Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 13: Forever is just a word
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 16: Kiss/Locked
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 28: Piggyback Ride
Chapter 29: Usapang lovelife
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 35: Stay Close, Don't Go
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 39: Too Late
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 58: Ikaw lang
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Epilogue
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist ♫
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Chapter 61: Skype

2M 43.3K 14.6K
By iDangs

Ken's Point of View


Inayos ko ang webcam at kumaway, "Hi Ayu."

Kumaway rin siya at nginitian ako, "Ken!"

"Miss na miss na kita. Tara na. Umuwi ka na dito." Pagpapacute ko sa kanya.

"Miss na rin kita kahit isang araw pa lang tayo hindi nagkikita," sagot niya at saka sumimangot. Huwag nga lang siyang gumanyan at baka hindi ako makatiis at mapunta ako ng di oras sa kanila. Gustong gusto ko na siyang hilahin palabas ng monitor ngayon. "Kamusta nga pala dyan?"

"Ayos naman. Noong umalis kayo kahit isang araw lang parang ang dami agad nagbago."

"Grabe naman. OA na niyan," tawa niya sa akin.

"Hindi naman. Medyo lang."

Biglang napatalikod si Ayu kaya napahinto kami sa pag-uusap. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Curious lang. Hindi ko kasi syempre makita kung ano ang nangyayari.

Umusad si Ayu kaya nakita ko si Zoe na ibinagsak 'yung sarili niya sa kama.

"Pumasok si Zoe," sabi niya sa akin.

"Hi, Zoe!" bati ko sa kanya kasi paniguradong maririnig naman niya ako.

Napatayo naman siya at lumapit sa may webcam saka kumaway. "Hello. Ikaw pala yan, Ken! I miss you na," sabi niya at tumawa.

"I miss you, too. Uy, Ayu, 'wag kang magseselos, ha. Syempre alam mo naman na barkada tayo nila Zoe kaya natural lang na sabihan ko – "

"Hep! Grabe ka naman. Syempre hindi ako magseselos. Si Zoe naman 'yan... pero kung ibang babae 'yan... nako Kenneth Yu, magtago ka na sa pagtataguan mo."

"Sus. Ibang babae? Psh. Anong mapapala ko sa mga 'yun? Ayan ka naman. Walang panama lahat ng babae sa 'yo. Ikaw pa."

"Okay. Ang keso niyo na. Nakakaloka. Bahala nga kayo dyan. Maglambingan muna kayo," sabay hairflip ni Zoe at humiga ulit sa kama.

Nagkwentuhan kami ni Ayu sa Skype. Gustong gusto ko na talaga siyang ilabas sa monitor para katabi ko lang siya. Para naman akong tanga nito. Kakaalis lang nila kahapon pero miss na miss ko na siya ngayon.

Seryoso kaming nag-uusap nang napatingin ako sa likuran ni Ayu kaya nagsalubong 'yung kilay ko.

"Bakit ganyan itsura mo?"

"Nadidistract kasi ako dyan sa nasa likod mo," turo ko pa kay Zoe. "Nababaliw na ba 'yang kaibigan mo?"

Tumalikod siya para tingnan 'yung baliw niyang kaibigan. Panay gulong kasi niya sa kama tapos itataas niya 'yung phone niya at ibabagsak ulit. Tapos gugulong ulit, titingnan ang cellphone at ibabagsak. Paulit ulit lang.

"Bruha, hindi ka ba naturukan ngayon? Mukha kang baliw dyan. Ano bang problema mo?"

Mukhang nagulat si Zoe na pinansin siya ni Ayu. Umupo siya sa kama at ginulo ang buhok niya. "Baliw na ata talaga ako."

"Bakit ba kasi?" tanong ko pa pero hindi siya agad nakasagot kaya nagtanong ulit ako, "Nga pala, Zoe. Anong balita kay Ice?"

Bumalik siya sa kama at dumapa at nagpangalumbaba. "Malay ko du'n. Kayo magkakasama dyan, e," irap niya sa akin. Hala, ano bang ginawa ko at iniirapan ako nito?

"Hindi ka ba tinetext?" tanong ni Ayu.

"Hindi. Bwisit. Bahala nga siya sa buhay niya."

Nagkatinginan kami ni Ayu at napakunot ang noo niya. "Anong nangyari du'n? Teka nga. Bakit mo kinakamusta si Ice e kayo magkakasama dyan?"

"Tinetext namin ni Xander kagabi hindi naman nagrereply. Tinatawagan pa nga namin pero hindi naman sinasagot."

