MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRL

By marphro24

15.5K 1.1K 191

Who is she? Or? What is she? This is a story of a girl who's hiding from her family. Why? Well let's figure i... More

PROLOGUE
MARPHRO'S NOTE
1st CHAPTER
2nd CHAPTER
3rd CHAPTER
5th CHAPTER
6th CHAPTER
7th CHAPTER
8th CHAPTER
9th CHAPTER
10th CHAPTER
11th CHAPTER
12th CHAPTER
13th CHAPTER
14th CHAPTER
15th CHAPTER
16th CHAPTER
17th CHAPTER
18th CHAPTER
19th CHAPTER
20th CHAPTER
21st CHAPTER
22nd CHAPTER
23rd CHAPTER
24th CHAPTER
25th CHAPTER
26th CHAPTER
27th CHAPTER
28th CHAPTER
29th CHAPTER
30TH CHAPTER
31st CHAPTER
32nd CHAPTER
33rd CHAPTER
34th CHAPTER
35th CHAPTER
36th CHAPTER
37th CHAPTER
38th CHAPTER
39th CHAPTER
40th CHAPTER
41st CHAPTER

4th CHAPTER

372 33 7
By marphro24

Amethyst's POV

We're now on the middle of the arena. The first round which is the elimination round will start any minute from now. I think this will be easy since its just an elimination. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagtunog ng mikropono.

"Hello mic test naririnig nyo ba ako?" Saad ng tao na may hawak ng mic. Maybe he'll be the emcee.

Rinig kita pre

"Okay? Okay na?" Saad nya ulit sa may mikropono.

Samu't-saring bulungan naman ang naririnig ko mula sa madla.

Bubuyog ba kayo?

"Simulan na natin ang unang pagsubok para sa palaro!" Sigaw nya. Pagkatapos ay pinatunog nila ang gong ng isang beses.

"Isa sa katangian ng isang magiting na tagapagtanggol ang pagiging mapag-obserba. Sa round na ito masusubok  ang kagalingan nyo sa pag-oobserba at pag-iisip. May ipapakitang limang iba't-ibang sitwasyon at may tanong na sasagutin. May mga pagpipilian para sa tamang sagot. Ang may sagot ng tama ang magkakaroon ng puntos. Ang mga taong makakakuha ng puntos na tatlo pataas ang syang pasok para sa ikalawang round." Mahabang paliwanag nito.

Maliwanag pa sa sikat ng papalubog na araw ang pagpapaliwanag nya ng unang round.

"Simulan na natin!" Pag-aanunsyo nya at sunod nanamang pinatunog ang gong na nasa gilid.

Sisirain ko yan

Binigyan ang bawat isa sa amin ng limang pirasong papel at panulat. Pinaupo rin kami sa mga upuan na kanina pa nakalagay roon. May isang metro ang layo ng bawat isa kaya't siguradong hindi ka makakakopya. Dahil nga ako ang pinakahuling nagpalista ay nasa pinakahuling upuan rin ako.

Save the best for the last daw.

"Unang sitwasyon..." saad nya at binuklat ang papel na bawak nya.

Naks may kodigo

"...binalak nyo na lusubin ang kampo ng inyong kaaway na kaharian ngunit nasa kalagitnaan palang kayo ng paglalakbay ng kayo ay tambangan ng naturang grupo. Dahil dito napagtanto ng inyong hari na may isang taksil sa inyong kaharian ngunit hindi nya matukoy kung sino ang taksil na ito. Sa tatlong pinaghihinalaan nya, sino sa tingin nyo ang taksil sakanila?" Mahabang saad nya.

"Ang una sa mga pinaghihinalaan nya ay ang punong mandirigma." Saad nya at lumabas sa kung saan ang isang lalaki na nagmukhang kawal dahil sa kasuotan nya. May nakasabit na espada at lalagyan sa kanyang bewang. Nakasuot rin sya ng metal na kasuotan at helmet. Kita ang simbolo ng kaharian na nakadikit sa kaliwang dibdib ng kanyang kasuotan.

Maaari ngang sya dahil mataas ang katungkulan nya. Alam nya ang bawat tangkang paglusob na magaganap at maaari nya lamang pahatiran ng sulat ang kabilang grupo upang malaman ang plano.

Ang tunay na mandirigma ay hindi takot masugatan.

"Pangalawa sa pagpipilian ang mensahero." Saad ulit ng tagapagsalita at lumabas ang isang lalaki na nakasalamin at mukha ngang mensahero. May mga hawak syang sobre at kung ano-ano pang mga papel. May panulat din sya na hawak sa kanang kamay.

Malaking tulong nga sa kabilang grupo ang espiyang mensahero pagkat marami silang malalaman galing dito. Ang bawat plano at pag-uusap ay dumaraan sa mensaherong ito.

"Ang pangatlo at pang-huling pinag-hihinalaan ng pinuno ay ang kanilang katiwala sa palasyo." Saad ulit ng emcee at lumabas ang isang babae na nakasuot ng unipormeng pang katulong.

Ang bawat kaganapan sa loob ng palasyo ay malalaman nya ngunit mukhang imposible kung pati ang mga plano ay malaman nya lalo na at isa syang tagapagsilbi sa palasyo.

"May limang minuto kayo upang obserbahan at pag-isipan kung sino sakanila ang maaring taksil. Pagkatapos ay isulat nyo ang inyong sagot sa papel. Ang limang minuto na ito ay magsisimula na ngayon." Saad nya ulit at tumunog nanaman ang gong na nasa gilid. Ibinaliktad din nila ang hour glass na nakapatong sa lamesa na malapit sa pwesto ng gong.

Pinagmasdan ko isa-isa ang mga tauhan na pinaghihinalaan ng hari. Kung ako ang pinuno ng nagpadala ng espiya, sa anong posisyon ko nararapat na ilagay ang espiya ko? Punong-kawal, mensahero, o tagapagsilbi?

Lahat sila ay may potensyal na maging espiya. Patuloy ko silang pinagmasdan hanggang sa mapansin ko ang isang bagay. Napangiti ako ng mapagtanto ko kung sino ang espiya. Sakto naman ang pagtunog ng gong at pagsasalita ng emcee.

"May isang minuto kayo para isulat ang inyong sagot." Saad ng emcee kaya dali-dali kong kinuha ang panulat at isinulat ang aking sagot.

Tagapagsilbi

Tumunog ang gong indikasyon na tapos na ang oras.

"Itaas ang inyong mga panulat." Saad ng emcee kaya ginawa namin ito tulad ng sabi nya. "Itaas ang inyong mga sagot." Saad ulit nito. Tumabi sakanya ang isang babae na may hila hilang board at chalk kung saan may numero nang nakasulat mula one hanggang fifty six. Ito marahil ang pagsusulatan nila ng score.

"Ang sagot ay ang tagapagsilbi, sya ang pinakamalapit sa kanilang pinuno at hindi masyadong mahahalata dahil sya ay babae at isang tagapagsilbi pa. Ang mga babanggitin kong numero ay ang mga nakakuha ng tamang sagot." Saad nya at naghanda ang katabi nyang babae.

"Number one, three, four, five, seven, ten, eleven, twelve, fourteen, fifteen, nineteen, twenty two, twenty five, twenty six, thirty, thirty two, thirty five, thirty eight, thirty nine, fourty one, fourty three, fourty six, fourty nine, fifty three, fifty four, and fifty six." Pagbanggit nya sa mga numero namin. Napangiti naman ako ng marinig ang numero ko.

"Wohhh ang galing mo ate Amethyst!!!" Sigaw ng kung sino sa mga manonood. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Maria na tumatalon talon at pumapalakpak pa. Napatingin naman ako sa tabi nya at nakitang kumpleto sila maliban kay Mark.

Lumingon ako sa kabilang parte ng arena kung saan kasalungat ng kinapwepwestuhan ng gong. Nakita ko doon ang grupo ng fightun. Hinanap ng mata ko kung nasaan sina Mark at ang mga kasama nya at nakita kong nasa harapan sila. Nang magtama ang tingin namin ni Mark ay ngumiti ito at sinenyasan ako ng thumbs up. Inirapan ko naman ito at nilingon ang iba pa nyang kasama sa harapan.

Rinig ko ang palakpakan ng mga tao pero tumigil din ito ng patigilin sila ng emcee at nagsabing mag-uumpisa na ang pangalawang sitwasyon. Umayos naman ako ng upo at nakinig at nagmasid ng mabuti.

Umabot na kami ng gabi at sa wari ko ay pasado alas syete na at malapit ng mag alas-otso.

Ang mga sitwasyon ay napakadali lang para sakin pero batid kong nahihirapan ang ilan sa mga katunggali ko lalo na sa huling sitwasyon na ibinigay nila.

"Sino sakanila ang tunay na bampira?" Ang huling tanong.

Ang una ay may maputing kutis. Hindi ko alam kung natural na ba itong maputi o may ginamit lang sila kaya sya maputi. Mukha syang walang dugo pero may bahid ng dugo sa labi nya na akala mo uminom ng dugo tulad ng bampira. Mayroon syang tila pangil sa kanyang ngipin.

