CHAPTER 22

9.6K 240 11
                                    


Isang taon na ang nakakalipas simula ng magkatabi kami ni Sygred sa may waiting sched, Hindi din naman siya nababanggit sakin ni Quira.

Sa loob ng isang taon ay hindi naging madali ang lahat, Inamin ko sa mga kababata ko at sa mga kaibigan ko na nag dadalang tao ako. Akala ko huhusgahan nila ako pero hindi, Hindi nila ako hinusgahan, Lalo na ni Raquel. Tinulungan pa nila ako sa mga kailangan ko. Sa tuwing may check up ay kasama ko sila palagi, Tuwang tuwa sila noong unang beses na nag paultra sound ako. Kahit walang ama ang baby ko nandyan naman ang mga kaibigan ko. Ramdam ko na simula una palang na mamahalin nila ang anak ko.

Nang sinubukang mag tanong ni Mina tungkol sa ama ng anak ko ay iling lang ang isinagot ko, ibig sabihin ayoko ng pag usapan yon. naiintindihan naman niya, pero yung mga lalaki kong kaibigan ay noong una ay nagalit pa sila dahil bakit daw hindi ako pinanagutan ng nakabuntis sakin, sinasabi ko na. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang totoong nangyari sakin.

Hindi ko kasi kaya, ayokong malaman nila na professor ko ang nakabuntis sakin. Natatakot ako.

Habang nag aaral ako noon ay hindi pa masyadong halata ang tiyan ko, pero noong pagraduate na ako ay unti unti na siyang bumabakat. Nag tanggalan pa nga ang ibang butones ng blouse ko kaya nang hiram ako kay Cassia, Mataba kasi si Cassia.

Nalaman ng mga kabarangay namin na buntis ako, ang iba ay hinusgahan ako pero ang iba ay hindi ako hinuhusgahan, may iilan pa nga silang sinabi sakin na mga dapat kong gawin dahil isa na akong ina.

Malaki na ang tiyan ko ng makagraduate ako ng kolehiyo. Kasama ko ang aking anak sa tagumpay ko.

Nanganak ako, Salamat sa tulong ng mga kaibigan ko. Noong kabuwanan ko na halos dito na lagi sa bahay si Cassia at Mina. Kaya noong nabasag na ang panubigan ko kalagitnaan ng madaling araw ay agad tumakbo si Mina palabas ng bahay at ginising sila Wonwon. Alerto naman silang sinakay ako sa Trycicle nakaalalay silang lahat sakin.

Naging madali naman ang panganganak ko.

Noong months na si Izak ay nag take ako ng board exam, at sa awa ng diyos ay nakapasa ako. Nakapasa din ang mga kaibigan ko. Nagpapasalamat ako sa tulong ni Nang Wena dahil noong nag rereview ako para sa board exam ay palagi niyang binabantayan si Izak.

Ngayon ay isa na akong ganap na guro, Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok ng aking anak na mahimbing na natutulog.

"Mahal na mahal kita Izak." Nakangiting bulong ko at yumuko para mahalikan ito sa noo. Nang mahalikan ko ito ay dahan dahang nag mulat ang mga mata nito na may mahahabang pilik mata. Singkit ang mata niya, Matangos na ilong, at nakuha niya ang labi ng kanyang ama na may guhit sa gitna. Sa tuwing tinititigan ko ang aking anak ay nakikita ko ang lalaking minahal ko. minahal? o mahal mo pa? isang taon palang ang nakakalipas, Alam kong may natitira pang pagmamahal dito.

Napailing ako at nakangiting muling hinalikan ang anak ko at binuhat ito.

Hindi pa siya nagsasalita, ang alam palang niyang banggitin ay ang "Mama" hindi pa din siya marunong mag lakad, pagabay gabay palang siya. Nasanay kasi sa palaging binubuhat ng kaniyang mga Tita at Tito.

Pagkalabas ng kwarto ay agad nanuot sa ilong ko ang amoy ng tocino at sinangag.

Agad akong nag tungo sa kusina kasama ang aking anak.

"Amoy palang masarap na,” Nakangiting sabi ko kay Raquel na nag luluto. Nakangiti itong lumingon sakin.

"Syempre naman, ako pa? magaling 'to sa larangan ng pag luluto." Aniya at pinatay ang lutuan at lumapit saamin.

Agad niyang kinuha sakin ang anak ko at pinag hahalikan ito.

"Miss na miss ko na ang pamangkin kong pogi!" anito at pinaulanan pa ng halik ang anak ko kahit kili kili nito ay pinaghahalikan niya, napangiti ako dahil tuwang tuwa ang anak ko sa ginagawa ni Raquel, nawawala tuloy lalo ang mata nito.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now