The Perks of being a Fangirl

By tengpls

33.2K 346 109

This is a story of how a typical UAAP fangirl met her ultimate crush, and how she strives to be the most loya... More

The Perks of being a Fangirl
PROLOGUE
CHAPTER 1: The day it all started
CHAPTER 2: He accepted me on Facebook
CHAPTER 3: Me and my girlfriend
CHAPTER 4: One Step Forward
CHAPTER 5: Who's my seatmate?!
CHAPTER 6: The day I met him and his family
CHAPTER 7: Passenger Seat
CHAPTER 8: The Man who can't be moved
CHAPTER 9: All out, all heart
CHAPTER 11: Bringin' on the heartache
CHAPTER 12: Here without you
CHAPTER 13: Count on me
CHAPTER 14: Picking up the pieces
CHAPTER 15: The Tigers
CHAPTER 16: New Friends?
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 17: ADMU-DLSU
CHAPTER 18: The Bet
CHAPTER 19

CHAPTER 10: The Broken Promises

1.1K 12 1
By tengpls

TASHA’s POV
 

One week na rin pala nung nanood kami ni Marga ng UAAP. Medyo nakakalungkot pa din yung pagkatalo nila dun. Ang sakit lang talaga eh, unang talo in the first day pa lang. Inabangan nga namin yung mga tigers dun sa labas eh. Dun pala sila lumalabas sa parang pasukan ng mga employees nila. Etong si Marga eh, mapilit. Gusto daw magpapicture sa mga tigers. Pumayag na ako kasi gusto ko naman din talaga. Hahaha. Pakipot effect muna siyempre.
 

What the eff. Bakit andaming tao dito na nagaabang? Well, ano ba naman tasha, di lang ikaw ang fangirl dito sa mundo ‘no, masanay ka na.


“Marga, anong oras na oh!! 6:30 na, kain na tayo gutom na ako!” Sabi ko kay Marga sabay hatak sa kanya. Ang dami pa namang kainan diyan sa MOA. Gutom na ako eh, anong magagawa niya?


“Tasha naman eh! Puro pagkain na lang kasi laman ng utak mo! Pwede ba ngayon ‘tong mga lalaking ‘to muna isipin mo?”


“Ano?! Ikaw talaga Marga mahiya ka nga!”
 

“Sus, as if! Alam kong gustong gusto mo naman talagang abangan sila. Oo alam ko pagkain na naman yung hinahanap hanap mo, pero deep inside, hinihintay mo lang na makalabas na yung mga tigers. Pakipot ka pa, eh halata na masyado.


PAANO NIYA NALAMAN -____-


What’s new? She’s my Bestfriend after all. Wala na nga yata akong matatago dito sa babaeng ‘to eh.
 

“OMG ANDYAN NA SI TENG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 
"Aba himala nauna siyang lumabas ngayon! Dati rati huli talaga siya, silang dalawa ni forts!” Narinig ko dun sa mga fangirsl na katabi ko.
 

"Tasha bilisan mo nga! Kailangan nating pumunta dun sa harap para makapagpapicture!"


"Wait lang Marga. Andami kayang tao dun oh makikipagsiksikan ka talaga?" 

"Kung alam ko lang gustong gusto mo naman. Tama na nga yang mga pakipot effect mo. Wala nang talab sa'kin yan!" Sabi ko nga -__-


 

"Aray naman!" Sigaw ko ng mahina. Medyo malapit na ako kung nasan si Jeric. May sumiksik lang kasi sa tabi ko at naapakan yung paa ko, with matching tulak pa. Ito namang si ate, masyadong excited. 


"Oy, seatmate! Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang" Tanong sa'kin ni Jeric. Narinig niya yata yung pag-aray ko, kaya napalingon siya sa'kin. Napalakas yata. Hehehe. 
 

"Ah, wala! naapakan at natulak lang ako nung isang babae." Sagot ko. 


"Hala, yan na nga ba eh. Nagkakatulakan na naman yung mga tao dito." Sabi niya.  
 

"Hay nako, ganito pala maghintay dito. Ang tagal niyo kayang lumabas. Kanina pa kaya kami nag-aabang dito!" Sabi ko.
 

"Haha ikaw talaga. Syempre hindi naman kami lalabas agad after games eh. Sino ba kasing hinihintay mo?" Tanong niya habang napangiti. 
 

"Ah.. ah... kayo! Idol ko kasi kayo diba!" Sagot ko na lang.
 

"Sus! Sana yung sinabi mo lang si 'Jeric Teng'!" Sumimangot siya. Aba, nang-aasar si Seatmate!
 

"Ito nga oh, ginawan ka namin ng Banner!" 


Pagkakita niya nung banner na ginawa namin. Bigla na lang siyang napa-smile. Tapos biglang natawa. Ewan ko ba sa kanya, nababaliw na yata.
 

"Hahahahaha! So tinutoo niyo talaga yung sabi ko na gawan niyo ako ng banner? Nice naman!" Sabi niya sa'kin habang ginulo yung buhok ko na para lang akong aso. "Ano ba naman 'yan! Magpapapicture pa ako 'no, sinisira mo naman itsura ko!"


"Kanino ka magpapapicture? Sa'kin? Feeling ko kanina mo pa gustong magpapicture eh ;)" Oo, with ";)" emoticon talaga. Nang-aasar eh.  
 

"Yabang mo talaga! Teka, asan na ba kasi 'tong si Marga at nang matigil ka na sa pang-aasar mo sa'kin!"


Okay. Ayun si Marga. Nakita ko siyang nagpapapicture kay Kim Lo. nakayakap pa talaga sa bewang ah. Dumadamoves si Marga! 
 

"Ayun siya oh, busy sa pagpapaicture dun! kaya mo ba siya hinahanap para may mag-picture sa'tin? ;)" Okay, nang-aasar na talaga siya. Sabay akbay pa talaga. The eff. 


" Ay grabe! Hindi 'no! Gutom na gutom na kaya ako kanina pa. Ito kasing si Marga mapilit eh. Magpapapicture daw!" Totoo naman diba? ;;)
 

 "Excuses! Hahahaha! Asan phone mo?"


"Ha? Nakay Marga yung phone ko! Yun ginagamit niyang pang-picture"


"Ganun ba? O di dito ka na lang tumingin! 1, 2, 3.... Cheese! :)" Sabi niya sa'kin habang siya naman ay ready na sa picture. Cellphone nga pala niya ginamit niya. Todo ngiti si Seatmate. Samantalang ako, okay wag ko na i-describe. Nakakahiya na masyado.  
 

"Nakakainis ka naman! Pabigla bigla eh! Sana sinabihan mo man lang ako hindi yung papalingunin mo lang ako sa camera tapos kuha na agad!" Ugh.
 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Yan na lang yung narinig ko mula sa kanya.  Tawang tawa siya dun sa itsura ko. -__-
 

"Hoy ano ba! Delete mo yan!" Sabi ko
 

"Ayoko nga! Iuupload ko 'to! HAHAHAHAHAHAHA" Jeric naman oh. Kaasar ka talaga. -__-
 

Napatigil ako ng may bumusina sa harap ko at may lumabas sa Passenger seat nung sasakyan. Si Mommy Teng! Ay mali, mali... Tita Susan na nga daw pala itawag ko sa kanya. Hahaha. 
 

"Oh, Andito ka pala Tasha!" Bati sa'kin ni Tita Susan. 
 

"Ah opo tita. Nanood po kami kanina. Sayang nga lang po talo sila Jeric" Sabi ko.
 

"Oo nga eh. Pero alam ko namang makakabawi sila!" Sabi sa'kin ni Tita Susan.
 

Pagkalingon ko kay Jeric, wala na siya. San nagpunta yun at ang bilis nawala? As usual, andun siya sa gitna ng mga fangirls, maraming nagpapapicture. Kailan kaya ako magiging ganyan? Hahaha joke lang syempre!
 

"Jeric! Tapos na ba?" Tanong ni Tita Susan.
 

"Pwede na po siguro yun. Paalis na rin po kasi yung Bus namin eh."

 
"Ah sige! Dun ka na lang sumabay sa kotse" Sabi ni Tita Susan.

"Okay Mom. Tasha, we need to go. Bye! See you in class!" Sagot ni Jeric. Teka teka, bakit parang may nasesense ako na kanina pa nakatingin sa'min? Fangirl din kaya?


"Ah sige," sabi ko na lang habang nagmamasid masid.  "Ingat po kayo!"


Pumasok na si Jeric sa sasakyan. Aba, pinakita pa sa'kin yung picture kanina habang nakangiti siya ng malaki. Pang-asar talaga eh.  

Nag-pout naman ako bilang sagot. Pout talaga eh? Joke.  Nag-bhelat na lang ako sa kanya. Hahaha. 

Wait lang.... yun ba yung kanina pa nakatingin sa'min?




Yung nandun sa second row ng sasakyan? 

Parang si.....

Si Jeron ba 'yun???????


 

JERON’s POV



“I’m not free today. Next time.”


That’s what Julianne said to me when I asked her for a date. Date nga ba? Pwede na rin. Pero gusto ko lang talaga siyang kausapin eh. Ang labo na kasi ng mga nangyayari. Gusto ko nang malaman kung paano naming maayos ‘to, kasi gusto ko na talagang maging okay kami. Pero ito namang si Julianne, hindi na naman siya pwede. Sige, magtitiis na lang ulit ako. All this time na lang. Sanay na sanay na ako.
 

Siyanga pala, we won our first 2 games sa UAAP. Sobra palang sarap sa feeling. Actually dapat may training daw kami ngayon eh, kaso binigyan kami ni Coach ng free time para makapag-relax ng konti. Wala na kasi talaga kaming pahinga this past few weeks. Halos bugbog na talaga yung dinadanas namin. Pero wala kang magagawa, athlete ka eh. Sanay na rin ako sa mga ganito kaya okay lang naman. Para din naman ‘to sa’kin eh, so kailangan talaga magtiis ka. 

"Okay then. I'll just see you around tsft, I guess?"



I waited for a reply pero wala akong nareceive. How frustrating.... 

"Bro, may training ka?" Tanong sa'kin ni Jeric. Nandito nga pala ako sa living room habang nanonood ng palabas na movie.

"Wala bro, bukas na daw ulit." Sagot ko.
 

"Oh. Ang ganda ng timing! Tara labas tayo!" Sabi sakin ni Jeric


Anong nakain nito at nagyaya siyang lumabas daw kami? Alam niyo namang palagi akong binubully niyan eh. Naks naman, nagbagong buhay na yata 'tong kuya ko...
 

"Bakit bigla kang nagyaya?"


"Wala lang. I just feel like going out today." Sagot niya. 


Sabagay, ako din naman gustong gustong lumabas. Sulitin na ang isang araw na walang training.  
 

"San tayo?" I asked.

"Pano ba yan bro? Panalo ulit ako!!!" Pagmamayabang sa'kin ni Jeric. Akala ko naman hindi na niya ulit ako iinisin! Mas lalo pa nga akong nainis eh. Badtrip! Kanina pa kasi ako talo dito sa nilalaro namin!
 

"Bahala ka nga diyan! Maglaro ka mag-isa kung gusto mo!" I told Jeric.  I went to the different side. Bahala siya diyan sa buhay niya. Nang-iinis eh.





JERIC's POV

Hahahaha! Itong si Jeron nag-walk out! Talo na naman kasi eh. Kailan ba siya nanalo sa'kin? Hahaha. At dahil umalis siya, I don't have a choice kundi maglaro mag-isa. Wait ang boring naman laruin nito kapag mag-isa ka lang. Makahanap nga ng ibang malalaro...

Papunta na ako dun sa mga Basketball arcade ng nadaan ako sa mga karaoke rooms. 

Teka.... 

Parang familiar yung girl ah?





Nilapitan ko yung booth at nakita ko na yung mukha nung girl. At oo, kilala ko nga. Kilalang kilala. 

JERON's POV 

Ang boring naman kapag mag-isa dito. Hahamunin ko nga 'tong si Jeric at nang tumigil na sa pang-iinis sa'kin. Mananalo na talaga ako this time! Pagkadating ko dun sa pinaglalaruan namin kanina, pero umalis na yata siya. Saan kaya nagpunta yun? Baka sa may Basketball? Itong game lang naman na 'to at yung Basketball yung gusto niya dito eh.

Papalakad na ako papunta doon ng makasalubong ko siya. Hindi ko alam pero nag-iba yung aura niya. Ang saya saya pa nga niya masyado kanina kasi natalo niya ako eh. Seryoso pa yung mukha niya. Ano kayang trip niya ngayon? 
 

"Ah bro, tara dun sa pinaglaruan natin kanina!"


"Wag na. Nakakasawa na yun. Tara pataasan tayo ng score doon sa Basketball!" Sabi ko. 


"Hindi... wag na tayong pumunta dun. Sira yung machine!"


"Anong sira? Bro, andaming machine dun. Pag sira yung isa, marami pang pwedeng magamit!" Sinabi ko sa kanya habang naglakad papunta sa may Basketball Area nang bigla niya akong hawakan sa braso para tigilan. 
 

"Ano bang problema...." Tatanungin ko pa sana kung bakit niya ba ako pinipigilan nang makakita ako ng dalawang taong naghahalikan habang naglalakad, at talagang naglalakad pa sa hallway ng karaoke booths kung saan kami nakapwesto ni Jeric. 

Napatigil ako nung namukhaan ko yung babae. 

Yung babae...

Napatingin sila sa amin nang malapit na sila. Napansin yata na may nakaharang sa daan.

Lumingon yung babae at...

Napatigil siya nung nakita niya ako.

Bakit ganito yung nararamdaman ko? Yung feeling na unti unti kang pinapatay at kinakain ng lupa. Bakit sa lahat pa ng babaeng makita kong nakikipaghalikan, siya pa?



Bakit siya pa?





Hindi na sana ako umimik pero hindi ko napigilan. "What are you two doing? And you, what are you doing here?" Yan na lang ang nasabi ko.

sino nga ba yung babaeng nakita ko at apektado ako masyado?




Sino nga ba?

Sino pa nga ba? Edi...

"Yung girlfriend ko; si Julianne."



Continue Reading