"Talaga? Ano kayang nangyari du'n?"

"Baka naghanap ng babae!" sigaw ni Zoe.

Napangisi bigla si Ayu kaya tinanong ko siya kung bakit.

"I think someone's – "

"Shut up, Ayu. Kung ano man 'yang balak mong sabihin wag mo nang ituloy," sabat ulit ni Zoe at dumapa na naman sa kama ni Ayu.

Natawa na lang kami ni Ayu. Si Zoe talaga. Namimiss lang si Ice kaya nagsusungit, e.

Napahinto na naman kami sa tawanan nang biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto ko at biglang may pumasok. "Ken, patext naman ako dali. Sira phone ko. Akin na phone mo. Bilis."

"Tsk. Sino ba kasi yang itetext mo?"

"Si Zoe. Baka magalit sa akin 'yun. Hindi ko pa siya natetext. Bwisit kasing cellphone 'yan. Kung kailan wala sila saka nasira bigla."

"Huwag mo nang itext, pare. Tara na lang dito."

Pinalapit ko siya sa harap ng monitor. Kahit mukhang naguguluhan siya ay lumapit naman siya. Tiningnan niya ang monitor. "Oh. Nagiiskype pala kayo. Hi Ay – Zoe!" Natawa kami sa reaksyon ni Ice nang makita niya si Zoe. Ganun pa rin naman ang posisyon ni Zoe. Nakadapa sa kama ni Ayu at nakapalumbaba.

"Zoe, your face." Mahinang pagkakasabi ni Zoe pero narinig naman namin ni Ice.

"Sabi na magagalit 'to e," bulong ni Ice at tinulak ako saka umupo sa upuan ko. Siraulo talaga. Akala ata sa kanya ang laptop ko. "Uy, Zoe. Sorry na. Nasira kasi talaga ang phone ko."

"Bawal makitext?" irap ni Zoe.

"Wala si Ate Cass at Ash sa bahay. Umalis sila. Hindi sila natulog sa amin. Kaya nga ito oh, sumugod pa ako kila Ken para lang makitext."

Hindi ko alam kung bakit ganito umasta 'tong dalawang 'to. Akala mo sila na. Hindi pa naman. Nakisawsaw na ako sa usapan nila kasi trip ko lang. "Para saan ang Facebook at Skype, Ice? Pwede mo naman siyang imessage doon," panggagatong ko kay Zoe. Mabwisit lang 'tong si Ice.

Napakamot siya sa batok niya, "Hindi ko naisip 'yung Facebook. Wala akong Skype."

Natahimik kaming tatlo. Hindi ko alam kung pagtatawanan ko ba 'tong si Ice o ano. Mukang tanga lang.

"So hindi naman siguro kayo magkaaway, ano? Hindi naman kayo galit at okay naman kayo 'di ba?" paninigurado ni Ayu.

"Hay. Oo. Okay lang kami. Medyo nainis lang ako kasi siya pa ang nagsabi na tatawagan at itetext niya ako tapos siya pa 'tong hindi nagrereply nung tinext ko siya," sagot ni Zoe kay Ayu.

"Sorry na talaga. Pinapagawa ko na 'yung phone ko. Pagkagawa na pagkagawa, tatawagan talaga agad kita."

"Okay. Okay na. Valid reason naman 'yan kaya ayos lang," ngiti pa ni Zoe.

"Kamusta ka na dyan? Ayos ka lang dyan 'di ba?" Tumango at ngumiti na naman si Zoe sa kanya. "I miss you."

"I miss you, too." Bigla namang lumaki yung ngiti ni Ice nang marinig ang sagot ni Zoe.

Nagkatinginan kami ni Ayu. Magsasalita pa sana si Ice pero pinigilan ko na siya. "Tama na. Lumayas ka na dito, Ice. Inaagawan mo pa ako ng moment. Kitang kami ni Ayu ang nag-uusap dito."

"Oo nga. Ikaw rin, Zoe. Lumayas ka na rin at doon ka na lang sa inyo makipag-usap at makipag-Skype kay Ice."

"Wala nga siyang Skype. Tss. Sungit naman ng dalawang 'to."

"Gagawa na lang ako para makapag-usap tayo. Message mo na lang sa FB ko username mo . Uwi na muna ako para makagawa na."

"Okay, sige. Ingat ka! Bye!" Nagsalute si Ice sa kanya at lumabas na ng kwarto ko.

"Ayan na, uuwi na po ako. Mag-usap na kayo dyan," paalam ni Zoe at lumabas na ng kwarto ni Ayu. Napailing na lang kami sa dalawa.

