Moonlight Throne (Gazellian S...

By VentreCanard

3.2M 272K 102K

Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world... More

Moonlight Throne
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 29

40.2K 4.1K 1.1K
By VentreCanard

Chapter 29

Kakampi

It didn't take another second for me to recognize those familiar figures. It wasn't new to me about the idea that my father and Danna once had their journey on time. As a matter of fact, it's not just once but endless of times that led them to different discoveries.

But the realization that I'd meet them in this era? In this situation that the goddesses might be lurking around and just waiting for a good opportunity to trap and kill us?

Isa pa rin ba ito sa mga plano ni ama? Na makasalubong namin ang kanyang batang bersyon sa panahong ito? Ngunit para saan?

Wala sa sarili akong muling sumulyap sa siwang ng bahagyang nakabukas na pintuan. Wala na doon sina ama't Danna, ngunit nasisiguro ko na silang dalawa iyon. Isa pa, nagtama ang aming mga mata ni Danna.

Does she have an idea about our identity and our purpose here?

Hindi ko man aminin at mahirap man tanggapin, si Danna ay isa rin sa mga kilalang pinakamatalinong bampira hindi lang sa kanilang henerasyon, kundi pati na rin sa kasalukyan. Nagbago lamang ang tingin sa kanya ng nakararami dahil sa paratang sa kanya sa pagkamatay ni ama.

It was her great mind that caught my father inside her trap. My father was always fascinated with creatures with a sensible mind, and I knew that he have seen all those from Danna, his first love.

Masasabi ko man na matagal na naming tanggap si Desmond bilang Gazellian, ngunit bilang anak ni Reyna Talisha, mananatili pa rin limitado ang paghanga ko kay Danna.

I am still a son who's bitter for his mother.

Mariin akong napapikit at napamasahe sa aking noo. Ano na lang ang mangyayari kung maging ang mga kapatid ko ay makita sila?

What is this all about, father?

"Dastan?" nawala ako sa pag-iisip nang mapansin na bahagya nang nakasilip sa akin si Lily, sa kabila naman ay si Leticia na lumulutang pa rin.

Dahil pansin ko na nasa akin na muli ang atensyon ng lahat, lalo na ang mga katunggali ko sa baraha, sinikap kong ipakita sa kanila ang pekeng personalidad ko.

"Ngayon na nanalo na ako, maaari na akong umayaw, hindi ba? Sapat na siguro ang mga gintong iyan mga kapatid?" Sumulyap ako kina Finn at Evan.

Ngunit naunang sumagot ang isa sa mga katunggali ko. "M-Madaya. Dapat ay walang—"

Muli akong ngumiti. "Ngunit wala iyon sa usapan, hindi ba?"

Tumayo na ako at pormal kong pinagpagan ang aking kasuotan. "Ako'y salamangkero ngunit isa rin negosyante. Hahayaan ko pa bang maubos ang mga gintong pinanalunan ko?"

Nang sabihin ko iyon ay walang nakapagsalita sa kanila bagaman may bahid ng pagprotesta ang kanilang mga ekspresyon. Hindi pa rin nakaligtas sa akin ang mapanuring mga mata ni Albino, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi ko na sinagot iyon ng pagpapanggap ko.

Bumalik ako sa posisyon namin kanina at ramdam ko ang pagtataka ng mga kapatid ko.

Ngayong inakala ko nang hawak ko na ang sitwasyon, bigla na namang naging komplikado ang lahat. Should I meet them? Should we join force? Or is it another trick to test me?

Kilala ako ng mga kapatid ko at hindi na sila nagtangka pang lumapit sa akin at hinayaan nila munang si Leticia ang siyang kumausap sa akin.

I was leaning on the wall with my crossed arms when Leticia worriedly flew near me. "A-Anong nangyari? Biglang nagbago ang awra mo?"

"They're here, Leticia."

Ilang beses napalinga si Leticia sa paligid upang hanapin iyong sinasabi ko. "Ngunit wala pa akong maramdaman na kapwa ko—"

"Father."

Napasinghap si Leticia nang marinig iyon. Hindi ko na kailangan pang sabihin kung sino ang kasama niya, dahil alam naming lahat na iisang babae lang ang kasama niya sa kanyang paglalakbay noon.

"Pati rito'y nakarating sila? Ngunit buong akala ko'y nakarating na sila rito nang sandaling magsimula na ang gulo."

I tapped one of my forefingers on my arm. Iyon din ang siyang nasa isip ko. Nakarating na sa panahong ito sina Danna at ama nang sandaling pumutok na ang gulo. They tried to help the goddess when she was being chased by the family who received the white curse.

"Unless..."

Kapwa kami nagkatitigan ni Leticia at alam kong iisa na ang iniisip namin. That Danna and my father tried to come back again to prevent what happened to Goddess Eda.

