Coldest War (War Series #2)

By overthinkingpen

255K 12.3K 3.5K

War Series #2: Hiel Sebastian Lara Cervantes Pretty, kind, and friendly, Rinnah Selene Jimenez is always love... More

Coldest War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
Coldest War

Chapter 5

5.7K 266 54
By overthinkingpen

Chapter 5

Like

"So..." Jourdaine squinted her eyes at me, "the first boyfriend was the Martin Liao?"

Bahagyang kumunot ang noo ko at hindi ko napigilan ang tawa. Ga'no na ba kami katagal na nagku-kuwentuhan dito? The night already feels cold and I'm sure that it's past midnight already but I still don't want to go to bed. 

I love catching up with friends and I know that I can rarely do it nowadays. Ngayong gabi, I just want to spend my time reminiscing. 

"Why are you looking at me that way?" Tawa ko kay Jourdaine bago ibinaba ulit ang tingin sa kopitang hawak-hawak. "Yes. . .but it took a while before I said yes to him."

"Wow, you dated late," aniya, may kaunting disapproval sa ekspresyon at agad akong tumawa.

I really love hanging out with Jourdaine--she has such a free and strong spirit. Parehas kaming mahilig sa mga social gathering but her strong personality is different from mine.  

"Grabe, Jourdaine!" Tawa ko. "Masyado ngang maaga," uminit ang mga pisngi ko. 

Because I thought that it was such a fun feeling. Ang lahat ng nasa paligid ko noong bata ako, nagsisimula nang magkaro'n ng mga karelasyon kaya naisip kong normal lang naman kung magkaro'n din ako no'n.

And to top it off, Martin was a good guy. Because we were young. . .masyado nga lang bata pa ang nararamdaman n'ya para sa akin noon at gano'n din ako sa kan'ya.

He would always visit me in our class. Parating nasa klase namin ang mga Grade 6 n'yang kaibigan at madalas pa nga kung maabutan ng mga teachers dahil gusto ni Martin na makasama ako parati. Nanliligaw pa lang s'ya, gano'n na s'ya sa'kin.

Halos maging isang klase na lang tuloy ang section n'ya sa Grade 6 noon at section ko naman sa Grade 5. Most students assumed that our sections had a strong bond than any other sections kaya tinitingala ang klase namin noon mula sa iba pang mga sections.

Sa tuwing tapos na rin ang klase, inaaya n'ya akong sumama sa kan'ya kumain sa malapit na mga kainan sa Torrero University. I would always bring Gema with me and Martin would sometimes bring his friends too.

Because I was naturally friendly, naging malapit din sa akin ang mga kaibigan n'ya.

Slowly, we've made a circle of our own. Nagkaro'n kami ng sariling barkadahan kung saan kasama ang mga kaibigan ni Martin at ang mga kaibigan ko. 

I have also started hanging out with them a lot. Nagkikita pa rin kami kahit sa mga araw na wala namang klase at pumupunta rin kami sa mga mall para gumala. My mom always gave me her permission, of course, because she loved seeing me hang out with people.

"Ga-graduate ka na pagkatapos ng taong 'to," sabi ko kay Martin habang nasa cafeteria kasama ang mga kaibigan namin. 

Madaming tao sa cafeteria dahil break time na rin ng halos lahat ng batchmates naming dalawa. Maingay dahil sa mga magkakaibigang nandoon at kailangan pang lumapit nang kaunti ni Martin sa akin para marinig n'ya ang sinasabi ko. Lumalapit din ako sa kan'ya para malinaw n'yang marinig ang sinasabi ko at para marinig ko rin ang sasabihin n'ya.

Martin looked at me with his Asian eyes. 

"Oo," he smiled a little, "Grade 7."

"Pa'no 'yan? Lilipat ka?" Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil sa naisip. 

I wouldn't see him anymore?

Ngumiti si Martin sa akin at umiling.

"Sa Torrero University pa rin!" Aniya. "Sa ibang building lang pero parati pa rin akong pupunta sa'yo tuwing break times."

"Talaga?" Mahinang tanong ko at nakaramdam ng kaunting tuwa. "Promise?" I asked, happy because I don't have to worry about having fewer friends.