"Parang official na sila kung umasta," natatawang sabi ni Ayu.


***

Zoe's Point of View


Pag-uwi ko, binuksan ko agad 'yung FB ko para imessage kay Ice ang username ko. Hindi rin naman ako matagal naghintay para makapag-usap kami. Nagkwentuhan at kamustahan lang kami sa Skype. Nagpaalam lang kami sandali sa isa't isa para kumain at bumalik na ulit kami sa pagskaskype.


Habang magkausap kami nagulat na lang ako nang biglang magring ang phone ko at mas ikinagulat ko na si Ice ang tumatawag sa akin.

"Bakit tinatawagan mo pa ako e magkausap na tayo?" tanong ko sa kanya at tinaas ko pa ang phone ko.

"Sinusunod ko lang ang promise ko na tatawagan kita kapag nagawa na phone ko. Binigay na kasi sa akin ni manang 'yung nagawa kong phone kaya ayan na. Tinatawagan na kita." Hindi ko napigilan at napangiti na lang ako sa sinabi niya. Bumabawi siguro 'to kasi hindi niya ako agad natext. "Nako. Ngumingiti. Kinikilig ka?"

"Oo. Bakit, masama?" diretsyang sabi ko sa kanya.

Halata naman sa mukha niyang nagulat siya kasi inamin kong kinikilig ako. Pero agad din naman siyang nakabawi at ngumisi, "Ikaw, ha. Marunong ka na kiligin ngayon? Sabi ko na nga ba. Tumatalab na pagpapapogi ko sa 'yo."

"Ha-ha-ha. Iba ang confidence level mo.. Tumataas ata bigla. Parang kailan lang totorpe-torpe ka pa – "

"Dati kasi 'yun. Ngayon hindi na."

"Oo na. Oo na. Alam ko na." Napahikab ako. Kanina pa talaga ako inaantok pero pinipigilan ko lang. "Uy, Ice, inaantok na ako. Bukas na lang ulit tayo mag-usap. Bye bye. Goodnight."

"Sige, bye. Sweetdreams, Zoe," kaway pa niya. Nginitian ko lang siya at pinatay na ang webcam pati ang laptop.

Nahiga na ako at papikit na sana nang biglang magring ang phone ko. Napangiti at napailing ako nang makita ang pangalan ni Ice sa caller ID.

"Oh, napatawag – "

"I love you," pahabol niya sabay end ng call.

Ano ba 'yan! Nakakainis. Nawala tuloy bigla ang antok ko at biglang bumilis tibok ng puso ko. Parang nakikipag-unahan na sa kabayo. Hindi na ako makakatulog nito malamang.


***

Days passed by in a blur. Nagdaan na ang pasko at like what we used to do, nagcelebrate kami ng family ko together with Sab, Yannie and Ayu's family. Pero this time ay may nadagdag na – 'yung pamilya ni Josh. Masaya syempre. Kahit hindi namin kasama 'yung boys, sila Manager at 'yung iba pa, masaya pa rin kasi nakakapag-usap usap naman kami para magbatian.

At dahil nga sa sobrang bilis ng araw, pauwi na kami sa amin. Hindi na namin sinabi sa iba kasi wala lang. Trip lang. Ang alam kasi nila bukas pa ang uwi namin kasi bukas pa kami aalis para sa outing namin. Pero dahil hindi naman kami si wonderwoman at ayaw namin mapagod, umuwi na kami para kahit papaano ay may pahinga kami at hindi 'yung diretsyo byahe agad pagkauwing-pagkauwi pa lang.

Pagdating namin sa bahay, inayos lang namin 'yung gamit namin para bukas aalis na lang kami. Sinabi na rin namin kay Josh na wag na sabihin sa tatlo na nakauwi na kami at dito na lang sa tapat ng bahay magkita-kita.


***

"Is everything set?" paninigurado ni Ayu at chineck at binilang ang mga bags na nakahanda para sa 4-day outing namin.

"Okay na. Let's go!" energetic na sagot ni Sab. Palabas na sana siya nang pigilan siya ni Yannie.

"Don't be too noisy, Sab. Nasa labas na sila. Akala nila pauwi pa lang tayo. Gulatin na natin sila."

Nag-agree naman kami kay Yannie at dahan dahan na naglakad palabas. Nakatingin sila sa daan. Mukhang hinihintay nila 'yung pagdating namin. Para silang ewan. Hindi nila alam na nasa likod lang nila 'yung hinihintay nila.

