The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

1.2M 67K 11.6K

SPG 18 "Paghalu-haluin man ang lahat ng alak sa mundo ay hindi ako malalasing, maliban sa mga labi mo." Zenit... More

Foreword
In the beginning...
Serendipity
Between Dreams and Nightmares
The Stranger
Stalker and Friends
My Hero
Beautiful Stranger
Sweet Stalker
Day of Reckoning
Mayhem
Angels and Demons
Irresistible
A Shade of Blue
Dreamlover
One Sweet Day
Brothers In Arms
Please Forgive Me
Falling Apart
The pain, the loft, the kiss
Hold Me
Safe Haven
In His Arms
First Time
In His Touch
Kiss you all over
A Brewing Storm
Zee's Day
Lose Control
Black Day
Reunion
Operation: Protect General Andrade
First Storm
Second Storm
Doubts
I won't give up
Nothing Compares To You
When Love Is Real
Questions
Burning Passion
Skinny-dipping and Fireflies
Let's break up
The Link
Family
Brother
Emptiness
Missing You
All in
Beautiful
Take a chance
Servitude
Bereft
The Surprise Proposal
Love Bites
The Request
Wounded
The Abyss
Assent
The Mother of the Bride
Mischief
The Vow
First night and cravings

Fix You

12.4K 875 136
By frozen_delights

AWTOMATIKONG nagsalubong ang mga kilay ni Odi pagkakita kay Zenith. It has been four days since they started working on the natural pool Gen. Andrade wanted to build for Mariz. May batis daw na malapit sa may likurang property ng bahay-bakasyunan, ayon kay Cristobal. At doon balak na i-tap ng heneral ang tubig na padadaluyin sa natural pool. He wants it to be all-natural and chemical-free. Sa katunayan ay may design na ito ng pool. The pool will serve as the centerpiece of the garden. He plans to revive the old garden into a new one in memory of his mother.

"Mabuti at nandito ka na," nakangiting bungad ng heneral pagkakita kay Zenith.

Nakita niyang bihis na bihis si Gen. Andrade. Naka-complete uniform ito at ganoon din si Cristobal.

"I have an emergency meeting. Ikaw na muna ang bahala sa proyekto natin," bilin nito sa kanya. Pagkuwa'y binalingan ang bunsong anak. "Odilon Reinald."

"Sir?"

"I expect your cooperation on this. Clear?"

Nalukot na naman ang mukha ng binata. Naisip ni Zenith na kahit mukhang istrikto si Gen. Andrade rito ay hindi ito takot magpakita ng nararamdaman. Gayunma'y ramdam niya ang respeto nito sa kinikilalang tatay.

"Copy, Sir."

"Good. Wala nga pala si Manang Salud kaya wala ring magluluto ng pagkain niyo."

Mabilis na naglahad ng kamay si Odi.

"What's that for?" anang heneral.

"Food panda."

"Bakit ka pa magkakatay ng panda, marami namang stock sa ref?"

"Seriously, Papa?" 

Pinigilan ni Zenith ang mapahalakhak sa usapan ng mag-ama. Pati si Cristobal na nakaantabay lamang sa isang tabi ay napapangiti rin. Hindi sigurado si Zenith kung biro lamang ang sagot ng heneral kay Odi dahil seryosong-seryoso ang mukha nito nang sabihin iyon o talagang wala itong ideya kung ano ang food panda.

"I'm sure one of you knows how to cook. You'll survive."

"Ugh."

Tinapik lang ito sa balikat ng heneral at nagpaalam na.

"Ingat po kayo," pahabol na sabi ni Odi.

Itinaas ni Gen. Andrade ang isang kamay bago lumulan sa service car nito. Nangingiti pa si Zenith sa katatapos lang masaksihang tagpo.

Malambing naman pala, saloob-loob niya.

"What are you smiling at?"

Sa halip na itago ang ngiti lalo pang ngumisi si Zenith.

"God, you bitched like a girl," nang-iinis na sabi niya rito.

"What did you say?"

"You heard me... brat."

Naningkit ang mga mata nito sa inis. He just smirked, not a little bit fazed by his show of annoyance.

"You're a guy, stop acting womanish," dagdag pa niya.

"What the hell are you talking about?"

"Don't cuss."

"Says the man who's into BDSM."

