Vide Noir (No. 1, LH Series) ✓

By elina_ailiniel

2.3K 282 365

★ COMPLETE • UNEDITED ★ In this book, you will see the journey of Wesley Vernon. All along with a girl who na... More

✪ OPENING REMARKS ✪
No. 1: Vide Noir
LH Series: Vernonʼs Bloodline
Awards
★ PROLOGUE ★
✰ Chapitre Un: Lost in Time, Lost in Space
✰ Chapitre Deux: Back from the Edge
✰ Chapitre Trois: Never-ending Questions
✰ Chapitre Quatre: An Ancient Name (Part One)
✰ Chapitre Cinq: An Ancient Name (Part Two)
✰ Chapitre Six: The Balancerʼs Eyes
✰ Chapitre Sept: When the Night is Finally Over?
✰ Chapitre Huit: Louisa Green
✰ Chapitre Neuf: Who Am Really I?
✰ Chapitre Onze: In the Café
✰ Chapitre Douze: Wait Beside the River
✰ Chapitre Treize: Abducted by the Unknown
✰ Chapitre Quatorze: Secrets of Her Life
✰ Chapitre Quinze: Traitor?
✰ Chapitre Seize: Double Departure
✰ Chapitre Dix-Sept: Back from the Dead
✰ Chapitre Dix-Huit: The Gang Group
✰ Chapitre Dix-Neuf: Avery
✰ Chapitre Vingt: The Plan for Revenge
✰ Chapitre Vingt en Un: At Claira's Campsite
✰ Chapitre Vingt-Deux: The Emerald Star's Gem
✰ Chapitre Vingt-Trois: Gloomy Night
✰ Chapitre Vingt-Quatre: Crilliers, The Thing-Claimers
✰ Chapitre Vingt-Cinq: New and Improved Vide Noir
✰ Chapitre Vingt-Six: The Battle in Cosmos (Part One)
✰ Chapitre Vingt-Sept: The Battle in Cosmos (Part Two)
✰ Chapitre Vingt-Huit: The Battle in Cosmos (Part Three)
✰ Chapitre Vingt-Neuf: The Battle in Cosmos (Part Four)
✰ Chapitre Trente: Emeraldimë, the Emerald Star
✰ Chapitre Trente en Un: The Battle's Aftermath
✰ Chapitre Trente-Deux: You and Me, on the Astral Plane
✰ Chapitre Trente-Trois: Dear Wesley
★ EPILOGUE ★
✪ CLOSING REMARKS ✪

✰ Chapitre Dix: Like A Moonbeam

44 6 14
By elina_ailiniel

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

One night, I had a dream
You were shining like a moonbeam
And then, I asked you: "Can we have some fun together
While drifting through time and space, forever?"

▬▬▬▬▬▬▬ • ★ • ▬▬▬▬▬▬▬

Chapitre Dix:
LIKE A MOONBEAM

—Wesley

"Ano bang pwedeng bilhin na pagkain rito?" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa naka-install na mga pagkain dito sa convenience store. Pumunta muna ako rito para bumili ng mga pagkain na pwede naming kainin ni Frankie.

Actually, lagpas 1 pm na at oo, Frankie and I were both overslept. Pero ako naman ang unang nagising sa kanya.

Bago ako umalis ay nag-iwan naman ako ng note para kay Frankie para aware siya umalis muna ako para bumili ng mga makakain naming dalawa. Sana makita niya ʼyon bago siya mabaliw sa kahahanap sa akin kung nasaan ba ako pumunta.

Halos dalawang minuto na akong paikot-ikot dito sa loob ng convenience store sa kaiisip na kung ano mang mga pagkain ang bibilhin ko. Natapat ako sa isang side na kung saan nandoon ang mga cup noodles section. Kumuha ako ng dalawa, spicy seafood ang flavor. Humablot naman ako ng dalawang cheeseburger pagkatapos. At inumin naman ang sinunod kong kuhain.

Pumunta ako sa beverages section. Medyo malamig sa section na ʼyon pero hindi naman ganʼong kalamig para manigas ang buong katawan ko. Binuksan ko ang pinto ng isang fridge na nandoon at kumuha doon ng dalawang bote ng tubig at dalawang bote ng iced tea. Pagkatapos nʼon ay isinara ko na ang pinto ng fridge, at laking gulat ko na lang nang makita ko ang repleksyon ko doon sa pinto ng fridge.

May isang babae na may suot na emerald green dress. May ibaʼt-iba rin siyang accessories na suot at puro may green gemstones iyon. Meron siyang mahaba at itim na buhok, pero blurry naman ang mukha niya.

Bahagya akong napaatras mula kinatatayuan ko. At sa pag-atras ko na ʼyon ay may nakita ako na nagliliwanag na kung ano sa bandang dibdib ko.

The Balancerʼs Eye necklace.

Bigla akong napahawak sa pinaka-pendant ng necklace na suot ko. Why was this thing suddenly lit up? And who is the girl in my reflection? The Emerald Star?

Well, I suddenly remembered what Claira said to us about Emeraldimë, the Emerald Star. Her description of that star was almost the same as what I saw in my reflection. The only difference is that she has a blurry face.

Tumingin ulit ako sa pinto ng fridge, at ang nakikita ko na lang doon ay ang mismong repleksyon ko. Habang nagliliwanag pa rin ang pendant ng necklace na suot ko.

Dali-dali kong ipinasok sa loob ng damit ko ang suot kong necklace para walang makakita na nagliliwanag iyon. Pumunta na rin ako sa cashier para bayaran na lahat ng kinuha kong pagkain.

Pagkatapos nʼon ay kumaripas na ako ng takbo pabalik sa tinutuluyan naming dalawa ni Frankie. Medyo malapit lang naman 'yong convenience store mula sa Frozen Pines Motel kaya hindi ko na rin dinala ang lumang kotse ng ama ko papunta doon. Pagkabalik ko sa kwarto na kung saan kaming dalawa ni Frankie na pansamantalang tumuloy ay bahagya akong nataranta. Wala kasi siya.

"Frankie?!" Luminga-linga ako sa buong kwarto habang tinatawag ang pangalan niya pero walang sumasagot. Sinubukan ko siyang hanapin sa banyo. Binuksan ko ang pinto doon at laking gulat ko na nandoon si Frankie na ngayoʼy hanggang balikat na lang ang haba ng buhok niya, may hawak na gunting, at walang suot na kahit na anong damit.

"U-uh... W-Wesley..." pautal na sambit ni Frankie habang nakatulala siya sa akin. Ilang segundo naman akong nakatulala sa kanya, habang siya naman ay nanatili lang na nakaharap sa akin at nakahubad pa.

Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa, at mula sa paa ay bumalik ako sa ulo.

Nakaramdam ako ng sobrang init mula sa dalawang pisngi ko. Nanginig rin ang buong katawan ko at lumakas rin ang tibok ng puso ko na para bang lalabas na siya mula sa dibdib ko sa kahit na anong segundo.

"Putangina, Wesley! Isara mo na ʼyang pinto!" Para bang sinampal ako pabalik sa reyalidad sa narinig kong boses mula sa utak ko. Agad ko namang isinara ang pinto ng banyo.

Ilang beses kong minura nang pabulong sa sarili ko. Mukha bang isang kasalanan ʼyon na tiningnan ko si Frankie mula ulo hanggang paa at pabalik habang nakahubad pa siya?! Pamboboso na ba ʼyon?! Fucking hell, I didn't mean to do it!

Sinimulan ko na lang ihain lahat ng binili kong mga pagkain mula sa convenience store doon sa ibabaw ng dining table para mawala sa isipan ko kahit papano ang nakakahiyang pangyayari kanina. Pero habang tinatanggal ko sa isipan ko ang nangyaring 'yon ay mas naaalala ko pa ʼyon. Si Frankie na nakahubad. Oh, putanginang buhay ʼto.

I just place my right palm into my forehead and sighed deeply. Sheʼs making me insane—I mean, see?! Nawawala na naman ako sa huwisyo kahit wala naman siyang ginagawa na kung ano sa akin. Ilang beses ko nang sinasabi na halos kamukha nga niya si Louisa, pero—hindi ko na alam!

▬ • ★ • ▬

"You were right, Wesley. We need to help each other. You have always helped me since we met. And now, itʼs time for your Black-brained Frankieʼs turn to help you."

Para sa akin, masyadong malapit ang mukha ni Frankie sa mukha ko ngayon. Halos nararamdaman ko na kasi ang pagbuga niya ng hangin mula sa parehong bibig at ilong niya. Nakatulala naman ako sa kanya kasi putangina, hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Tapos hawak-hawak pa niya ang mga kamay ko. Damn this shit.

Sinubukan ko namang may sabihin na kahit ano, pero agad na siyang tumayo at naglakad na papalapit doon sa dining table na kung saan nakahain na ang mga binili kong pagkain para sa aming dalawa. Umupo na siya sa isang upuan na nandoon, habang ako naman ay ilang segundong hindi nakagalaw mula dito sa kama na kinauupuan ko.

Medyo malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Nakatulala at wala rin masyado sa huwisyo. Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari doon sa banyo.

Isingit ko na rin ʼto. Pinipilit ko namang hindi tingnan si Frankie bilang si Louisa, at kahit na papaano ay nakakaya ko naman na. Pero sa tingin ko ay para bang iba nang usapan na yata ngayon. Hindi ako namumula at naiilang dahil katulad ng ng paulit-ulit kong sinasabi na halos kamukha nga niya ang ex-girlfriend ko. Nagkakaganʼon ako dahil sa isang bagay na hindi ko pa malaman kung ano. Well, may hula na ako, pero hindi pa talaga ako sigurado kung totoo ba ʼyon.

Sumunod na rin ako kay Frankie at sinabayan ko na siyang kumain. Umupo ako sa tapos niya. Ang kinain niya ay spicy seafood cup noodles, habang ang sa akin naman ay cheeseburger.

Palihim ko rin siyang tinitingnan habang kinakain ang cheeseburger ko. Mas maayos na ang itsura niya ngayon kaysa noong una kaming nagkita. Bahagya nang nawawala ang itim na mga ugat sa katawan niya, gayon din ang mga pasa at sugat niya. Idagdag ko na rin na lumiliit na ang malaking sugat o peklat na nasa kaliwang pisngi niya. Bahagya ring nagkakalaman ang katawan niya, pero mukha pa rin siyang malnourished.

Her eyes stayed the same. Itʼs still black, like the first time we met. But actually, it doesn't matter. She's still beautiful—

W-What the fuck did I just said to myself again?! Ano ba, Wesley?! Lumalala ka na! Hindi ka naman lumalaklak ng putanginang Vide Noir, kaya bakit nagkakaganyan kang gago ka?!

Para matanggal na ang kahibangan kong ʼto kay Frankie, may tinanong na lang ako sa kanya. Well, actually, kailangan ko ring itanong iyon.

"F-Frankie?"

"Hmmm? What's the matter?"

"Lumiwanag ba 'yang the Balancer's Eye bracelet mo kanina?"

She suddenly stopped eating her cup of noodles and looked at me. She was dazed because of my question.

"Yeah, lumiwanag rin. 'Yang sayo ba?" she asked, as I expected.

"Oo," sagot ko naman. Sinabi ko na rin sa kanya ang nangyari sa akin doon sa may convenience store—noong nagpakita rin sa akin ang Emerald Star mula sa repleksyon ng pinto ng fridge.

Nakatulala lang siya sa akin habang kinuwento ko sa kanya ang mga ʼyon. Nakita rin ba niya ang...

"Yes, I saw Emeraldimë, too. Not just in my reflection in that mirror, but also in my dreams," sabi ni Frankie habang turo sa isang salamin sa gilid na kasinglaki ng isang normal na pinto. "Kinda weird—well, we are still in Frozen Pines and you know what I mean. But still, she said something to me in my dream. It was like: 'Hurry up, my light is slowly dying... Follow the Emerald Star, now...'"

I was dumbstruck. Not just because we both saw the Emerald Star. Itʼs also because she suddenly spoke in English. Hindi ko ba alam pero ang fluent din pala niyang magsalita in English language. At ngayon ko lang siya narinig na nagsalita nang ganyan.

"W-wala ka na bang natatandaan sa sinabi ng Emerald Star saʼyo?" Nagtanong naman ako sa kanya sabay inom ng kaunting tubig na nasa plastic bottle.

"Sa totoo lang, meron pa. Sa pagkakatanda ko. Para bang sinasabi niya sa akin na iisa raw kaming dalawa? Basta ganʼon, hindi ako sigurado."

Tumingin si Frankie sa mga mata ko at ngumuso pagkasabi niya ng mga ʼyon. Pagkatapos naman ng ilang segundo ay ipinagpatuloy na niyang kainin ang cup noodles niya.

Pinagmasdan ko lang na kumain si Frankie. May nabubuo kasing conclusions at theories sa utak ko. Simula noong nagkwento sa amin si Claira tungkol sa Emerald Star, may tatlo na akong naiisip na bagay:

Una, konektado si Frankie sa Emerald Star. Pangalawa, siya mismo si Emeraldimë. At ang pangatlo, baka wala sa dalawang nabanggit ko o kaya naman ay—basta, nalilito ako.

I donʼt know what to think by this time. Bukod sa mga tanong, naghalo-halo na ang mga theories at conclusions ko. Hindi lang tungkol kay Frankie kundi tungkol rin sa lahat ng nangyayari ngayon. Hindi naman ako nagmamadaling alamin lahat ng kasagutan sa walang-katapusang tanong tungkol sa lahat nang ito, pero papaano na lang kung may mangyaring hindi maganda—na huwag naman sanang mangyari—ang bigla na lang mangyari kung malapit na naming masagot ni Frankie ang halos lahat ng katanungan namin? Papaano na lang din kung malapit na kami sa Emerald Star tapos biglang darating ang panganib?

Fuck, Iʼm overthinking again. But still, it can happen because we canʼt control the things that will be going to happen in the future. Am I right?

Pagkatapos kumain ay nag-ayos na kaming dalawa ni Frankie para umalis na sa motel. Hinayaan ko na munang magsuklay ng buhok si Frankie habang ako naman ay pumasok sa loob ng banyo, dala ang isang tuwalya at mga damit na isusuot ko. Nakakalat pa rin sa sahig 'yong mga buhok ni Frankie kaya ako na ang nagtanggal sa mga iyon doon sa sahig at itinapon doon sa basurahan na malapit sa pinto ng banyo. At syempre, bigla ko na naman naalala ang nangyari kanina dito no'ng aksidente kong nakita rito si Frankie na nakahubad kanina.

Ilang minuto lang akong naligo. Pagkatapos ay nagsuot naman ako ng black denim jacket at jeans, white turtleneck, at black sneakers. Bago ako lumabas ng banyo ay tumingin muna ako sa salamin na nasa itaas ng bathroom sink at hinawi ang medyo basa ko pang buhok papunta sa likod. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napabugtong-hininga.

"James Wesley Mascitelli Vernon. Please, umayos ka. Katulad nga ng madalas sabihin sayo ng dad mo dati: If you want to go on that specific place, follow the strange and unknown trails, and donʼt get 'distracted'. It may take you to who knows where, but follow those strange trails," I said to myself.

As of now, that is the best advice for me. Sa ganitong mga pagkakataon, kailangan kong magseryoso. Kung gusto talaga naming dalawa ni Frankie na makapunta sa tapat ng liwanag ng Emerald Star, we need to stay away from the distractions. And we need to follow that strange trails. We also need to follow that Emerald Star, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa amin mula doon sa kalangitan.

Pagkalabas ko ng banyo ay sinalubong ako ni Frankie. Ang buhok niya ay nakatali ng messy pigtails at may mga hibla ng buhok na nakalugay sa mukha niya na para bang nagsilbing side bangs. Bahagya siyang ngumiti sa akin na para bang isang bata.

"Je suis prêt. On y va—I mean, Iʼm ready. Shall we go now?" Iʼm not sure, but even though her eyes were still black, I saw some sparks in Frankieʼs eyes when she said that. I also felt a little excitement that she has.

"Ayang mga duffel bags, double check natin kung wala na tayong nakalimutan then aalis na tayo." I smile to her. Ewan ko ba, parang nahawa ako nang bahagya sa light mood niya ngayon. Well, sheʼs kinda different now. Madalas ko na kasi siyang makitang ngumiti at tumawa ngayon. Itʼs weird, but sheʼs cute tho.

Sinimulan na naming mag-double check kung may nakalimutan pa ba kaming mga gamit na hindi nailagay sa loob ng mga duffel bag na dala namin. Pagkatapos ay lumabas na kami sa kwartong tinutuluyan namin, sumakay na sa lumang kotse ng ama ko, at tuluyan nang umalis sa Frozen Pines Motel.

Halos apat na oras kaming bumiyaheng dalawa ni Frankie, at sa totoo lang ay wala akong nararamdaman kahit na anong pagkailang sa pagkakataong ito. Para bang normal na road trip lang ang ginagawa naming dalawa.

Habang nagmamaneho ako ay sumisilip ako kay Frankie. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

Medyo naninibago talaga ako sa kanya ngayon. Una, maiksi na ang buhok niya. Tapos madalas na rin siyang nakangiti at tumatawa. Damn, ano naman kaya ang susunod?

Habang bumibiyahe ay nakikinig rin kami sa radyo, at syempre sa Alive from Muttering Trees ʼyon. May isang kanta na sinimulang ipinatugtog, at pagkatapos ng ilang segundo ay biglang nagtanong si Frankie sa akin.

"Anong title ng kantang ʼyan?" pagtatanong niya sa akin.

"T-teka, sandali lang," mahinahon kong sambit sa kanya. Mukhang pamilyar sa akin ang kantang 'yon kaya pinakinggan ko pa nang konti.

𝅘𝅥𝅮 I had a dream that you came to me shining down
Through the clouds like a moonbeam
There you were 𝅘𝅥𝅮

𝅘𝅥𝅮 And you wore nothing more than your raven hair
In the air like a moonbeam
Here you were 𝅘𝅥𝅮

𝅘𝅥𝅮 And you pulled me from a nightmare
With your eyes and your silver touch
Shone a little bit of light there
Now the darkness don't scare me much 𝅘𝅥𝅮

Bahagya akong ngumiti nang malaman ko na kung anong kanta ʼyon.

"Ah, Moonbeam by Wraith Bikers," sambit ko sa kanya.

"Oooh, I like it!" nakangiting sambit ni Frankie sa akin. Bahagya rin siyang nag-headbang, sumasabay doon sa beat ng kanta ng Phantom Riders. Mukhang maganda rin ang music taste niya ah.

Napangiti ako sa pag-headbang niya. Wala lang, ang cute niyang tingnan sa ginagawa niya. Pero napahinto siya sa pag-headbang nang may nakita siyang kung ano sa malayo.

"Wesley, ano ʼyon?" May tinuro si Frankie, dahilan para mapatingin rin ako. Maraming mga tao ang papunta doon. May mga nakikita akong rollercoaster at ibaʼt-iba pang mga rides. May nakatayo ring mga red tents na para bang katulad sa nakikita doon sa mga circus. May mga ibaʼt-iba ring mga arcades, food stalls, at marami pang iba.

Isa iyong funfair.

"Pwede ba tayong pumunta doon?" Narinig kong nagtanong si Frankie sa akin.

"P-pero Frankie—"

"Pleeeeeease?" she begged me.

"The Emerald Star—"

"Sʼil vous plaît?" Frankie showed her puppy dog eyes to me. Wala na akong nagawa kundi napabugtong-hininga.

"Okay, fine. Pupunta tayo sa funfair. Pero sandali lang tayo doon—"

"YAY!" Halos napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang tumili nang nang malakas at nakangiti si Frankie. Naglululundag din siya sa kinauupuan niya.

Habang tumitili siya ay sinusubukan ko namang tumingin nang diretso sa kalsada. Baka kasi may masagasaan ako. Habang nagmamaneho, napansin ko na para bang... lumulutang ako?

Binagalan ko ang pagmamaheno at nakita ng dalawa kong mga mata na ako, si Frankie, at lahat ng gamit na nandidito sa loob ng lumang kotse ng ama ko ay lumulutang.

Napatingin ako bigla kay Frankie na malawak pa rin ang ngiti ng mga labi niya. Nagliliwanag rin ang mga mata niya, katulad noong nandoon kami sa Georgeʼs Cocktail Paradise.

"F-Frankie, anoʼng ginagawa mo?!" medyo natatarantang tanong ko sa kanya habang nakahawak nang mahigpit sa manibela.

"May ginagawa ba ako—oh..." Bigla siyang napatigil sa pagsasalita nang tuluyan na niyang makita na lumulutang kaming dalawa, pati ang mga gamit na nanadidito sa loob ng kotse.

"Ibaba mo na lahat ng lumulutang, ngayon na!" sigaw ko sa kanya. Halos nakadikit na kasi ang buong katawan ko sa bubong ng kotse.

"W-wait!" Pumikit si Frankie nang mariin at bumulong nang kung ano-ano. Pagkamulat ng mga mata niya ay nagsibagsakan na rin lahat ng mga bagay na lumulutang. Pati kaming dalawa ni Frankie.

"Sorry for the little inconvenience!" Pagpapaumanhin niya sa akin sabay ngiti. Hindi na rin lumiliwanag pa ang nga mata niya.

"Hindi lang pala sarili mo ang kaya mong palutangin sa ere. Pati rin pala ang ibang mga bagay, at ibang tao," bulong ko sa sarili ko—na bahagya ko ring alam na narinig naman niya ʼyon.

Naghanap na ako ng lugar na pwedeng paradahan nitong lumang kotse ng ama ko. Buti na lang at medyo malapit sa entrance ng funfair. Pagkatapos nʼon ay bumaba na kaming dalawa. Ako ang unang lumabas at sumunod siya.

Pagkalabas ko ay agad kong tiningnan si Frankie habang lumalabas naman siya. Bigla namang bumagal ang takbo ng oras. Para bang naka-slow motion ang paglabas niya sa kotse.

She slowly turned her head to me and smiled. And that moment when she smiled at me... damn, she was like a moonbeam. Came to me while shining. Well, look at her! She is glowing as fuck!

Papasok na sana kami sa loob ng funfair nang bigla kong napansing wala siyang suot na face mask at shades. She still needs to wear those.

"Frankie, your shades and face mask!" sabi ko sa kanya. Bahagya naman siyang nagulat.

"Ay, oo nga pala. Sorry!" Bumalik ulit siya sa loob ng kotse at isinuot na ang itim na shades at face mask niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay lumabas na rin siya.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya.

"Oui!" masayang tugon ni Frankie. "Letʼs have some fun on the funfair!"

Damn, hindi ko aakalaing makakapunta pa pala ako sa ganitong funfair, after five years. Simula kasi no'ng nawala si Louisa ay hindi na rin ako nakakapunta sa mga funfairs na katulad nito.

Oo alam ko, naaalala ko pa rin ang isa sa mga advice sa akin ng ama ko. Pero wala rin naman sigurong masama kung magliliwaliw muna kaming dalawa ni Frankie, kahit na sandali lang. Bukod kasi sa hindi pa rin namin nakikita ang Emerald Star na lumitaw sa langit, baka ito na rin ang huling pagkakataon na magiging masaya ang mood naming dalawa ni Frankie. Well, baka nga may mas magaganda at magsasaya pang mga bagay na mangyari in the future, but still. This time is the great opportunity to have some fun.

For a while.

Pagkapasok naming dalawa sa funfair ay kung saan-saan na ako ikinaladkad ni Frankie. Kung ano man ang matipuan niyang subukan na sakyan na rides ay pupuntahan niya, habang hila-hila niya ang kaliwang kamay ko.

Una naming sinubukan ang Bungee Trampoline. Grabe, ʼyong adrenaline ko, bigla na lang tumaas habang patalon-talon ako sa trampoline. Ang higpit ng hawak ko sa mga harness na nakakabit sa akin habang napapasigaw sa tuwa. Si Frankie naman ay naririnig kong tumatawa nang malakas.

Sunod naman ang carousel. Magkatabi kaming nakaupo sa mga kabayo. Ilang minuto ang lumipas ay nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang phone ko mula sa bulsa ng denim jacket ko. Lumapit siya sa akin at kinuhaan niya kaming dalawa ng litrato.

"For remembrance," nakangiting sabi ni Frankie sa akin nʼon.

Ang sumunod naman ay ang Viking Pirate Ship. Masaya naman sa unang ilang minuto. Pero putangina, habang patagal nang patagal ay para bang binabaliktad ang lahat ng organs ko. Ang puso ko ay para bang gusto nang lumabas mula sa loob ng dibdib ko.

Pareho kaming bumaba ni Frankie na hilong-hilo. Gusto kong sumuka pero mukhang may nakabara sa lalamunan ko kaya hindi ako masuka. Si Frankie naman ay bagamaʼt nahihilo pa ay kitang-kita pa rin sa kanya na nag-enjoy siyang sumakay doon.

Dahil sa hilong-hilo pa kaming dalawa, napagpasyahan naming maglibot-libot muna sa buong funfain. May mga mini game stalls at food stalls kang makikita. Napakarami ding mga tao ang nandidito. Mga bata, teenagers, matatanda—basta sari-saring mga tao ang makikita mo ngayon dito sa funfair.

May isang stall na hinintuan ni Frankie. Ang Videoke Stall. Mayroong isang videoke sa loob ng stall at sa gilid nʼon ay may isang babae na nakasuot ng blue na dress at nakalugay ang blonde na buhok niya na hanggang baywang. Napatingin siya sa aming dalawa at nilapitan kami.

"Kakanta kayo?" pagtatanong niya sa amin. Sasagot sana ako na hindi nang biglang sumingit si Frankie.

"Oo, kakanta ʼtong kasama ko!" pagsingit ni Frankie. Nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla akong napatingin sa kanya.

"Frankie, ayokong kumanta!" bumulong ako sa kanya. Pero siya? Wala siyang kibo. Nanatili naman kaming pinagmamasdan ng babaeng may suot na blue dress. Hinihintay sa kung ano mang desisyon ko.

"O-okay, kakanta na ako. Pero isang beses lang." I have no choice. Well, nakakahiya kasi kung sasabihin kong hindi, lalo na sa mga ganitong pagkakataon.

Nagbayad na muna ako doon sa babae. Pagkatapos ay lumapit na ako doon sa videoke at kinuha ang songbook para maghanap ng kanta.

"Donʼt worry, Wesley. Kakanta rin naman ako eh," biglang bulong ni Frankie sa kaliwang tenga ko. Napalingon naman ako sa kanya, at sa paglingon ko na ʼyon ay medyo nagkalapit ang mga mukha naming dalawa.

"May natatandaan ka bang kanta? Well, I mean, kasi eh—diba nakalimot ka?"

"Weʼll see if I remember any song," she grins to me. Tumingin na ulit ako sa songbook. Ano naman kaya ang kakantahin ko?

One title of a song caught my attention. It was Visions, a version of Karaʼs Flowers. I knew that song, and it makes me sing that now.

I entered the number of the song. And after a few seconds, that song started to play.

Medyo mabagal pa sa unang part ng kanta. Bahagya mang kinakabahan ay pinapanatili kong mahinahon ang sarili ko habang kumakanta. Yes, Iʼm a former singer, pero ngayon na lang ulit ako makakakanta nang ganito after five years so medyo naninibago ako nang konti.

𝅘𝅥𝅮 Itʼs like Iʼm never riding solo
I feel you walking in my shadow
Never hit me quite like that though
ʼCause now I'm under your spell 𝅘𝅥𝅮

𝅘𝅥𝅮 Late nights and I canʼt sleep
Choked up and I canʼt breathe
No one that can save me
ʼCause now Iʼm under your spell 𝅘𝅥𝅮

Nasa chorus na ako, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay para bang may sumanib na kung anong kaluluwa sa akin. I donʼt know. Para bang bigla na lang akong naging hyper na ewan na ngayon ko na lang ulit naramdaman after many years.

𝅘𝅥𝅮 I keep seeing visions of you
Visions of, visions of you
I keep getting stuck in this day
Stuck in this déjà-vu 𝅘𝅥𝅮

Bigla akong umindak nang kinakanta ko na ang chorus. Itinuro ko rin si Frankie gamit ang kaliwa kong kamay nang nasa first to second line ako ng chorus. Pagkaturo naman ng kamay ko sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinablot ang kamay ko, dahilan para mapalapit ang buong katawan ko sa kanya.

Agad naman niyang kinuha ang hawak kong microphone at nagsimula siyang kumanta.

𝅘𝅥𝅮 Even in my darkest hour
Even when I know it canʼt be true
I keep seeing visions of you
Visions of, visions of you 𝅘𝅥𝅮

Natulala ako sa pagkanta niya. Bahagya mang mababa ang boses niya, halos kaboses naman niya ang ex-girlfriend ko.

Sabay kaming kumanta ni Frankie, gamit ang isang microphone. Pareho naming hawak 'yon—bale nakapatong ang pareho kong mga kamay sa kanya. Bago pa man matapos ang kanta ay hindi ko alam kung bakit nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Diretso rin akong tumingin sa suot niyang shades. Medyo hinihingal ako dahil sa pagsayaw ko habang kumakanta kaya napahawak ako bigla sa balikat niya.

"A-alam mo p-pala 'yang kanta? P-papaano mo n-nalaman—o na-natandaan?" Hingal na pagtatanong ko kay Frankie habang nakahawak pa rin ako sa balikat niya.

"Hindi ko rin alam. Basta, bigla na lang may bumulong sa akin na: Hey, Frankie! You know this song, so sabayan mo si Wesley!"

Pagkatapos naming kumanta ay sumakay pa kami sa ibang rides. Sinunod namin ang bumper cars. Sa lahat ng mga rides, itong mga bumper cars ang gustong-gusto kong sakyan. Ilang beses kong binangga si Frankie gamit ang sinasakyan kong bumper car. At sa pagbangga ko sa kanya ay naririnig ko ang malakas niyang bungisngis, na para bang gustong-gusto niya ang ginagawa ko.

