nya kaya nawalan na sya ng pag-asa pero ngayon, naandito na ito sa harap nila.

"Sa pagkakatanda ko, galit na galit ka sa mama mo..." si Klio na lumapit na din sa kapatid.

"Hindi ah"

"Ano nga ulit yung sinabi mo?" this time, si Amber naman ang nang-asar dito.

Namumula ang mukhang isinubsob ni Yesha ang sarili sa ina. Naaalala pa nya lahat ng sinabi nya noon dahil laging wala si Lyra at Caleb pero ngayon na naandito na ang dalawa, hindi na nya ulit masabi ang mga yun.

"Wala akong sinabi!"

"Ah..."

"Manahimik ka!"

Magsasalita pa sana si Klio at Amber ng takpan ni Yesha ang bibig ng dalawa at ilayo sa magulang.

"So how was your research?"

Natahimik ang lahat sa tanong ni Isly kay Lyra at bumaling sila dito. Wala silang idea sa mga pinaggagagawa nito na halos hindi na ito makauwi sa bahay nila.

"Research?"

"I'm doing a research regarding sa Origin ng mga Apostles. Anyway, that can wait. Where's Yohan?"

Lumingon si Lyra at hinanap ang panganay nitong anak na hindi pa nya nakikita buhat ng bumalik sya. So far, inaupdate naman sya ni Isly sa sitwasyon ng pamilya nya lalo na sa ikinuwento nito na anak ni Jireh na si Lara.

Napalingon sila sa may hagdanan, nang marinig ang boses ni Yohan at Lara na umagaw ng eksena.

"One thing I hate the most is when people look down on me" umakyat si Yohan ng dalawang palapag at tumingin pababa kay Yesha.

"Aren't you being childish?" pero nakasmirk lang si Yohan kaya naman umakyat din si Lara sa hagdan at tumingin pababa kay Yohan.

Napakunot noo ito sa ginawa ni Lara sa kanya at humakbang pa sya ng mas mataas dito, ganun din naman ang ginawa ni Lara ng maunahan sya nito.

"What's that? A lover's quarrel?" Nakangising pang-asar ni Yesha sa kapatid at kay Lara.

"Shut up!" sabay pa yung dalawa.

"Ano bang problema mong Bakulaw ka?"si Lara.

Paakyat sana sya sa guess room para magpahinga ng makasalubong nya sa hagdan si Yohan at ito na nga ang nangyari.

"Ako pa ngayon ang may problema? Sabihin mo nagpapapansin ka lang" saka humakbang si Yohan pero hinila sya pababa ni Lara.

"Bakulaw ka talaga!"

"Halimaw!"

"Dun ka nga..." hinila pababa ni Lara si Yohan kaya wala itong magawa kung hindi ang hilahin din pababa si Lara.

"It's funny that they remind me the two of you..."

Napatingin si Jireh at Lyra sa sinabi ni Caleb. Oo, aminado sila na mahilig din silang magbangayan noon pero hindi naman katulad ng dalawang ito.

"Kaya hindi ako magtataka kung mahuhulog ang anak ko sa anak mo..."

"Hindi ako papayag"

Nawala ang ngiti sa labi ni Jireh at Caleb sa biglang pagsingit ni Lyra. Nakataas ang kilay nitong tumingin kay Jireh saka bumaling kay Caleb.

"Gusto mo bang malahian ng bobo ang lahi natin? Hindi lang bobo, tanga pa..."

Kinuhit ni Amber si Klio na nakikipag-usap ngayon sa Death Monarch "Klio"

"Ayoko ng magcomment..." at umiwas ulit ng tingin ang asawa.

"As if namang gusto kong malahian ng kabrutalan mo..." bulong ni Jireh.

Napapintig naman ang tenga ni Lyra sa sinabi nito at agad na sinipa nito si Jireh sa paa sunod ay sa tagiliran. Napaluhod naman si Jireh dahil sa lakas ng sipa nito sa kanya.

Hindi na naman pumalag at nageelam ang iba dahil alam nila ang pwedeng mangyari kapag si Lyra ang kalaban nila.

"It's the first time I saw na kumpleto sila"

Napatingin si Yesha kay Christine na nasa tabi nito at nakangiti. Hindi nya maintindihan kung anong tinutukoy nito pero nakatingin sya kina Lyra at sa iba pa.


"The thirteen notorious gangsters of the world..."


Saka ngumiti si Christine kay Yesha at sa sinabi nitong yun, doon lang nito naintindihan. The group na matagal na nyang gustong makilala at makita, the one na laging bukang bibig nya. Hindi alam ni Yesha na ganito lang pala kalapit sila sa kanya.

Napangiti si Christine ng makita ang itsura ni Yesha habang nakatitig sa kanila. Yeah, first time na nakita nyang magkakasama, hindi para magpatayan kung hindi bilang magkakaibigan.


"The notorious Apostle Thirteen"


***A MILLION THANKS APOSTLERS! -  from Apostle Thirteen!

Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 116K 49
Xavier Villareal- a Gangster who is looking for someone who killed his beloved. Xyrene Coltrane- an Assassin who is seeking for answers why her man h...
261K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
265K 8.6K 47
Unang Libro. Isang simpleng buhay mayroon ang isang Celestiel Irene Serna at kontento na siya sa lahat ng mayroon siya lalo na't sapat na sa kaniya n...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...