"You know what, there's nothing wrong with people who's into that," prangkang wika niya rito bagaman wala namang bahid ng animosity. Bagkus ay hinimay niya ang mga pangungusap sa paraang para siyang guro na nagpapaliwanag sa kanyang estudyante. "We were born with our own kinks. It's in our DNA. But due to our upbringing, different culture and beliefs, we don't acknowledge those out of shame and the stigma that comes with it. Anyway, we can discuss that some other time if you're interested. For now, don't be so quick to judge. Your sister fell in love with me. That should account for something, don't you think?"

"And then she dumped you."

"She did not," puno ng indignasyong tugon niya na bahagya pang napataas ang kanyang boses.

"Yeah, right."

"Hindi nga. Cool off lang kami. At magkaiba 'yon."

"Tss," pairap na naman itong nagbawi ng tingin.

Ganoon pa man ay hindi nakubli kay Zenith ang ngiti sa mga labi nito. At lihim na nagdiwang ang kanyang kalooban na napangiti niya ito kahit sa ganoong paraan.

And that's a positive sign, right? he asked himself. Right.

Nagtungo na sila sa likod-bahay para ipagpatuloy ang paghuhukay ng pool. Tahimik lang sila pareho. Si Zenith ay nakikiramdam at naghahalungkat sa isip ng mga bagay na puwede nilang pag-usapan. Kahit pa nga more or less ay maiisnab lang siya. Naiiling siya sa isiping para itong babaing sinauna na napakahirap ligawan. 

"What do you want for lunch?" mayamaya ay naitanong niya sa kasama.

"Marunong ka bang magluto?"

Napangiwi si Zenith sa tanong. "Nah. But I know someone who can cook delicious food. Garantisadong makakalimutan mo ang pangalan mo."

Nakaangat ang mga kilay nito nang lumingon sa kanya.

"Who's that?"

"My Beastie."

"Beastie?"

"That's short for my bestfriend. I'll call him." The idea suddenly thrilled him. 

Wala pang nakakaalam sa mga kaibigan niya na natagpuan na niya ang nawawalang kapatid. He would be more than happy to share him the good news. So he called him to come over. 

An hour later, however, Callous came with company.

"V?"

"Yo."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Zenith sa dalawa.

"'Thought you might need an extra hand," ang matipid na paliwanag ni Callous.

In his head he just blows an exasperated sigh. Ano pa nga ba ang maaasahan niyang sagot mula rito? Bihirang-bihira itong magsalita ng dalawang linya.

"Are you demolishing houses now?" Vengeance asked, his eyes surveying the old house in front of them.

"Friends of yours?"

Ang balak na pagsagot ni Zenith sa tanong ni V ay naudlot sa pagsulpot ni Odi. Sabay pang natutok ang tingin ng mga kaibigan niya sa nakababatang lalaki. At mula kay Odi ay halos sabay ring lumingon sa kanya. 

"Um, kapatid ni Mariz," sagot niya sa piping katanungan ng mga kaibigan.

"Bahay 'to ni Doc mo?"

"Technically, this is her father's house, I think. She doesn't live here. But before anything else, this is Odilon Reinald, her younger brother."

Nang maglahad ng kamay ang mga kaibigan niya ay halos inaasahan na ni Zenith na iisnabin din iyon ni Odi katulad ng ginawa nito sa kanya. But surprise, surprise, tinanggap nito ang pakikipagkamay ng mga kaibigan niya. At hindi lang iyon, kinuskos pa muna nito sa likuran ng suot na pantalon ang kamay na para bang sinisigurong malinis iyon bago nakipagkamay sa mga kaharap.

"You look shocked," Vengeance's comment along with his famous deadpan expression.

"That's an understatement," his bland reply before turning to his Beastie. "Uh, I was wondering if you could whipped up something in the kitchen. We both don't know how to cook."

"Where's the kitchen?"

Ang lapad ng pagkakangisi ni Zenith. Daig pa ang tumama sa lotto.

"Thanks, Beastie. You're a life-saver."

He just tsked.


MARIZ felt emotionally and physically tired. Her morning started with an emergency call from Inamorada Medical Center. Mabuti na lamang at on the way na siya nang matanggap ang tawag. Isa sa mga pasyente niya ay nasangkot sa isang malubhang aksidente. Ang ikinabahala nila nang husto ay dahil nasa ikalimang buwan pa lamang ang dinadala nito. The patient was barely breathing when she was wheeled in into the operating room. It was a six-hour, nerve-wracking, defining moment for the medical team. But with God's grace, the surgery went well. Both the mother and the baby were fighters, they both pulled through. 

