Avoiding Mr. Professor (UNDER...

By Trisisisha

476K 10.2K 539

Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor... More

AVOIDING MR. PROFESSOR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
Epilogue

CHAPTER 23

9.5K 229 13
By Trisisisha


"Ma'am, Ang bait niyo naman po pala!" nakangiting sabi ni Amanda ang class president dito. Siya ang babaeng kumalabit at nag tanong sakin kanina.

Napangiti ako.

"Oo nga, ma'am! Wala kaming ginawa." nakangiting sabi ni Allen.

"First day palang naman, kaya introduce yourself muna ang ginawa natin." nakangiting sabi ko.

"Si ma'am maganda na nga mabait pa," pambobola pa ng katabi ni Allen, Nakalimutan ko ang pangalan.

Nakangiting napairap ako.

"Wag niyo akong binobola, nako kayo!" natatawang sabi ko at habang inaayos ang gamit ko.

"Ma'am, May lahi kayo po kayo, noh? halata kasi, e." tanong naman ni Isabelle.

Tumingin ako dito at ngumiti.

"Yup, american." nakangiting sabi ko. Tumango tango ito kita ang paghanga sa mga mata habang nakatingin sakin.

"Osya, aalis na ako. thankyou and  see you tomorrow class!" nakangiting paalam ko at isinabit na sa balikat ko ang bag ko.

Agad na akong lumabas ng classroom nang may ngiti sa labi. Maganda din palang i-close mo ang mga estudyante mo.

Habang naglalakad sa corridor ay napakatahimik, lahat kasi ng mga estudyante ay nasa kani-kanilang classroom.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa bulsa ko nang mag simulang mag ring ang phone ko.

Agad ko itong kinuha at sinagot.

"Hello?" Nahaharang ang buhok ko sa mukha ko. Bukas ang mga bintana dito sa second floor at ang labas na tanawin ay mga puno. Ang lakas ng hangin. Agad kong inayos ang buhok ko at nag angat ng tingin habang hinihintay ang pag sagot ng nasa kabilang linya.

Saktong pag angat ko ng tingin ay nakasalubong ko ang brown na mga mata.

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko kasabay ng pag salita ng nasa kabilang linya ay ang papalapit na papalapit na si Sygred.

"Idalia, kinukuhang model si Izak!" Masayang sabi ni Raquel. "Omg! kasi kanina sa may mall, pumunta kami don pagkatapos sa park then may girl na nag approach samin. gwapong gwapo daw siya kay Izak!" Tili pa ito ng tili sa kabilang linya habang nag ke-kwento pero di nag sisink-in sakin mga kinekwento niya kasi nakapokus ako sa kaharap ko.

Magkakasalubong kami at kami lang ang tanging tao dito sa corridor. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakatingin ito sakin habang papalapit.

"Mamaya na lang." Mahina kong sabi kay Raquel.

"Sigesige, sorry! sorry! may klase ka pala, noh?" anito at siya na mismo nag patay ng tawag.

Agad kong ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko at agad nagmadaling nag lakad nang magkapantay na kami ni Sygred ay bahagya akong napahinto pero magpapatuloy na sana nang hawakan nito ang braso ko.

Para akong kakapusan ng hininga, isang taon palang ang nakakalipas. At, di kaya ng isang taon na 'yon na makalimutan ko siya kaagad. Kaya ito ako mahina pa din pero gagawin ko ang lahat para maging malakas para sa anak ko.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko, pero hininaan ko dahil may mga nag kaklase.

"What are you doing here?" Takang tanong nito.

Sinusubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas.

"Nag tatrabaho ako dito, can't you see? I'm a teacher!" taas noo at madiing sabi ko.

Umangat ang gilid ng labi nito.

"Teacher, huh! you're just following me, kasi alam mong lumipat ako dito.” naniningkit ang matang sabi nito. nainis ako sa sinabi niya kaya inis kong binawi ang braso ko.

“Ang kapal mo po naman, sino ka ba para sundan ko? trabaho ang pinunta ko dito.” inis na sabi ko. “At saka sino ka para sundan ko? you're just my professor before.” diniinan ko ang huling binanggit.

Napaawang ang labi nito at kita ko ang gulat sa ekspresyon ng mukha niya, marahil hindi inaasahan ang magiging reaction ko.

Ganito na ba talaga siya? sabagay, parang kagaya lang noon. puro pasakit lang ang binibigay sakin kaya mas lalong nagiging buo ang loob ko na hindi ipakita sakanya ang anak ko.

Inis akong tumalikod at iniwan siya doon.

Nasira ang unang araw ko dahil sa walanghiyang 'yon! Naiinis ako!

"Ano? kamusta unang araw?" Tanong ni Raquel na kagagaling lang ng kusina. Inilapag niya ang cookies na binake niya sa harapan ko at ang juice na tinipla niya. Napabuntong hininga ako at napatingin sa anak kong payapang natutulog sa isang malapad na couch. Nilagyan lang ni Raquel ng mga unan ang tabi nito para di siya malaglag.

