OS#3- Pero Bakit

9 3 0
                                    

[Ang tagal na rin pala. Sana magustuhan nyo ang bago kong orihinal na kanta. Expect nyo na pangbroken na naman]

Verse 1:

Mahal kita, ngunit hindi ko madama
Ang iyong pagmamahal na parang nanlamig na
pinipilit kong maging masaya kasi kapiling kita
Ngunit malakas ang aking pakiramdam na may iba ka na
At alam kong bibitaw ka na.

Chorus 1:

Pero bakit..
Hindi mo sinabi,
Kung ako ay iiwan mo rin
Pero bakit..
Hindi mo kayang sabihin,
Na wala na yung dati mong pagtingin
Para wala ng masaktan pa
At wala ng umasa pa..

Verse 2

Ang mga ngiti sa iyong labi ay hindi ko na makita
Wala na rin ang dating ningning sa iyong mga mata
Ano pa bang gagawin upang bumalik ang dating saya
Kung alam ko ng hindi na maibabalik pa
Sapagkat alam ko na rin na bibitaw ka na

Chorus 2:

Pero bakit..
Hindi mo masabi na hindi mo na ko mahal
Kung sa bandang huli ay iiwan mo rin naman
Pero bakit..
Hindi mo ako diretsuhin
Na hindi na maisasalba pa ang tayo
Para wala ng masaktan pa
At wala ng umasa pa.

Verse 3:

Ngayon, tapatin mo ko
Ano nga ba dahilan ng mga kinikilos mo
Para hindi na ko mag-isip ng kung ano-ano
Sabihin mong hindi tama ang sinasabi ng ibang tao
Na may iba ka na at hindi na ako..

Chorus 2:

Pero bakit..
Hindi mo masabi na hindi mo na ko mahal
Kung sa bandang huli ay iiwan mo rin naman
Pero bakit..
Hindi mo ko diretsuhin
Na hindi na maisasalba pa ang tayo
Para wala ng masaktan pa
At wala ng umasa pa.

Chorus 3:

Pero bakit hindi mo sinabing may iba ka na
Kung sa bandang huli iyon din naman ang pupuntahan
Wala rin naman akong magagawa kundi ang pakawalan ka
Dahil ang tayo ay wala na
at wala na itong patutunguhan pa..

✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum