Angel's POV
"Are you ready, mahal?" Isang katok ang narinig ko habang inaayos ko ang aking damit.
"Sandali lang, Zhan." Umikot ikot ako sa harap ng salamin upang tignan kung bagay ba sa akin ang damit. Hindi ko kase ito nasukat kahapon.
"I'll just wait you here outside, mahal." Aniya sa malambing na boses.
I simply uttered okay and then continued fixing my dress. Binilisan ko na din ang pag aayos at lumabas na. He is standing gorgeously beside the door.
He looked at me with full of admiration. His smile grew bigger when he held my hands.
"You are so beautiful that I wanted to kiss you right now but i have to control myself because i don't want to ruin your lipstick." I love how he always appreciates my beauty. I love hearing those words from him.
"Salamat" Niyaya ko na siyang umalis dahil ayokong malate kami.
Panay ang amoy niya sa buhok ko habang pababa kami sa garage.
He opened the front seat door for me. He even gave me a peck of kiss before turning to the driver's seat.
Limang oras mahigit ang naging biyahe namin bago nakarating sa
mansion ng mga magulang ni Zhan.
Ang lawak lawak at ang ganda ganda ng paligid pero mas malawak parin ang mansion ni Zhan.
Maingay na musiko ang sumalubong sa amin. Ang daming tao at makikitang big time ang mga ito. Madami ang napapalingon sa amin habang kami ay naglalakad papasok.
"Let's go inside, mahal." Tumango ako at sumunod sa kanya.
Panay ang bati ng mga kakilala ni Zhan sa kanya, pinapakilala din ako nito.
Tahimik lamang ako hanggang sa makapasok kami sa loob ng kanilang mansion. Kung maganda sa labas ay mas lalo na dito sa loob.
Their chandelier got my attention. Ang ganda nito. Kumikinang ang mga nasa paligid nito at kay gandang pagmasdan. Nakita ko ang picture frame nilang pamilya na nakalagay malapit sa engrandeng hagdan nila pataas.
Matagal na ang litrato dahil bata pa si Zhan dito. Ang ganda ng mommy niya at gwapo din ang daddy niya. No wonder kung bakit gwapo si Zhan. Maganda ang genes ng mga magulang. Nakayakap siya sa mommy niya habang ang daddy niya ay nakahawak sa balikat ng mommy niya. Perfect family.
Bahagya akong nalungkot dahil naalala ko na naman ang mga magulang ko pero winaglit ko ang iniisip ko dahil hindi ito ang tamang oras para isipin muna iyon.
"Oh Zhan, nandito ka na pala." Nabalik ako sa reyalidad ng may lumapit na magandang babae kay Zhan at hinalikan ito sa pisngi. Niyakap ito ni Zhan habang nakangiti!
"Oh my ghad, namiss kita. Buti nalang talaga at dito naisipan ni tita mag celebrate, kung hindi pa magbibirthday si tita wala ka na yatang balak pang magpakita sa amin." Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses ng babae.
Para akong hangin dahil hindi manlang ako nito natatapunan ng tingin. Her attention is focused on Zhan. Who is she?
"I'm sorry, I got busy in the company. Btw, How's your stay with them?" Ngumuso ang babae at napunta ang tingin sa akin. Nanlaki ang kanyang mata na ikinagulat ko.
"Is she your girlfriend? oh my ghad, Zhan." Hindi niya na nasagot ang tanong ni Zhan dahil sa akin. "Hi I'm Kara, Zhan's cousin. Are you his girlfriend?" She extended her hands.
"uh-"
"Ya. She's my girlfriend. Angel this is Kara." Hindi pa ako nakakasagot ay sumagot na si Zhan.
I'm thinking where i heard the name Kara. Oh, yes! Nay Glo mentioned her once. Ito ang pinaka close nitong pinsan.
"Oh my ghad, really, Zhan Laurent?" She was looking at me while talking to Zhan. Nagiging uncomfortable tuloy ako. "Parang kailan lang noong sinabi mong hindi ka mag-aasawa tapos ngayon may girlfriend ka na-"
"Shh, you're so loud, still. And yes you heard it, Angel is my girlfriend." She still shocked.
Like why?
Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at niyakap ako. I awkwardly smiled at her.
"Oh my, I really can't believe this is happening. I'm glad to meet you. You're so pretty bagay kayo ni Zhan." Ngumisi si Zhan dahil sa sinabi ni Kara.
"Ah, thank you. Ang ganda ganda mo din." That is true. She's pretty.
"I'm still in the state of shock, Angel. Oh my ghad. Like, woah, you must be very special to Zhan, huh, not just because you are his girlfriend, hmm. You are the very first woman he brought here." Zhan smirked.
Pinamulahan ako ng pisngi. Hindi ko maintindihan ang naging reaction ni Kara. Ang akala ko ay ayaw nito sa akin.
"Hiramin ko muna itong girlfriend mo, Zhan. Just want to chika chika with her on how the two of you met." Kinikilig na sabi ni Kara at hinawakan agad ako sa kamay.
Tumaas ang kilay ni Zhan.
"Hindi pwede, Kara."
"Ito naman parang hindi kita pinsan. Babantayan ko si Angel, pramis. Walang makakalapit kahit lamok sa kanya." Itinaas niya pa ang kamay niya, sign of promise.
"You want to go with her, mahal ko?" Sinulyapan ko muna si Zhan bago si Kara. Nakangiti sa akin si Kara. I couldn't help but to smile too. Nakahawa ang mga ngiti niya.
"Mr. Martinez, good to see you again." Sasagot na sana ako ng 'oo pero isang matanda ang lumapit sa pwesto namin at kinawayan si Zhan kaya naagaw ang atensyon niya.
"Bye cous, ibabalik ko din naman mamaya." Ngumisi si Kara at hinila ako palayo kay Zhan. Hindi ko na siya nagawang lingunin dahil dumadami narin ang tao.
Dinala ako ni Kara sa isang bench, di kalayuan sa mga taong nagsasaya.
"Girlfriend ka ba talaga ni Zhan?" Nahihiyang tumango ako.
Mas lalong sumigla ang kanyang itsura. Tila ay masayang masaya.
"Wag mong mamasamain ha, naninigurado lang ako baka kagaya kayo ng napapanood ko sa mga movies na nagpapanggap lang na mag girlfriend boyfriend lalo na dahil gusto nila tita na mag asawa na si Zhan." Bahagya akong natawa sa kanyang sinabi.
"This is true, Kara. We are together."
"Nice. Galing naman ni pinsan pumili. Can we be friends?" Gulat ko muna siyang tinignan tsaka ay napalunok.
"P-pwede naman." I don't mind being friends with her.
"Alam mo bang ikaw palang ang naging girlfriend niya? He even brings you here, on his mother's birthday." Sumeryoso siya. Ako naman ang natigilan.
Anong ako lang ang naging girlfriend niya? Sa kagwapuhan niyang iyon? Sinong niloloko niya?
"Imposible naman yan, Kara." Mahina kong tugon, tho i don't know because we never talked about our past, we are so focused just on us.
"But that's the truth. The Zhan that I know has never been interested in women. Angel, Ikaw lang ang unang babaeng pinakilala niya sa akin, believe it or not." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Gulat ako sa kanyang mga sinabi. I don't know that. Hindi nabanggit ni Zhan ang tungkol duon.
On the other hand, I am very happy to hear those words. I feel very lucky and special.
"Oh, no. As much as i want to talk with you more, we need to go back inside, Angel. Nag text si Zhan at hinahanap ka. Aw, possessive, huh." Kara smirked. Sabay kaming pumasok ulit sa loob.
Pagkapasok namin ay nadatngan namin si Zhan na naka upo sa mahabang sofa katabi ang kanyang mommy at daddy. Based on their family picture, parang hindi man lang tumanda ang mommy niya. She is still gorgeous. Ganun din ang ama nito.
"Happy birthday, tita." Hinakbang ni Kara ang pagitan nila at hinalikan sa pisngi ang mommy ni Zhan.
Agad namang tumayo si Zhan at nilapitan ako.
"Thanks, iha." Tinignan ko ang mommy ni Zhan at gulat ako dahil nakatingin siya sa akin.
Hinahagod ako ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya babatiin.
Nagbaba ako ng tingin at lumapit sa kanya.
"Happy birthday po, ma'am." I handed her my gift. It's a simple bag but I hope she will like it.
Ilang segundo muna ang lumipas bago niya tinanggap ang regalo ko.
"You are?" Kinakabahan akong nag angat ng tingin sa kanya.
"Mom, this is Angel, she's my girlfriend."
Natahimik sandali ang matanda kaya mas lalo akong kinabahan. Nang inangat kong muli ang tingin ko sa kanya ay nakita ko ang mapanuri niyang tingin. This is not good. I took a deep breath.
"How did that happen, Son?"
____________________
May 13, 2021