The Double Personality Gangst...

By superJEMI

1.9M 24.6K 1.7K

What if the one you love has a double personality? Pa'no kung ang isang side lang niya ang gusto mo? Handa mo... More

The Double Personality Gangster - 1
TDPG - 2
TDPG - 3
TDPG - 4
TDPG - 5
TDPG - 6
TDPG - 7
TDPG - 8
TDPG - 9
TDPG - 10
TDPG - 11
TDPG - 12 (Part one)
TDPG - 12 (Part two)
TDPG - 13
TDPG - 14
TDPG - 15
TDPG - 16
TDPG - 17
TDPG - 18
TDPG - 19
TDPG - 20
TDPG - 22
TDPG - 23
TDPG - 24
TDPG - 25 (The last chapter)
EPALOGS NA WRITER'S NOTE
TDPG - FIN
ANNOUNCEMENT MULA SA EPALOGS NA WRITER >3<

TDPG - 21

48.6K 603 16
By superJEMI

Chapter 21

See Lauren Denise on the side. *U*

 

NOTE: Click the external link for the teaser video of UNCHAINED MYSTERY OF THE GANGSTERS (UMG) starring (naks! Lakas maka-starring no? XP) TOP, GD & DAE. Mehehehe~ May story din sila no. Lahat ng BigBang. *O* Abangan niyo after nitong TDPG ^___^ Thankies readers/friends! =))))))))))))))))))))))

*****

(Lauren’s Point of View)

“San ba tayo pupunta?” tanong ko kay Lharby habang nag-ddrive siya. Nakasakay ako ngayon sa motor niya. Hindi ko alam kung sa’n kami pupunta ngayon, basta bigla nalang niya kong sinundo kanina sa room. Buti nalang last day na namin sa semester na ‘to.

“Makikipagkita si Aldrin sa’kin.” sagot niya

“O bat naman ako kasama? -__-”

“Gusto kong pakilala kita sa kanya bago siya pumasok sa SAF.”

“Eh?” nakakahiya naman. >___<

“Close talaga kayo nun ano?” tanong ko sa kanya

“Oo, kahit pa palagi kaming nagbabangayan. Bata palang kami magkatropa na kami nun. Naaawa nga ko dun e, mahal na mahal niya si Cleo pero eto ang napala ng pagmamahal niya. Kapahamakan. Tss. Kaya pangako ko sa’yo, hinding-hindi ka mapapahamak.”

Gusto kong maniwala sa ipinangako ni Lharby. Pero ano ang assurance ko doon? >__<

“Bakit daw siya papasok sa SAF?”

“Gusto niyang patunayan na ang isang tulad niya, may patutunguhan din ang buhay.”

Di na ko sumagot ng huminto na ang motor niya. Nakita ko na kaagad si Aldrin. Nang makababa na kami, lumapit kaagad siya sa’min.

“Brad,” tumingin sa’kin si Aldrin at ngumiti.

“Siya na ba?”

Lumapit sa’kin si Lharby at  inakbayan ako, “Siya na nga Brad at wala nang iba.”

Natawa si Aldrin, “Wag mong sasaktan yan Brad kundi sasapakin kitang gago ka. Wag kang tumulad sa’kin.”

“Inangyan. Hahaha! Oo na! Sobrang mahal ko ‘to. Hinding-hindi ‘to iiyak sa’kin.” lalong humigpit ang akbay niya sa’kin na parang ayaw na niya kong pakawalan.

“Tang’na! Halata naman brad e, makaakbay ka parang ayaw mo na pakawalan.” natatawang sabi ni Aldrin.

Natawa lang si Lharby sa sinabi ng kaibigan. Gan’to ba talaga sila mag-usap? Puro bad words. =_____=

Lumapit sa’kin si Aldrin,

“Lauren tama? Aldrin nga pala,” tumango ako sa kanya at nakipagkamay siya sa’kin

“...pag pinaiyak ka ng gagong ‘to--- Tang’na Brad!” binatukan siya ni Lharby bago niya pa maituloy sasabihin niya.

“De, Lauren, mahal na mahal ka nitong gago kong kaibigan. Kahit gangster yan, matindi magmahal yan. Haha! Yung tipong handa na niyang baguhin pagkatao niyan.” napatingin ako kay Lharby, napapakamot siya sa batok niya.

Ngumiti nalang ako kay Aldrin. Hindi ko alam sasabihin e. >___<

“Pa’no Brad alis na ko,” humarap na siya kay Lharby, nakita kong may iniabot siya dito.