Ang pangalawa ay may pangil ngunit may itim na mata, may normal na kulay na hindi gaano kaputi. May dugo rin ito sa gilid ng labi nya ngunit hindi masyadong halata. Simple lang ang damit na suot nya ngunit dahil sa pangil nya nagmukha syang bampira.

Ang huli ay may pulang mata at may pangil pa. Talagang pinagmukha nilang bampira. Nakasuot pa ito ng damit na itim na mas nagpamukhang bampira pa sakanya.

"Tulad ng dati ay may limang minuto kayo para mag-obserba at mag-isip ng sagot. Ang limang minuto na ito ay mag-uumpisa na ngayon." Saad nya at tumunog nanaman ang gong.

Isa isa ko ulit silang tinignan at pinagmasdan. Mula ulo hanggang paa nila ay pinasadahan ko ng tingin. Aaminin ko na medyo nahihirapan ako na tukuyin kung sino dapat ang bampira na ituro dahil sa mga kagamitan na ginamit nila. Lahat sila ay nagmumukhang bampira.

Tinitignan ko sila isa-isa nang magtama ang mata namin ng lalaking nasa gitna, ang pangalawang pagpipilian. Nagbigay sya ng ngisi kaya't napatingin ako sa kulay pula na  nasa gilid ng labi nya. Nagbigay ng masamang pakiramdam saakin ang ginawa nyang ito.

Parang may mali, hindi maganda.

Nagtititigan kami nang magsalita ang emcee at sinabing isulat na namin ang aming mga sagot. Dali dali kong isinulat ang sagot ko bago pa matapos ang oras.

Pangalawa

Pinatunog na ang gong hudyat na tapos na ang oras. Itinaas na namin ang mga aming mga sagot.

"Ang sagot ay ang pangalawa, ang isang bampira ay hindi basta-basta nagpapakilalang bampira. Si number fifty six lang ang nakakuha ng tamang sagot." Saad ng emcee at narinig ko naman ang bulungan ng mga tao.

"Ang galing nya."

"Ang pangatlo ang akala kong tamang sagot."

"Ako ay ang una."

"Hindi ako makapili kanina."

Samu't saring bulungan ang naririnig ko.

"Wohhh ang galing mo ate Amethyst!!!" Rinig ko namang sigaw ng mga kapatid ni Mark.

"Tulad ng sinabi kanina, ang mga nakapuntos lamang ng tatlo pataas ang makakapasok sa ikalawang pagsubok. Ito ay gaganapin bukas." Saad ng emcee kayat tumahimik sandali ang mga manonood.

"Ang dating bilang ng mga kalahok na 56 ay bumaba na sa bilang na 36. May isang nakakuha ng perpektong limang puntos at ito ay si number 56." Saad nya kaya't nagpalakpakan ang mga tao. Rinig na rinig ko naman ang hiyaw nila Maria at Marcos.

"May 12 naman na nakakuha ng apat na puntos at may 24 na nakakuha ng tatlong puntos. Sila ang mga sasali sa ikalawang round bukas. Ang ibang nakakuha ng puntos na dalawa pababa ay hindi na kasali sa laro." Nagpalakpakan ulit ang mga tao.

"Bukas, sa oras na 12:30pm, ang mga kalahok ay magtatagpo tagpo dito. Ang mahuhuling dumating sa takdang oras ay automatikong tanggal na sa palaro. Gaganapin bukas ang laro sa–" hindi nya naituloy ang sasabihin ng biglang may sumigaw na syang pumutol sakanya.

"IMPOSTOR ANG LALAKING NASA GITNA! PINATAY NYA ANG LALAKING DAPAT NA NAKATAYO DYAN NGAYON SA KINATATAYUAN NYA!" Sigaw ng isang babae habang nakaturo sa lalaking nasa gitna, ang pangalawang pinagpilian nakin kanina.

Naalarma ang lahat, mabilis na nagsikilos ang mga myembro ng fightun at tumakbo papalapit sa lalaki ngunit malayo sila sa kinaroroonan nito.

Ang lawak naman kasi ng arena.

Ngumisi saakin ang lalaki at nagtungo papunta saakin. Mabilis ang mga galaw nga kaya't sa isang iglap ay nasa harap ko na sya.

Isa syang tunay na bampira!

"AMETHYST!" Rinig kong sigaw ni Mark.

Inilapit ng lalaking ito saakin ang mukha nya. Inamoy nya ako, marahil ay sinusuri ako.