Nang nasa likod na nila kami, tinakpan ni Ayu ang mata ni Ken samantalang tumalon naman si Sab sa likod ni Josh. Nagulat naman sila, except kay Josh at napaharap sa amin.

"Surprise!" sigaw namin sa kanila.

Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Ice. "I missed you, Zoe." Napangiti naman ako at tinap siya sa likod niya. "Namiss din kita." Biglang umubo si Xander kaya napabitaw kami bigla ni Ice, "What?" tanong ko.

"Kayo na ba? Kasi kung hindi pa kung makapagyakapan kayo dinaig niyo pa kami ha." Napailing at natawa na lang ako kay Xander at pumasok na sa van.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpasukan na rin sila sa sasakyan. Si Xander muna ang nagdrive. Sila ni Yannie ang nasa harap. At dahil nga sa van 'to, tatlong upuan ang nasa likod. Sa first row nakaupo si Sab at Josh, sa second row naman si Ken at Ice at sa last row kami nakaupo ni Ayu.

Pupunta kami sa rest house nila Ice somewhere. Mga limang oras daw ang byahe papunta doon kaya malamang ko ba na mag-init 'tong upuan ko. Gabi na for sure ang dating namin doon since hapon na ngayon.


Buong car ride namin nakipagkwentuhan lang ako o di kaya nakikinig ng music. Medyo nakaramdam ako ng antok kaya sinandal ko ang ulo ko sa upuan. Pero dahil nga sa byumabyahe kami, nahihirapan ako makatulog ng maayos.

"Palit tayo, Ayu." Hindi ko pinansin 'yung narinig ko tutal hindi naman ako si Ayu kaya pinagpatuloy ko lang 'yung paghahanap ko ng tamang pwesto paramakatulog ng maayos.

Nagulat at napadilat na lang ako nang biglang may humawak sa ulo ko. "Ice? Ayos – "

"Ssh. Sige na, matulog ka na lang." Sa halip na sumunod ay tiningnan ko lang siya. "Zoe, ayos lang. Matulog ka na. Mahaba haba pa ang byahe," dagdag pa niya.

Kahit sa una ay medyo naghesitate ako, tinuloy ko pa rin ang pagtulog ko. Pero paano ako matutulog kung nariring ko 'yung heartbeat niya? Nakaakbay kasi siya sa akin at nakahiga naman ang ulo ko sa dibdib niya.

Ilang minuto lang siguro yung lumipas ng biglang huminto 'yung sasakyan. Syempre nagkunyari pa rin akong tulog kahit na ang totoo gising na gising ako. Hindi ko alam kung bakit ko 'yun ginawa. Basta magulo kasi akong tao.

"Kain muna tayo. Nagugutom na ko. Saka pagtapos nito, ikaw naman Josh magdrive."

Narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng van. "Ice, bakit hindi ka gumagalaw dyan?" Narinig ko rin na tanong ni Ken.

"Baka magising, e."

"Baliw ka ba? Gisingin mo kaya. Para makakain kayo pareho."

"Take-out mo na lang kami, p're. Ayokong putulin tulog niya."

"Sige, bahala ka." At narinig ko na yung pagsara nung pinto.

Nakakakonsensya naman kung mahuhuli siya ng pagkain para lang sa akin. Kaya para makababa kami, nagkunwari akong bagong gising. Gumalaw ako at kinusot ang mata at nagpanggap na hinahanap ;yung iba. "Nasaan tayo? Bakit wala sila?"

Ngumiti naman siya at inayos 'yung buhok ko na naging dahilan na naman nang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Kumain. Gusto mo rin bang kumain na?"

"Sige, nagutom na rin ako e. Tara." Tumango naman siya at bumaba na kami para sumunod sa kanila.

Inabutan namin silang nasa counter at umoorder. Sinabi na rin namin ang order namin at saka naghanap ng mauupuan. Pagkatapos naming kumain nagstay, muna kami sa labas at naupo.

"Yannie, samahan mo naman ako sa C.R.," aya ko sa kanya.

"Okay. Wait lang, guys."

Habang naglalakad kami papuntang CR, may dalawang babae ang tumuturo sa amin. "Sila 'yun di ba?"

"Oo. Sila 'yung nagkakainan kanina."

"Excuse me po. Pero kami po pinag-uusapan niyo di ba? Bakit po?" tanong ni Yannie. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o ano. Kasi naman magtanong daw ba ng ganun.

"Ah, kasi po kayo po 'yung nakita naming nagkakainan kanina, 'yung maraming kasama. Napansin namin na kasama niyo ang boyfriends niyo. Ano lang po... nacucute-an kami sa inyo. Parang ang sweet sweet niyo po kasi."

Naramdam kong nagblablush ako sa sinabi ng babae. Kasama ang boyfriends? Sila, oo. Ako suitor pa lang. Pero parang maganda at masarap nga rin pakinggan kung sasabihing boyfriend ko siya.

"Ay, thank you. Akala ko naman kung ano 'yun, ate."

"Kath na lang po itawag niyo sa akin."

"Okay. Thank you, Kath. Nakakatuwa naman at napansin mo pa yung kasweet-an namin. Sweet pala kami sa isa't isa," natatawang sabi ni Yannie.

"Oo po kaya, ate. Sobrang cute niyo pong walo. Kaya po kahit kakakita ko pa lang sa inyo parang gusto kong maging kagaya niyo. 'Yung magkaroon ng ganyang friends at special someone. 'Yung tipong kahit hindi kayo kilala, isang tingin pa lang makikita na mahal niyo ang isa't isa. Ganun po kasi 'yung nakita ko sa inyo kanina."

Nagpatuloy lang sa pag-uusap si Yannie at 'yung Kath. Gusto ko sanang makipag-usap sa kanila pero sasabog na talaga. I need to pee.

"Excuse me lang. Mauna muna ako sa inyo. Yannie, C.R. muna ko," paalam ko sa kanila at nag-C.R. na.

Pagtapos kong mag-C.R. at nang makalabas na ako ng cubicle, nandoon na si Yannie at nakasandal pa sa may sink habang nakacross ang arms. "Hoy, babae. Nakita ko 'yun. Nagblush ka sa sinabi kanina ni Kath."

"Ano naman?"

"Ikaw nga umamin sa akin. Kailan mo ba balak sagutin 'yang si Ice? Alam ko namang sasagutin mo 'yan dahil halata naman sa'yong may feelings ka para dyan sa yelong 'yan."

Nanlaki bigla ang mata ko at napaharap sa kanya. "Totoo? Halata?"

"Tangi. Kaibigan kasi kita kaya alam kong may nararamdaman ka sa kanya. Halata kasi sa kilos mo. Infairness girl ang sweet niyo sa likod kanina. 'Yung tulog ka. Sa sobrang kilig ko nga pinicture-an ko kayo," sabi niya sabay pakita sa akin ng phone niya na may picture namin ni Ice.

Nakasandal ako sa dibdib ni Ice at nakapikit habang si Ice ay nakatingin sa akin at nakangiti. "Ang sweet niyo, ano? Cute pa. So ano na, girl? Balik sa tanong ko kanina. Kailan mo na ba sasagutin si Yelo?"

"Ang chismosa mo, ano?"

"Alam ko. Sabihin mo na. Kailan?"

"Bukas. Bukas ng gabi."

Bigla namang tumili si Yannie kaya tinakpan ko 'yung bibig niya. "Ssh. Ang ingay nito. Huwag kang maingay, ha. Huwag mong sasabihin sa boys 'yan maski kay Xander."

"Oo. Oo. Grabe kinikilig ako. Finally magiging kayo na. Konting push na lang. Ayan na. Abot kamay na."

"Grabe, ha. Grabe kang kiligin. Dinaig mo pa ata ako."

"Bakit hindi ka ba kiniilig?" sarkastikong tanong niya sa akin.

Hindi muna ako agad sumagot sa kanya. Tiningnan ko siya at ngumiti. "Hindi."

"Asa pa. Kinikilig ka."

"Tss. Manahimik ka na lang dyan."

"Okay, fine. Tara na nga lang at bumalik na tayo sa kanila."

Bago pa tuluyang makalabas ng C.R. si Yannie ay tinawag ko siya. "Why?" tanong niya at napaharap sa akin.

"Pasend naman sa akin ng picture namin."


***

Name din ng reader ng Teen Clash noong on going pa 'to si Kath. Like doon sa isang nauna, nasabihan ko rin siya na i-e-extra ko siya dito kaya hindi ko 'to dinelete kahit na medyo edited na 'tong Teen Clash. 

Continue Reading

You'll Also Like

28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
281K 8.9K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
1.6K 97 7
Suffering from inoperable lung cancer, Aubree already accepted that her life appears to be literally out of breath. Amidst her critical condition, th...
Addiction • BTS By Potchi

Mystery / Thriller

3.8K 241 21
Status: COMPLETED AND UNDER REVISING There are different kinds of addictions but one particular person chose to be addicted to you. What will you do?