Poem #11 Ako

28 6 2
                                    

[AN:Ito po ang bagong ud ng ocosap compilation. Sana po magustuhan niyo. Salamat po sa pagbabasa, pag vote at paglagay sa library nito. Kung hindi po dahil sa inyo hindi po ito magkakarank sa poetry. Lubos po ako nagpapasalamat sa walang hanggang niyong pagsuporta. Muli, maraming salamat po ulit sa inyong lahat. Kung wala kayo, wala po rin ito.]

Ako

I

Sino ba talaga ako?

Parang 'di ko na kilala ang sarili ko

Pero sila kilala nila ako

Kung anong klaseng tao ako.

II

Ako daw yung tipong pikunin

Mahilig mamikon,

Madalas manggigil

Daig ko pa daw ang may pinaglalaban.

III

Ako rin daw yung taong ayaw malamangan

Pero once na kinailangan ang tulong ko, sarap batukan

Snob naman daw ako sa kanila

Ako daw ang taong 'di nila malilimutan.

IV

Magaling daw ako sa Math at Physics

Specialty ko raw ang makipagtalo sa teachers

Kapag sa palagay ko may mali sa statement at solution,

Takot na lang ng libro because questions must have answers.

V

Ako yung taong iyakin nung hayskul,

Yung tipong sa simpleng bagay ay iniiyakan ko,

Biktima ako ng bullying kaya naman sa pag-iyak ko naibubuhos ang aking nararamdaman,

Dahil hindi ako isang robot na walang pakiramdam.

VI

Sa pagtuntong ko ng kolehiyo,

Dito ko natagpuan ang mga tunay na kaibigan ko,

Kahit killjoy man ako minsan,

Dahil kahit di ko sabihin, alam na nila ang dahilan.

VII

Marami pa sana akong sasabihin

Kaso sa sobrang dami, 'di ko na tatalakayin,

Yan! Umiiral na naman ang pagiging killjoy ko,

Hayaan niyo na, sa susunod babawi ako.

[An: Sisingit uli ako, pabasa naman po ng Phronesis Academy, karakter po ako dun. My Fictional name on that story is Yuukimaru Kaichi. Sana po magustuhan niyo sya. Fantasy po ang genre nya. Salamat po uli sa pagbabasa. Comment na lang po kayo kung gusto niyo ng dedication. Nagmamahal, HaveYouSeenThisBoy28(Author).... ^_________________^ VV]





✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsWhere stories live. Discover now