Maghapon siyang naging abala sa mga sumunod niya pang pasyente. And she told herself it was a good thing. Keeping herself busy keeps her mind off from wandering. Sa tuwing maiisip niya kasi si Zenith ay inaatake siya ng pangungulila. At ayaw niya munang magpakalunod doon. Baka kasi hindi siya makatiis at bigla niyang bawiin at panahon at espasyong hinihingi niya rito. No, this time siya naman ang maninikis.

Pagbukas niya ng drawer ay sandali siyang natigilan. Bumungad sa kanya ang invitation card para sa kasal ng kaibigang si Graciela. Isa siya sa mga abay sa kasal nito. It was just an arranged marriage, according to Graciela. Pero sa paraan ng pagkukuwento ng kaibigan ay nahulog na rin ang loob nito kay Kenneth. At wala itong tutol sa pagpapakasal sa lalaki.

Nang araw na sukatan si Mariz ng kanyang damit-pang-abay ay hindi niya mapigilan ang  makaramdam ng kaunting inggit kay Graciela. Ikakasal na ito. Hindi niya mapigilang malungkot dahil mukhang palayo nang palayo roon ang relasyon nila ni Zenith. Kung may relasyon pa nga ba silang matatawag.

Mabigat sa loob na itinulak niyang pasara ang drawer. Patayo na sana siya mula sa kanyang desk nang kumatok ang kanyang sekretarya. Nagbabanta na ang pagkunot ng kanyang noo sa inaakalang bagong pasyente nang sumungaw roon ang hindi niya inaasahang bisita.

"Papa," she gasped in a pleasant surprise.

"I almost missed you, didn't I?"

Masayang sinalubong ito ng yakap ni Mariz. "Yes, you almost did. Pauwi na rin talaga ako dahil tapos na ang shift ko."

"Mabuti na lamang at hindi pa pumapalya ang intuition ko."

"Oh, wow. Look at you," bahagyang dumistansya sa ama si Mariz nang mapansin ang bihis nito. "May pinapapogian na ba ang tatay ko? Complete uniform tayo ngayon, ah."

"Silly girl, may dinaluhan lang akong importanteng meeting."

"Aah. Akala ko may nililigawan ka na, eh."

"And that's okay with you?"

"Whatever will make you happy, I will support you one hundred percent, Papa."

"My sweet pudding," malambing na kinuwit ng heneral ang tongki ng ilong ng anak. "Can I ask my daughter out for a date?"

Instant ang pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi ni Mariz.

"It will be my pleasure, Sir. I'll just get my bag." Hinubad na rin niya ang suot na doctor's coat at isinabit iyon sa floor standing coat hanger kung saan din niya kinuha ang kanyang bag.

Nakaangkla siya sa bisig ng ama habang palabas ng IMC. May ilang napapalingon sa pares nilang mag-ama. Napakatikas naman kasi nito sa suot na uniporme. At hindi na siya magtataka kung ang iba sa mga tumitingin sa kanila ay nag-iisip ng ibang relasyon sa pagitan nila bukod sa pagiging mag-ama. Which produced a giggle from the back of her throat.

"Where do you want to eat?" her father asked.

"You're buying so you decide."

"I think I saw a McDonald's branch nearby."

Muntik ng maparolyo ang mga mata ni Mariz sa sinabi ng ama. Nagkatunog naman ang mahinang pagtawa ng heneral sa naging reaksyon ng anak. 

Less than an hour later they were inside an upscale restaurant. Prior to inviting her, she figured her father must have made a reservation before picking her up from the hospital.

"You should have called me first, Papa. Paano pala kung nakaalis na ako, eh, di nasayang lang ang reservation mo?" 

"Then I'll ask Cris instead to have dinner with me."

"Cris as in Tita Criselda or Cris as in Kuya Cristobal?" now that she thought about it, ngayon niya lang na-realize na dalawa pala ang Cris na related sa kanilang pamilya--ang tiya niya at ang bodyguard slash driver ng kanyang ama.

"Si Cristobal siyempre," he said straight face.

Mariz snorted in a not-so-womanly manner because she knows it was a blatant lie.

"Chew your food slowly, pudding. Baka hindi ka matunawan."