Is he trying to re-do the past? Ngunit kahit anong isip ko'y hindi man lang sumagi sa akin na tutungo si ama sa ganoong desisyon. Because that big step will definitely ruin the entire history.

"H-He can't do that..."

Hanggang sa unti-unti ko nang naintindihan ang siyang matinding dahilan ni ama kung bakit niya kami dinala rito ng mga kapatid ko. He's trying to stop himself from his desperate attempt of freeing our future from the slavery of deception.

But will he actually come into that step? O may iba pa?

Dahil sa ingay na nagmumula roon sa mga naglalaro ng baraha hindi na nila kami nagbigyan ng higit na pansin lalo na nang tinawag ko na ang atensyon ng mga kapatid ko.

Gusto ko man itago sa kanila pero alam kong malaki ang posibilidad na magtatagpo rin ang mga landas, at mas mabuting handa sila. We're still the children of Queen Talisha, at ang makita si amang kasama ang babaeng una niyang minahal sa panahong siya ang tanging babae sa kanyang mga mata ay malaki ang epekto sa amin.

"They're here. Danna and our father."

Evan's jaw clenched, Finn's suddenly became emotionless and Lily's hands balled in fist. Pilit man nilang itago sa akin ang biglang pagbabago ng kanilang emosyon, alam kong iisa ang siyang mararamdaman namin.

Bitterness. That there was a time that it wasn't just our mother or even us. Kung kasama na ba kami sa mga plano niya sa panahong ito...

"Anong ginagawa ni ama rito? Hindi ba't sa panahon pa kung kailan sumabog ang gulo nang sandaling sila'y nakarating dito?" tanong ni Lily na siyang may kaparehong kaalaman sa aming lahat.

"Unless they came back right after they witnessed that scene?" dagdag ni Evan na siyang isinagot ko kay Leticia kanina.

Bago pa man masundan ang pag-uusap namin ay naagaw muli ang atensyon ng lahat. Bumalik ang matandang babae na siyang naghatid sa amin kanina.

"Magsisimula na ang pagdiriwang." Panimula niya.

Katabi ng matandang babae ay ilang mga binatilyong bampira na siyang kasalukuyang namimigay ng nakarolyong papel. Kung hindi ako nagkakamali ay doon nakasaad ang buong detalye ng pagdiriwang.

Dahil ako ang siyang pinuno ng aming grupo ay sa akin ibinigay ang papel at isang puting panyo. Sumulyap ako sa iba pang namumuno, mayroon din silang kani-kanilang papel at kaibang kulay ng panyo. Si Lily ay agad lumapit sa akin at kinuha ang panyo sa akin at marahan niya iyong itinali sa aking kanang braso, katulad ng sa kung paano iyon inilagay sa mga kalabang grupo.

"It's our group's identity." Ani ni Evan na nagpatango sa aming lahat.

Nang maipamigay na ang lahat at kapwa na nakatali ang panyo sa aming mga bisig, nagtungo sa unahan ang matandang babae at nagsimula nang magsalita.

"Ngayo'y kaiba ang panimula ng pagdiriwang sapagkat uumpisahan iyon ni Diyosa Eda." Sumulyap ako sa papel na hawak ko, bahagya iyong nalukot sa pagkakahawak ko.

A sudden change is always strange. Lalo na sa mga ganitong pagdiriwang na siyang nakasanayan. Hindi man bago sa amin ang impormasyong iyon, lalo na't nasabi na iyon sa amin ni Casper, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng pangamba.

Ang pakikipagsapalaran namin upang makapasok sa loob ng palasyong ito'y buwis buhay na, paano pa ngayong nasa loob na kami at abot kamay na kami ng mga pinakamalalakas na nilalang sa kasaysayan?

Habang patuloy sa pagsasalita ang matandang babae, ramdam ko na rin ang tensyon sa bawat grupo. We all have our motives inside this performance. At alam kong kay tagal din nilang hinintay ang pagkakataong ito.

"May mga katanungan pa ba kayo?" ilang beses luminga sa paligid ang matandang babae, ngunit wala man lang nagsalita mula sa iba't ibang grupo.

Pero bago pa man mawala iyong maliit na pagkakataon ay inangat ko na ang aking kamay. I used that stupid façade with my warm and idiotic smile.

"Bukod sa ginto? May katotohanan ba na ang mananalong grupo'y magkakaroon ng pagkakataong makausap si Diyosa Eda?"

Alam kong sa mata ng mga kapwa namin manananghal ay wala akong karapatan sa katanungang iyon. Isa lamang akong mahinang bampira na walang titulo at pinili ang mababang uri ng propesyon dahil sa takot sa pakikipaglaban, ngunit dahil nga sa ipinakikita kong karakter na taliwas sa aking buong katauhan, hindi nila ako magawang pigilan sa kapangahasan ko.