“Bigay mo nalang brad,” tumango si Lharby at tinapik sa balikat ang kaibigan.

“Alis na ko. Lauren,” nagpaalam din siya sa’kin

“S-sige. Ingat.”

Umalis na ito at naiwan si Lharby na napapailing-iling. Ganun ba talaga ang pag-ibig? Handa mong isantabi ang dating ikaw para mahalin ka ng taong mahal mo? Si Aldrin, handa niyang patunayan ang sarili niya maging karapat-dapat lang siya sa babaeng minamahal niya.

 

*beep*

‘Later beks ha! ^_____^’

 

Text ni David. Ano pa nga ba? Nag-promise na ko e. =___=

“Sino yan?” napatingin ako kay Lharby

“W-wala. Hehe. Si David.” tumango lang si Lharby at sumakay na kami sa motor niya para umalis.

*****

“Are you ready beks?” tanong ni David sa’kin sabay pout ng kanyang red lips. Andito kami ngayon sa condo niya.

“Anong ready ka diyan? =___= First time ko dun, pa’no ako magiging ready niyan?”

“Naaah! Okay lang yan beks,  mag-eenjoy ka dun. More aura dun. ^___^” inakbayan niya pa ako.

“Ewan ko sa’yo David. -_- Ako ba talaga mag-eenjoy o ikaw? =__=”

“Tch! Nag-promise ka sa’kin diba Beks? Promise mo pa nga bar-hopping e, etong ngayon isang bar lang pupuntahan natin. Tsaka maraming pupuntang mga ka-batch natin. Okay lang yan. Celebrate na din ng pagtatapos ng third year life. *__*”

“Ano pa nga bang magagawa ko? Tara na.”

“Ganyan ka na?” tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa.

“Eh? Ano bang mali sa suot ko?” naka-white long sleeves ako at jeans

“San punta beks? May job interview? =______=”

“Okay na ‘to, choosy pa tayo? Tsaka may policy ba dun ng kasuotan? Kelangan ba ganyan sa’yo? Backless? Mamaya niyan ma-pulmonya pa ko.”

“Oo na, oo na. Tara let’s go!” kinuha niya ang shoulder bag niya pero bago kami lumabas may sinabi siya sa’kin,

“Nga pala beks, 90%. *wink*

“Haaaaaa?! 90% agad? Nung isang araw 60% palang ah. Tsaka bakit mo ba nilalagyan ng percent? Ang abnormal mo. -_-”

“Kala mo di ko alam kanina na umalis na naman kayo  ah.” may malokong ngiti niyang sabi

“E porket lumabas lang 30% na nadagdag? Tsaka pinakilala niya ako kay Aldrin. Di kami nag-date. >__<”

“Gosh! Pinakilala ka? Ang haba ng buhok mo! Edi kilig to the bones ka na naman kanina? Susunod niyan sa buong angkan ka na nun ipapakilala. Dahil diyan, 91%” pagkasabi niya nun, lumabas na siya ng pintuan.

Eh? Abnormal talaga yun. -___- Nadagdagan agad-agad ng 1%? =______= Sakit sa bangs. >_< Lumabas na rin ako at sumunod sa kotse niya.

*****

Nang makarating kami sa bar, ang ingay. Halos hindi na nagkakarinigan at ang daming mga sumasayaw. Etong si Divina, wala pa sa gitna sumasayaw na agad habang naglalakad kami. -____-

(A/n: play the music on the side, para kunwari nasa bar din kayo. Mehehe~)

 

“Div’s! Here!” may kumaway sa’ming isang babae, si Charlotte. Classmate ni Tristan ‘to e. Nang makalapit kami sa pwesto nila, tsaka ko lang napansin na nandito din pala si Tristan.

“Let’s dance girl” aya ni Charlotte kay Divina. Agad naman silang umalis. Naupo nalang muna ako, iniikot ko ng tingin ang bar, yung iba naming classmates andito rin pala. Sumasayaw din sila.

“Buti naman nakapunta ka Lauren. ^__^” napatingin ako kay Tristan, kami nalang pala ang naiwan dito sa table namin.

“Di naman dapat ako sasama dito e, kaso nag-promise ako kay David.” halos nagsisigawan na kami kung mag-usap dahil sa lakas ng tugtog.

“Gusto mo?” alok niya sa iniinom niya sa’kin.

“Ahh, hindi. Hehe. Di ako nainom e.” natawa siya at tumawag ng nag-seserve.

May sinabi siya dun sa lumapit at umalis na. Pagbalik nung bartender may dala na itong inumin.

