Poem #13 Ang Propesiya

28 7 0
                                    

[An: Nilagay ko lang dito yung nasa kwento kong tula]

Ang Propesiya

I

Isang planeta, dalawang katauhan

Isang mabuti, isang masama

Isang mabuting naghahari, nagdulot ng kaayusan

Isang masama, naghahangad ng kapangyarihan.

II

Nakasilamuha sa mabuti, itinago ang tunay na katauhan

Pagsugod pailalim, plano'y naisagawa

Paglitaw ng traydor, pagbagsak ng mabuti

Pagiging hari ng masama, paghihirap ng nakakarami.

III

Dalawang nakatakda, pag-asa ng nakararami

Apat na elemento, kanilang kokontrolin

Matalo ang masama, mabuti'y mangibabaw

Kapayapaan makakamit, magdudulot ng kaayusan.

IV

Paghahari ng nakatakda, pagbubukas ng bagong pahina

Bagong pamumuno, kanilang isasagawa

Pagpapalaganap ng mabuti, sa kanilang nasasakupan

Dulot sa lahat ay kaayusan at katiwasayan.

✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin