Poem #12- Tamang Panahon

31 6 0
                                    

[Eto na po ang UD. Sori po kung natagalan. Medyo nahihirapan na po kasi ako magsulat. Kahit gusto kong magpasa ng entry sa Aldub Songwriting contest. wala pa rin kasi pumasok sa utak ko. Kailangan lang siguro ng time. Dahil nakakamit daw yu sa Tamang Panahon. Kaya ito hinahandog ng OCOSAP Compilation #14 - Tamang Panahon!! Sana magustuhan nyo.]

Pag nasaktan ka ba at bumalik sya tatanggapin mo pa ba sya?? Magbabakasakali ka ba sa isang pangako na di ka naman sigurado??? Alamin..

---

Tamang Panahon

I

Ayoko nang umibig pa

Kung itong aking puso'y masasaktan pa

Tama na ang sakit sa unang pag-ibig

Ayoko nang umibig, puso ko ngayo'y manhid.

II

Sarado ang puso ko, may kandado

Wala kahit sinong makakapagbukas nito

Kahit na ikaw ay magpumilit dito

Dahil ako lang mismo ang susi para mabuksan ito.

III

Pag-ibig, wala nang puwang sa aking puso

Sapat na sa akin na nabubuhay ako dito sa mundo

Tinutupad ang mgay bagay na pinapangarap ko

Kahit walang pag-ibig, magtatagumpay ako.

IV

Tingnan mo ako ngayon

Kahit wala ka, ako'y masayang namuhay

Nakamit ang pangarap at nagtagumpay

Magsisisi ka ngayon kung bakit ako'y sinaktan mo noon.

V

Sa aming pagtatagpo, 'di ko inaasahan

Lahat ng sakit bumalik sa aking isipan

Nasampal ko sya nang hindi ko namamalayan

Isang sampal ng pusong nasaktan.

VI

Ako'y tumakbo ngunit ako'y kanyang pinigilan

Nagpumiglas ako ngunit ako'y kanyang hinalikan

Para akong isang tuod na 'di makagalaw sa aking kinatatayuan

Sa isang iglap ang sakit ay nawala nang hindi ko inaasahan.

VII

Isang halik na ngayon ko lang ulit natikman

Matagal na panahon na, nang ako'y kanyang hiniwalayan

Alam kong sa sarili ko na ako'y umaasa lamang

Na magkakabalikan kami dahil sa isang halik lang.

VIII

Alam kong hindi rin magtatagal ang halik na ito

Dahil lahat ng ito ay may katapusan

Isa itong halik ng pagpapaalam

Dahil kailanman, hindi ko na sya muli papasukin dito sa puso ko.

IX

Ako'y kanyang pinigilan sa ikalawang pagkakataon

Sinabi kong ako'y kanyang tigilan

Sa halip na ako'y kanyang pakinggan bagkus ako'y kanyang niyakap

At sinabing "Pinapangako kong hindi na kita sasaktan at paluluhain pa, di tulad noon."

X

Dapat ko bang buksan at tanggalin ang kandado ng puso ko?

Dapat ba akong magbakasakali kung hindi naman ako sigurado?

Kung hindi ko susubukan, walang mangyayari

Kung sya'y pakawalan ko, baka pagsisihan ko 'to hanggang sa huli.

XI

Binuksan ko muli sa kanya ang puso ko

Nawa'y di ko pagsisihan ang lahat ng ito

Nabakasakali ko sa isang pangako

Na hindi ko alam kung hindi ito mapapako.

XII

Hindi nga ako nagkamali na muli syang tanggapin

Dahil hindi napako ang pangako niya sa akin

Naging masaya ako sa kanyang piling

Mga nangyari sa nakaraan, aking nakalimutan na rin.

XIII

Sa tinagal-tagal rin ng panahon

Dumating na rin sa amin ang tamang panahon

Dumanas man ng sakit, ngunit napalitan naman ng saya

Aking napatunayang may poreber pala sa aming dalawa.

XIV

Marami mang milya ang aming tatahakin

Walang hadlang na makakapigil sa amin

'Wag lang magloloko ang lalaking ito sa akin

Baka may magawa ako sa kanya, 'pag hindi ako nakapagpigil.

[This is my second longest poem ever dahil ang number 1 ay yung una kong sinulat which is hanggang wakas at hanggang wakas parin.]


✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon