Lost in Memories

Af Dream_Secretly

8.4K 345 78

Laxamana Series 3 of 7. Daniel Dela Cruz Laxamana. Mere

Lost in Memories
SIMULA
KABANATA 01
KABANATA 02
KABANATA 03
KABANATA 04
KABANATA 05
KABANATA 06
KABANATA 07
KABANATA 08
KABANATA 09
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
EPILOGUE

KABANATA 30

132 3 4
Af Dream_Secretly

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong bumangon siya. Dahan dahan naman akong umupo at sinundan siya ng tingin hanggang sa makapasok siya ng banyo.

I sighed heavily at nilingon ang alarm clock sa gilid para tingnan ang oras. 3 am. Dalawang linggo na rin kaming ganito. Kapag pumapatak ang alas-tres, nagigising siya at ilang minutong magkukulong sa banyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya doon dahil ayaw niyang makita ko pero naririnig ko siya. Naririnig ko ang pagsusuka niya at ang madalas na pag-inda niya sa sakit na nararamdaman tulad na lamang ngayon.

Gusto ko siyang puntahan at damayan pero alam kong hindi niya magugustuhan na nasa tabi ako kapag ganitong nahihirapan siya. Ayaw niyang nakikita kong nasasaktan siya at nahihirapan. Ayaw niya raw na nakikita ang hirap at takot sa mga mata ko. Mas lalo lang daw siyang nahihirapan, so I stayed in bed always.

I sighed heavily again. Sumandal ako sa headboard ng kama at pumikit habang nag-aantay sa kaniya. These were also one of the moment when I can't do anything for him. I can't help him take away all his pain. And I feel useless. Hindi ko siya matulungang alisin 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon dahil maski ang mga gamot na iniinom niya ay hindi na rin umeepekto sa kaniya. Hindi na siya natutulungan ng mga gamot. 'Yong mga painkillers at mga nireseta ng doctor ay hindi na tumatalab sa kaniya. And I know it's really getting worsts.

"H-Hey..." Nagmulat ako ng mata nang umupo siya sa tabi ko. He smiled at me at inabot ang ilang takas ng buhok ko at inipit sa likod ng tainga. "Did I w-wake you up a-again?" Malambing niyang tanong.

Tinitigan ko siya. I see no pain in his eyes. Pagod na lang ang nakikita ko sa mga mata niya. He's getting weaker. Pumapayat na rin siya dahil madalas wala na siyang ganang kumain.

"Asawa ko, y-you okay?" Tanong niya nang hindi ako sumagot. Naamoy ko ang pamilyar na shampoo na gamit niya at medyo basa rin ang buhok niya. He looks fresh. Parang hindi siya nagising sa iniindang sakit ng ulo.

Napakurap ako at tumango. "I'm fine." Matipid akong ngumiti at lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang maliit na towel na nasa leeg niya at marahan siyang pinunasan sa buhok. "Dalawang linggo ka nang nagigising ng ganito..."

"You don't have to worry about it. Saglit lang naman pagkatapos ay maayos na rin ako." Aniya.

I worry a lot. "Let's visit your doctor later, okay?" Sabi ko na lang. I really can't help but to worry about him, always.

"O-Okay...." Sagot niya.

Ngumiti ako at natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Binaba niya 'yon at kinuha ang towel sa kamay ko. Tinabi niya na 'yon. "Why? Hindi pa ako tapos..."

"I have s-something for you. Wait," kumunot ang noo ko at sinundan siya ng tingin nang abutin niya ang bed side table. Binuksan niya ang maliit na kabinet roon at may nilabas na itim na box, hindi ko alam na may ganoong box doon.

"Ano 'yan?" Takang tanong ko.

Ngumiti siya at bumalik sa harapan ko. Inabot niya ang kamay ko at hinaplos sa ring finger. Nagbaba ako ng tingin doon nang maramdaman kong may sinusuot siya sa daliri ko. Napalunok ako at namasa ang mga mata.

"B-Bakit...." Nanginig ang labi ko habang nakatitig sa singsing na sinuot niya sa'min.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at dinala 'yon sa labi niya. Hinalikan niya ang singsing. "M-Matagal na kitang gustong bigyan ng singsing. Noong kinasal tayo, simpleng singsing lang ang nabigay ko. P-Pakiramdam ko hindi sapat na simpleng singsing lang ang ibigay ko sa kabila ng mga ginawa mo para sa pamilya n-natin. Gusto ko ibigay sa'yo lahat hanggat kaya ko pa. You deserve this ring, Asawa ko. I want to give you everything...""

Humikbi ako at niyakap siya. "T-Thank you...."

"I love you so much, Corraine. I want to stay w-with you, grow old with you and wake up every m-morning with you." Niyakap niya ako pabalik. "I just hope I can do it all f-forever."

"Katulad nga ng sinabi ko, hindi na umeepekto ang mga gamot at medications sa'yo, Daniel. Ang madalas mong pagsusuka at pagkahilo ay mga senyales lamang na nire-reject ng katawan mo ang kahit anong gamot na nirereseta ko." Sabi ng doktor matapos ng check up ni Daniel.

Hindi ako kumibo at nakinig lamang sa mga pag-uusap nila. It's really happening, huh?

Tumango si Daniel at nginitian ako. "Okay lang, Asawa ko. Ine-expect naman na n-natin ito 'di ba?"

Suminghap lang ako at tumango. Pakiramdam ko kapag nagsalita ako ngayon ay hindi ko na mapipigilan ang sarili kong ilabas ang tunay kong nararamdaman. Ayokong dumagdag pa sa hirap na nararanasan niya ngayon.

Ilang minuto pa kaming nagtagal sa opisina ng doktor para sa mga ilang bilin at paalala nito. Hindi na ako nagtanong pa dahil lahat naman ng gusto kong malaman ay sinasabi na niya. Silang dalawa lang talaga ni Daniel ang nag-uusap.

I sighed heavily. Pwede na raw kaming umuwi. "Let's g-go home, Asawa ko." Yaya ni Daniel.

Tumango ako at nagpasalamat muna sa doktor bago ko tinulak ang wheelchair niya palabas ng opisina. Mas madali na siya mapagod ngayon at hindi na niya kaya ang malayong lakaran kaya kailangan niyang mag-wheelchair. Hanggat maaari nga iniiwasan ko nang gumawa siya ng kahit anong bagay para lang hindi siya mamutla at mapagod kaagad.

"A-Asawa ko?" Mahinang sabi niya.

"Hmm?" Sagot ko na diretso ang tingin sa daan.

"G-Gusto kong magbakasyon kasama ka at si Maxine uhm m-masaya 'yon, Asawa ko. Isama na rin natin sila Georgia para marami at m-mas masaya. Tingin mo?" Aniya.

Bumuntong hininga ako. "Saan mo naman gustong pumunta?"

"May private island sila Nathaniel at Nathan, 'yong mga pinsan ko. Nakapunta na ako doon noon. Masarap ang simoy ng hangin at maganda ang view ng dagat. Masarap sa pakiramdam kapag nandoon ako. Mas nakakapag-isip ako kasi tahimik doon. Wala tayong iisiping problema kung hindi ang magsaya lang. Sigurado mage-enjoy rin si Maxine sa isla nila Nathaniel at Nathan tulad ko." Masayang kuwento niya. "Anong tingin mo? Bakasyon tayo, huh?"

Nagbaba ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko namang nakatingala siya sa'kin, inaantay ang sagot ko at binabantayan ang reaksiyon ko.

"Hindi ko alam, Daniel. Sigurado kasing malayo 'yon dito. Hindi naman tayo pwedeng pumunta sa lugar na malayo ang hospital dahil baka mapaano ka."

"I'll be fine, Asawa ko. May barko at eroplano naman sa isla. Kung magka-problema man, madali tayong makakaalis. At may doktor naman akong pinsan."

Bumuntong hininga ulit ako. "Pag-iisipan ko." Sabi ko. Gusto kong ibigay ang gusto niya pero marami akong kailangang isaalang alang. Kaya niya bang bumyahe? Kaya ba ng katawan niya? Kung matuloy man kami, paano kung may mangyari sa kaniya?

Nang makauwi kami, sinalubong kami kaagad ni Maxine. Nakaligo na siya at nakakain na raw almusal ng tanungin ko. Nagsimula na rin siyang magdadaldal sa Ama kaya inalalayan ko muna si Daniel paupo sa sofa.

"Ninang Georgia, help me talked to my friends in Cebu Daddy. Romeo got bigger and bigger and Isabella too! The others still the same though. Sabi nila mas naging pretty daw po ako like Momma." Napangiti ako.

"Yes, baby. You are pretty like Momma." Sabi ni Daniel. "You miss them?"

Tumango naman kaagad si Maxine. "Yes, Daddy. But I'm not sad because you're here. Ikaw po muna ang playmate ko." Bumungisngis siya.

"Sure, baby. Halika nga dito kay Daddy. Payakap ako." Lumapit naman kaagad si Maxine at yumakap sa kaniya. "I will never get tired playing with you."

I sighed heavily at nakiyakap na rin sa kanila. "I love you both so much..." Bulong ko na may butil ng luha sa mata.

Naging matagal ang oras na 'yon para sa'min. Walang bumitaw—walang may gustong kumawala. Kung hawla lamang ang mga bisig ni Daniel, alam ko, parehas kami ni Maxine na ayaw nang kumawala.

Sana matagal kaming ganito. Sana matagal kaming magkasama. At sana mabigyan pa kami ng pagkakataon ni Daniel na magkasama ng matagal.

Nasa ganoong tagpo pa kami ng may kumatok sa pinto. Kumunot ang noo ko at bahagyang lumayo sa mag-ama. Hindi ko pa nga pala nasasara ang gate.

"May bisita tayo, Asawa ko?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Wala naman. Ako na ang titingin kung sino." Tumayo na ako at dumiretso sa pinto.

Kumatok pa ulit ang taong nasa labas. "Sandali lang...." Sabi ko at pinihit na ang doorknob. Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako nang bumungad sa akin si Patrick. "Patrick?" Akala ko ba nasa probinsiya ito kasama sila Sandy at Patricia?

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong niya.

Tumango naman ako at pinadaan siya. "Sure."

Nang makapasok siya ay sinara ko na ulit ang pinto. Naabutan niya naman sila Daniel at Maxine na magkayakap pa rin at nag-uusap.

"Hey man." Bungad niya sa pinsan.

Nag-angat naman ng tingin ang mag-ama ko. "Oh ikaw pala!" Ngumiti siya at binulungan si Maxine. "Greet your uncle Daniel, baby."

Mabilis namang humiwalay sa kaniya si Maxine at lumapit kay Patrick. "Hi, Uncle Patrick!" Masayang bati niya sa Uncle na ilang beses na rin niyang nakita.

Umupo naman si patrick para magpantay sila. "Hello, pretty Maxine." Niyakap niya ang pamangkin at ngumiti. "I miss you. May pasalubong si Uncle para sa'yo." Aniya.

Nagningning naman ang mga mata ni Maxine. "Talaga po, Tito?!" Masayang bulalas niya. Tumango naman si Patrick. "Yeheyyyyy!" Napatalon na sa tuwa si Maxine.

Napailing ako. "Anong sasabihin mo kay Uncle Patrick, Maxine?"

Tumigil naman siya sa pagtalon at yumakap kay Patrick. "Thank you, Uncle! I love you po!" Masayang sabi niya. Napangiti na lamang.

"You're welcome, baby. Kunin mo na 'yong gift mo sa Car, hindi ko 'yon ni-lock." Sabi ni Patrick.

Bumitaw naman si Maxine at masayang tumango. "Okay po." Tiningnan niya kami ni Daniel. "Daddy, Momma, puwede po?" Paghingi niya ng permiso.

Nilingon ko si Daniel. Nagkibit balikat lamang ito. I sighed. "Okay, pero puntahan mo muna ang Ninang Georgia mo para magpatulong." Sabi ko sa kaniya.

"Yes, Momma!" Masayang sagot niya at excited na pinuntahan si Georgia na nasa kusina.

"Thank you, Man. You made my princess happy." Baling ni Daniel sa pinsan.

"No worries. I love spoiling her." Tumayo na siya.

"Ano nga pa lang pinunta mo rito? Akala ko nasa probinsiya ka?" Usisa ko.