"Ikaw lamang ang nakapagsabing ako ay bampira..." bulong nito saakin "...masarap ang amoy ng iyong dugo, kakaiba, batid kong ikaw ay h-" bago pa man nya maituloy ang sasabihin nya ay mabilisan kong kinuha ang balisong sa aking buhok, na lagi kong dala, at isinaksak sa kanyang lalamunan.

Pumusisit ang dugo mula rito ngunit hindi tulad ng ordinaryong dugo. Ang sakanya ay pula na medyo maitim. Bumagsak ito sa lupa ngunit bago sya tuluyang mawalan ng buhay ay nagawa nya pa akong ngisian.

"Amethyst okay ka lang?" Tanong ni Mark ng makalapit sila. Tumango naman ako bilang sagot.

Agad nilang ininspeksyon ang bangkay ng bampira. Ilang saglit pa ay unti unti na itong naglaho at naging usok.

Itim ang mata nya at naging usok sya. Bakit ganon?

Ilang saglit pa ay may inilabas silang bangkay. Natatakluban ito ng puting tela ngunit alam kong ito ang naging biktima ng bampira.

"Pinapayuhan ang lahat na umuwi na. Siguraduhing sarado at nakakandado ang lahat ng inyong mga bintana at pintuan. Ang palaro ay itutuloy bukas ng alas dose a trenta." Saad ng emcee.

Lumapit sakin ang pamilya ni Mark na bakas ang pag-aalala.

"Iha ayos ka lang ba?" Tanong ni mang Melvin.

"Opo ayos lang." Saad ko kasabay ng pagtango.

"Kung gusto mo ay saamin ka na muna matulog ngayon. Delikado at mag-isa ka lang sa bahay na tinutuluyan mo." Saad naman ni aling Mercy.

Umiling naman ako bilang sagot. "Hindi na po, kaya ko ang sarili ko." Saad ko at inayos ang buhok ko. Pinunasan ko rin ang dugo na bumahid sa balisong ko bago ito inilagay ulit sa may buhok ko.

"Pero delikado po ate." Saad ni Maria pero nginitian ko lang sya.

"Kaya ko ang sarili ko." Saad ko at ipinatong ang kamay ko sa ulo nilang dalawa ni Marcos.

You'll be safe like what I've said.

Ginulo ko ang buhok nila at nginitian sila. Nagpaalam na akong mauuna at tumango naman sila.

"Amethyst ihahatid na kita, delikado." Saad ni Mark.

"Hindi na, kaya ko ang sarili ko. Sumama ka na sakanila sa pagroronda." Saad ko at naglakad na paalis.

Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko kasabay ng pag-mumuni muni ko.

Bakit may napadpad na bampira dito at bakit itim ang mata nya sa halip na pula?

Habang naglalakad ay kitang kita ko ang ilaw sa daanan. Napakagandang pag-masdan. Napakaganda ng lugar pero may problemang pinagdadaanan.

Ngayon alam ko na.

Ang fightun ay hindi basta basta grupo lang na pumuprotekta sa Heimta at mamamayan nito laban sa mababangis na hayop. Pino protektahan nila ito laban sa mababangis at delikadong nilalang.

Mas nadagdagan ang pagnanais ko na makasali sa grupo dahil sa nalaman ko.

Madami din akong mga naging kasabay sa paglalakad. Madami din ang dumaang vycar, yung weird na sasakyan nila. Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng tinitirhan kong bahay dahil sa malalim na pag-iisip ko.

Pagpasok ay sinara ko agad ang gate. Pumasok ako sa loob at nilock ang pintuan. Isinara ko na din ang mga bintana pagkatapos ay dumiretso sa kusina. Mabilisan akong nagluto dahil gutom na ako. Pagkatapos ko'ng kumain ay binuksan ko ang ref at kumuha ng tsokolate bago umakyat sa taas.

Saktong pagdating ko sa taas ay naubos ko na ang tsokolate na kinakain ko. Dumiretso ako sa kwarto na tinutulugan ko at naghanda na para matulog. Isinara ko ang pintuan at mga bintana. Binuksan ko ang lampara bago pinatay ang ilaw. Humiga ako sa kama para matulog na. Dala siguro ng pagod kaya't mabilis akong inantok.

"As I sleep peacefully, no one can harm me." Bulong ko sa hangin bago tuluyang natulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
●05/08/21/23:45●

~marphro24~

Continue Reading

You'll Also Like

Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 204K 52
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
7.6M 261K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
17.5M 657K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...