I loved building friendships so it makes me sad if we won't be hanging out anymore. Hearing him say this helps me ease the sadness that is looming over my heart.

Martin nodded. "Lagi kitang pupuntahan. Lagi rin tayong mag-uusap."

Unti-unting gumaan ang loob ko dahil do'n. Gusto ko rin ang mga pagkakaibigang nabuo namin kaya pakiramdam ko, mami-miss ko 'yong lahat sa oras na grumaduate na sila ng elementary. 

"Mamaya, may gagawin ka ba? Ililibre ulit kita," ani Martin habang nakatingin pa rin sa akin.

He's giving his full attention to me. Hindi ko naman maibigay sa kan'ya ang atensyon ko dahil hindi pa ako tapos kumain. 

"Pupuntahan ko si Hiel," biglang sabi ko nang maalala na pupunta nga pala ngayong araw si Mommy sa kanila. She told me that I can go too. "Pupunta kasi kami sa kanila."

"Bakit?" Tanong ni Martin. 

Napa-isip ako at tiningnan ang mga mata ni Martin na kuryoso rin kung bakit ako pupunta kina Tita Stella. 

"Hmmm. Bibisita lang," I said. 

Tumango si Martin. 

"Wala kayong gagawin?" He asked. Umiling ako. "Alis na lang tayo? If you want."

Agad akong napatitig kay Martin. Parang gusto kong sumang-ayon sa aya n'ya. . .pero hindi ko magawang sumagot agad dahil unang beses yata ito na tatanggi ako sa pagpunta kina Hiel. 

Wala naman akong gagawin do'n. . .at hindi naman sinabi ni Mommy na dapat akong pumunta. I can always choose to not go. 

"Okay," ngiti ko kay Martin at agad naman s'yang napangiti bago tumango.

Agad n'yang inaya rin ang mga kaibigan namin at lalo akong na-excite na umalis mamaya nang pumayag ang halos lahat na sumama sa pag-alis namin. Agad ko ring tinawagan si Mommy para magpa-alam.

"Wow, it's your first time to decline," tunog humahangang puna ni Mommy. "Dati, ikaw pa ang nag-aaya sa aking pumunta kina Hiel. Sino ba 'yan? Boyfriend?" She teasingly asked. 

"Mommy!" Uminit ang mga pisngi ko at kahit alam kong hindi narinig 'yon ni Martin, nakakaramdam pa rin ako ng hiya. 

"Why? You have a boyfriend already?" She asked.

"Nanliligaw daw. . .Mommy," I trailed off.

"I knew it!" Tawa ni Mommy at lalo akong nakaramdam ng hiya. "Sino-sino ang kasama n'yo? Kasama mo rin 'yong friend mo? Si Gema?"

"Opo," I bit my lip and slightly pouted. 

"Alright. Pero uuwi rin agad, okay? 6 pm. You should be home by then."

"Okay..." I answered.

"Okay. Ingat ka, ha?" She asked and I nodded even though she couldn't see it. "But go check on Hiel before you leave. Baka kasi ang alam n'ya, pupunta ka at hintayin ka n'ya mamaya."

"Okay po, Mommy," I said.

Nang sabihin ko kay Martin na pumayag si Mommy, agad s'yang natuwa at lalong na-excite na umalis kami mamaya. 

"Pero kailangan ko munang puntahan si Hiel mamaya bago ako umalis," I told Martin, bahagya ko s'yang tinitingala dahil sa tangkad n'ya sa'kin.

Tumango kaagad si Martin at tiningnan ako nang may ngiti. 

"Okay," aniya. "Sasamahan kita," he boyishly continued and I couldn't stop my heart from fluttering. 

Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko nang bumalik ako no'n sa klase. Halos gusto kong sabihin sa oras na bilisan n'ya ang pagtakbo para lang matapos ang buong araw ng klase namin para sa araw na 'yon.

Sinusukbit ko na ang strap ng bag sa balikat ko nang makita ko sa labas ng room namin si Martin na mukhang naghihintay para sa'kin. Binilisan ko ang pag-aayos ng sarili ko bago ako tuluyang naglakad papalabas ng klase para puntahan s'ya. 

Napansin ko ang mga kaklase kong panay ang lingon sa amin at ang ilan na mukhang hindi mapigilang tingnan si Martin. Mayro'n pang ilang bumati sa kan'ya na binati n'ya rin pabalik. 

'Yon nga lang, nasira ang magandang mood nang biglang lumabas na rin ng klase si Kevin, isa sa mga kaklase ko na parating sinasabi ni Gema na may gusto raw sa akin. Biglang nag-react ng panunudyo sa kan'ya ang mga kaibigan n'yang kaklase ko rin nang madaanan nila si Martin sa abalang hallway na puno na rin ng mga naglalabasang mga estudyante. 

Martin looked at Kevin too when he passed by at nakita ko ang ngisian ng mga kaibigan ni Martin na mga kaibigan ko na rin. Kevin is shorter than the boys from the Grade 6, especially from Martin. Agad akong nakaramdam ng pagka-ilang dahil sa tensyong nabuo sa kanila at dahan-dahan akong lumapit.

When Martin saw that I was finally there, he immediately showed me his warm smile. Agad din akong ngumiti nang matamis sa kan'ya, hindi na lang inisip ang kung anumang tensyong nabuo sa pagitan nila ni Kevin kanina.

"Tara na?" He asked. 

Tumango ako at inayos ang strap ng backpack sa balikat ko bago kami tuluyang naglakad papunta sa kung nasaan ang classroom nina Hiel.

Marami ang bumati sa akin nang makasalubong ako at bumabati rin ako pabalik. 

"Ate Rinnah!" 

I immediately tried to find who shouted my name and when I saw Brylee, a smile showed on my lips. 

"Hello, Brylee," malambing na salubong ko sa kan'ya. 

She held my arm and looked at Martin who was already beside me. Pero mabilis n'ya ring ibinalik ang tingin sa akin.

She's pretty like usual. Her eyes look so bright and innocent. 

"Hinahanap mo si Hiel, Ate?" She asked. 

Tumango ako kaagad. 

"Oo, eh. Nakita mo ba s'ya?"

"Of course," she giggled before she looked behind her.

Tumingin din ako sa tinitingnan n'ya at nakita ko na ang papalapit na rin si Hiel sa amin. He was looking at us with his innocent eyes before he looked at Martin who was beside me. Ibinalik n'ya ang tingin sa akin at tuluyan nang nakalapit. 

"Hiel, hindi muna ako makakapunta sa inyo," I told him, "aalis kasi kami ng mga kaibigan ko."

Hiel stared at me for a few seconds before he nodded. 

"Okay," he said. 

I kind of thought he's going to add more to that but he didn't. Inayos n'ya lang ang pagkakasabit ng bag n'ya sa balikat.

"Okay!" Agad na ngiti ko sa kan'ya at sinubukang 'wag na lang isipin ang tipid n'yang sagot. "Ingat ka pauwi. Sabihin mo kay Tita Stella, babawi ako sa susunod."

Tumango ulit si Hiel at pinigilan ko ang pagkawala ng ngiti ko. Ngumiti ako sa kan'ya bago tumango at tiningnan na si Martin na naabutan kong nakatingin sa akin. 

"Tara na."

Ngumiti si Martin sa akin at tumango bago kami nagpaalam na nang tuluyan kina Brylee para maka-alis na rin. 

Naglalakad na kami paalis doon nang lingunin ko ulit sina Hiel at nakita kong nag-uusap silang dalawa ni Brylee. Pakiramdam ko, naninibago ako na hindi pumunta kina Hiel. Unang beses ko 'tong tumanggi sa pagpunta sa kanila at hindi ko alam kung sasama ba ang loob sa akin ni Hiel.

But it seems like it was fine with him. . .so maybe, it's really fine?

Pero kung iisipin ko nga naman, ako naman ang parating nakikipag-usap sa kan'ya. I had always been the one who's very enthusiastic. He never once initiated to get closer to me. He's always been the silent type and he looks like he's fine with anything. 

Ang nasa isip ko, baka magtampo si Hiel na hindi na kami masyadong malapit sa isa't isa pero ngayon ko napagtanto na hindi naman gano'n ang reaksyon n'ya. Siguro nga, tumatanda na si Hiel. Hindi na s'ya 'yong Hiel na itinuturing kong batang kapatid noon. With how he acts, para ngang ka-edad ko lang s'ya. 

Look at him. He's not even disappointed that I won't go to their house. Parang ako pa yata ang magtatampo, ah?

"Tumatanda na rin s'ya, Rinnah," ani Martin nang maikuwento ko sa kan'ya ang tungkol doon nang nasa labas na kami kasama ng mga kaibigan at nagkayayaang kumain sa isang bagong bukas na cafe. "T'saka, 'di ba, ang sabi mo, he has always been quiet when he was younger? Ngayong nage-edad s'ya, lalo mong mapapansin 'yon. Gano'n talaga," he said and shrugged. 

"But still," napanguso ako. "Para ko na s'yang bunsong kapatid kaya medyo nagtatampo ako na hindi na kami kasing close tulad ng dati."

Napatawa nang kaunti si Martin at tiningnan ko s'ya. May ilan sa mga kaibigan namin ang napalingon sa amin dahil napansin siguro nila na nahuhuli kami sa paglalakad ni Martin. Pero nang mapansin nilang seryoso kaming nag-uusap, may malisya silang tumingin sa amin at may panunudyo sa mga ngiti pero hindi naman nanggulo pa. 

Ngumiti ako sa kanila at may ilan sa kanila ang nag-thumbs up sa akin kaya napatawa na lang ako at bahagyang umiling.

"I'm sure that Hiel still sees you as his friend, Rin. Masyado mo lang sigurong iniisip ang tungkol dito," ani Martin, nangingisi na rin habang napapatingin sa mga kaklase namin.

"Tingin mo?" Bumuntong-hininga ako. 

Maybe he's right. Ngayon ko lang din siguro napagtuunan ng pansin na ako na lang parati ang nagi-initiate sa aming dalawa ni Hiel. Maybe I'm just being sensitive.

"Let him be independent. Hiel has an aloof personality," tango ni Martin. "No wonder, crush s'ya ng mga nasa batch n'ya. It adds to his appeal," tawa n'ya at napatitig ako kay Martin.

"How did you know?" Nagtataka kong tanong.

It's not news to me that Hiel is a heartthrob of their batch. Pero nagulat lang ako na pati sa batch nina Martin ay balita ang tungkol doon.

"It's obvious. T'saka, naririnig ko sa iba," Martin shrugged. "Even the girl he was with earlier--his friend? Hindi mo pansin?"

Bahagyang umawang ang mga labi ko.

"Brylee? Really?" Mangha kong tanong. "I feel like she's just friendly."

"She's friendly. Pero iba 'yong tawa n'ya no'ng dumating si Hiel."

Napa-isip si Martin doon. Napangiti ako. 

"Wow, paano mo 'yon napansin agad?" Manghang tanong ko. 

"Ang galing ko, 'di ba?" Biro sa akin ni Martin at natawa kaming dalawa.

Kaya sa sumunod na mga beses na nagpunta ako sa kung nasaan ang klase nina Hiel, t'saka ko napansin ang sinasabi ni Martin na kaka-iba kay Brylee sa tuwing nasa paligid si Hiel. She's more cheerful. She always looks at him whenever she laughs.

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa tuwing napapansin ko 'yon. 

"Ang cute ni Brylee, 'no?" Tanong ko kay Hiel, isang hapon, nang ihatid namin ng tingin si Brylee nang magpaalam s'yang mauuna nang umuwi. 

Sabay ulit kaming uuwi ni Hiel kaya naman pinuntahan ko ulit s'ya sa hallways nila. 

Hawak-hawak ko sa dalawang kamay ang magkabilang strap ng backpack at nasa kan'ya ang atensyon ko. 

"I guess," mahinang sabi ni Hiel at inayos n'ya ang bag sa balikat. He glanced at me. "She's loud," kumento n'ya at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. 