For a while ay nakuntento na lang muna si Mariz na namnamin ang pagkain sa kanyang harapan. Her father ordered all her favorites. Ganoon ito parati sa kanila ni Odi.

They were halfway through their dinner nang muli niyang ungkatin ang isang bagay na matagal ng gumugulo sa isip niya. Nasa hustong edad na siya at may sapat naman siyang kaisipan para maunawaan ang mga bagay-bagay kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

"Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Tita?"

Dahan-dahang tumigil sa pagnguya si Nicholas Andrade. Pagkuwa'y kinuha nito ang table napkin at nagpunas ng bibig. A delaying tactic, she surmised.

"No."

"Is that an honest to goodness answer?"

"Yes, why would I lie?"

"Because you're a gentleman and you don't kiss and tell."

His tsk was accompanied by a gentle smile. "Thank you, I think."

Umingos siya. Ngumiti lang naman ang kanyang ama at pagdaka'y dinampot ang wine goblet sa tabi nito at marahang sumimsim doon. Nang ibaba nito ang inumin ay siya naman ang hindi kaagad nakasagot nang bigla itong magtanong.

"When can I meet your boyfriend?"

Niyuko niya ang napapangalahati pa lamang na steak sa kanyang plato at kunwa'y konsentrado sa paghihiwa ng malambot at juicy niyong laman para hindi kaagad makasagot. But looks like her father has all the time in the world. He waited patiently. Nang mahiwa na niya ang intended part ay isinubo niya ang malinamnam na karne kasunod ang manamis-namis na broccoli. Kung puwede lang na tadtarin na rin niya ang buto para lang mas mapahaba pa ang hindi niya kaagad pagsagot ay ginawa niya na sana.

But there's no use delaying the inevitable, she told herself. "We're, um... sort of on a cooling-off period."

"Cooling-off?"

"Uh-hm," Mariz prayed in silence that he won't press for more details.

"Why didn't you just break up with him for good?"

But of course it was next to impossible. And to be honest, kahit inaasahan na niya na may kasunod pa ang tanong ay saglit pa rin siyang nablangko kung ano ba ang kanyang isasagot doon.

Why? Sa una at ikalawa niyang naging boyfriend ay hindi siya kailanman nagkaroon ng ganoong pag-aalinlangan. It was always black and white. There was no maybe. Kapag sinabi niyang tapos na, tapos na. But with Zenith, ah, ilang pagkakataon na ba ang ibinigay niya rito. At ito ngang huli ay may kahalikan pa itong babae. Bagama't ipinaliwanag naman nito ang parteng iyon ay masakit pa rin sa loob niya ang tagpong iyon. It made her wonder na kung hindi niya nasaksihan ang insidenteng iyon ay kakalas ba ito sa babae o hahayaan iyong magpatuloy sa mas mainit pang sandali?

"Do you love him?"

Naramdaman ni Mariz ang pamumuo ng bikig sa kanyang lalamunan. 

"I... I guess."

He tsked. "Do you think he's worth it kung ganyang mukha kang nahihirapan?"

"Love is not always about rainbows and butterflies, Papa," she tried to sound cool about it to masked the pain.

Pero nakaligtaan niya yatang ang kaharap niya ng mga sandaling iyon ay hindi bastang kung sino lang. His name is Gen. Nicholas Andrade, her father. And just like he said earlier, malakas ang intuition nito.

"Give me a name and it will be easy for me to hunt his ass."

Napausli ang ibaba niyang labi sa sinabi ng ama. "He's not that bad, Papa. It's just that, uh... he's very busy. I know that he loves me. Kaya lang pakiramdam ko napakarami pa niyang priorities sa ngayon we hardly had time for each other. In fact, sa pagitan naming dalawa parang siya ang doktor na laging on-call 24-7."

"Don't you think that's a red flag?"

"Red flag?" 

"Who knows? For all we know he could be a terrorist."

Hindi napigilan ni Mariz ang mapaingos sa sinabi ng ama.

"Papa, he's a phar--oh, no. No, no, no, no," mabilis na umiling si Mariz nang maisip na mukhang hinuhuli lang siya ng tatay niya para magkamali at sabihin dito kung ano ang buong pangalan ng kanyang nobyo. "No need to interfere, Papa. I can handle this."

"Not if I can help it."

"I'll pretend I didn't hear that," nakasimangot na saad ni Mariz.

