Poem #8 Mahirap Gumawa ng Tula

43 7 0
                                    

++++

medyo natagalan ang ud.. na empty ksi mind ni author eto pang bawe ko..

Enjoy reading guyz!!!!

++++

Mahirap Gumawa ng Tula

I

Nakahiga ako sa aking higaan

Na may unan sa aking ulunan

Pilit pinupunan ang tigang kong isipan

Ng mga ideyang magpupuno sa aking tulang nasimulan

II

Bawat linya ng tula

Kailangan ng sipag at t'yaga

Kahit walang sukat basta may tugma

Para makabuo ng isang magandang katha.

III

Forever yata'y papatunayan nito

Dahil di matatapos-tapos ang tulang ito

Ewan ko ba kung bakit nagkaganito

Ideya'y nagkalabo-labo hanggang sa makatulog na ako.

IV

Nang magising ay umaga na

Nakatulugan na itong aking gawa

Tila nag-iisip kung itutuloy pa

Ito aking nasimulan man ding tula.

V

Napag-isip-isip na ituloy ang nasimulan

Tapusin na ito hanggang katapusan

Ang likhang maipagmamalaki ko sa sinuman

Dahil ilan lang sa atin ang may ganitong kakayahan.

VI

Mahirap man gumawa ng tula

Sulit naman kasi tapos na itong aking katha

Para itong pangarap na aking nakamtan

Na kasing ningning ng bituin sa kalangitan.


✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsWhere stories live. Discover now