Napatawa ako. "Ayaw mo sa maingay?"

"I didn't say I hate it," aniya at tiningnan ako. 

"So, gusto mo si Brylee?" Ngiti ko sa kan'ya, nagbibiro at bahagyang nang-aasar.

Kumunot ang noo ni Hiel nang sabihin ko 'yon. He directed his eyes at me. Hiel has this boyish look. Some of his features are now boyish--rather than cute. No wonder, his classmates like him. Meron nga rin mula sa Grade 4! 

"I didn't say I like her that way," aniya. 

Natawa ako at hinatak na ang braso ni Hiel para mabilis na kaming maka-alis at maka-uwi. 

"Ikaw naman! I'm just joking," tawa ko at binitawan ang braso n'ya nang mas mabilis na kaming nakapaglakad. "Pero hindi mo ba s'ya nagugustuhan? She's pretty and kind at the same time!"

Inayos ulit ni Hiel ang bag sa balikat n'ya.

"She's nice but aren't we too young?" Nagtatakang tanong ni Hiel, tinitingnan ulit ako. 

"Okay lang kung crush!" I grinned. "Pa'no kung crush ka ni Brylee?" 

"We're friends," kunot-noong sabi ni Hiel, parang hindi maintindihan kung bakit ko s'ya inaasar kay Brylee. "Why would she have a crush on me?"

He's really asking me that? Hindi ba, marami naman talaga ang nagkakagusto sa kan'ya?

"Sometimes, friends can like each other! Lalo na kung mabait."

"She doesn't like me that way," ani Hiel, parang sigurado dahil diretso ang tingin n'ya sa akin at mukha talaga s'yang walang alam sa sinasabi ko. "Baka akala mo lang."

I shrugged. "Pansin din ni Martin," I unconsciously mumbled. 

"Crush ka n'ya?" Tanong ni Hiel na ikinagulat ko.

Tiningnan ko si Hiel. He looks like he already knows the answer but he's asking still, just so I can confirm it to him. He looks clueless about these things!

"Ha?" Medyo napalakas kong tanong.

"Crush ka n'ya? The guy you're always with?" He calmly asked with his innocent eyes looking at me.

Uminit ang mga pisngi ko. 

"Oo raw," halos pabulong kong sagot.

Napatingin ako sa katangkaran ni Hiel at na-realize kong kasing tangkad ko na yata s'ya. Wow. . .I mean. It has only been months.

Tumango si Hiel. 

"What happens now that you know he likes you?" Kuryoso n'yang tanong. 

"Nanliligaw s'ya, eh," napa-isip ako. "If I like him too. . .we can be like--couples."

"Boyfriend?" Tanong ni Hiel.

Tumango ako, nahihiya dahil hindi naman ako sanay sa ganitong usapan.

"Hindi ba, bata ka pa rin?" Hiel innocently asked and I frowned at him.

Huminto kaming dalawa sa tapat ng van nila na sumusundo parati sa kan'ya pauwi. I clutched on my bag and looked at him. His eyes and my eyes are now almost on level.

"Kaya ko na! Okay lang kay Mommy," I said. 

Tumango si Hiel. 

"Okay," tipid n'yang sabi, nakatingin pa rin sa akin dahil alam n'ya sigurong may sasabihin pa ako. 

"Ikaw, puwede ka na rin," asar ko sa kan'ya at agad na tumawa nang kumunot nang kaunti ang noo n'ya.

"I don't think so," he mumbled. 

"Oo, bata ka pa," tawa ko at inangkla ang braso sa braso n'ya. "Grow up then introduce me to the girl you'll like, okay?" I asked him, catching his gaze.

Tumango si Hiel at tumingin sa akin. Our eyes met and I smiled sweetly at him.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 71.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
27.2K 315 107
Message Series #2 Lorelai hated the idea of marriage for convenience so she made a deal with UST Growling Tigers' Justine Villa to try to be kind to...
24.1K 564 99
Attractive Girl's Epistolary #2 An Epistolary Novel Aliyah Elyse Rafal Baretto and Yadier Ashton Gravilla Started: March 4, 2021 Ended: March 12, 2021