Poem #5 Papel at Ballpen

45 9 0
                                    

[Dedicated to: Kuroru
Salamat po sa pagiging parte ko sa story niyo. Kahit hindi na sya available ngayon sa wattpad ay marami paring salamat at nabigyan ako ng opportunity na maging parte nun kahit panandalian lamang. At hoping na maibalik sya..
Salamat sa pagiging isa sa mga inspirasyon ko dito sa wattpad world
Kaya itong parte tong ay dedicated sa 'yo]
———
Papel at Ballpen

I

Ang papel at ballpen ko

Sila ang mga saksi sa buhay ko

Papel na sinusulatan ng pinagdadaanan ko

Ballpen na nagsilbing punyal para gumaan ang loob ko.

II

Tao rin naman akong katulad mo

'Di ako isang laruan na paglaruan mo

'Di mo ba alam nasasaktan ako

'Di ako isang robot  na manhid na katulad mo.

III

Iyak dito, iyak dyan

Para sakit sa aking puso'y maibsan

Sobrang hapdi 'pag ito'y naranasan

Ballpen at papel ko lang aking matatakbuhan.

IV

Sa bawat akdang nagagawa ko

Saya ang nararamdaman ko

Natatawa na lang ako sa mga nasusulat ko

Ganito pala ang nagagawa ng taong nasasaktan nang dahil sa 'yo.

V

Sa bawat araw na darating

Pagsubok aking malalampasan rin

Nang dahil sa kanila'y tagumpay aking makakamit

Mga bagay na 'di ko malilimutan man din.

✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsWhere stories live. Discover now