✅ OCOSAP Compilation: Poems a...

By val_gates

882 156 30

[Mark as Completed with Special Entries) OCOSAP Trilogy #1 - OCOSAP COMPILATIONS: Poems and Songs More

Poem #1 Hanggang Wakas(HW1)
Poem #2 Hanggang Wakas Parin(HW2)
Poem #3 Sinong pipiliin ko?
Poem #4 Walang Hangganan
Poem #5 Papel at Ballpen
Poem #6 Upang Pangarap, Ating Makamtan
Poem #8 Mahirap Gumawa ng Tula
Song #1 Ang Tropa kong Truepa
Poem #9 Kawalan
Poem #10 Magkasama Lang Tayo
Song #2 Mahal Kita
Poem #11 Ako
Poem #12- Tamang Panahon
Poem #13 Ang Propesiya
Song #3 Mag-aral na lang
Song #4 Kahit Na Panget Ka
OCOSAP Specials
OS #1 - Voiceless [Song]
OS#2 - Gusto Kita
OS#3- Pero Bakit
OS#4 - Hindi Pa Pwede
OS#5 - Imahinasyon
OS#6 - Marriane
OS#6 - Akala Ko

Poem #7 Lihim na Pagsinta

37 7 0
By val_gates

Lihim na Pagsinta

I

Ang lihim na pagsinta ko
Sa babaeng minamahal ko
Na itinago ko ng kaytagal na panahon na
Kaya ang tulang ito ay alay sa kanya.

II

'Di ko inaasahan, sa pagtuntong ko ng sekundarya
Kakaiba ang aking madarama
Na naramdaman ko ng 'di ko inaasahan
Na sa kanya ko unang naramdaman.

III

Kahit sa pagtulog at paggising ko
'Di siya maalis sa isipan ko
Pag-ibig ba ito o sadya ako'y humahanga
Sa isang babaeng katulad niya.

IV

Ilang beses kong pinag-isipan
Kung ano ba itong aking nararamdaman
Ano ba talaga ang tingin ko sa kanya
Isang kaibigan o may higit pa?

V

Sa ilang beses kong pag-iisip-isip, aking napagtanto
Pag-ibig nga nararamdaman ko
Pero kailangan ko 'tong itago
Kasi kapag sinabi ko, ma-reject lang ako.

VI

Mahirap itago sa kanya ang nararamdaman ko
Malapit lang siya, kabog sa aking dibdib ang nararamdaman ko
Ang puso ko'y parang sasabog na
Hanggang kailan ko ito maitatago sa kanya?

VII

Ilang buwan na ang nakaraaan
Pero parang isang araw lang ang nagdaan
'Pagkat oras ko'y tumitigil
'Pag nandyan s'ya, ang hirap magpigil.

VIII

Aking napagdesisyunang magtapat sa kanya
Aking pagkaduwag tatanggalin ko na
Salungat man sa gusto ko ang maging resulta
Tanggap ko nang 'di talaga kami, ako'y masaya na.

IX
Araw ngayon ng kaaarawan niya
Ito din ang araw ng pagtatapat sa kanya
Kinakabahan ako't di mapakali sa upuan
Walang akong pakialam kung ma-reject man.

X

Isang mensahe ang nasabi ko
Sa babaeng minamahal ko
"Kahit di mo man magustuhan ang regalo ko
'Di ka naman mawawala sa puso't isipan ko."

XI

'Di ko man direktang nasabi sa kanya Ang nararamdaman ko para sa kanya
At least bigat na nararamdaman ko sa aking puso ko
Ay naalis na, kontento na ako.

XII

Sabi ng iba ligawan ko s'ya
Pero di pa ako handa
Na sumabak sa pakikipagrelasyon na hindi ko kaya
Di pa ito ang panahon para sa aming dalawa.

XIII

Ngayong tumuntong na ako ng kolehiyo
Alam kong malalayo na ako sa 'yo
Pero 'di paring magbabago
Na mahal kita higit pa sa buhay ko.

XIV

Sa lahat ng bagay may tamang panahon
Kapag dumating ng araw na 'yon
Ang lihim kong pagsinta
Di na magiging lihim pa.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 277 190
Anthology/Book Of Poems Part 3
367 66 33
Isang koleksyon ng mga tula, 'di mawaring salita at damdaming 'di maipinta
28.4K 1.1K 101
I love writing poetries, that's why I made this section for my written works. Hope you enjoy reading! :)
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]