"Sira." Sagot ko at kumuha ng isang cookies. Agad ko itong kinagatan. Napatingin ako kay Raquel nang umupo ito sa tabi ko.

Nangunot ang noo niya.

"What do you mean?" takang tanong nito.

"Nakita ko siya." Maikling sabi ko.

Napatakip ito sa bibig niya.

"You mean? Professor Montanier?" Tanong nito.

Tumango ako.

"Then, what happened? nag usap kayo? sinabi mo ba sakanya yung about kay Izak?" agad akong umiling.

"Why would i do that?" tanong ko.
“Hinding hindi ko ipapakita sakanya."

"Why naman? He's still the father," Anito.

"Hindi, kahit na siya ang tatay ni Izak. ayoko sakanya, ang sama niya." Nang gigigil na sabi ko.

“Nagkasalubong kami sa corridor kanina. hinawakan niya ako sa braso then sabi niya sinusundan ko daw ba siya? sa tingin ba niya, gagawin ko yon? hindi por que nagkagusto ako sakanya noon ay akala niya pati hanggang ngayon, hindi. hindi na akong katulad dati. hindi ko na hahayaan ang sarili ko na mag mahal ng taong pag mamay ari na ng iba in the first place." aniko.

Hindi ko namalayang may luha ng tumulo sa mata ko. Agad ko itong pinunasan. Napatingin ako kay Raquel. Nang isandig nito ang ulo sa balikat ko.

"Hindi ko nga alam kung alam ba niyang may gusto ako sakanya o aware ba siya? kasi, nakikita ko e. nakikita ko na parang alam niya na may gusto ako sakanya, napaisip ako. paano niya naman nalaman? wala akong maalala dati na may sinabi ako sakanya na may gusto ako sakanya, ang alam ko..takot akong sabihin sakanya, i'm afraid to judge. at saka professor ko siya did someone tell that to him? wala naman na akong ibang pinagsasabihan or nahalata niya sakin? naguguluhan ako Raquel." nalilitong sabi ko.

Ang dami ko nang naiisip parang sumasakit na ang ulo ko, naiiyak na din ako.

"Malay mo ba kung nahahalata ka niya?" ani Raquel.

"Naiintindihan kita Idalia, Alam kong bilang ina ay alam mo ang makakabuti para sa anak mo, para kay Izak. basta, you know naman na i'm here lang." aniya at niyakap na ako.

Niyakap ko din siya at tuluyun nang humagulgol sa balikat niya.

Anak, pasensya kana. hindi kita mabibigyan ng kompletong pamilya.
I just want to protect you at all cost.

Nanumbalik sakin ang isa pang pangyayari kanina.

Nandito ako sa faculty room at inaayos ang gamit ko, nang hindi sinasadyang marinig ang usapan ng tatlong guro na nasa harapan ko.

"Ang gwapo pa din ni Sir. Montanier kahit may asawa't anak na." kinikilig na sabi ng isang guro.

Napakunot ang noo ko.

Ramdam ko ang pag daloy ng kirot sa dibdib ko dahil sa narinig.

May asawa't anak na? ang tinutukoy ba nila ay si Sygred?

Muling nag salita ang isa.

"Ang swerte ni Ma'am Ivenika!" kinikilig na sabi ng isa.

"Sinabi mo pa! Sana all na lang talaga," Nakangiting sabi naman ng isa.

Hinaplos ko ang puso ko, Apektado pa din talaga ako. Napabuntong hininga ako at binitbit ang gamit ko at nagpaalam na sakanila.

"Ma-ma" Banggit ni Izak, napangiti ako.

"Baby, I miss you!" Nakangiting sabi ko at hinalikan ito, kahit ilang oras palang akong nawala dahil may trabaho na ay namimiss ko kaagad si Izak, napatingin ako sa mukha nito at nakita ko siyang nakangiti.

Ang gwapo niya talaga.
He really looks like his father.

Nakakalungkot lang dahil hindi ko siya mabibigyan ng kompletong pamilya, I'm sorry baby.

Malungkot akong ngumiti at hinalikan na lang ng hinalikan ang anak ko na kinatawa niya.

I really love my son. I'm so thankful to have him. He's such a blessing. Kahit hindi maganda ang takbo ng buhay pag ibig ko ay may anghel naman akong natanggap na buong buhay kong ipagpapasalamag sa panginoon.

Continue Reading

You'll Also Like

246K 2.9K 36
"i want you to be with me forever untill our hair turns white and our face will have wrinkles"~ i said But.. If you'll leave, do it today. If you'll...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
915K 31.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
95.2K 1.7K 43
Isang kwento tungkol sa isang babae at lalaking nagkaroon ng isang matibay na ugnayan sa isat isa dahil sa isang arrange marriage na ang mismong Lolo...