Tumabi sa’kin si Tristan ng makuha niya ang inumin at iniabot sa’kin, “Wag ka mag-alala. Walang tama yan. Juice lang yan.”

“Eh? Sure ka ah.” kinuha ko ito at uminom ng kaunti, para nga lang juice.

“Sabi ko sa’yo diba?” tumango nalang ako at uminom pa sa hawak kong inumin. Sarap nga. Pero  nakaka-adik ata ‘tong inumin na ‘to dahil pagkatapos inumin, para bang I’m wanting for more kaya kumuha pa ko ng kumuha sa umiikot na bartender.

“Kamusta naman sa’yo si Lharby?” out of the blue niyang tanong

“Si timang? Ayun, timang pa rin Hihi!” sagot ko sabay inom na naman ng inumin na hawak ko. Sakit na ng ulo ko ah. Pero ang sarap talaga e, ang init pa sa lalamunan. @___@

“May pag-asa pa ba ko sa’yo?”

Humarap  ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, “Uhh? Di ko alam e. Pero alam mo Tristan. Hihi. Mas lamang na sa’yo si timang. Ewan ko dun. Sobrang nakuha na niya ang loob ko. Kaya para masaya tayong lahat,  magkaibigan nalang tayo. Okay ba yun? ^___^”

“Okay. Basta pag sinaktan ka niya, ako na bahala sa’yo ah. Babalikan kita.”

“Hihihi. Kaw talaga! Di ako sasaktan nun no! Mahal ako nun! Hihihi! Cheers!”

 

 

_____

(Divina’s Point of View)

 

“One more please!” sigaw ni beks sa umiikot na bartender. Halos malaglag ang wig ko sa nakikita ko. Si beks lasing. >___<

“Ano ba pinainom mo diyan Tristan?” tanong ko kay Tristan

“Sabi ko dun sa bartender, lady’s drink lang. Mali pa ata ng dinig. Psh.”

“Akin na beks, uwi na tayo. Tara na let’s go.” kinuha ko ang baso na hawak niya

“Eeeeh beks, first time ko nga lang dito e.” inagaw niya ulit ang baso na kinuha ko sa kanya at tuloy-tuloy na ininom.

“Grabe Tristan, ang sarap nitong pinainom mo sa’kin ah. Anong pangalan nito?”

“Tama na Lauren. Tara hatid na kita.” tumayo na si Tristan at pilit na pinapatayo si beks.

“Eeeh! Yoko pa! Sayaw tayo beks dali!” excited itong tumayo pero bigla siyang nahilo at natumba. Buti nalang nasalo ni Tristan.

“Psh. Ano ba yan si beks. >__<” napapailing nalang ako, nako. Kung alam ko lang, hindi ko na siya iniwan kanina. Shunga-shungahan pa naman ‘to sa mga inumin na gan’to. =__=

Iniupo muna siya ni Tristan sa upuan. Kaloka pawisan na si beks, halatang hindi sanay sa mga gan’tong klaseng inumin. =____=

Pinupunasan siya ni Tristan ng pawis. Ako din! *___* Pawis din ako. >__<

Kung titignan sila, para silang naghahalikan. Haha! Kaloka. @__@ Etong Tristan na ‘to bet na bet. -_- Pero mabait yan si Tristan, di niya it-take advantage ang kalasingan ni beks  no.

*boogsh!*

Bigla akong napatayo at nakita ko si Tristan na nasa sahig na.

May humila sa kamay ni beks, pagtingin ko...

si Lharby! O__O

 

#WaitForTheNextChapter

 

 

XXXXX

Thanks for reading! Update nalang ako ng update! Mehehe~ Tapos ko na kaya ‘to itype lahat. Epilogue nalang kulang. ^____^ Pag nakabalik ako mamaya, may update ulit! *__*

Uwaaaaah~! What will happen next? >____< Gosh! Last four chapters before the epilogue. *____*

VOTE, COMMENT & RECOMMEND TO FRIENDS. *U*

---superJEMI <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 18.7K 91
For Ian Jenares, Michaela Serano is the most unusual girl that he ever met. For him, there's nothing wrong with her. Pero nilalayuan ito ng ibang tao...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.3M 26.8K 29
What will happen if a Childish girl and a Gangster meet? (Wag ng basahin dahil hindi siya maganda XD) For soft copies ➜ http://filipinastories.yolasi...
1.5K 155 13
Where do people who commit suicide go? Benj Castro is a girl who feels defeated in everything, especially in singing. She envies the popular singer J...