I am just an idiot who forgot to weigh his place.

Lahat ng mga mata'y nagtungo sa akin. Halos mahawi pa ang mga nilalang upang bigyan ng lubos ng atensyon ang matandang babaeng bampira at higit akong makita. Gusto pa nilang lubos na dumistansya sa takot na maaaring makahawa ang aking kapangahasan.

Leticia giggled and my siblings' did their best not to laugh. Nanatiling bahagyang nakaangat iyong kamay ko at inosente akong lumingon sa paligid na parang nagtataka pa ako sa kapangahasang nasabi ko.

Tanging si Albino lang ang nakikilala kong hindi man lang nagulat sa katanungan ko. He's too smart to be fooled.

Nagkibit balikat ang matandang babae. "Marahil."

Tipid lang ang naging kasagutan niya bago niya pinalawak ang pagkakabukas ng pintuan, ngunit bago siya tuluyang humakbang patungo roon ay muli niya akong nilingon pabalik.

"Kanina mo pa akong pinahahanga, binata. Nama'y may marating ang iyong kapangahasan."

Tipid akong yumuko. "Salamat."

Pinauna na naming lumabas ang bawat grupo ng manananghal, naiiling na lang sina Evan at Finn sa akin. Si Casper ay nanatiling tahimik sa tabi ko at si Lily ay nakangisi sa akin.

Magsisimula na rin sana kaming sumunod sa labas nang kapwa namin napansin na nagpaiwan si Albino. Natigil kami sa paglalakad habang hantaran ang paglalakad niya patungo sa akin.

I was about to give him another piece of my façade when his steps went bigger, and before I knew it we already face to face with his ablaze eyes on me.

Nanatiling nasa likuran ko ang magkasalikop kong mga kamay. Naging alerto ang mga kapatid ko na handa nang umatake kung magkakamali ng galaw si Albino, ngunit ako'y nanatiling nakataas ang noo.

And for the first time, after we'd travel this era. I removed the mask hiding my true self and revealed the true king who's about to reunite and conquer the new Nemetio Spiran.

"Dastan..." usal ni Leticia.

Hindi man ako sumagot sa kanya, agad nakuha ni Leticia ang nais ko. Marahan niyang inangat ang isa niyang kamay upang balaan ang mga kapatid ko na hayaan na lamang ako.

Nawala ang inosenteng ngiting nakaguhit sa mga labi ko at inilahad ko ang titig na tinatamasa ng mga mamamayan ng Parsua Sartorias sa tuwing humaharap ako sa kanila sa mga pormal na anunsyo.

"Impostor." Matigas na sabi ni Albino.

"I am." Mabilis na sagot ko. "And I can be a friend and a foe. But I am warning you if you choose the latter."

"Pinagbabantaan mo ba ako?"

"I am. I can ruin all your plans in just a snap. I came from the future. At alam kong hindi na iyon bago sa kaalaman mo."

Pansin ko agad ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Siguro'y inaasahan niya na pilit ko pa rin itatago sa kanya ang pinagmulan ko. But I am not a fool. He knew it already and I will use it.

He's not going to be my weakness, but another set of weapon. Kailangan ko rin ng galamay sa panahong ito. And Albino Rigidon Quazello is the perfect creature for it, someone who's unknown but connected to one of the seven high thrones.

Ilang beses siyang napalunok.

"W-Who are you?"

"I am a King from the future."

He huffed. Halos matawa siya at mapaatras sa sinabi ko. Namulsa siya at sumulyap siya sa akin na parang higit na katawa-tawa ang sinabi ko.

"How can a king travel and leave his kingdom—"

Bumuntong hininga ako at tipid kong hinawi ang dulo ng buhok kong nakapatong sa kanang balikat ko.

Inilahad ko ang isang kamay ko at pinagliwanag iyon. I brought the sword of light in front of his face and pointed directed the tip of it to his throat.

Because in this era or even in the whole of Nemetio Spiran's history, no vampire or any creatures can manipulate the light, except from a goddess. Ang kapangyarihang mayroon ako'y kahinaan dapat ng isang bampira, ngunit ngayo'y kakayahan ko.

"Ironically beautiful, right? Albino Rigidon Quazello. I can kill you and leave no traces. After all, you didn't even leave any good history..."

Ang kanina'y lakas ng loob sa kanyang mga mata'y tuluyan nang nalusaw, dahil unti-unti na siyang yumuko sa akin sa kanyang nangangatal na katawan.

"I-I pledge my loyalty, My King..."

Continue Reading

You'll Also Like

495 81 13
To all people who's suffering in a failed relationship, to those who want to exert revenge, and to those who's having a hard time forgiving the one y...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
3.1K 89 21
ZEMBLANITY SERIES #2 We both love each other. We're suppose to end up together.. this isn't happening.. why? Is this really.. what the player's endg...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...