Umangat lang ang isang sulok ng bibig ng heneral bago inangat ang wine goblet nito at sumimsim ng red wine. And for some reason, Mariz felt a chill run down her spine. Her Papa had his ways kung gugustuhin nito. Ang tanging nagpapakalma ng mga alalahanin niya ay may tiwala ang kanyang ama sa mga desisyon niya at hindi ito basta-bastang makikialam. Ngunit nang magnakaw siya ng sulyap sa kanyang ama ay kapansin-pansing parang napakalalim ng iniisip nito.

Could he possibly be devising ways to eliminate her man?


"WOW, I can't believe this," amazed na reaksyon ni Odi habang hinahayon ng tingin ang patapos ng pool mula sa azotea.

Napangiti si Zenith at may nadamang kakaibang kasiyahan habang nakatayo sa tabi ng bunsong kapatid. Mahigit isang buwan din nilang trinabaho iyon. Mula sa paghuhukay, paghahakot ng lupa, paghahawan ng matataas na talahib at damo.

Bagama't lay-out pa lang naman ang nagawa nila at ang contractor na talaga ang tatapos niyon hanggang sa completion, ay ramdam din ni Zenith ang kakaibang satisfaction habang nakikita na nila ang magandang kalalabasan ng proyektong iyon kapag nakumpleto na. And to top it all, hindi lang ang project na iyon ang maganda ang kinalabasan. Kundi maging ang relasyon niya kay Odi. Hindi man sila maituturing na best of friends, at least hindi na katulad noong una na kulang na lang ay magbaga ang mga tinging ibinabato sa kanya. Sa ngayon ay nagagawa na niyang makipagbiruan dito. He even likes his Beastie and calls him Kuya. Na gusto niyang ipagselos. Mabuti pa ang kaibigan niya, tinawag na nitong Kuya.

"Zenith."

Nilingon ni Zenith ang tawag ni Gen. Andrade. "Sir."

"We need to talk."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, may kabang bumundol sa dibdib ni Zenith nang makita ang kaseryosohan sa mga mata ng heneral. Kaseryosohang nakita niya rin dito nang ipakilala niya rito sina Callous at Vengeance. At kapansin-pansin din na magmula noon ay para ng laging malalim ang iniisip nito. They still play chess with drinks in between bago siya umuwi. But compare to their previous games he's awfully quiet it keeps him on his toes. 

Sumunod siya sa heneral nang magpatiuna ito sa library. Naupo ito sa high-back swivel chair nito sa likuran ng mahogany desk kaya naman inokupa niya ang guest chair sa harapan ng mesa. Hinila ng heneral ang desk drawer nito, kinuha mula roon ang isang brown envelope saka iyon inilapag sa ibabaw ng mesa. Tahimik siyang inudyukan ng tingin nito na tingnan ang laman niyon.

Binuksan niya ang brown envelope at tiningnan kung ano ang laman niyon. Bumungad sa kanya ang larawan ng mga taong pinatay nila. Chatchawee Siriwanich, Coronel Batungbacal, and Commodore Pelaez.

"How much do you love my daughter, Zenith?"

Parang may bumara sa lalamunan ng binata sa tanong ng heneral.

"I love her with every beat of my heart, Sir."

"It's a pity. But I'm afraid you're not the right man for my daughter."

"Sir."

"Kung talagang mahal mo ang aking anak, alam mo kung ano ang makabubuti para sa kanya. She saves lives, while you kill people. Even if they're the scums of the earth, the end does not always justify the means. Lumalabag pa rin kayo sa batas. At hangga't nasa serbisyo ako ay mananatili akong tapat sa aking tungkulin."

-

hugs for you, Baby Zee😭😭😭

hindi na natin bati si General😒😒😒

always, the naughtiest😘😘

frozen_delights













Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 23.4K 23
For the men Grace Zapata sleeps with, she's a woman without a name. Convenient 'yon para sa trabaho niya kung saan may dalawa lang siyang rules na ma...
7.3M 138K 53
(This story is written in Filipino language mixed with a little English ) *UNEDITED / Not proofread VERSION* Unang pagkikita pa lang nila hind...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
4.5M 123K 55
[highest rank #1 in ROMANCE] May mga ginawang pagkakamali si Andrea noon na naging dahilan kaya naging estranged siya sa kanyang pamilya. Pero isang...