He sighed heavily. Bumagsak ang balikat niya nang maalalang may dahilan pala kung bakit siya nandito. "I have a favor to ask." Nilingon niya si Daniel. "Uh can we talk, man?" Seryosong tanong niya. Nilingon niya ako. "In private?"

Nalukot ang mukha ko. "Tungkol saan ba 'yan at kailangan pang 'in private'?"

Malungkot niya akong nilingon. "Sorry, Corraine." He looks sincere. Dahil mukha namang seryoso talaga siya ay wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan sila.

"Fine." Usapang lalaki kaya hindi na ako papa-gitna. Nire-respeto ko naman ang space na kailangan nila. "Puwede kayo sa kwarto namin. Soundproof and walang istorbo." Suggestion ko.

"Thank you." Sabi ni Patrick.

"Uhm asawa ko?" Nagbaba naman ako ng tingin kay Daniel nang kunin niya ang atensiyon ko. "Okay lang ba talaga?"

Tumango ako. "Oo naman. Don't worry. I understand." Sabi ko.

Hinayaan ko na silang magpunta sa kwarto namin ni Daniel para makapag-usap. Sakto namang nakuha na nila Maxine ang sinasabing pasalubong ni Patrick. May mga pagkain pa na nakalagay sa isang paper bag.

"Dalhin ko lang sa kusina 'tong mga food." Sabi ni Georgia.

Tumango ako. "Thank you." Ngiti ko sa kaniya.

Nilingon ko naman si Maxine na abala na sa mga bago niyang laruan. "Wow!" Bulalas niya nang makita ang limang barbie na nasa loob ng malaking doll house. May mga damit din ng barbie, sapatos, alahas at make  up. Bakas sa mukha niya ang tuwa sa regalo ng uncle Patrick niya. "Ang ganda ng mga barbie ko, Momma!" Bulalas niya at binida sa'kin ang mga barbie.

Tumango ako at pinagmasdan siya. "Ang ganda nga, baby. Magpa-thank you ka ulit kay Uncle Daniel ha?" Sabi ko. Masaya naman siyang tumango at nagpatuloy sa paglalaro.

At exactly 12:00 natapos ang usapan nila. Mahigit isang oras rin silang nag-usap na dalawa at nang matapos na ay tanging si Patrick na lamang ang nakalabas. Napagod daw kasi si Daniel at hindi na kayang lumabas. Nagpapahinga na raw ito sa kwarto ng iwan niya.

"Pasensiya na biglaan ang punta ko. Napagod ko pa si Daniel." Sabi niya.

"Okay lang, Patrick. Kahit ano namang oras pwede kang dumalaw dito."

Ngumiti siya. "Thank you, Corraine. Uhm mauna na muna pala ako. Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Maxine at Georgia."

"Hindi ka ba kakain muna?" Tanong ko. Kumakain na sa kusina sila Maxine at Georgia ngayon.

Umiling siya. "Hindi na, Corraine. May kailangan pa kasi akong balikan."

Tumango ako at hinatid siya hanggang sa pinto. "Osige. Ingat ka." Ngumiti ako. "Thank you sa mga pasalubong lalo na sa laruan ni Maxine."

"No worries." Tango niya. "Aalis na ako. Take care of Daniel."

Hinayaan ko na siyang makaalis. Nagmamadali na rin naman siya kaya hindi ko na pinigilan. Nagkibit balikat na lamang ako at pumunta sa kusina para ihanda ang pagkain ni Daniel. Iaakyat ko na lang ang pagkain niya.

Thank you for reading! Sorry for typos 😊 Happy independence day! I hope you will be free from your anxiety and pain. You deserve to have a peace of mnd. Take care of your mental health. Be kind to yourself and someone out there love you 💖 I love you.

Comment your thoughts and give this update a star. THANK YOU!

Ps: Follow me on Instagram @senyoritanovee

Disclaimer: Lahat po ng mababasa ninyo sa kwentong ito ay gawa gawa ko lamang. Kung may mabasa man kayong mali especially about sa sakit ni Daniel or in medical, gawa gawa ko lamang po 'yon lahat. Thankyou sa pag-intindi 😊

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

24.3M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
1.7M 53.6K 83
Lucent Lotus Amourteirre has everything worth having. Beauty, character, wealth, and even a notorious mafia. But she lost everything when her mafia...
1.4M 48.9K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...