Bigla naman naming sinubukan ang extreme rides, katulad ng rollercoaster. Aayaw sana ako kasi hindi ko sigurado kung makakatagal ako, pero hinila ako ni Frankie hanggang sa makasakay na kaming dalawa doon. Ang tanging natatandaan ko lang habang nakasakay kami doon ay halos masusuka na ako sa sobrang hilo.

Ilang minuto pagkatapos naming sumakay doon ay bumaba na kaming dalawa ni Frankie. Nauna siyang naglakad, habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Pinipilit kong maglakad nang diretso kahit na para bang umiikot na ang paningin ko ngayon. Hinawi ko rin ang ilang hibla ng buhok ko papunta sa likod ng dalawa kong tenga dahil nakaharang na ang mga ʼyon sa harapan ng mukha ko.

Natatawang inaalalayan ako ni Frankie sa paglalakad. Inakbayan niya ako at ganʼon rin ako. Habang naglalakad kami nang dahan-dahan ay may nakabangga kaming isang babae na may red at curly hair. Sa tingin ko ay mga nasa 18 years old pa lang siya. May suot siyang red capelet coat at black biker heels. Mayroon din siyang brooch na may malaking red pendeloque crystal na nakakabit sa bandang collar ng capelet coat na suot niya.

"S-Sorry," pagpapaumanhin ni Frankie sa babae.

"No problem," mahinahong sambit ng babae kay Frankie. Napatingin naman sa akin ang babae at bahagyang kumunot ang noo niya.

"Anoʼng nangyari sayo?" pagtatanong niya na may halong kuryusidad. Nagtama ang mga tingin naming dalawa. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kung ano. Para bang may kuryente na bigla na lang dumaloy sa buong katawan ko. It was like we had a connection to each other.

May hinalungkat naman siya sa bulsa ng suot niyang capelet coat at may nilabas na kung ano. Ibinigay niya sa akin ʼyon habang nakatitig pa rin nang diretso ang asul niyang mga mata sa akin.

"Here, my homemade ointment. Donʼt worry, walang halong gayuma ʼyan." Pagbibiro niya habang nakangiti siya nang bahagya. Napatingin naman ako sa homemade ointment na hawak ko na ngayon. Medyo suspicious itong ointment, pero pinasok ko na lang sa bulsa ng suot kong denim jacket.

"S-Salamat... dito sa o-ointment," nahihiyang sambit ko sa kanya habang siya naman ay nakatitig pa rin sa akin.

"Youʼre welcome." Nginitian niya ako. As in ako lang kasi sa akin lang siya nakatitig. "Have some fun here in the funfair!"

Naglakad na siya papalayo sa aming dalawa. Nakalulala naman kaming dalawa ni Frankie doon sa babae habang naglalakad iyon papalayo. Ilang segundo lang ay nawala rin siya sa paningin namin ni Frankie nang parang bula.

Napatingin ako kay Frankie, at sa pagtingin ko sa kanya ay napakibit-balikat naman siya. Pagkatapos niyang gawin ʼyon sa mga balikat niya ay nabaling ang atensyon niya sa isang arcade. Naglakad siya nang dahan-dahan papunta sa tapat nʼon. Nakasunod naman ako sa kanya. Pinipilit na hindi natumba dahil sa hilong-hilo pa rin ako hanggang ngayon.

"Pumasok muna tayo dito!" masayang sambit niya sa akin sabay hila sa kanang kamay ko. Pagkapasok namin ay pareho kaming napatulala. Sobrang dami ang pwedeng laruin dito.

Naglakad-lakad muna kami sandali sa loob. Habang naglalakad ay pareho kaming napahinto sa tapat ng isang indoor archery place. Bigla naman akong napangiti nang malaki.

Noong bata kasi ako, tinuturuan akong gumamit ng pana ni dad tuwing Sabado ng hapon, sa likod ng bahay namin sa Birchtree. Mayroong maliit na gubat doon at medyo masukal ʼyon, pero magandang mag-practice ng archery doon.

Napalingon naman ako kay Frankie. Tinanggal niya muna ang suot niyang shades at tumulala doon sa mga life-size teddy bear na nasa loob ng archery place na ʼyon. Kitang-kita ko na lumaki ang mga mata niya habang tinitingnan ang mga teddy bear na nandoon.

Dahil doon ay may naisip ako. Naglakad ako papalapit sa loob ng indoor archery place. Sinalubong naman ako ng isang lalaking staff na nandoon.

"Good day, sir! Maglalaro po kayo?" masayang pagtatanong sa akin ng staff. Tumango lang ako. Nagbayad na muna ako sa kanya. Pagkatapos nʼon ay naramdaman ko namang tumabi sa akin si Frankie at may binulong.

"Marunong kang pumana?"

"Yep."

"Since when?"

"Basta bata pa ako. Mga nasa four to five years old siguro."

Binigay sa akin ng staff ang recurve bow pero umiling ako. Mas gusto ko kasi ang longbow na nandodoon sa isang gilid kaya iyon ang kinuha ko. Pumwesto na ako para tamaan ang target sa nasa kabilang dulo ng kinatatayuan ko. Mga anim na metro ang layo sa akin ng archery target na ʼyon.

"Need assistance?" pagtatanong ng lalaking staff sa akin.

"Hindi na po," matipid ko namang tugon.

Tatlong beses lang daw ako pwedeng tumira, kaya tatlong arrows lang din ang ibinigay ng staff sa akin ngayon. Kinuha ko na rin ang isang arrow at naghanda na para tamaan ang target.

Medyo malayo sa gold ang una kong tira. Tumama kasi sa outer black, so which means three points lang. Sa pangalawa naman ay naging maganda na ang tira ko. Inner red, eight points. Bago ko tinira ang panghuling arrow ay napahinga muna ako nang malalim. Lumingon rin ako kay Frankie, at sa paglingon ko na ʼyon ay nag-fingers crossed siya.

Itinira ko na ang huling arrow na natitira sa akin. At sa nakakagulat na pangyayari ay naitama ko ʼyon sa inner gold. And that was equivalent to ten points.

Damn, hindi na rin masama. Medyo sanay pa rin ako hanggang ngayon. Ibinaba ko na ang hawak kong longbow sa kung saan ko iyon nakuha.

"Good job, sir!" bati sa akin ng staff. 'Sanay po pala kayong gumamit niyan. Pero sayang lang kasi hindi niyo po na-reach ang 25 points. Hindi niyo po makukuha 'yong malaking teddy bear na kanina pa tinitingnan ng kasama mo."

Well, at least I did my best.

May kinuhang isang maliit na light brown teddy bear ang isang staff at ibinigay iyon sa akin.

"Sana magustuhan ʼyan ng girlfriend mo." Kinindatan ako ng staff na medyo ikinasamid ko nang konti. Tangina naman oh. Well, medyo nasasanay na rin naman ako na napagkakamalan nilang in a relationship kaming dalawa ni Frankie. Pero seryoso ba talaga sila?!

Kahit na medyo nakakaramdam ako ng init sa pisngi ko ay lumapit na ako kay Frankie na nakatayo sa isang gilid. Ibinigay ko naman sa kanya ang teddy bear na napanalunan ko.

"Sayang, hindi ko nakuha 'yong malaking teddy bear," medyo nahihiyang sambit ko sa kanya.

"Well, okay lang naman sa akin ʼyon, Wesley. Masaya na ako dito sa teddy bear na ʼto!"

Kahit na nakasuot pa rin siya ng face mask ngayon ay alam ko na abot-tenga ang ngiti ni Frankie. Halos naniningkit rin ang itim na mga mata niya sa pagngiti. Para siyang bumalik sa pagkabata. Katulad noong dinala ko si Louisa sa funfair noong unang beses—oh, fuck...

Niyakap niya nang mahigit ang teddy bear. Maya-maya ay kinausap niya ito, na para bang isa rin iyong tao.

"Hmmm, ano kayang itatawag ko sayo?" bulong ni Frankie sa teddy bear. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa ginagawa niya. Ang cute niyang tingnan.

"OOOH! ALAM KO NA!" bigla niyang sigaw sabay tawa. Bahagya rin akong natawa sa inasta niya.

"From now on, your name is Lou," nakangiting sambit niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman Lou ang ipinangalan mo dyan?" nagtatakang tanong ko.

"Bakit naman? May angal ka?' she suddenly snapped na ikinagulat ko, "Wesley, nasa vocabulary ang move on. Pinapaalala ko lang."

Naninibago talaga ako dito kay Frankie ngayon. Para bang si Louisa rin siya na parang hindi. Well, yeah, she looks like Louisa. But sheʼs so jolly and sassy—ARGH!

Hindi na ako nagsalita pa. Inirapan lang niya ako at sinimulang kurutin ang pisngi ni Lou, ang light brown teddy bear na ibinigay ko sa kanya.

Napansin ko naman na nabaling ang atensyon ni Frankie sa isang claw machine, 'di kalayuan sa kinatatayuan naming dalawa. Naglakad siya papalapit doon at wala na rin akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Puro rainbow keychains ang nandoon sa loob ng claw machine. Pumwesto sa harapan si Frankie sa harapan nʼon at hinawakan ang joystick. Medyo kumunot naman ang noo ko dahil wala pa naman siyang hinuhulog na token doon para makapaglaro.

"Frankie, wala ka pang token," sambit ko sa kanya na bahagya niyang ikinatawa.

"Alam ko," aniya. Tiningnan muna niya ako nang diretso sa mga mata ko bago tumingin nang diretso sa mga rainbow keychains na nandoon pa sa loob ng claw machine.

Bigla niyang hinampas nang malakas ang gilid ng machine gamit ang kanang kamay niya. At sa paghampas niyang ʼyon ay para bang may green sparks ang bigla na lang kumislap sa gilid ng kamay niya. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya, hindi lang dahil sa paghampas niyang ʼyon kundi dahil na rin sa nagagalaw na niya ang crane nang sinimulan na niyang galawin ang joystick.

Tahimik ko lang siyang pinapanood na maglaro. Kitang-kita sa mga mata niya na sobra siyang natutuwa sa paglalaro niya doon sa claw machine. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakakuha na siya ng isang keychain. Nagtatatalon siya sa tuwa habang nakatingin sa akin.

Nang mapahinto na si Frankie sa pagtalon ay pinagmasdan naman niya ang nakuhang rainbow keychain. Halos kasinlaki 'yon ng kanyang kamay, sa pagkakatantsa ko. Dahan-dahan naman siyang naglakad papalapit sa akin.

"Wesley, sayo na lang ʼto." Bahagya namang kumunot ang noo ko nang binigay sa akin ni Frankie ang nakuha niyang rainbow keychain.

"Bakit mo naman binibigay sa akin ʼyan?" pagtatanong ko sa kanya. "Binibigay mo ba sa akin ʼyan kasi binigyan kita ng teddy bear kanina?"

Nakangiti siyang umiling. Nagsalita naman siya.

"I want you to be a rainbow, Wesley."

"A-ano?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ang ibig kong sabihin sayo ay gawin mo namang rainbow ang buhay mo, kahit papaano," mahinahon niyang sambit na medyo ikinalito ko.

Gawing rainbow ang buhay ko? Kahit papaano?

"Alam ko kung papaano ka nahihirapan ngayon, Wesley. Ramdam ko ang halos lahat ng ʼyan. Mula sa pagkamatay ng mga magulang mo, sa biglaang pagkawala ni Louisa, at sa lahat ng masasamang bagay na nangyari sayo. Dagdag mo pa ako na sabi mo nga halos kamukha ng ex-girlfriend mo..."

Biglang hinablot ni Frankie ang kaliwang kamay ko at nilapag doon ang hawak pa niyang rainbow keychain. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Hindi sa lahat ng oras ay dapat lagi ka na lang malungkot. Hindi sa lahat ng oras ay lagi kang isang langit na bigla na lang kukulimlim, magbubuhos ng napakalakas na ulan, at hindi na hihinto sa pag-ulan buong magdamag. Kailangan mo ring tumigil sa paghihinagpis mo. Maging masaya ka at kalimutan muna lahat ng mga masasamang nangyari sayo. Maging bahaghari ka pagkatapos bumuhos ang ulan, Wesley."

Hindi ko namalayang napangiti na pala ako sa mga sinabi ni Frankie sa akin. Sheʼs right. Hindi sa lahat ng oras ay magpapakain na lang ako nang buo sa kadiliman. Minsan ay kailangan ko rin maging masaya, kahit na nagkandaletse-letse na ang buhay ko ngayon.

Napansin ko ang itim na mga mata ni Frankie na nakatingin sa akin. Kahit na itim pa rin ang mga ʼyon dahil sa pagkaka-black-brained niya sa Vide Noir ilang araw na ang nakakaraan ay nagliliwanag ang mga ʼyon na parang katulad sa mga mata ni Louisa. Unti-unti ring sumingkit ang mga mata niya, indikasyon na siyaʼy ngumingiti.

"Oh, 'di ba? Mas pumogi kang tingnan nng ngumiti ka, Rainbow!"

"T-teka... T-tinawag mo a-akong Rainbow?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Yes, I called you Rainbow. At iyon na ang nickname ko sayo mula ngayon..."

Hindi na pala namin namalayang dalawa ni Frankie na halos apat na oras na pala kami rito sa loob ng funfair. Halos alas-otso na ng gabi at nagsisilitawan na rin ang mga bituin sa langit habang nagliliwanag naman ang bilog na buwan.

Naisipan namin na sumakay na sa huling ride bago kami umalis, ang ferris wheel. Solo naming dalawa ang isang component. Magkatabi naman kaming umupo, sabay at tahimik na pinagmamasdan ang buong tanawin.

Halos kita mo naman mula rito ang buong Frozen Pines kahit gabi na. Napakalakas rin ng hangin na humahampas sa mga katawan namin.

Mas lumiwanag na ang buwan at mas dumami na rin ang mga bituin sa langit. Dahil sa mga bituing ʼyon ay bigla na lang ako napatanong. Nasaan na kaya ang Emerald Star? Bakit hindi pa rin siya nagliliwanag sa kalagitnaan ng madilim na langit ngayon?

Sinubukan kong hanapin ang Emerald Star. Luminga-linga ako sa buong paligid, hinanap ʼyon sa malawak na langit. Napansin naman ako ni Frankie dahil sa ginagawa ko.

"Looking for the Emerald Star?" pagtatanong niya sa akin, habang nakatingin pa sa mga bituin.

"Yep," mahinahon ko namang sagot. "Kailan kaya siya lilitaw sa langit?"

Tumingin ang itim niyang mga mata sa akin at bahagya niya akong nginitian.

"Sure akong magpapakita na siya sa atin, anytime soon. Maghintay lang tayo."

"Papaano ka naman nakakasigurado dyan?"

"I donʼt know. Instincts?" Nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa kanya. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa. Maya-maya lang ay nagsalita na ulit siya.

"Rainbow?"

"Ano ʼyon?"

Inayos niya muna ang pagkakaupo niya. Tinanggal niya ang suot niyang face mask at shades bago siya humarap sa akin. Tinitigan naman niya ulit ako sa mga mata ko at itinuro ang kaliwang balikat ko.

"Pwede ko bang isandal ang ulo ko dyan sa balikat mo?" Ninipisan ni Frankie ang boses niya nang konti habang tinatanong ʼyon sa akin. Bahagya naman ako natulala.

"U-uh, sige lang... Pwede naman."

Lumawak ang ngiti mula sa mga labi niya. Dali-dali naman siya dumikit sa akin at niyakap ang kaliwang braso ko.

"Louisa, kung naririnig mo man ako, sana huwag mo akong multuhin ah. Hindi ko naman inaagaw ʼtong Wesley mo." Narinig ko na ibinulong iyon ni Frankie. Napatingin naman ako sa ulo niyang nakapatong sa kaliwang balikat ko.

Minsan talaga naiinis na ako eh. Parang si Louisa talaga 'tong si Frankie, pero nagdududa rin ako. Ewan ko ba. Basta, tutulungan ko pa rin siya na maalala ang lahat ng bagay na nakalimutan niya tungkol sa kanya kahit na ibang tao pa man siya. O kahit na ano pa man siya. Pero kung siya nga talaga si Louisa, tutulungan ko siya na maalala niya ang tungkol sa aming dalawa. Kung ano ako sa buhay niya. At kung ano naman siya sa buhay ko.

Pero, meron pa akong isang bagay na iniisip kung sakaling itong si Frankie ay si Louisa talaga. Iyon ay kung bakit may kapangyarihan siya na para bang konektado siya doon sa Emerald Star?

Argh—putangina talaga, sobrang naguguluhan na ako!

Tinanggal ko na lang muna sa isipan ko lahat nang ʼyon. Peste naman kasi. Pwede bang hayaan na muna akong maging masaya at kalimutan lahat ng problema, kahit sandali lang?

One more thing. Hindi ako masyadong kumportable na sabihin ʼto ngayon pero—damn, Frankie. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng pagkabaliw sa ibang babae after kay Louisa. Well, why are you destroying my head?! Why are you making me crazy?! Maybe I am slowly falling in love with you—but no, it can't be. Itʼs because I said that I never let myself love another one the way I love Louisa. Itʼs not right that I slowly falling in love with Frankie, especially at this time when Iʼm very confused as fuck.



Continue Reading

You'll Also Like

597 86 8
As more desastres starts turning up wrecking havoc in the dark forest guarded by the seven overseers, Oryol, the half-serpent ruler of Ibalong, at la...
623 70 8
When Veshniu woke up in the middle of corpses and centipedes, she was immediately warned by the spirits that the war among gods would soon break out...
844K 39.5K 43
[This story will become free on July 20, 2022!] When the tissue papers of destiny and an unexpected murder case bring them together, college students...
992 115 8
Song Seo Hyo's birth bears hatred; a mischief to the people; a bastard to avoid to the demigods. Nevertheless, he cares nothing but only self-approva...